You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin (Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa


Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang
layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng
Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga
istratehiya ng Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga
mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil
ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at
huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.)
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatbo, mapanuring
Pangnilalaman pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitkan
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia
(social media awareness campaign)
C. Mga kasanayan sa Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela
Pagkatuto. Isulat ang code F9PN-IVc-57
ng bawat kasanayan
II. Nilalaman Mga tauhan sa Noli Me Tangere
A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan https://www.youtube.com/watch?v=63K1WhMq30A
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Ppt, telebisyon, Laptop
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang aralin at  Panalangin
pagsisimula ng Bago tayo magsimula ay dadako muna
bagong aralin. tayo sa isang panalangin.

(Tatawag ang guro ng mag-aaral)


(Inaasahan ang pagganap
ng mag-aaral)
 Pagbati
Isang magandang araw sa inyong lahat
Grade 9!
Ang mag-aaral ay babati
ng isang Magandang araw

 Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo ay pulutin muna ang
lahat ng kalat na makikita at isaayos
ang hanay ng mga upuan.

 Pagtatala ng liban
Sa puntong ito ay nais ko munang
malaman kung sino ang wala sa aking
klase para sa araw na ito.
(Inaasahan ang pagtugon
ng kalihim ng klase).
Balik-aral
Bago tayo magpatuloy sa ating bagong
talakayan atin munang balikan ang ating
huling tinakay

Ano ang tinalakay natin noong nakaraang


araw?
Ang huling paksa na
tinalakay noong
nakaraang araw ay ang
kaligirang
pangkasaysayan ng Noli
Me Tangere.
Mahusay! Patunay lamang na may
natutunan kayo sa ating huling talakayan.
B. Paghahabi sa layunin Bago tayo magpatuloy sa ating talakayan ay
ng aralin at mayroon muna akong inihandang aktibdad
pagganyak para sa inyo, ito ay tinatawag kong Letra!
Buuin mo! Kung saan ay may mga letra
akong inihanda na inyong bubuuin at
ididikit ito sa pisara.
Malinaw ba ang gagawin?

Opo sir!
(Pagsasagawa ng aktibidad)

Mahusay! Salamat sa inyong ipinakitang


kooperasyon bigyan ng limang bagsak ang
inyong mga sarili.

C. Pag-uugnay ng mga Batay sa inyong isinagawang gawain. Ano


halimbawa sa bagong ang mga salitang inyong nabuo?
aralin Ang mga salitang nabuo
po naming ay Jose Rizal,
Noli Me tangere, Touch
me not
Mahusay!

Ano kaya ang kinalaman ng ating isinagawa


sa ating talakayan para sa araw na ito?
Sa akin pong palagay
tatalakayin po natin ang
patungkol sa noli me
tangere.
Mahusay! Ang ating tatalakayin ay
patungkol sa noli me tangere
D. Pagtalakay ng bagong Ngayon nais kong hingin ang inyong
konsepto at atensyon at makinig sa ating talakayan
paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayong araw ay ang
mga tauhan sa Noli Me Tangere

Handa na bang making ang lahat?


Opo sir!

Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o
Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-
aral sa Europa; nangarap na
makapagpatayo ng paaralan upang matiyak
ang magandang kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego.

Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria
Clara, ay ang mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na
inihimatong anak ng kanyang ina na si
Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Padre Damaso
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay
isang kurang Pransiskano na napalipat ng
ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego; tunay na
ama ni Maria Clara.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan
Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-
Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang
tumulong kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Si Sisa, Crispin, at Basilio


Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina
na ang tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.
Si Basilio at Crispin ay mga magkapatid na
anak ni Sisa; sila ang sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng
San Diego.

Pilosopo Tasio
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay
maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego.

Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de
Espadanya o Donya Victorina, ay isang
babaing nagpapanggap na mestisang
Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.

Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang


pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng
lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa


kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni
Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang
ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)

Donya Consolacion - napangasawa ng


alperes; dating labandera na may
malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadanya - isang pilay at


bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas
sa paghahanap ng magandang kapalaran;
napangasawa ni Donya Victorina.

Linares - malayong pamangkin ni Don


Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre
Damaso na napili niya para mapangasawa
ni Maria Clara.

Don Filipo - tinyente mayor na mahilig


magbasa na Latin

Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain


sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na
gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na
pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama


ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na


tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria


Clara na namatay matapos na kaagad na
siya'y maisilang.

Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga


kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan
sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng
pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo;


nakainggitan nang labis ni Padre Damaso
dahilan sa yaman kung kaya nataguriang
erehe.

Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging


dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Balat - nuno ni Elias na naging isang


tulisan

Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don


Saturnino; nuno ni Crisostomo

Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig


tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng


bayan sa San Diego Kapitan Tinong at
Kapitan Valentin; ama ni Sinang

Tinyente Guevarra - isang matapat na


tinyente ng mga guwardiya sibil na
nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria - tanging babaing


makabayan na pumapanig sa pagtatanggol
ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim


na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino - dating seminarista na nakasama


sa piknik sa lawa.

E. Pagtalakay ng bagong Naintindihan ninyo ba ang ating mga


konsepto at tinalakay?
paglalahad ng bagong Opo!
kasanayan #2

Gabay na tanong:

1. Sino si Crisostomo Ibarra?


ay isang binatang nag-
aral sa Europa; nangarap
na makapagpatayo ng
paaralan upang matiyak
ang magandang
kinabukasan ng mga
kabataan ng San Diego.

2. Ano ang kaugnayan ni Maria Clara


kay Crisostomo Ibarra?
Si Maria Clara po ay
kasintahan ni Crisostomo
ibarra

3. Sino ang anak ni Sisa?


Si Crispin at Basilio po

Mahusay!

F. Paglinang sa Ngayon ay dadako na tayo sa ating


Kabihasahan (Tungo pangkatang gawain, Kung saan hahatiin
sa Formative ang klase sa tatlong grupo at bawat grupo
Assessment) ay pipila sa unahan at may mga ipapakita
akong larawan at linya ng mga tauhan sa
noli me tangere. Ang gagawin ninyo lamang Opo sir!
ay huhulaan kung sino ang tauhang ito.
Ang unang tutuklas sa bawat grupo ay ang
mga nasa unahan ng pila at pagkatapos
nito ay pupunta na sa likod upang ang
sunod naman na mag-aaral ang tutuklas sa
tauhan. Kung sino ang makakuha ng
mataas na puntos ay siyang mananalo.
Dalawang puntos agad bawat isang tauhan
na mahuhulaan.

Malinaw ba ang gagawin?

Opo
(Pagpapakita sa screen ng mga larawan at
linya ng tauhan)

Mahusay! Ang pinaka maraming puntos ay


ang pangat isa! Bigyan sila ng limang
bagsak!
G. Paglalapat sa aralin
sa pang-araw-araw Bilang isang mag-aaral gaano kahalaga
na buhay malaman ang mga tauhan sa nobelang Noli
Me Tangere

(Malayang sagot ng mag-


aaral)
Mahusay! Mahalaga ito upang malaman
natin ang takbo ng istorya. Mahalaga rin
upang matandaan natin kung ano ang
ganap nila sa kwento.

H. Paglalahat sa aralin Ano-ano nga muli ang ating tinalakay?


Tinalakay po natin ang
mga tauhan sa Noli Me
Tangere
I. Pagtataya ng Aralin Tayo ngayon ay dadako na sa pagtataya ng
aralin

Panuto: Isulat ang TAMA ang paglalarawan


sa tauhan at MALI naman kung hindi

_______1. Si Sisa ay asawa ni Pedro nap


abaya at malupit sa kanyang pamilya.

________2. Si Elias ang tumulong kay Ibarra


________3. Si pilosopo tasyo ay ang
matandang taga payo ng mga mamamayan
ng san diego
________4. Magkapatid si Ibarra at basilio
________5. Si Don Rafael Ibarra ay ama ni
Crisostomo.

Susi sa Pagwawasto:
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA

J. Karagdagang gawain Pumili ng tauhan sa Noli Me Tangere at


para sa takdang- ipaliwanag bakit ito ang iyong nagustuhang
aralin at remediation tauhan sa Noli Me Tangere.

Inihanda ni:

Josue B. Dela Cruz


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like