You are on page 1of 9

PEDRO BAQUIAO

School: MEMORIAL ELEMENTARY Grade Level: VI


SCHOOL
DAILY LESSON Araling
Teacher: MARK ALJON F. ORCEO Learning Area:
PLAN Panlipunan
Teaching
March 15, 2023 IKATLONG
Date and Quarter:
8:45-9:25 am MARKAHAN
Time:

DETAILED LESSON PLAN


I. OBJECTIVES
A. Pamantayang
Pangnilalaman Ang mag-aaral ay maunawaan at pagpapahalaga sa pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo
(Content sa pagtugon sa mga suliranin, isyu at hamon ng kasarinlan.
Standards)

B. Pamantayan sa
Pagganap Ang mag-aaral ay malaman ang mga kontribosyon ng mga nagpunyaging mga Pilipino sa
(Performance pagkamit ng ganap na kalayaan at hamon ng kasarinlan.
Standards)
C. Mga kasanayan
sa Pagkatuto Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng ibat-ibang administrasyon sa pagtugon
(Learning sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972.
Competencies)
1. Nalalaman ang mga patakaran at programa ni Pangulong Carlos P. Garcia
2. Natutukoy ang mga patakaran at programa ni Pangulong Carlos P. Garcia
3. Naisasabuhay ang mga patakaran at programa ni Pangulong Carlos P. Garcia

Mga Patakaran at Programa ni Pangulong Carlos P. Garcia


II. NILALAMAN
(Marso 17, 1957- Disyemre 30, 1961)
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. SANGGUNIAN Araling Panlipunan Ikatlong Markahan-Modyul 4
1. Mga pahina sa
gabay ng guro.
(Teacher’s Guide
pages)
2. Mga pahina sa
kagamitang pang -
mag-aaral.
(Learner’s Materials
pages)
3. Mga pahina sa
Teksbuk.
(Textbook pages)
4. Karagdagang
kagamitan mula sa Mga larawan, PowerPoint Presentation
portal ng Learning
resources.
(Additional
Materials from
Learning Resource
(LR) portal)
B. Iba pang
Kagamitang
Panturo
(Other Learning
Resources)
Pagpapahalaga Pagiging Makabayan!
IV. Teacher’s Activity Pupils’ Activity
PAMAMARAAN
A. Pangunahing Panalangin
Gawain
Maari bang tumayo ang lahat para sa ating
panalangin? Ezekiel, maari mo ba
pangunahin ang ating panalangin? Tumayo ang mga mag aaral.

Bago ang lahat ipikit muna natin ang ating


mga mata at iyuko ang ating ulo, sa ngalan
ng Ama, Anak at Ispirito santo…..
Panalangin
Pagbati

Magandang Umaga mga Bata!


Magandang Umaga din po Ma’am.
Bago, maupo maari muna ba kayo
tumingin sa ilalim ng inyong mga upuan at
lamesa, at tingnan kung ito ay may kalat at
damputin ito at itapon ito sa basurahan.
Sumunod ang mga mag aaral.
Pag tala ng liban sa klase

Base sa inyong kinauupuan ay walang


liban sa klase, ako ay nagagalak dahil
walang liban sa klase, maari ninyo bang
bigyan ng wow clap ang bawat isa.
Sumunod ang mga mag aaral (wow clap)

B. Balik-aral sa
nakaraang Bago tayo tumungo sa ating bagong aralin,
aralin/Pagsimula ng tungkol saan na nga ang ating aralin
aralin nakaraang araw?
Patungkol po sa mga pangunahing suliranin
at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula
1946 hanggang 1971.

Magaling!

Sige nga kung talagang may natutunan


kayo sa ating nakaraang aralin, magbigay
ng mga suliranin at hamon na kinaharap ng
mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972?
Sir, pagbagsak ng ekonomiya!
Magaling, ano pa?
Kaubosan ng pagkain!
Mahusay!

Talaga ngang naintindihan ninyo ang ating


aralin nakaraan araw!

May mga katanongan paba kayo tungkol sa


ating nakalipas na aralin?
Wala napo Sir!
Kung gayon tayo ay tutungo nasa ating
bagong aralin!

Handa naba kayong matutung muli mga


bata?
Opo!

C. Paghahabi ng
aralin Mayroon akong ipapakita sa inyong
larawan at sabihin sa akin kung sino sya.

Sino kaya ang nasa larawan? Kilala nyu ba


sya?
Sya po si Pangulong Carlos P. Garcia!
Mahusay!

D. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa Sino nga ba si Pangulong Carlos Polestico
bagong aralin Garcia?
Si Carlos Polestico Garcia ay isinilang
noong Nobyembre 4, 1896 sa lungsod ng
Talibon, Bohol. Nag-aral siya sa Siliman
University sa lungsod ng Dumaguete at
nagtapos ng abogasya sa Philippine Law
School noong 1922 sa Maynila. Naging
abogado at guro. Pinasok niya ang politika
noong 1926 bilang mambabatas na kaanib
sa kapulungan ng mga kinatawan at
naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay
naging Gobernador ng Bohol mula 1932
hanggang 1942 at naging miyembro ng
Senado mula 1942 hanggang 1943. Noong
ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-
1945) lumaban siya sa pananakop sa mga
Hapon bilang gerilya na nakabase sa Bohol.

Kalian isinilang si Carlos P. Garcia?


Nobyembre 4, 1896!
Tama!

Saan naman sya isinilang?


Lungsod ng Talibon, Bohol!
Mahusay!

Saan sya nag-aral?


Nag-aral siya sa Siliman University sa
lungsod ng Dumaguete at nagtapos ng
abogasya sa Philippine Law School noong
1922 sa Maynila
Magaling!

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Ating Suriin!
paglalahad ng
bagong kasanayan # Pakibasa nga mga bata!
I.
Sa pagkamatay ni Ramon Magsaysay, ang
pumalit sa kanyang posisyon ay ang
kanyang Pangalawang Pangulo na si Carlos
P. Garcia. Pinagpatuloy niya ang mga
programa ni Magsaysay sa loob ng walong
buwan. Nanalo siya bilang Pangulo sa
ginanap na halalan noong 1957.

Kilala si Pangulong Carlos P. Garcia sa


pagpapairal ng patakarang "Pilipino Muna"
na humihikayat sa mga mamamayang
Pilipino na tangkilikin ang mga produktong
gawa sa ating bansa o sariling atin.

Binigyang pansin ni Pangulong Garcia ang


pagtitipid o Austerity Program. Layunin
nito na maging matipid sa paggasta ang
pamahalaan upang makapagbigay na
mabuting serbisyo sa mga mamamayan.

Ipinatupad din niya ang patakarang Filipino


Retailer's Fund Act (1955) na
nagpapautang sa maliliit na negosyanteng
Pilipino.

Sa kanyang administrasyon, ipinatupad ang


NAMARCO Act (National Marketing
Corporation) na nagbibigay puhunan sa
maliit na mangangalakal na Pilipino.

Sa kanyang panunungkulan nabuo ang


samahang panrehiyon na Association of
Southeast Asia (ASA) na pumalit sa
Southeast Asian Treaty Organzation
(SEATO) ni pangulong Magsaysay.
Layunin nitong pag-isahin at pagbuklurin
ang mga kaanib na bansa sa pagutulungan
pangkabuhayan at pangkultura.

Binigyang halaga rin niya ang kulturang


Pilipno at ang pagdaraos ng taunang
Republic Cultural Heritage Award at
pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas.

Ilan sa mga suliranin na kinaharap ng


kanyang administrasyon at binigyan niya
ng solusyon ay ang mga sumusunod,
kawalan ng hanapbuhay, kakulangan sa
pagkain, pagtaas ng sahod, pabahay at
pagpapaunlad sa pagsasaka.
Maraming salamat!

F. Pagtalakay ng
bagong konsepto at Isaisip!
paglalahad ng
bagong kasanayan Maraming patakaran at programang
# II. ipinatupad si Pangulong Carlos P. Garcia
na nakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ilan
sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Pakibasa nga mga bata!


 Inilunsad ang Austerity Program
 Pinairal ang patakarang "Pilipino
Muna"
 Nakiisa sa pagbuo ng Association
of Southeast Asia
 Pinatupad ang patakarang "Filipino
Retailer's Fund Act (1955)
 Pagbabagong sigla ng kultura
 Nagpapautang sa maliliit na
mangangalakal sa pamamagitan
NAMARCO (National Marketing
Corporation)
Salamat!

G. Paglinang sa
kabihasnan (Tungo PANGKATANG GAWAIN!
sa Formative
Assessment) UNANG GRUPO

 Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang pagtitipid? Magtala ng limang


mabubuting epekto ng pagtitipid sa ating buhay o sa iba pang aspeto. Isulat ang
inyong sagot sa sagutang papel.

PANGALAWANG GRUPO

Panuto: Tingnan ang mga kaisipan sa HANAY A at isulat ang nalalaman sa katumbas na
kahon na nasa HANAY B. gawin ito sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

Austerity Program

Pilipino Muna

NAMARCO Act

Pagbabagong Sigla ng
Kultura

ASA (Association of
Southeast Asia)

H. Paglalapat ng
aralin sa pang Ngayon mga bata, marami ba kayong
araw-araw na natutunan ngayong umaga sa ating mga
buhay tinalakay?
Opo Sir!
Ano-ano ang mga yon?
Natutunan kopo ang kahalagahan ng
pagtitipid!
Mahusay!

Ano pa?
Pagtutulongan sa oras ng kagipitan!
Magaling!

I. Paglalahat ng
aralin Ano-ano na nga ang mga patakaran at
programang ipinatupad ni Pangulong
Carlos P. Garcia?
Sir ito po…

 Inilunsad ang Austerity Program


 Pinairal ang patakarang "Pilipino
Muna"
 Nakiisa sa pagbuo ng Association
of Southeast Asia
 Pinatupad ang patakarang "Filipino
Retailer's Fund Act (1955)
 Pagbabagong sigla ng kultura
 Nagpapautang sa maliliit na
mangangalakal sa pamamagitan
NAMARCO (National Marketing
Corporation)
Magaling!

Ano na nga kapag sinabi nating Austerity


Program?
Sir, layunin nito na maging matipid sa
paggasta ang pamahalaan upang
makapagbigay ng mabuting serbisyo sa
mga mamamayan.
Tumpak!

Ano naman kapag sinabi nating “Pilipino


Muna”?
Paghikayat sa mga mamamayang Pilipino
na tangkilikin ang mga produktong gawa sa
ating bansa.
Magaling!

May mga katanongan paba kayo tungkol sa


mga patakaran at programang ipinatupad ni
Pangulong Carlos P. Garcia?
Wala napo Sir!
Kung gayon akoy natutuwa, at mag handa
na para sa ating pag-susulit.
J. Pagtataya ng Para sa inyong karagdagang gawain, maaari mo bang basahin ang ating panuto.
Aralin
Panuto:Tukuyin at piliin ang sagot sa loob ng kahon na naaayon sa tanong!

Nobyembre 4, 1896 Lungsod ng Talibon, Bohol “Pilipino Muna”

Austerity Program Filipino Retailer’s Fund A ct (1955) NAMARCO Act

ASA Republic Cultural Heritage Award 1926-1932 1932-1942

1. Pagiging matipid sa paggasta ang pamahalaan upang makapagbigay ng mabuting


serbisyo sa mga mamamayan.________________
2. Pagtangkilik sa produktong gawa sa atin. _________________
3. Taon ng kapanganakan ni Pangulong Carlos Polestico Garcia. ____________
4. Pag-isahin at pagbuklurin ang mga kaanib na mga bansa para sa pangkabuhayan
at pangkultura. _____________
5. Pagbibigay puhuna sa maliit na mangangalakal na Pilipino. ____________
6. Lugar ng kapanganakan ni Pangulong Carlos Polestico Garcia. ___________
7. Pagpapautang sa maliliit na negosyanteng Pilipino. ______________
8. Pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas. ____________
9. Taon ng pag pasok ni Pangulong Garcia sa bilang mambabatas. ___________
10. Taon na naging Gobernador si Garcia sa Bohol. ___________

Mga tamang sagot!

1. Austerity Program
2. “Pilipino Muna”
3. Nobyembre 4, 1896
4. ASA
5. NAMARCO Act
6. Lungsod ng Talibon, Bohol
7. Filipino Retailer’s Fund Act (1955)
8. Republic Cultural Heritage Award
9. 1926-1932
10. 1932-1942

Ipasa sa harapan ang papel. Kunin ang inyong Assignment Notebook at kopyahin ang
nakasulat sa TV.
K. Karagdagang
gawain para sa Para sa ating takdang aralin:
takdang aralin
Ipaliwanag!
Panuto: ipaliwanag ang tanong sa ibaba.
Isulat ang sagot sa papel.

Sa mga programa ni Pangulong Garcia, alin


sa palagay mo ang angkop na ipagpatuloy
sa ating kasalukuyang panahon.
Ipaliwanag.

Paalam na mga bata!


Paalam din po Sir Gerald!
Ingat kayo sa inyong pag-uwi!
Opo

Inihanda ni:

MARK ALJON F. ORCEO


Student-teacher

Iniwasto ni:

DORCAS MILANI V. LAPIAN


Cooperating Teacher

You might also like