You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Northwest Samar State University


Rueda St., Calbayog City 6710
Website: http//www.nwssu.edu.ph
Email: main@nwssu.edu.ph
Telefax: (055) 2093657
ISO 9001:2015 Certified
COLLEGE OF EDUCATION

PAGTUTURO NG FILIPINO SA
ELEMENTARYA
(MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA
FILIPINO - PRIMARYA)

Ipinasa ni:
SECO, PRIME ROSE V.
BEED 2B

Ipinasa kay:
LOURDES L. MATAN
Tagapagdaloy

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO III
Ni: SECO, PRIME ROSE V.
BEEd 2B

I. Layunin:
Matapos ang aralin na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

a. Napapaghambing ang mga bagay o pangyayari


b. Nasasabi ang dahilan ng pagkakaroon ng trapiko sa bansa.
c. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina sa bansa.

II. Paksang-aralin:
A. Paksa: Pangunahing Diwa ng Disiplina
B. Sanggunian: Ang Wikang Filipino 3
Akda ni Eloisa T. Taylo
C. Kagamitan: Aklat, Larawan

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral


upang pangunahan angpanalangin.)

(Tatayo ang lahat at mananalangin)

Panginoon, maraming salamat po sa


ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na
isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

2. Pagbati

Magandang araw mga bata!


Magandang araw din po ma’am!

3. Pagsasa-ayos ng silid-aralan
Pagtsek ng mga liban at
hindi lumiban na mag-aaral

Pakiayos muna ang inyong upuan sa tamang


kinalalagyan at pakipulot ng mga kalat sa
paligid bago kayo umupo.

(Magpupulot ng kalat sa loob ng klasrom


ang mga mag-aaral at mag-aayos na
mga upuan.)

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


Maaari na kayong umupo.

(Tatanungin ng guro ang pangulo ng klase)

Pangulo, mayroon bang lumiban sa ating


klase ngayong araw?
(Sasagot ang pangulo ng klase ayon sa
tanong.)

4. Balik-aral

Mga bata, ano ang paksa natin noong


nakaraang araw?
Ang paksa po natin noong nakaraang
araw guro ay tungkol po sa Mayamang
Wika ng Ating Diwa.

Mahusay! Tungkol saan naman ang tulang


inyong binasa?

Tungkol po sa FILIPINO.

Magaling! Kapag sinabing Filipino ito ay?

Ang ating pambansang wika.

Kapag Pilipino naman ay?

Mamamayang Pilipino.

Magaling!

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

(Ipakita sa klase ang mga larawan ng trapiko


sa Pilipinas.)

Anong masasabi ninyo sa mga larawan?

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


Guro! Mayroong trapik po; masikip po;
magulo po; nagbanggaan po.
Kanais-nais ba ang lagay ng lansangan?

Hindi po.
Mahusay!

Sa inyong palagay, ano ang pinagmumulan


ng trapik sa bansa?

Guro, ang unang larawan po ay masikip


na kalsada, at ang ikalawa po ay
maluwag ang daan.
(Ipakita ang larawan ng trapiko sa ibang
bansa.)

Sa palagay niyo? Saan ang bansa ang unang


larawan?

Sa Pilipinas po.
Ang ikalawang larawan?

Sa ibang bansa po.


Tama! Ang unang larawan ay sa Pilipinas at
ang ikalawa ay sa ibang bansa, sa Japan.

Sa inyong palagay, bakit magkaiba ng daloy


ng trapiko sa Pilipinas at sa Japan?

(Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng


mga mag-aaral.)
Magaling!

2. Paglalahad
Ngayon ay dadako na tayo sa susunod nating
aralin. Ang paksa ng ating aralin ngayon ay
pinamagatang "Pangunahing Diwa ng
Disiplina". Ngunit bago iyan, magbibigay
muna ako sa inyo ng isang gawain.

Mangyaring buksan ang inyong mga aklat at


buksan sa pahina 173.

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


(Bubuksan ng mga mag-aaral ang
kanilang mga aklat.)

a. Talasalitaan
Buksan ang aklat sa pahina 173
sagutan “Tuklasin Natin”

Nakahandusay
Pinaharurot
Kaskaserong Nakabulagta
Pagpito Mabilis na pinatakbo
Magbubulyawan Mabilis magpatakbo
Pagsilbato
b. Sa salitang trapiko, ano ang Nagsisigawan
pumapasok sa inyong isipan?

Maraming tao, nagmamadali, mainit na


pakiramdam, naiinip, mahuhuli sa
pagpasok sa eskwelahan o trabaho.
Mahusay ang inyong mga sagot!

3. Pagtatalakay
Ngayon, bago natin umpisahan ang talakayan
ay babasahin niyo muna ang isang sanaysay.
Maliwanag ba mga bata?

Mainam! Opo.
(Pagbasa sa sanaysay. Isangguni ang aklat
sa pahina 174-176 basahin ang sanaysay na
pinamagatang “Trapiko at Disiplina”.)

Ang sanaysay na inyong binasa ay (Magbabasa ang mga mag-aaral)


pinamagatang "Trapiko at Disiplina".

Ngayon ay sagutin ang mga sumusunod na


katanungan:

1. Bakit malaking suliranin sa ating bansa ang


mabigat na daloy ng trapiko?

1. Dahil nagkakaroon kadalasan ng


aksidente na nagdudulot ng matinding
trapiko na nagdudulot ng pagkahuli ng
2. Paano kaya malulunasan ng pamahalaan mga empleyado at mag-aaral sa
at ng mamamayan ang problema ng trapiko kanilang pagpasok.
sa bansa?

2. Sa pagkakaroon ng disiplina ng bawat


3. Bigyang kahulugan ang mahalagang isa, malulunasan ang matinding trapik na
mensahe o kaisipang nais iparating sa binasa.

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


nararanasan ng bansa.

3. Ang mensahe na nais iparating sa


binasa naming sanaysay ay,
kinakailangang magkaroon ng disiplina

4. Kung ikaw ay kaisa sa mga kamag-anak ng ang bawat isa sa atin upang malunasan
lalakeng naaksidente, ano ang ang problemang kinakaharap ng ating
maramramdam? bansa.

5. Naranasan mo na ba ang isa sa mga 4. Malulungkot at maiinis sapagkat


pangyayaring nabanggit? Ilahad ito sa klase. walang disiplina ang umiiral aa ating
bansa.

Mahuhusay! Binabati ko kayo sa inyong


maalam na pagsagot sa mga katanungan.
5. Opo, dahil......
Tunay ngang alam niyo na ang kahalagahan
ng disiplina.

Sa kabilang banda, ang teksto na inyong


binasa ay isang sanaysay.

Tatalakayin natin ngayon ang kahulugan ng


sanaysay at sabay-sabay nating basahin ang
kahulugan nito.

Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon


na may tiyak na paksa at tema. Ang sanaysay
ay karaniwang pagpapahayag ng
interpretasyon o opinion hinggil sa tinatalakay
na paksa.
Ang sanaysay ay isang maikling
Ngayon, ang inyong binasa kanina na may komposisyon na may tiyak na paksa at
pamagat na "Trapiko at disiplina" ay isang uri tema. Ang sanaysay ay karaniwang
ng anong teksto? pagpapahayag ng interpretasyon o
opinion hinggil sa tinatalakay na paksa.

Magaling!

Bakit ninyo nasabing sanaysay mga ito?


Sanaysay po guro.

Siyang tunay!

Masasabi ngang sanaysay ang isang Sapagkat ito po ay nagsasaad na may


babasahin kapag ito ay nagsasaad ng may tiyak na paksa.
tiyak na paksa.

Ano naman ang paksa sa sanaysay na inyong


binasa kanina?

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


Tumpak!

Guro! Trapiko at disiplina po.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat

Ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng


trapiko sa bansa?
Walang disiplina, hindi pagtawid sa
tamang tawiran, hindi pagsunod sa batas
trapiko/lansangan.

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng disiplina sa


bansa? Bakit?

Opo. Upang magkaroon ng maayos na


pamumuhay.

Ang gagaling ninyong lahat sumagot!

(Ipakikita muli ang larawan ng lansangan sa


Pilipinas at sa ibang bansa.)

Wala po.

May disiplina ba ang mga mamamayan sa


ibang bansa batay sa larawang inyong
nakikita?
Opo.

2. Paglalapat

(Isangguni ang aklat sa pahina


178 at sagutan ang mga tanong sa

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


Timbangin natin.)

1. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong


sa paglutas sa problema sa trapiko mg ating
bansa?

1. Sa pagtawid po sa tamang tawiran.

2. Ano ang maipapayo mo sa mga taong


tumatawid sa maling tawiran?

2. Dapat silang tumawid sa tamang


tawiran dahil maaari silang
mapahamak.
3. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga
sa mga batas tungkol sa daloy ng kaayusan
sa kalsada.

3. Sa pagrespesto at pagsunod sa
bantay-trapikong nagpapanatili na
nagpapanatili ng batas tungkol sa daloy
ng kaayusan sa lansangan.
Mahusay! Mga bata, dapat nating tandaan na
ang kakulangan sa disiplina sa trapiko sa
ating bansa ay para na ring sumasalamin sa
ating pagkatao. Kaya isaisip natin sa lahat ng
oras ang mga tamang gawi at disiplina na
natutunan niyo sa inyong mga tahanan at
maging dito sa paaralan.

IV. Pagtataya:
Tukuyin kung ang sumusonod na nalarawan ay nagpapakita ng disiplina. Iguhit ang
kung ang larawan ay nagpapakita ng disiplina at kung walang disiplina.

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


V. Takdang-Aralin:
Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa problema sa trapik dito sa ating bansa at kung
paano ito masusulosyunan sa pamamagitan ng disiplina.

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA


May disiplina ba ang mga mamamayan sa Pilipinas batay sa larawang inyong nakikita?

CC4| PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA

You might also like