You are on page 1of 17

POLANGUI GENERAL COMPREHENSIVE GRADE

SCHOOL LEVEL 8
HIGH SCHOOL
STUDENT LEARNING Araling
ALFRED S. BOGABIL
TEACHER AREA Panlipunan
TEACHING QUARTER Quarter 3
DATES,
March 19, 2024 GRADE 8 – PINEAPPLE
TIME,
GRADE AND 10:30 – 11:30 am
SECTION
I. LAYUNIN SA PAGKATUTO
A. Pamantayan ng Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa naging transporrmasyon
tungo sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng
paglaganap ng mga kaisipan sa agham. politika, at ekonomiya tungo sa pagbuo
ng pandaigdigang kamalayan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kanyang
bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng transpormasyon
tungo sa makabagong panahon.
C. Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal.
D. Tiyak na layunin Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang pagsisimula at naging epekto ng Rebolusyong Industriyal.


2. Naisa-isa ang mga imbentor na nakilala sa Rebolusyong Industriyal at
ang mga naging kontribusyon nila.
3. Napapahalagahan ang ambag at kontribusyon sa Rebolusyong
Industriyal.

II. NILALAMAN Ang Rebolusyong Industriyal


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Pahina 346-349
2. Mga Pahina sa Kagamitan Pang MODYUL NG MAG AARAL (ARALING PANLIPUNAN KASAYSAYAN NG DAIGDIG)
Mag-aaral pahina 348-351
3. Iba Pamg Kagamitang pangturo Kagamitang Biswal, Larawan, Yeso, Pisara, Laptop at TV
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

 Pagbati Magandang umaga mga mag-aaral! Magandang Umaga po sir!

 Panalangin Tumungo naman tayo sa panalangin, Okay po sir, tayo’y tumayo at


maari mo bang pangunahan ang ating manalangin.
panalangin? (mag-aaral)
Panginoon salamat po sa
panibagong araw na ito, salamat po
at nakarating kami sa eskwelahan
ng ligtas at sana bigyan po ninyo ng
mahabang pasensya ang aming
guro at talino upang maturuan
kami ng mabuti. Sana po marami
kaming matutuhan sa araw na ito.
Sa ngalan ng ama, ng anak, ng
espirito santo, Amen.
 Pagsasaayos ng silid aralan Salamat. Bago kayo magsiupo ay maaari
bang pakipulot muna ang mga kalat sa (lahat ay sumunod sa guro)
paligid at pakiayos na rin ang inyong
mga upuan.

Salamat. Magsiupo na ang lahat. (lahat ay nagsiupuan)

 Pagtatala ng liban Tumungo naman tayo sa pagtatala ng Meron po sir….


liban sa ating klase. (pangalan ng mag-
aaral)
Klas monitor maaari mo bang ibigay sa Sige po sir….
akin ang mga pangalan ng lumiban sa
klase?

 Pagtatala ng takdang aralin Mayroon ba tayong takdang aralin? Ipinagbilin mo lang po sa amin na
Salamat… magbasa tungkol sa Rebolusyong
Industriyal.

Nagbasa ba kayo? Opo sir….


Kung ganun ay madali nalang para sa
inyo ang ating paksa ngayong araw na
ito.

B. Balik-aral Bago tayo magsimula sa ating bagong


aralin, atin munang balikan ang ating
tinalakay kahapon.

Ano nga uli ang Rebolusyong (nagtaas ng kamay ang isang mag
Siyentipiko? aaral)

Ang REBOLUSYONG SIYENTIPIKO ay


panahon ng malawakang
pagbabago sa pag iisip at
paniniwala na nagsimula sa
kalagitnaan ng ika-16 hanggang ika-
17 siglo
Very good! palakpakan natin sya
(lahat ay nagpalakpakan)
Ano naman ang Enlightenment?

Ang Enlightenment ay tumutukoy


po sa panahon kung saan
nagkaroon ng dalawang pananaw
Very good!!! napakagaling palakpakan sa gobyerno.
natin sya….
(lahat ay nagpalakpakan)
Salamat. Batid ko namang naunawaan
at naintindihan ninyo ang tinalakay
nating aralin kahapon kung kaya
pupunta na tayo sa susunod na aralin.
C. Paghahabi ng Layunin Bago iyon may aktibidad tayong
gagawin, sa ilalim ng inyong mga upuan
ay may idinikit akong mga larawan. May
mga pili lang akong upuan na dinikitan
ng larawan, ang gagawin lang ng may
mga larawan sa ilalim ng upuan ay
tutukuyin ninyo kung ito ba ay luma o
bagong kagamitan.

Naunawaan ba ang gagawin? Opo sir!!!

Ngayon ay maari ninyo nang tingnan ang

ilalim ng inyong upuan.


●Black and White TV po.
Luma po.
Kasi po may Flat screen TV na.

●Washing Machine po yung


larawan na napunta sa akin, ito po
ay bagong makinarya dahil dati po
ang ginagamit lang natin ay kamay
sa paglalaba.
Sinong may larawan sa ilalim ng upuan
niya? Yes______? Ano ang larawan na ●Plantsa po yung nakuha ko, ito po
nakuha mo? ay bago dahil dati po may
tinatawag tayong plantsang de
Yaan ba ay luma o bagong kagamitan? uling.

Tama! So bakit siya naging luma? ●Electric fan po, luma napo ito
Yes_____? dahil meron na po tayong Air
Conditioner ngayon.
Magaling! Sino pa ang nakakuha ng
larawan? Yes_______? Luma ba o bago ●Rice Cooker po, ito po ay bago
ang nakuha mo? dahil dati po sa kalan o kahoy lang
tayo nagsasaing.
Mahusay! Ano naman ang nakuha mo
_______? ●Telepono po, ito ay luma dahil
meron napo tayong smartphone sa
Magaling, ano naman ang iyo________? kasalukuyan.

Tama! Sino pa? Yes_______? Ano ang Mga makinarya po sila.


larawan na napunta sayo?

Ito po yung mga bagay na


Magaling, ano naman ang iyo________? nakakatulong sa atin.

Ito po yung mga bagay na


nakakapagpadali ng gawain ng tao.
Mahusay! Ano ang napansin ninyo sa
mga larawan? Mga luma at bago po silang
makinarya.
Tama! Ito nga ay mga halimbawa ng
makinarya. Ano ba ang makinarya?
(lahat ay nagpalakpakan)
Mahusay! Bukod pa doon meron pa
bang ideya kung ano ang makinarya?

Magaling! Ano pa ang napapansin ninyo


sa mga larawan?

Tama!!!!
Palakpakan natin ang ating mga sarili…

D. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa bagong aralin So bago natin simulan ng tuluyan ang Opo sir….
talakayan may ipapanood muna akong
maikling video sa inyo. Panoorin (ang mga mag-aaral ay aktibong
ninyong mabuti dahil magtatanong ako nanonood)
mamaya tungkol sa video clips.
Naintindihan ba? (natapos ang panonood)

https://youtu.be/RIOVJmRpCuM Ang rebolusyong industriyal ay


tumutukoy sa panahon kung saan
Ayon sa video clips na inyong napanood nagkaroon ng malaking pagbabago
ano ang Rebolusyong Industriyal? sa aspektong Agrikultura at
Yes_______? Industriya sa bansa ng Great Britain

Sinimulan po nilang gumamit ng


Tama! At ito nga ay naganap noong ika- makinarya.
17 hanggang ika-18 siglo. Dito din
sinimulan nilang gumamit ng ano? Sa pagtatanim po pinalitan na po
ng rice planter.
Mahusay! Pinalitan nito ang gawaing
manwal sa kabukiran. Ano-ano ba ang Sa pag-aararo po ng lupa, dati po
mga gawaing manwal sa kabukiran na kalabaw ang ginagamit nila ngayon
napalitan ng Makinarya? po ay Hand tracktor

Tama! Ano pa? Sa pag-ani ng palay sir, noon mano


mano na ginagapas ngayon po
Mahusay! Bukod pa doon ano pa? gumagamit sila ng reaper.

Magaling! Sa ating tahanan ba ano-ano Oven po


naman ang mga simpleng makinarya na
ating nakikita? Laptop po

Tama! Ano pa? Electric fan sir!

Mahusay! Ano pa? Washing machine po

Tama! May idadagdag pa ba?


Nagbigay ito ng malaking
Magaling! Lahat ng bagay na nabanggit produksiyon sa mga bansa,
ninyo ay halimbawa ng makinarya. Dahil karagdagang kita at pamilihan ng
sa pag-gamit ng makinarya, umusbong kanilang mga yaring produkto.
at lumago ang Industriyalismo. Ano kaya
ang nangyari ng gumamit sila ng
makinarya?
Sa Great Britain po
Mahusay! Saang bansa umusbong ang
Rebolusyong Industriyal?

Maraming salamat at madali nyong


naintindihan.

Ngayon ay atin ng tatalakayin ang


tungkol sa “Rebolusyong Industriyal”
E. Pagtatakalay sa Aralin
• Tumutukoy sa kaganapang panlipunan
at pang-ekonomiya noong ika-17
hangang ika-18 na siglo na humantong
sa pagbabago mula sa lipunang
agrikultural komersyal tungo industriyal,
at sa modernong industriyal
(sumagot ang mag-aaral base sa
Sa kasalukuyan, masasabi mo bang kanyang pagkakaintindi)
nagbago ang pamumuhay ng mga tao ng
dahil dito?

Maraming salamat sayo (mag-aaral)

Bakit sa Great Britain umusbong ang


Rebolusyong Industriyal?
 Dahil nagkaroon ito ng
maraming uling at iron na
naging pangunahing gamit sa
pagpapatakbo ng mga
makinarya at pabrika.
 Mayroon itong malakas na
hukbong pandagat na
magbibigay proteksyon sa
kanilang imperyo.
 May sapat na kapital na naipon
mula sa mga naunang gawaing
pangkalakalan (pagproprudyus
ng tela)

Mga Salik sa Pag-unlad ng Rebolusyong


Industrial

Enclosure Movement - Pagsasapribado


ng mga lupain

 Nagkaroon ng bagong
kagamitan
 Nagkaroon ng pamamaraan sa
pagsasaka
 Pagtaas ng produksyong
agricultural
Rebolusyong Agrikultural

Matinding pagdami ng produksiyong


agrikultural at kita

 Ararong yari sa bakal


 Seed Drill
 McCormick reaper

Mas napadali ang pagtatrabaho


dahil mas modern na ang mga
kagamitan sa pagsasaka.

Ano sa tingin ninyo ang mga nagbago


pagdating sa sector ng agrikultura?

Very good… salamat sayo (mag-aaral)

Narito naman ang mga Katangian ng


Ekonomiya

Saganang Kapital Sistema ng


Pananalapi

Saganang kapital ay may malaking


bahaging ginagampanan sa kalakalang
pandaigdig dahil sa pamamagitan nito
ay nakalilikha ng maraming prduktong
capital.

Ang sistemang pananapi ay isang


sistemang nagpapahintulot sa paglipat Opo sir…
ng salapi sa pagitan ng tagapag-impok
(at nang mga namumuhunan) at nang
mga nangungutang

Naintindihan ba class?
Dumako naman tayo sa mga
Imbensiyong Teknolohikal

Patent System – panghihikayat sa mga


imbentor na gumawa ng imbensyon
kapalit ang premyo na ibibigay ng
pamahalaan.

Ginagamit ito sa mga planta ng


enerhiya upang mapagana ang mga
henerador na lumilikha ng kuryente
Steam Engine ni James Watt

Pakibasa kung para saan ito…

Maraming salamat sayo

Pinagsasama-sama ang mga sinulid


upang gawing tela
POWER LOOM (Edmund Cartwright)

Pakibasa kung para saan ito?

Ito naman

Nakapaghabi nang mas manipis


WATER FRAME (Richard Arkwright) subalit mas matibay na sinulid.

Pakibasa kung para saan ito…

Salamat…
Ito naman…

SPINNING JENNY (James Hargreaves) Nagpabilis ng walong beses sa


pagikid ng sinulid
Pakibasa po kung para saan ito…
Salamat …
Ito naman…

SPINNING MULE (Samuel Crompton)

Basahin kung para saan ito… Pinagsamang Spinning Jenny at


Water Frame
Salamat…
Ito naman…

FLYING SHUTTLE (John Kay)

Pakibasa kung para saan ito… Nagpabilis sa pag-ikid ng sinulid


Maraming salamat sayo.

Ito naman

Eli Whitney “COTTON GIN” Ang Cotton Gin ay isang makina na


mabilis at madaling naghihiwalay sa
Pakibasa kung para saan ito… mga fibers ng cotton mula sa
Salamat… kanilang mga buto, na
nagpapahintulot sa higit na higit na
Ano kaya sa tingin ninyo ang produktibo kaysa sa manu-manong
maitutulong ng makinaryang ito? paghihiwalay ng koton.

Tama…maraming salamat sayo…. Mas mapapadali ang pagtatrabaho


at mas marami ang magiging
Tandaang mabuti ang mga makinaryang produksiyon kaysa sa manu-
naimbento sa panahon ng rebolusyong manong paggawa.
industriyal.
Dumako naman tayo sa Pag-unlad ng
sistema ng transportasyon at Naimbento ni Richard Trevithick
komunikasyon noong 1804 ang unang steam-
powered locomotive na nagbigay-
daan sa pagbubukas ng mga riles.

Opo sir….

Pakibasa po (mag-aaral)

Salamat sayo…
Dito nagsimula ang paggamit ng riles na
syang pangunahing dan ng mga tren sa
kasalukuyang panahon. Nakakita naba
kayo ng riles?

Very good…

Noong 1895 ipinagawa nina George at


Robert Stephenson ang unang
komersyal na riles, ang linyang Stockton-
Darlington

Noong 1830 binuksan ang linyang


Manchester at Liverpool

Opo sir….

Ang Telegraph na imbensyon ni


Samuel F.B Morse
Naintindihan po ba?

Pakibasa po (mag-aaral)
Narito po ang larawan ng telegrapgh na
kung saan ito ay ang pagpapadala ng
sulat noong unang panahon.

ANU-ANO ANG EPEKTO NG


REBOLUSYONG INDUSTRIYAL?

 Lumaki ang populasyon sa


lungsod dulot ng migrasyon
 Nagsimula ang pagsasamantala
sa mga kabataan at kababaihan.
 Napabuti ang kondisyong
pangkapaligiran tulad ng
maayos na kalsada, tubig,
sewerage system.
 Nakilala ang dalawang uring
panlipunan - ang uri ng
manggagawa (Proletariat ) at
ang gitnang uri (bourgeosie) .
 Nag-ugat ang hindi magandang
ugnayan ng mga mangggawa at
kapitalista, umusbong ang mga
pilosopiya na nagtatangkang Hindi po sir…. Halo halo ang
bigyang kasagutan ang nagging dulot nito sa lipunan na
nakitang pagsasamantala sa kung saan ay may magandang dulot
kalagayan ng uring at di-magandang dulot na epekto
manggagawa. sa pamumuhay ng tao.

Kung inyong pagmamasdan ang mga


epekto ng rebulusyong industriyal, puro
lang ito may magandang dulot?

Salamat….

Meron din tayong Mga Pilosopo noong


Rebolusyong Industriyal, narito sila.

Pakibasa po….
Salamat …
Ang mga pilosopong ito ay malaki ang
naging ambag sa larangan ng edukasyon
na kung saan makikita nyo sila sa kahit
anong asignatura kasama ng kanilang
mga naiambag.

Umunlad ang teknolohiyang may


kakayahang maglabas o gumawa ng
produkto nang maramihan sa mas
murang halaga at mas mataas na
kalidad. Opo sir…

Nahikayat ang mga Kanluranin na pag-


igtingin ang pananakop ng mga kolonya
F. Paglinang ng kabihasaan (ikalawang yugto ng imperyalismo). (ang mga mag-aaral ay aktibong
lumalahok sa Gawain)
Naintindihan nyo ba mga mag-aaral?
Kung ganun ay mabuti…

Ngayon ay para masukat ang inyong


kabihasaan ay magkakaroon tayo ng
gawain, tatawagin natin itong
“CAROUSEL BRAINSTORMING”

Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo,


bawat grupo ay bibigyan ko ng manila
paper na naglalaman ng mga
katanungan at kulay ng pentelpen na
siyang magiging palatandaan ng
kanilang pangkat.

Bibigyan ko kayo ng 2 minuto para


sagutin ang tanong, pagkatapos ng 2
minuto, ibigay sa kabilang grupo ang Opo sir…
manila paper at sasagot uli kayo ng
panibagong tanong hanggang makaikot (nagsipuntahan sa mga kagrupo)
lahat ng manila paper. Hindi na
maaaring sumagot o magsulat ng sagot
ang mga kagrupo na nakasagot na.

Naintindihan ba?

Ngayon ay pumunta na kayo sa inyong


mga kagrupo…
(bawat pangakat ay aktibong
Atin ng simulant at bawat katanungan lumahok)
ay maaari nyo lang sagutan sa loob ng 2
minuto. (Natapos ang 2 minuto at lumipat
sa kabilang manila paper)
Unang katanungan…

“Ipaliwanag ang Rebolusyong


Industriyal” (bawat pangakat ay aktibong
lumahok)

(Natapos ang 2 minuto at lumipat


Pangalawang katanungan… sa kabilang manila paper)

“Magbigay ng imbensyon sa
Rebolusyong Industriyal at imbentor (bawat pangakat ay aktibong
nito” lumahok)

(Natapos ang 2 minuto at lumipat


Pangatlong katanungan… sa kabilang manila paper)

Paano mo napapahalagahan ang Opo sir…


ambag at kontribusyon sa Rebolusyong
Industriyal?

Tapos na po ba?

Ipasa ito para makita ko kung malawak


ba ang inyong pang-unawa. Aking ididkit
sa pisara ang inyong mga gawa at tayo
ay magkakaroon ng paglalahad. Bibigyan
ko ng tag 2 minuto bawat pangkat
upang ibahagi ang kanilang ginawa. 2
miyembro lamang bawat grupo ang
syang magbabahagi nito. (Paglalahad ng Group 1)

Simulan natin ang presentasyon para


makita natin kung tama ba ang sagot ng (Lahat ay pumalakpak ng Bravo
bawat pangkat. clap)

Unahin natin sa Group 1 (Paglalahad ng Group 2)

Bigyan natin sila ng BRAVO CLAP!!!

1 2 3 1 2 3 BRAVO!!! (Lahat ay pumalakpak ng Mommy


Dionisia Clap)
Sunod ay ang Group 2

Bigyan natin sila ng Mommy Dionisia (Paglalahad ng Group 3)


Clap !!!

1 2 3 1 2 3 VERY GOOD VERY GOO


VERY GOOD !!!
(lahat ay pumalakpak ng Fireworks
Tumungo naman tayo sa pinakahuling Clap)
pangkat ang Group 3
Bigyan natin sila ng Fireworks Clap

1 2 3 1 2 3 boom boom boom!

G. Paglalapat ng aralin sa pang Congratulations sa lahat dahil halos


araw-araw na pamumuhay lahat ng pangkat ay nakakuha ng
tamang sagot…

(sumagot ang mag-aaral base sa


kanyang pagkakaintindi)
Meron akong isang tanong dito at nais
kong marinig kung ano ang inyong
kasagutan.
(lahat ay nagpalakpakan)
“Kung hindi umusbong ang Rebolusyong
Industriyal ano ang magiging kalagayan
ng ekonomiya ng ating bansa sa Opo sir….
kasalukuyan?

Very good…. palakpakan natin sya


H. Paglalahat ng aralin

Talagang malaki ang naging dulot nito sa


pang araw araw nating pamumuhay di
ba class?

Ngayon na natapos na natin talakayin,


ating bigyan ng buod ang mga ito. Mula (nagtaas ng kamay ang isang mag-
sa inyo ay malalaman ko kung aaral)
naintindihan ba ninyo ng mabuti ang Tinalakay natin ang “Rebolusyong
tinalakay na paksa. Industriyal” na kung saan ito ay
tumutukoy sa kaganapang
Sino ang makapagbibigay ng buod? panlipunan at pang-ekonomiya
noong ika-17 hangang ika-18 na
Sige bigyan mo ng buod…. siglo na humantong sa pagbabago
mula sa lipunang agrikultural
komersyal tungo industriyal at sa
modernong industriyal.
 Meron tayong mga salik sa
pag-unlad ng Rebolusyong
Industriyal
 Imbensiyong Teknolohikal
 Mga Pilosopo noong
Rebolusyong Industriyal

(lahat ay nagpalakpakan)

(sumagot ang mag-aaral base sa


kanyang pagkakaintindi)

Maraming salamat sayo…


Palakpakan natin sya…
(lahat ay nagpalakpakan)
Paano binago ng Rebolusyong
Industriyal ang agrikulturang
pamumuhay ng mga tao sa Europa?

Maraming salamat sayo…


I. Pagtataya ng aralin Palakpakan natin sya…
Basta wag kakalimutan ang mga (ang lahat ng mag-aaral ay aktibong
tinalakay natin ngayong araw na ito lumahok sa pagtataya)
lalong lalo na yung mga makinaryang
naimbento sa panahong industriyal.

Ngayon ay alam kong naunawaan ninyo


ang ating talakayan, upang tayahin ang
inyong natutunan, kumuha ng ¼ sheet
of paper at sagutan ang mga
sumusunod.
Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
MATCHING TYPE

IDENTIFICATION

6. Tumutukoy sa pagbabago mula sa


ekonomiyang nakabatay sa agrikultura
at komersiyo tungo sa ekonomiyang
nakabatay sa industriya

FILL IN THE BLANK


7. Sa ___________umusbong ang
Rebolusyong Industriyal.

TAMA O MALI

8. Ang mga pagbabago sa agrikultura,


industriya at transportasyon ay
nakapagpabago sa paraan ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
9. Ang rebolusyong Industriyal ay Opo sir…
nagbigay daan sa Ikalawang Yugto ng (ang lahat ay sumunod sa guro)
imperyalismo.
10. Ang Marxism ay inilahad ni Karl Max
Ipasa ang papel.

Tapos naba?
Makipagpalitan ng papel sa katabi at
sulatan ng Corrected by:
Narito ang susi sa pagwawasto, icheck
kung tama ang sagot at bilugan kung
mali.

Opo sir…
(lahat ay sumunod)

Tapos napo ba?


Ipasa sa unahan ang papel
V. Takdang Aralin

Basahin ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismong kanluranin pahina 355-360

Sagutin ang mga sumusunod na gabay na tanong:

1. Ano-ano ang mga dahilan at uri ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

2. Bakit naging madali sa mga kanluranin ang pananakop sa mga bansa?

Alfred S. Bogabil Ireen Brogarolas


BSED SOCIAL STUDIES 4A COOPERATING TEACHER

Mr. Joel Camoral Mrs. Leilani Gonzales Mrs. Charito Remon


AP Mater Teacher I AP Master Teacher I AP Master Teacher I

Dr. Ma. Deanna Salalima


HTVI- A.P. DEPARTMENT HEAD

You might also like