You are on page 1of 11

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION

CSTC College of Sciences Technology


Paaralan Baitang/Antas Grade 8
and Communication, Inc.
Guro Charmaine L. Cabutihan Asignatura Araling Panlipunan
MASUSING Ikalawang Markahan
Petsa February 19, 2024 Markahan Ikalawang Linggo
BANGHAY
ARALIN Oras 50 MINUTO Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa naging
transpormasyon tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa
A. Pamantayang Pangnilalaman
daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa agham, politika, at
ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan.
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa
B. Pamantayan sa Pagganap kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo sa makabagong panahon.
Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Enlightenment at Industriyal.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
a. natutukoy ang mga kaganapan, dahilan at epekto ng Rebolusyong
Siyentipiko.
D. Enabling Competencies/ Mga Layunin b. nakapagbabahagi ng kanya-kanyang saloobin hinggil sa mga pangyayari at
epekto ng Enlightenment sa pamamagitan ng valuing questions.
c. nakagagawa ng discussion web tungkol sa pangyayari sa Rebolusyong
Siyentipiko at Enlightenment.

II. NILALAMAN Kontribusyon ng Kabihasnang Romano


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat (Manwal ng Guro) III. 2012. pp. 96, 103.
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag- Aral Pan.Modyul 2 pahina 342-347 Week 4
aaral
Blando, Rosemarie C et al., (2014). Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 –
c. Mga Pahina sa Teksbuk Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).
Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) III. 2012
d. Karagdagang Kagamitan mula sa portal
pp. 250-259
ng Learning Resource
Powerpoint presentation, laptop, recitation card, lapel at
B. Iba pang Kagamitang Panturo
improvised instructional materials
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Panimulang Gawain
 Pambungad na Panalangin

Magsitayo ang lahat.


(Magsisitayo ang mga mag-aaral)
Pangunahan mo ang ating pambungad na
panalangin,
(Nakatayo, at nanalangin)
●Pagbati

Magandang Umaga Grade eight Students!

Magandang Umaga rin po!


Kamusta naman ang inyong araw? Naging
maganda ba ang araw niyo?

Naging maganda naman po Ma’am,


nagkaroon ng masayang araw kasama
Masaya akong malaman na mabuti ang po ang aming pamilya.
lahat. Dalangin ko na magpatuloy ang
masasayang araw ninyong lahat.

●Pagtatala ng Liban

Kalihim, may liban ba ngayon sa ating


klase?

Mahusay kung ganun. Nakakatuwa namang “Wala po, Ma’am”


marinig iyan, nawa ay magpatuloy ang
ganyang tala ng liban.

●Pamamahala ng Silid-aralan
Mahusay! Bago magsiupo ang lahat ay nais
kong pakipulot niyo muna ang lahat ng
nakikita niyong piraso ng papel o plastic sa
inyong ibaba o sa ilalim ng mga upuan at
mamaya pagkatapos ng klase ay pakitapon
sa tamang basurahan sa labas. Kung wala
namang kalat sa harapan niyo ay maaari
pakiayos naman ng inyong mga upuan at
magsiupo na ang lahat.
(Magsisiupo na ang mga mag-aaral
pagkatapos pulutin ang basura at
mag-ayos ng mga kaniya kaniyang
upuan)
Magagaling! Ngayon mga bata, lagi nating
tandaan ang ating tatlong mahahalagang
alintuntunin kapag tayo ay nag aaral.

1. Manahimik
2. Makinig
3. Tumingin
(Nakikinig nang mabuti ang mga bata
habang ginagaya ang ginagawa ng
guro)
Naunawaan ba ang ating rules?

Kung gayun, pakiulit. Opo!

Manahimik, Makinig at Tumingin


(Inulit ang tinurong alintuntunin ng
Mahuhusay tunay bang naunawaan ang guro)
ating mga alintuntunin, mga dapat tandaan
habang tayo ay nag aaral?

Opo!
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Muli, ako ay lubhang natutuwa na kumpleto
pagsisimula ng bagong aralin kayo ngayon sa ating klase. At ngayon bago
pasimulan ang ating aralin ay balikan muna
natin ang nakaraang talakayan. Aalamin
natin kung tunay ngang, kayo ay may
natutunan kahapon.

Kung gayun ay magsimula na tayo


(Nagsimula na ang palaro)
(Nagsimula nang magbalik aral ang
mga mag-aaral
Tunay ngang natuto kayo sa nakaraan nating
talakayan. Kung kaya, bigyan niyo ng
limang palakpak ang inyong sarili.

B. Development Phase

1. Motibasyon Bago natin simulan ang ating sunod na


aralin may gagawin muna tayong isang
aktibidad. Sa aktibidad na ito ang may
ipapakita akong jumbled words na kailangan
niyong tukuyin kung ano ito. Ang unang
mag-aaral na makakabuo ng mga salita ay
may karagdagang dalawang puntos sa
kanilang recitation card mamaya. Sa
aktibidad na Jumbled Letters kailangan
ninyong ayusin ang mga letra upang
makabuo ng salita na kaugnay sa ating
tatalakayin. Naintindihan ba ang gagawin?
Opo!
Maaari na ninyong simulan. (Paggawa ng mgaa estudyante sa
aktibidad)
Yes ____, ano ang inyong nabuong salita?
Rebolusyong Siyentipiko po.
Mahusay! Dahil si____, ang unang nakabuo
ng jumbled letters sila ang may plus two sa
recitation mamaya

2. Aktibiti Constructivism Approach – 5 minutes

Para sa ating paunang aktibidad ay


magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Igugrupo ko kayo sa apat. Pagkatapos ay
mayroon akong ipakikitang mga larawan ng
tao na huhulaan niyo kung sino sila at ano
ang natuklasang bagong kaalaman nila. Ito
ay tatawagin nating “Ipakita mo ang Tunay
na Ako!” Upang mas lubos na maunawaan
narito ang Mechanics.

Gawain: “Ipakita mo ang Tunay na Ako!”

Mekaniks:
• Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
• Ang bawat pangkat ay bibigyan ng guro
ng manila paper na naglalaman ng mga
larawan.
• Ang bawat larawan ay tutukuyin niyo
kung sino at ano ang natuklasang bagong
kaalaman nila.
• Pumili ng isa hanggang dalawang
Representatib na magpapaliwanag ng
kanilang ginawa.
• Mayroon lamang kayong tatlong (3)
minute para gawin ang aktibidad.
• Ang grupo na makakakuha ng
pinakamaraming puntos ang sivang
mananalo.

Naunawaan ba ang mekaniks?


Opo, Ma’am!
Mga Larawan:

2. Analisis

Sa puntong ito, nagkakaroon na ba kayo ng


ideya sa maaari nating talakayin ngayon?
Opo, Ginang!

Magaling! Kung gayon, magbigay kayo ng


inyong ideya sa maaari nating tatalakayin .
Ang tatalakayin po natin sa araw na
ito ay tungkol sa mga siyentipiko.

Tama! Yan ang atimg tatalakayin ang


tungkol sa siyentipiko. Gayundin ay
tatalakayin natin ang pangyayari sa panahon
ng Enlightenment. Ano nga muli ang
salitang nabuo kanina?
Rebolusyong Siyentipko po.
Kapag naririnig ninyo ang salitang
Rebolusyon ano ang unang pumapasok sa
isip ninyo?
Pagbabago po.
Tama! Kapag naman Siyentipiko ano ang
naiisip ninyo?
Scientia po.
Magaling! Kapag sninabing scientia, ano ba
ito?
Isa po siyang salitang latin na
nangangahulugang Kaalaman.
Tama! So kapag pinagsama nating ang
dalawang salita na naiugnay ninyo sa
Rebolusyong Siyentipiko ano ang nabuo
ninyo?
Pagbabago sa kaalaman po.
Tama! Dahil ang rebolusyong siyetipiko ay
tumutukoy sa panahon kung saan nagkaroon
ng maalawakang pagbabago sa pag-iisip at
paniniwala ng mga tao na nagsimula sa
kalagitnaan ng ika-16 at 17 siglo. Noong
panahong Medieval saan nakabatay ang
Yung paniniwala po nila ay
paniniwala ng mga tao?
nakabatay lamang sa pag-aaral ng
mga Kristiyano aat pilosopiya ni
Aristotle.

Magaling, ngunit noong dumating ang


panahon ng Rebolusyong Siyentipiko
nagsimula ang panahon ng pagsisiyasat sa
pamamagitan ng eksperimento bunga ng
pagmamasid sa sansinukuban. Humina din
at nabawasan ang impluwensya ng simbahan
sa buhay at kaisipan ng mga tao, sa anong
kadahilanan? Dahil po sa paglalathala ng mga
bagong tuklas na kaalaman.

Tama, sa paglalathala nito nagkaroon ang


mga tao ng kaalaman ukol sa sansinukob at
nahati ang kanilang paniniwala. May
dalawang teorya noon ukol sa paniniwala sa
sansinukob, may larawan akong ipapakita sa
inyo. Ayon sa larawan ano ang Teoryang Teoryang Geocentric at Heliocentric
Geocentric? po.

Tama! Ano ang sinasabi sa Teoryang


Geicentric?

Sinasabi po sa Teoryang ito na ang


daigdig ang sentro ng kalawakan at
ang heavenly body ay umiikot dito sa
pabilog na pagkilos.
Mahusay, sino ang bumuo sa Teoryang ito? Si Claudius Ptolemy po.

Tama, ito si Claudius Ptolemy, kasama ni


Ptolemy ay si Aristotle kung saan sinasabi ni
Aristotle na Malaki daw ang pagkakaiba ng
komposisyon ng daigdig sa kalangitan. Ano
daw ang bumubuo sa kalawakan?

Ayon po kay Aristotle ang kalangitan


ay binubuo ng puro at espiritwal na
elementong tinatawag na ether.

Magaling, ito naman si Aristotle. Ano


naman daw ang bumubuo sa Daigdig?

Ang daigdig ay binubuo ng apat na


elemento ang lupa, tubig, apoy at
hangin.

Mahusay! Ngunit iba naman ang sinasabi ni


Nicolaus Copernicus sa Teorya niyang
Heliocentric. Ano ba ang sinasabi sa
Teoryang ito? Sinasabi sa Teoryang ito na ang araw
ang sentro ng kalawakaan at ang
daigdig ay umiikot sa paligid nito.
Tama! At ito naman si Copernicus. Bukod
doon binigyang diin din niya na ang mundo
ay bilog taliwas sa naunang paniniwala na Nicolaus Copernicus
ito ay patag. Ano pa ang isang ideya ni
Copernicus?

Ang mundo daw po ayon sa kanya ay


umiikot sa sarili nitong aksis habang
ito ay umiikot sa araw.

Tama! At ang mga ideyang ito ay sinulat


niya sa kanyang akdang libro. Ano yung On the revolution of the Heavenly
akda na ito? Spheres (De revolutionibus orbium
coeslestium)

At inilathala ito noong 1543, ilang buwan


bago siya mamatay. Isa sa sumuporta at
nagpatibaay sa teorya ni Copernicus ay si Ayon po sa kanya aang kometa ay
Tycho Brahe na mula sa Denmark. Ano
representasyon ng pagbabago sa
naman ang sinasabi ni Brahe?
kalawakan.

Tycho Brahe

Mahusay, ito naman ang larawan ni Brahe.


Bukod doon ano pa ang ambag ni Brahe sa
Rebolusyong Siyentipiko?

Siya ang nakadiskubre ng bagong


bituin sa Cassiopeia

Pinag-aralan niya ang orbit ng buwan


at mga planeta kung kaya nakita niya
ang irregularidad ng orbit ng mga ito.
Tama, bukod doon ano pa?

Tama, at nakatulong ang mga obserbasyon Katuwang ni Brahe na naglathala ng


niyang iyon sa pagkakatuklas ni Johannes mga akda nito noong 1601.
Kepler sa eleptikal na orbit ng mga planeta.
Sino ba si Kepler

Tama! Ito naman si Johannes Kepler. Si


Kepler ay isang aleman na Astronomer, isa
din siyang matematisyan na bumuo ng
pormula sa pamamagitan ng matematika
tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang Johannes Kepler
posibleng pag-ikot sa isang parabilog ng
mga planeta sa araw na di gumagalaw sa
gitna ng kalawakan. Ano
ang tinawag niya dito?

Ellipse po.

Siya po ang nakaimbento ng


teleskopyo.

Tama! Sino naman si Galileo Galilei?


.

Galileo Galilei
Mahusay, ayan naman ang larawan ni
Galileo. Si Galileo ay isang italyanong
siyentipiko na naparusahan ng Inquisition
dahil sa kanyang pagtanggap sa teorya ni
Copernicus. At noong 1609 at nabuo niya
ang teleskopyo na ginamit niya saan?

Sa pag-aaral po sa kalawakan.

Sinabi niyang lahat ng bagay sa


kalawakan ay napapasailalim sa
parehong likas na mga batas.
Mahusay! Ano ang naging konklusyon niya
sa pag-aaral na ginawa niya?
Dialogue Concerning the two chief
world Systems.
Tama! Noong 1687 inilathala niya ang
kanyang akda kung saaan makikita ang
kangyaang mga ideya. Ano na nga ang aklat
na ito?
Law of Gravity, Law of Inertia, Law
of Acceleration.
Mahusay! Ang pagpapatuloy ng mga
siyentipikong pagtuklas ay naging baasehan
ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa
pisika. So ano-ano ba itong unibersal na
batas na ito?
Mas lubos po nating mauunawaan
Tama, mga halimbawa ito ng mga unibersal ang mga bagay sa daigdig.
na batas. Sa tingin ninyo ano ba ang
kahalagahan ng mga pag-aaral o pagtuklas
na ito? Mas maiintindihan po nating ang
bawat pangyayari sa daigdig.

Wala na po.
Magaling! Bukod doon may iba pa bang
sagot?

Panahon ng Enlightenment o
Tama! May katanungan pa ba? Panahon ng rason at kaliwanagan,
nakasentro noong ika-18 siglo kung
Kung wala ng tanong ay dumako naman saan sinusulong ang katuwiran bilang
tayo sa Panahon ng enlightement. Ano nga ang pangunahing pinagmulan at
ba ito pakibasa. pagkalehitimo ng may
kapangyarihan.

Dahil po sa Rebolusyong Siyentipiko


maraming bagay ang tinuklas at
natuklasan na nagbigay daan upang
Mahusay! So paano ba nakatulong ang magkaroon ng kaliwanagan at dahil
Rebolusyong Siyentipiko sa pag-usbong ng po doon umusbong ang Panahon ng
enlightenment? Enlightenment.

Sila po yung mga intelektuwal na tao


na humihikayat na gumamit ng
katwiran, kaalaman at edukasyon sa
pagsugpo ng kamangmangan.
Magaling! At sa panahong ito nakilala ang
mga tinatawag na philosopher, sino ba sila? Hangad po nila na maipaliwanag ang
kalikasan.

Tama, ano ba ang hangad ng mga pilosopo?


Siya po ang nagsulong sa paniniwala
na ang absolutong monarkiya ay ang
Mahusay, sa panahon ding ito nagkaroon ng pinakamahusay na uri ng
dalawang pananaw sa gobyerno at isa sa pamahalaan.
mga pilosopo na nagbahagi ng kanyang
pananawaw ay si Thomas Hobbes, sino ba Hari po o Reyna, pwede rin pong
siya? emperador.

Ang kapangyarihan ay nasa iisang


Tama, kapag sinabing absolutong namumuno lang.
monarkiya, ano ang namumuno dito?

Tama, at ang kapangyarihan ay ano?

Naniniwala po siya na ang kaguluhan


At dito din ang kapangyarihan ay walang as likas sa tao kaya kailangan ng
hanggan. Sa pamahalaan na ito sila ang
isang pinunoupang supilin ang
gumagawa, naghuhukom at nagpapatupad
ganitong uri ng pangyayari.
ng batas. Ano pa ang ibang ideya ni
Hobbes?

Thomas Hobbes
Mahusay! Ito ang picture ni Hobbes. Noong
1651 pinalimbag niya ang aklat na kanyang
isinulat at ito nga ang Leviathan. Ano ang
inilarawan ni Hobbes sa aklat niyang ito?

Inilarawan nya dito ang isang


lipunang walang pinuno at ang
posibleng posibleng maging
direksyon nito.

Mahusay! At binigyan diin niya na ang tao


ay kinakailangang pumasok sa isang
kasunduan sa pamahalaan na kailangang Kapareho rin po ng paniniwala ni
iwanan niya ang lahat ng kaniyang kalayaan Hobbes na kinakailangan magkaroon
at maging masunurin sa puno ng ng kasunduan sa pagitan ng mga tao
pamahalaan. Isa pa sa kinikilalang pilosopo at ng kanilang pinuno.
ay si John Locke ano naman ang paniniwala
niya?
John Locke

Maahusay! Ano naman ang pinagkaiba nila


Hobbes at Locke? Ito ang Larawan ni
Locke.

Si Locke po ay naniniwala na ang tao


sa kanyang natural na kalikasan ay
may karapatang mangatwiran, may
mataas na moral at may karapatan sa
buhay, kalayaan at pag-aari.
Tama, sinabi rin niya na ang tao ay maaring Two Treaties of Government.
sumira sa kasunduan sa pinuno kung ang
pamahalaan ay di kayang pangalagaan at
ibigay ang natural na karapatan nila. At ito
ay isinulat ni Locke sa kanyang akda na
ano?
Naniniwala po siya sa ideya ng
Magaling, ang ideya niya ay naging basehan paghahati ng kapangyarihan ng isang
ng mga Amerikano na lumaya sa pamumuno pamahalaan sa tatlong sangay.
ng Great Britain. Isa pang pilosopo sa
larangan ng politika ay ang Pranses na si
Baron De Montesquieu sino naman siya?

Tama, ito naman si Baron De Montesqueu!


Ano-ano ang mga sangay na ito?
Baron De Montesqueu

Lehislatura, Ehekatibo at Hudikatura.

Sila po yung gumagawa ng batas

Tagapagtupad po ng batas.

Mahusay, kapag sinabing Lehislatura ano Tagahatol po ng Batas.


ang ginagawa ng sangay na ito?
Wala po
Tama, kapag Ehekatibo naman?

At ang Hudikatura?

Magaling! May tanong ba?

E. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa May naganap na tanungan.


Formative Assessment)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw Kung wala ng katanungan, nais kong ayusin
na buhay niyo ang mga larawan ng tao na mula sa
ating aktibidad kanina at itapat ito sa tamang
paglalarawan ukol sa kaniya. Naunawaan
ba?
Opo! (Natapos na ang pagsasaayos)
Magagaling! Tama ang lahat ng inyong
kasagutan. At dito na nagtatapos ang ating
talakayan para sa araw na ito.
H. Paglalahat ng aralin
I. Pagtataya ng aralin
J. Karagdagang gawain para sa takdang
aralin at remediation
Inihanda ni:

CHARMAINE L. CABUTIHAN
BSEd4– Social Studies CSTC

Ipinasa kay:

JENNIFER PEDALGO
Cooperating Teacher

You might also like