You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A – CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF TAYABAS
DAPDAP INTEGRATED SCHOOL
TAYABAS-LUCBAN NATIONAL ROAD, DAPDAP, TAYABAS CITY

BAITANG/
PAARALAN: Dapdap Integrated School 8 PANAOG/PANHIK
PANG-ARAW- PANGKAT:
ARAW NA MARK JERIC A. BEJERANO ARALING
GURO: ASIGNATURA:
TALA SA REIMART JAY C. CAÑETE PANLIPUNAN
PAGTUTURO MARSO 19/20, 2024 6:00-9:00 at IKATLONG
PETSA/ORAS: MARKAHAN:
7:30-10:30 MARKAHAN

I. LAYUNIN
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa naging transpormasyon tungo
sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga
A. Pamantayang Pangnilalaman
kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan.

Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa,


B. Pamantayan sa Pagganap komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong
panahon.
 Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa
panahon Renaissance.
 Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng Kolonyalismo.
 Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
C.May Kasanayan sa Enlightenment at Industriyal.
Pampagkatuto  Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
(Isulat ang code ng bawat Amerikano at Pranses.
kasanayan)  Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo).
 Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Europa at iba’t
ibang bahagi ngdaigdig.

II. NILALAMAN

III. Power point, tv, manila paper,illustration board, chalk blackboard


KAGAMITANGPAMPAGKATU
TO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
Mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang
Pampagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
III. Panimulang Gawain (Preliminaries)
A. Pagbati (Greetings) Magandang Umaga!
Kumusta ang araw niyo?

Magandang umaga rin po, Sir. Maayos


naman po ang araw namin.

Mabuti naman.

B.Pagdadasal (Prayer) Okay, bago tayo magsimula sa ating klase,


magdasal muna tayo.

Opo, Sir.
Maaari mo bang pangunahan ang
panalangin,__________.
Sa ngalan ng ama , ng anak at ng espirito
santo, amen

C. Pagsasaayos ng Silid-aralan Bago tayo magsimula ay magsiupo muna ang


(Classroom Management) lahat. Pulutin ang mga kalat sa ilalim ng
inyong mga lamesa at ayusin ang mga bangko
at lamesa ng naayon sa nakasanayan.
Pinulot ng mga mag-aaral ang mga basura at
inayos ang bangko at lamesa.
D. Pagte-tsek ng takdang aralin Mayroon po ba tayong takdang aralin?
(Checking of Assignement) Meron po.

Maaari niyo bang ipasa ang inyong takdang


aralin? Opo, Sir.

(Ipapasa ng mga mag aaral ang kanilang


takdang aralin.)
E. Pagtatala ng Liban (Checking Sino-sino po ang lumiban sa ating klase
of Attendance) ngayong araw? Sir, wala po.

Maraming salamat sa pagtugon.

F. Pamantayan sa Klase Paalala po na ang tayo ay makinig sa


(Classroom Reminders) nagsasalita sa harap habang nagtatalakay at
iwasang gumawa ng mga tunog o salita na
makakaistorbo sa klase.
Okay po, Sir
G. Balik Aral (Review of the Past Natatandaan po ang tinalakay natin nung
lesson) nakaraan?
Opo, Sir. Tungkol po ito sa Ikalawang
Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)

Mahusay mga bata, mabuti at naintindihan at


natandaan niyo ang paksa natin nong
nakaraang linggo.

IV PAMAMARAAN
A. PAGGANYAK DO WHAT I SAID, NOT WHAT I SAY
(GAWIN MO ANG SINABI KO HUWAG
ANG SINASABI KO)

PAANO LARUIN?

1. Haharap ang mga estudyante sa guro


papakinggang mabuti ang mga sasabihin.

2. Magsasabi ng mga bagay na gagawin ang


guro tulad ng itaas ang kanang kamay.

3. Susundin ng bata ang sinabi ng Guro hindi


ang bagay na sinasabi ng Guro.

Halimbawa:

Itaas ang kanang kamay

Walang gagawin ang mga estududyante.


Ngayon, Itaas ang dalawang kamay

Gagawin ng estudyante ang pagtaas ng


kanang kamay na sinabi ng Guro.

(Sisimulan na nag pampasiglang laro)

B. PANLINANG NA Panuto: Kumuha ng Isang buong papel at iguhit


GAWAIN ang caterpillar organizer. Punan ang kada bilog
na to ng mga aralin na iyong natandaan at
natutunan ngayong kwarter. Maaaring dagdagan
ang bilog kung sakaling kulang ito.

(sasagutan ng mga bata ang activity ayon sa


kanilang mga natandaang aralin sa buong
kwarter).
Maaari mo bang ibahagi ang iyong mga
natandaan na aralin sa buong kwarter ________.

(pupunta ang estudyante sa unahan para


ibahagi ang kanyang kasagutan).
C. PAGSUSURI SURIIN MO!

Panuto:

Suriin mabuti ang nasa larawan. Ibigay ang


pinakakahulugan nito at ang mensaheng nais
nitong iparating. Isulat sa isang buong papel
ang inyong kasagutan.

(susuruin ng mga estudyante ang nasa


larawan).
Ano o saan kumakatawan ang cartoon na ito?

Ang cartoon sa ibaba ay kumakatawan sa


mga estado sa America.
Ano ang mensaheng ipinakikita nito kung
nangyari ito sa panahon ng rebolusyon laban
sa British?

(sasagutan ng mga bata sa isang buong


Tapos na ba ang lahat? papel).

Maaari mo bang basahin sa unahan ang iyong


kasagutan ______________. Opo, sir.

(pupunta sa unahan ang estudyante at


Maraming salamat! ibabahagi niya ang kanyang naobserbahan
sa larawang pinakita).
D. PAGHAHALAW Ngayon ay dadako naman tayo sa mga Gawain
upang mas maintindihan niyo ang ating mga
nagging aralin nitong mga nakalipas na araw.
Handa na ba kayo?
Opo, sir! Handa na po.
Sanayin Natin
Gawain 1:
Panuto: Upang mas mahasa pa ang iyong
kaalaman, bibigyan kita ng kalayaang saloobin
tungkol sa paksang natalakay. Isulat ang
kasagutan sa isang buong papel.

1. Naging makatwiran kaya ang mga


kaisipang ipinanikala ng mga
Philosophes? Pangatwiran.
2. Paano binago ng Rebolusyong
Pangkaisipan ang pagtingin ng
maraming mamamayan sa:
a. Relihiyon
b. Pamahalaan
c. Ekonomiya

(sasagutan ng mga bata ang mga katanungan


sa isang buong papel).

Maaari mo bang ibahagi sa unahan ang


iyong kasagutan ____________.
(pupunta sa unahan ang estudyante at
ibabahagi sa klase ang kanyang kasagutan).
Mahusay! Maraming salamat.

Dumako naman tayo sa kasunod na


activity, ito ay ang QUIZ BEE! Handa na
ba kayo?
Opo, sir.

Panuto: Magbibigay ng mga katanungan


ang guro base sa mga sumusunod na
pamantayan:

EASY QUESTION:

1. Alin sa mga nabanggit ang pangunahing


epekto ng Rebolusyong Pranses?

A. Pagtanggal ng sistemang piyudal.

B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatang


Pantao”

C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng


republika

D. Paglawak ng ideyang kalayaan,


pagkakapantay-pantay at Pagkakapatiran.

2. Nagdulot ng pag-unlad sa lipunan at


ekonomiya ang Rebolusyong Industriya,
subalit kaakibat nito ay mga suliraing
panlipunan at pang-ekonomiya din. Alin sa
sumusunod ang pinakamabigat na suliraning
dulot nito?

A. Dumadsa ang mga tao sa lungsod mula sa


probinsiya.

B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at


naging palaboy.

C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho.

D. Naging dahilan ito ng hidwaang


pampolitika.

3. Sa panahon ng Rebolusyong Politikal ay


umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal
sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa rebolusyong Politikal?

A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang


nagtulak ap ag-usbong ng Rebolusyong
Politikal.

B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging


sanhi ng paglaganap ng Rebolusyong
Pangkaisipan.

C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal


ay bunga lamang ng Renaissance sa Europe.

D. Walang direktang ugnayan ang


Rebolusyong Politikal at Rebulosyong
Pangkaisipan.

4. Binago ng panahon ang pagtingin ng tao sa


sansinukob dahil sa makabagong ideya at
imbensiyon ang nabuo noong Rebolusyong
Siyentipiko. Ano ang pinakamahalagang
ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga
Kanluranin?

A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa


agham sa panahong ito.

B. Nakapagtatag ng mga paaralang agham sa


Europe.

C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa


sansinukob.

D. Naging pangunahing dahilan ito ng


kamalayan ng mga Kanluranin.

5. Siya ay isang mahusay na heneral na


nagpalawak ng kapangyarihan ng Pransiya sa
Europa

A. Napoleon Bonaparte C. George Danton

B. George Washington D. Maximillien


Robespiere

6. Ang mga bansang France at England ay


matagal nang may alitan. Nagbigay ng tulong
military ang France sa United States noong
nagsimula ang Rebolusyong Amerikano na
nakatulong sa pagtatagumpay nito? Alin sa
mga sumusunod na kaisipan ang pinakangkop
tungkol dito?
A. Magkakampi ang France at United States.

B. Magkasabay na nilabanan ng England ang


United States at France.

C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng


England sa United States.

D. Ginamit na pagkakataon ng France ang


Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak
ang England.

7. Sino ang hari ng Pransiya na naging malabis


na maluho at magarbo sa kanyang pamumuno
kahit na ang kanyang mga nasasakupan ay
naghihirap ng lubusan?
A. Henry VIII C. Edward III
B. Louis XVI D. Peter I

8. Isang abogado na nagsulat ng deklarasyon


ng kalayaan ng dating 13 kolonya sa Britanya
at pagbubuo ng Estados Unidos.
A. George Washington C. Thomas Paine
B. Thomas Jefferson D. Paul Revere

9. Sino sa mga sumusunod na pilosopong


Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng
isang tao ay nagmula sa karanasan at binigyan
diin niya na ang kaisipan ng tao ay maitutulad
sa “tabula rasa o blank slate?
A. John Locke C. Rene Descartes
B. John Adams D. Jean-Jacques Rousseau

10. Anong bansa ang itinuturing bilang isang


malakas, makapangyarihan, may mahuhusay
na mga sundalo subalit natalo ng mga
Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga
pagsasanay sa pakikipaglaban.
A. Amerika C. Pranses
B. England D. Britanya

Key:

AVERAGE QUESTION:

1. Paano nakinabang ang United States sa


mga bansang napailalim nila sa
paraang protectorate?
A. Napalawak ang itinataguyod na
relihiyon.
B. Napahusay ang kanilang kakayahan sa
dagat.
C. Napangalagaan nito ang ekonomikong
interes.
D. Naging kanlungan nila ang mga ito sa
oras ng digmaan.

2. Anu-anong mga bansa ang nakuha ng


United States nang magtagumpay ito laban
sa Spain?
A. Bangladesh, Brazil, at Japan
B. Panama, Samoa, at Vietnam
C. Guam, Pilipinas, at Puerto Rico
D. Hawaii, Taiwan, at New Zealand

3. Bakit mahalaga sa mga negosyante ang


pagbibigay ng espesyal na karapatan sa
kalakalan?
A. Para madagdagan nila ang ibibigay na
buwis a pamahalaan
B. Upang gawing makapangyarihan ang
kinabibilangang bansa
C. Upang maimpluwensiyahan nila ang mga
naglilingkod sa pamahalaan
D. Dahil malaya nilang mapangasiwaan ang
pagpapalago sa kanilang negosyo.

4. Paano nakatulong ang mga imbensyon sa


teknolohiya at agham sa paglalayag?
A. Pinabilis nito ang paglalayag ng mga
mananakop.
B. Nadagdagan nito ang mga armas ng mga
kolonyalista.
C. Naging mahusay ang mga namumuno sa
pamahalaan.
D. Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga
bansang Europeo.

5. Paano natulungan ng Dagat


Mediterranean ang sistema ng kalakalan
upang sa
mapaunlad ang mga bayan na kaharap o
malapit dito?

A. Pinalawak nito ang sistemang barter.


B. Dito kinukuha ang maraming ginto at
langis.
C. Naging susi ito ng mabilis na
transportasyon.
D. Nakapagbigay ito ng hanapbuhay sa mga
tao.

6. Ano ang pinakamagandang gawin upang


matulungan ang paglago ng ekonomiya
kung natuklasang may mga ginto sa
Australia?
A. Gawing sakahan ang lugar
B. Magpatayo ng mga minahan
C. Palakasin ang turismo sa bansa
D. Pangalagaan at huwag sirain ang
kalikasan.
7. Aling paglalahad ang malaking
pakinabang ng mga naval base na itinatag
ng United States sa mga nasasakupan nito?
A. Pinahusay nito ang mga operasyong
pandigma.
B. Pinayabong ang kaalaman sa mga
yamang dagat.
C. Mabilis nitong napaunlad ang ekonomiya
ng bansa.
D. Napangalagaan nito ang kapakanan ng
mga mangingisda.

8. Ano ang pinakamahalagang layunin ng


mga kanluranin sa mga bansang sinakop
nila?
A. Pinaunlad nila ang mga bansang
nasakop.
B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga
maralita.
C. Binigyan nila ng edukasyon ang mga
katutubo.
D. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap
gaya ng rubber.

9. Alin sa sumusunod ang isa sa mga


pangunahing mekanismo sa paglunsad ng
ikalawang yugto ng pananakop?
A. Rebolusyong Pranses
B. Rebolusyong Industriyal
C. Rebolusyong Amerikano
D. Rebolusyong Pangkalikasan

10. Ano ang mahihinuha sa inilabas na


Treaty of Paris sa pagitan ng France at
Great Britain?
A. Wala ng sagabal sa pamamahala ng
Great Britain sa India.
B. Mabilis ng uunlad ang France dahil
binitawan na nito ang India.
C. Pahirapan na ang pakipagkalan ng
Great Britain sa mga nasasakupan.
D. Ipinakita nito na mas makapangyarihan
ang France laban sa Great Britain.

DIFFICULT QUESTION
IDENTIFICATION:
____ 1. Ang bilang ng mga kolonya ng
Great Britain sa Amerika. 13
____ 2. Tawag sa ipinasang Parliamento
noong 1765 na nagdagdag ng buwis
para sa pamahalaan ng Britanya.
Stamp Act
____ 3. Isang pangyayari sa kasaysayan
kung saan itinapon ang tone-toneladang
tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa
massachesetts. Buston Tea Party
____ 4. Ang digmaan para sa kalayaan
sa amerika ay lalong kilala sa
katawagang ito. Rebolusyong
Amerikano
____ 5. Siya ay makapangyarihang
pinuno sapagkat ginagamit niya ang
divine right theory sa kanyang
pamumuno. Haring Louis XVI
____ 6. Ito ay tumutukoy sa mabilisang
pagbabago ng isang institusyon o
lipunan. Rebolusyong Pangkaisipan
____ 7. Ang bansang lihim na taga-
suporta sa mga rebeldeng Amerikano
laban sa mga British. Pranses
____ 8. Siya ay manananggol na
nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan
ng Amerika. Thomas Jefferson
____ 9. Malaki ang pagkamangha ng
mga British dahil sa pagkapanalo ng
bansang ito sa digmaan. Amerika
____10. Kilusang intelektuwal na
naglalayong gamitin ang agham sa
pagsagot sa mga suliraning ekonomikal,
politikal at maging kultural.
Enlightenment

Timbang-Epekto!
Panuto: Maglista ng mabuti at di-mabuting
epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel

Mabuting Epekto: Di-mabuting Epekto:

E. PAGLALAPAT/
F. EBALWASYON

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo

Mag-review ng mga napag- aralan para sa


VI. Takdang Aralin
darating na pagsusulit.
VII. MGA TALA
VIII. PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na nakuha
ngn 80%
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa aking mga estratehiya
sa pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong mga suliranin ang aking
naranasan na maaring
masulusyunanan sa tulong ng
aking punongguro o tagamisid?
G. Anong inobasyon o
kagamitang panglokal ang aking
nagamit/natuklasan namaaari
kong maibahagi sa aking kapwa
guro?

Prepared by: Checked by: Noted by:

MARK JERIC A. BEJERANO KENNETH V. ROSALDO MICHAEL M. SAFRED


Pre-Service Teacher Resource Teacher Head Teacher III/School Head

REIMART JAY C. CAÑETE


Pre-Service Teacher

You might also like