You are on page 1of 17

Guro: Shella May G.

Gomez

Asignatura: Araling Panlipunan

Baitang at antas/pangkat: Ika-walo

Petsa: Hulyo 26, 2023

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. Layunin Matapos ang 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit
(Objectives) ang 80% bahagdan ng pagkatuto sa mga sumusunod:
A. Pamantayang Naibibigay ang kahulugan ng Neokolonyalismo at napapahalagahan ang mga
pangnilalaman (Content magagandang epekto ng Neokolonyalismo sa mga bansa sa mundo.
Standards)
B. Pamantayan sa pagganap Nakapagpapamalas ng husay at nakabubuo ng ideya sa pamamagitan ng
(Performance Standards) Storytelling, Online Selling, Jingle, at ng News Casting na nagpapakita ng mga
uri ng Neokolonyalismo.
C. Mga kasanayan sa Natataya ang mga pamamaraan, uri, at epekto ng Neokolonyalismo.
pagkatuto (Learning
Competencies)
II. Nilalaman Neokolonyalismo sa Daigdig
(Content)
III. Kagamitang
panturo (Learning
Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/05/AP8-Q4-MOD5.pdf
Kagamitang Pangmag-
aaral
3. Mga Pahina sa Textbook Kasaysayan ng Daigdig: Pamamaraan, Uri, at Epekto ng Neokolonyalismo.
Pahina 514-517
4. Karagdagang kagamitan https://www.teacherph.com/wp-content/uploads/2022/08/Grade-8-Araling-
mula sa portal ng Panlipunan-Most-Essential-Learning-Competencies-MELCs.pdf
Learning Resources
B. Iba pang kagamitang Laptop, PowerPoint Presentation, kahoot quiz app, printed pictures, 4 brown
panturo (Other Learning envelope, 5 colored envelopes, oslo paper and marker
Resources)
IV. Pamamaraan
(Procedure)
Bago ang aralin Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Mga panimulang gawain
Integration Values Education

a) Panalangin Inaanyayahan ko ang lahat na


magsitayo, yumuko at pumikit para sa
ating panalangin.
Jessa, pangunahan mo.
Jessa:Tayo’y manalangin. Ama
naming Makapangyarihan sa lahat,
patnubayan po Ninyo kami sa aming
klase ngayong araw na ito. Salamat
po Hesus. Amen.
Salamat Jessa
Maari ng magsi upo.
b) Pagbati Maganda at mapagpalang araw sa inyo
aking mga mag-aaral!
Maganda at mapagpalang araw din
po ma’am!
c) Pagtatala ng mga Maari ko bang malaman kung sino ang
lumiban sa klase lumiban ngayon sa ating klase?
Mary, sa inyo mga babae mayroon
bang lumiban sa klase?
Mary: Wala po.
Mahusay!
Julius, sa inyo mga lalaki mayroon
bang lumiban sa klase?
Julius: Wala din po.
Magaling! Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili! Nawa’y araw-araw
walang liliban ng klase upang hindi
mahuli sa aralin.
d) Pagtatakda ng mga Mayroon tayong mga alituntunin mula
pamantayan sa silid- sa umpisa hanggang sa matapos ang
aralan ating klase.
Ana, ano ang gagawin ninyo kapag
ako’y mag uumpisa ng magtalakay ng
ating aralin?
Ana: Umupo po ng maayos,
makinig sa guro, at tumahimik.
Tama!
Kailan lamang kayo maaring magsalita,
Jhon?
Jhon: Kapag po nagtanong na ang
guro sa amin.
Mahusay!
At dapat bang sabay-sabay magsalita,
Patricia?
Patricia: Hindi po. Itaas po ang
kanang kamay kung nais pong
sumagot sa tanong ng guro at
hintayin pong tawagin para
sumagot.
Tumpak!
Ako’y natutuwa dahil alam na ninyo
ang aking mga alituntunin.

Maari bang tingnan ninyo ang


nakapaligid sa inyong mga upuan kung
may mga kalat? At ito’y inyong pulutin
at itapon sa basurahan.
Panatilihin nating malinis ang ating
silid-aralan.
e) Energizer/pagpasa ng Pakipasa na ang inyong mga takdang-
takdang-aralin aralin ditto sa harapan.
Salamat.
f) Balik – aral sa nakaraang Tayo muna ay magbalik-aral gamit ang
aralin gawaing ito, “KONSEPTONG NAIS
Integration, Mathematics KO, ALAMIN MO”
Panuto: Basahin at unawain ang
katanungan. Ibigay ang tinutukoy ng
bawat pahayag, gawing gabay ang mga
numerong nakalatag upang mabuo ang
mga konseptong hinihingi sa bawat
bilang. Maliwanag ba?
A B C D E F G H I J
1 2 3 4 5 6 7 8 9 1 Opo, ma’am.
0
K L M N O P Q R S T
1 1 1 1 1 1 1 1 1 2
1 2 3 4 5 6 7 8 9 0
U V W X Y Z
2 2 2 2 2 2
1 2 3 4 5 6

1. Ito ang bansang nagtaguyod


ng kaisipang Demokrasya at
Kapitalismo.
5 19 20 1 4 15 19 21 14 9 4 15 19
ESTADOS UNIDOS
2. Isang ‘di tuwirang digmaan sa
pagitan ng malalakas na
bansa.
3 15 12 4 23 1 18
COLD WAR
3. Layunin nito na
mapangalagaan ang
pandaigdigang kapayapaan.
21 14 9 20 5 4 14 1 20 9 15 14 19
UNITED NATIONS
4. Tumutukoy ito sa damdaming
makabayan na maipapakita sa
matinding pagmamahal at
pagpapahalaga sa sariling
bayan.
14 1 19 25 15 14 1 12 9 1 13 15

5. Ito ay isang tuwirang NASYONALISMO


pananakop sa isang bansa o
teritoryo.
11 15 12 15 14 25 1 14 9 19 13 15

Mahusay! KOLONYALISMO
Pagsisimula ng aralin Sunod na gawain natin, ito ay "Ito ang
Gusto Ko!"
Integration, Science PANUTO:
Suriin ang mga larawan at pumili ng
naaayon sa kagustuhan mo.Ituturo ko
ang larawan at itaas ang kanang kamay
kung ito ay gusto mo upang malaman
natin ang nagustuhan ng nakararami. At
pagkatapos ng pagpili sa mga larawan,
mamaya ay ipaliliwanag ninyo sa akin
kung bakit napili ang larawan.
Maliwanag ba?

1. Alin sa dalawa ang nais mong


mapuntahan? Opo ma’am
Baguio o Disneyland

2. Anong kasuotan ang gusto


mo? Ma’am, Disneyland po.
Baro’t Saya o Tuxedo

3. Ano ang nais mong tangkilikin


na pelikula? Ma’am, Tuxedo po.
Romeo and Juliet o Maria
Clara at Ibarra

4. Sino ang iniidolo mo at gusto


mong makita ng personal? Ma’am, Maria Clara at Ibarra po.
BTS o SB19

5. Alin dito ang pinakagusto


mong pagkain?
Kakanin o Pizza Ma’am, BTS po.

Ano ang inyong naging batayan kung


bakit ninyo napili ang mga lugar, Ma’am, kakanin po.
bagay, pelikula, iniidolo, at pagkain?

Ma’am, naging batayan po namin


kung ano po yung trending at gusto
ng nakararami. Hindi po makakaila
Salamat. May punto naman kayo sa na maganda po at mahirap tanggihan
naging batayan ninyo. ang gawa ng ibang bansa.

Batay sa ginawa nating aktibidad,


nakita natin na iba iba kayo ng pinili.
Ang iba sa inyo ay tinangkilik ang pag-
aari ng ibang bansa kaysa sa sariling
atin.
Sa inyong palagay, bakit kaya ito
nangyayari?

Ma’am, dahil po sa patuloy na pag


Mahusay! impluwensya ng ibang bansa sa
ating bansa.
May kinalaman ang ating ginawa sa
ating tatalakayin ngayong araw.

Ibigay ang tinutukoy na salita, gawing


gabay ang mga numerong nakalatag
upang mabuo ito.

14 5 15 11 15 12 15 14 25 1 14 9 19 13
15
Ano ang nabuo ninyong salita?

Magaling!
NEOKOLONYALISMO po ma’am.
Ang ating pag-aaralan ngayong araw ay
“ NEOKOLONYALISMO SA
DAIGDIG”
g) Paghahabi sa Layunin ng Kyle, maaring pakibasa ang ating
Aralin pamantayan sa pagkatuto sa araling ito.

Kyle: Matapos ang 60 minutong


aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makakamit ang 80%
bahagdan ng pagkatuto sa mga
sumusunod:

a. Naibibigay ang kahulugan


ng Neokolonyalismo.
b. Nasusuri ang iba’t ibang
pamamaraan ng
Neokolonyalismo.
c. Napapahalagahan ang mga
magagandang epekto ng
Neokolonyalismo sa mga
bansa sa mundo.
d. Nakapagpapamalas ng
Storytelling, Online
Selling, Jingle, at ng News
Casting na nagpapakita ng
mga uri ng
Neokolonyalismo.

Salamat Kyle!
h) Pag-uugnay ng mga PRE-TEST
halimbawa sa bagong- Gamit ang kahoot app, mayroon muna
aralin tayong 5 katanungan patungkol ito sa
Neokolonyalismo na inyong sasagutan.
Bawat katanungan ay sasagutan sa loob
lamang ng 20 segundo.
Ilabas ang ¼ piraso ng papel at ballpen.
Isulat lamang sa bawat numero ang
kulay ng napili ninyong sagot. At
pagnatapos ang 20 segundo, itaas ang
kanang kamay at ballpen upang
malaman ko at matiyak na lahat ay
natapos sa oras.
Hal.
1. Ano ang tawag sa panibagong
pamamaraan ng pananakop
pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
a. Imperyalismo
b. Kolonyalismo
c. Merkantilismo
d. Neokolonyalismo
Kung ang sagot mo ay
neokolonyalismo at ito ay nasa kulay
kahel. Ang isusulat lamang ay (kahel)
Naintindihan ba?

Mabuti! Opo.
Handa na!

2. Bakit sinabing pakunwaring


tulong lamang ang nakapaloob (Kanilang inilabas ang papel at
sa neokolonyalismo? ballpen)
a. Itinali ang bansang tinulungan
sa patakaran at motibo ng
bansang tumulong.
b. Mas pinapaboran ang
kapakanan ng mga mahihirap
kaysa mayayaman.
c. Ang bansang tumulong ang
mas nangangailangan ng
ayuda kaysa bansang
tinutulungan.
d. Hangarin ng bansang
tumulong na direktang sakupin
at angkinin ang lupain ng
bansang sinaklolohan.

3. Alin sa mga sumusunod ang


hindi epekto ng
neokolonyalismo?
a. Continued Slavement
b. Loss of Pride
c. Over Dependence
d. Peaceful Co-existence

4. Paano naapektuhan sa
pagpasok ng neokolonyalismo
ang mga lokal na negosyante?
a. Humina o bumagsak ang
kanilang mga ipinatayong
negosyo.
b. Lumaki ang kanilang kita
kung ikumpara sa kita ng mga
banyaga.
c. Lalong lumakas ang kanilang
produkto dahil mas pinili ito
ng karamihan.
d. Pinagbantaan silang guguluhin
kung hindi ipapasara ang
kanilang mga negosyo.

5. Ano ang tawag sa epekto ng


neokolonyalismo na ang mga
kanluraning produkto ay mas
mabuti at magaling kaysa sa
sariling gawa?
a. Continued Slavement
b. Over Dependence
c. Loss of Pride
d. Peaceful Co-existence

(ipopost ng guro ang mga sagot)


Magaling!
Pagtatalakay ng aralin
A. Pagtatalakay ng bagong PowerPoint Presentation
konsepto at paglalahad Nakabuo na ba kayo ng kahulugan ng
ng bagong kasanayan #1 neokolonyalismo?
Opo, ito ay makabagong
pamamaraan ng pananakop.
Mahusay!
Upang magkaroon tayo ng panlahat na
kahulugan, narito ang kahulugan
Mike, Pakibasa.
Mike: Ang Neokolonyalismo ay
tumutukoy sa patuloy na
impluwensiyang pang ekonomiya at
panlipunan ng mga mananakop sa
mga bansang dati nilang kolonya
bagama’t wala silang tuwirang
militar o politikal na kontrol sa mga
ito.
Salamat Mike.

Ano ang pagkakaunawa ninyo sa


kahulugan ng neokolonyalismo?
(ang sagot ay nakadepende sa
pagkakaunawa ng mga mag-aaral)

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig isang makabagong
pamamaraan ng pananakop ang
isinagawa ng mga bansang kanluranin,
bagama’t ito ay hindi pananakop na
teritoryal, nagawa naman nitong
baguhin ang kaisipan ng mga tao na
maimpluwensyahan nito. Dahil narin sa
nagawa ng US na Telstar noong Hulyo
10, 1962 –pinalipad sa kalawakan.
Isang pangkomunikasyong satellite.
Maari nang makatanggap ng tawag sa
telepono at makakita ng palabas sa
telebisyon mula sa ibang bansa.
Ano pa ang ibang kahulugan ng
neokolonyalismo?
Abigail, pakibasa.

Abigail: Itinuturing ang


neokolonyalismo na bago at ibang
uri ng pagsasamantala sa mahirap na
Salamat Abigail. bansa.
Kapag sinabing neokolonyalismo ito ay
isang bagong uri ng pananakop mula sa
salitang “neo” na ang ibig sabihin ay
bago at “kolonyalismo” ay pananakop.
Luisa, maari mo bang basahin ang
pamamaraan ng Neokolonyalismo?

Luisa: Ayon sa mga agham-politika,


ito ang pananatili ng control ng
isang dating kolonyalista sa dati
nitong kolonya. Malumanay at
Salamat Luisa. patago ang pamamaraang ito.
Pag sinabing malumanay at patago,
halimbawa nito ay ang pagkonsumo
natin ng mga produkto ng ibang bansa.
Minsan hindi natin alam nasasakop na
pala tayo kasi may malaking tubo o
interest ang kanilang mga produkto.
Hindi natin namamalayan sa simpleng
pagbili at pagtangkilik sa mga
dayuhang produkto ay nasasakop na
pala tayo.
Jaila, maari mo bang basahin ang
layunin ng neokolonyalismo?

Jaila: Layunin nitong patatagin ang


pamumuhunan ng kolonyalistang
bansa, pigilan ang pagkamit ng
tunay na kalayaan at kunin ang
Okay salamat Jaila. malaking kita sa negosyo.
Makakalaya lamang tayo kung mas
tatangkilikin natin ang sariling atin o
ang mga produktong gawa ng ating
bansa.
Ang susunod na pamamaraan ng
neokolonyalismo, Jerbie pakibasa.

Jerbie: Pagbuo ng iba’t ibang uri ng


kompanya: korporasyon,
konsorsyum, at pagpapautang ng
malaking halaga.
Salamat Jerbie.
Kapag sinabing konsorsyum, ito ay
samahan ng mga namumuhunan.
Sinisiguro nila ang pamumuhunan at
nagpapautang sila ng malaking halaga
na makakatulong hindi lamang sa
pinautang kung hindi pati narin sa
nagpautang dahil ang pinautang na pera
ay may kaukulang tubo.

May 5 uri ng Neokolonyalismo


Para sa unang uri ng neokolonyalismo,
Arquin pakibasa.

Arquin: Pang-ekonomiya
Naisasagawa ang neokolonyalismo
sa pamamagitan ng pakunwaring
tulong sa pagpapaunlad ng
kalagayang pangkabuhayan ng isang
bansa, ngunit sa katotohanan ay
nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo
ng bansang tumutulong.
Salamat Arquin.
Magbigay ng halimbawa ng
neokolonyalismo pang-ekonomiya.
Ma’am, halimbawa po ay ang Sumi
Philippines Wiring System Corp. na
pagmamay-ari ng hapones.

Magaling!
Isa pang halimbawa ng pang-
ekonomiyang neokolonyalismo ay ang
National Grid Corporation of the
Philippines o NGCP. Dahil ayon sa
“PhilStar Global” apatnapung
porsyento (40%) ng bahagi ng NGCP
ay mga tsino ang nagmamayari.

Ngayon naman ay dumako tayo sa


ikalawang uri ng neokolonyalismo.
Sizzy pakibasa.
Sizzy: Pangkultura
Nababago ng neokolonyalismo ang
pananaw ng tinutulungang bansa ng
mga bagay na likas na angkin nito.
Bunga ng kulturang dala ng
dayuhang tumulong o bansang
dayuhan, nababago ang
pinahahalagahan ng mga
mamamayan ng tinutulungang bansa
sa pananamit, babasahin, maging sa
pag-uugali.
Salamat Sizzy.
Magbigay ng mga halimbawa ng
pangkulturang neokolonyalismo.
Paggaya sa estilo ng pananamit ng
ibang bansa, mas gusto ng
nakakarami ang mga imported na
produkto po ma’am.
Tumpak!
Para naman sa ikatlong uri ng
neokolonyalismo, Ivy pakibasa.
Ivy: Dayuhang tulong o Foreign
Aid
Isa pang instrumento ng mga
neokolonyalismo ang nakapaloob sa
dayuhang tulong o “Foreign Aid” na
maaaring pang ekonomiya,
pangkultura o pangmilitar. Sa una’y
maiisip na walang kondisyon ang
pagtulong tulad ng pamimigay ng
gatas sa mga bata o pamamahagi ng
mga aklat. Ngunit kung titingnang
mabuti, may kapalit ang libreng
pagtulong. Nagbebenta ang bansang
tumulong ng mga “imported” na
produkto sa bansang tinulungan
kaya nga’t bumabalik rin sa kanila
ang malaking tubo ng kanilang
puhunan.

Salamat Ivy.
Batay dito, magbigay nga kayo ng
isang halimbawa ng Dayuhang Tulong Ma’am, isang halimbawa po nito ay
o Foreign Aid. kapag nagkakaroon ng sakuna,
bagyo o lindol, may mga tulong
tayong natatanggap mula sa ibang
bansa na pagkain, damit o pera.

Tama!
Ngayon naman para sa ika-apat na uri Hope: Dayuhang Pautang o
ng neokolonyalismo, Hope pakibasa. Foreign Debt
Anumang pautang na ibigay ng
International Monetary Fund (IMF)
at World Bank (WB) ay laging may
kaakibat na kondisyon. Kabilang
dito ang pagbubukas ng bansang
pinauutang sa dayuhang
pamumuhunan at kalakalan,
pagpapababa ng halaga ng salapi at
pagsasaayos ng sistema ng
pagbubuwis. Kung hindi susundin
ang mga kondisyon, hindi
makauutang ang umuutang na
bansa. Dahil dito, hindi rin
makaahon sa utang ang nahihirapan
na bansa. Debt trap ang itinawag
dito.

Salamat Hope.
Ayon sa Bombo NewsCenter noong
ika-1 ng Hunyo, 2023 Umabot sa
bagong record-high na ₱13.9 trilyon
ang kabuuang utang ng Pilipinas
hanggang nitong pagtatapos ng buwan
ng Abril 2023. Kung saan karamihan
ay dahil sa paghina ng piso, ayon sa
data na inilabas ng Bureau of the
Treasury.
Kelly: Lihim na Pagkilos (Covert
At sa pang-lima o huling uri ng Operation) Kung hindi
neokolonyalismo, Kelly pakibasa. mapasunod nang mapayapa,
gumagawa ng paraan ang mga
neokolonyalista upang guluhin ang
isang pamahalaan o ibagsak ito ng
tuluyan.

Salamat Kelly.
Isang halimbawa po ng Lihim na
Pagkilos ay ang tinatawag nating False
Flags ito ay isang paraan ng
pagpapabagsak sa pamahalaan. Ashley: Ang limang uri po ng
Neokolonyalismo ay una ang Pang-
Ashley, ano ano na nga ulit yung ekonomiya, Ikalawa ay ang
limang uri ng Neokolonyalismo? Pangkultura, Ikatlo ang Foreign Aid
o Dayuhang Tulong, ikaapat ay ang
Foreign Debt o Dayuhang Pautang
at panglima ay ang Covert
Operation o Lihim na pagkilos.

Magaling!
Tandaan na ang Neokolonyalismo ay
isang uri ng suliraning pampolitika at
pang ekonomiya na ang lahat ng estado,
mayaman man o mahirap ay maaaring
masangkot.

Ngayon naman ay dumako tayo sa Mga


Epekto ng Neokolonyalismo. Ito ay
ang Over Dependence o Labis na Akira: Over Dependence o Labis
Pagdepende sa Iba, Loss of Pride o na Pagdepende sa Iba , Malinaw
Kawalan ng Karangalan at ang na umaasa ng labis ang mga tao sa
Continued Slavement o Patuloy na mayayamang bansa lalong-lalo na sa
Pang-aalipin. Unahin nating talakayin may kaugnayan sa United States.
ang Over Dependence.
Akira, maaari mo bang basahin ang
kahulugan ng Over Dependence o
Labis na Pagdepende sa Iba?

Ang Over Dependence o Labis na


Pagdepende sa Iba halimbawa nalang
nito ay ang mga kompanya ng langis na
umaasa lamang sa supply ng ibang
bansa kaya kapag nagkaroon ng
problema sa bansang pinag kukuhanan
natin ng langis ay pati tayo ay
naaapektuhan. Yung digmaan sa Russia Hindi po, dahil hindi sa lahat ng
at Ukraine dahil sa Russia tayo oras nasa tabi namin sila. Kailangan
umaangkat ng langis nung nagkaroon naming matutong tumayo sa sarili
ng digmaan sa Russia ay tumaas ang naming paa.
presyo ng langis.

Gugustuhin ninyo bang nakadepende


na lamang kayo sa inyong mga Lemuel: Loss of Pride o Kawalan
magulang? ng Karangalan ay sanhi ng
impluwensiya ng mga dayuhan,
nabuo sa isipan ng mga tao sa lahat
ng galing sa kanluran ay mabuti at
magaling, na isang dahilan kung
Magaling! bakit ang tao ay nawalan ng interes
Lemuel, pakibasa ang susunod na sa sariling kultura at produkto.
epekto ng Neokolonyalismo.

Ayon po sa aking pagkakaunawa,


ito po ay ang pagtangkilik natin ng
produkto sa ibang bansa.

Ano ang pagkakaunawa ninyo sa


Colonial Mentality?

Mahusay!
Sa Loss of Pride o Kawalan ng
Karangalan ay madalas nating mas
tinatangkilik ang mga produktong
galing sa ibang bansa dahil ang alam
natin ito ay matibay at maganda. Kung
minsan ay atin pang ipinagmamalaki Ezekiel: Continued Slavement o
ang mga produktong galing sa ibang Patuloy na Pangaalipin, totoo
bansa imbis na ang produkto ng ating ngang ang umuunlad na bansa ay
bansa ang ipagmalaki natin ay mas malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay
tinatangkilik at ipinagmamalaki pa na kahulugan ng salitang kalayaan,
natin ang gawa ng ibang bansa. ang maliliit na bansa ay patuloy pa
ring nakatali sa malakolonyal at
Ezekiel, maaari mo bang basahin ang makakapitalistang interes ng
huling Epekto ng Neokolonyalismo? kanluran. Ang lahat ng aspeto ng
kabuhayan ay kontrolado parin ng
kanluran.
Ang Continued Slavement o Patuloy na
Pangaalipin. Halimbawa nito ay ang
mga empleyadong nagtratrabaho sa
mga kumpanyang pinagmamayarian ng
mga taga ibang bansa o ng mga
dayuhan. Sila ang mga kapitalistang
sumasakop at patuloy na nangaalipin sa
atin kahit na may sahod. Katulad
nalang ng halimbawang nabanggit
kanina na Sumi Philippines Wiring
System Corporation na ang nagmamay- Opo ma’am, naunawaan po namin.
ari ay hapones.

Mayroon bang katanungan tungkol sa


mga epekto ng neokolonyalismo?
Naunawaan ba ang mga Epekto ng
Neokolonyalismo?

B. Paglalapat ng aralin sa Maraming salamat!


pang-araw-araw na
buhay Upang lubos nating maunawaan ang
ating aralin papangkat ko kayo sa apat.
Ang bawat grupo ay pagkakalooban ko
ng magkakaibang gawaing laman ng
mga envelope o inyong activity cards.
Naglalaman din ito ng mga larawan at
impormasyon kaugnay sa inyong
aktibidad. Nakapaloob rin dito kung
paano ko bibigyan ng marka ang
inyong presentasyon.
Klas, ano ba ang dapat gawin habang
may nagtatanghal?

Hindi po mag iingay upang hindi


sila maistorbo, makikipag ugnayan
Mabuti naman at nauunawaan ninyo. po sa kagrupo at magbigay ideya.
(ipamigay ang envelope sa bawat
pangkat)

Mayroon lamang kayong 10 minuto


upang gawin ang nakaatas na gawain sa
inyo. At hindi hihigit sa 3 minuto
upang ipamalas ang inyong
presentasyon. Handa na ba kayo?

Opo! (magsasanay ang mga mag-


(makalipas ang 10 minuto) Handa na ba aaral ng kanikanilang presentasyon)
ang baawat pangkat?

Tayo ay magsisimula na! Opo ma’am!


Simulan na natin sa unang pangkat.

Unang Pangkat
(matapos ang presentasyon ng unang *Online selling (Pangkultura)
pangkat)
Magaling! Palakpakan natin ang unang
grupo.
Bago dumako sa ikalawang pangkat,
may ilang katanungan ako sa inyo.
Batay sa presentasyon ng unang grupo,
anong pamamaraan ng
neokolonyalismo ang pinamalas nila?

Tama! Ito ay pangkultura.


Magbigay nga ng isang halimbawa ng
kultura o gawain ng Pilipino na Ma’am, pangkultura po!
ipinamalas ng unang pangkat na
nagbabago na ngayon dahil sa
pagpasok ng bagong kaugalian at
kaisipan.

Ang paggamit po ng sariling wika


natin na sa ngayon napaghahalo na
sa wikang banyaga. Minsan naman
Mahusay! Nakakalungkot lang isipin po ay madalas pang nagagamit ang
na kahit tayo’y nasa sarili nating bansa mga wikang banyaga.
ay kailangan nating pag-aralan ang
wikang banyaga para na rin sa
ikauunlad natin.

Pangalawang pangkat, simula na!

Pangalawang Pangkat
Mahusay! Palakpakan natin ang *Jingle (Pang-ekonomiya)
ikalawang grupo.
Ayon sa ikalawang pangkat, ano ang
pamamaraan ng neokolonyalismo ang
ginamit?

Pamamaraang pang-ekonomiya po!


Tumpak!
Ano naman ang napansin ninyo sa
kagustuhan ng mga mamimili at ano sa
palagay ninyo ang maaaring maging
epekto nito?
Karamihan po sa mga mamimili ay
mas interesado sila sa mga produkto
na may signature, imported o
branded.

At hihina po ang ekonomiya ng


ating bansa dahil mas mabili ang
produkto ng mga banyaga.
Tama! Kung gayon, ano naman ang
maaari nating gawin kaugnay nito?
Ma’am, dapat po nating tangkilikin
ang sarili nating produktong lokal,
upang makatulong sa ating kapwa
Pilipino na naghahanapbuhay at sa
ekonomiya ng ating bansa.

Tumpak! Dapat tangkilikin natin ang


sarili nating produkto.
Ngayon naman, ikatlong pangkat
magsimula na! Ikatlong Pangkat
*News Casting 24 Oras (Foreign
Dept)
Magaling! Palakpakan natin ang
ikatlong pangkat.

Bakit nga ba nagpapautang ang mga


maunlad na bansa sa mga papaunlad na
bansa? Ano ang layunin nito?
Para po makapagbukas ang mga
dayuhan ng negosyo o
makapamuhunan sa pinautang na
Tumpak! bansa.
Ano kaya ang magiging epekto nito?

Dadagsa po ang mga produktong


Tama! Ano pa? banyaga sa ating bansa.

Makakaroon po tayo ng utang na


loob na maaring ang kapalit ay ang
pagbibigay ng pabor sa mga ito na
mahirap ng pahindian ng ating
Tama! bansa.
Dumako na tayo sa huling pangkat.
Ikaapat na pangkat, simula na!

Ika-apat na Pangkat
*Storytelling( Foreign Aid)
Mahusay! Palakpakan natin ang ika-
apat na pangkat.

Masasabi niyo bang pagtulong ang


intensyon ng mga dayuhan sa
pagbibigay ng tulong sa mga bansa sa
mga bansang hindi maunlad? Bakit?

Opo! Dahil ang mga bansa sa


mundo ay dapat lamang pong
tumulong sa iba pang bansa sa oras
Tama! Subalit may negatibo bang ng kanilang pangangailangan.
implikasyon ito? Ano ito?

Opo ma’am! Ang intensyon talaga


nila ay hindi tumulong kundi
makapasok sa ating bansa upang sa
gayon magawa ng mga dayuhan ang
gusto ng mga ito.
Magaling! Nabatid kong lahat kayo ay
nagpartisipasyon sa inyong mga
kagrupo at nakinig sa bawat grupo.
Palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili!
Naniniwala ba kayo na dahil sa mga
produktong banyaga, nakakalimutan na
ang sariling atin? Bakit?

Opo! Dahil halos po sa panahon


ngayon ang mga Pilipino ay
natutuwa sa mga produkto ng ibang
Pero sa kabila nito nakikitaan ninyo ba bansa.
ng magandang epekto ang
neokonyalismo sa ating bansa? Ano
ito?

Opo! Nakakapasok ang mga


makabagong kaisipan na
makakatulong sa atin na umunlad.
Ang dapat lamang nating gawin ay
maging makabayan sa kabila ng
mga bagong kaisipang ito.
Tumpak! Pinatunayan lamang nito na
hindi lahat ng pagkakataon ay may
masamang epekto ang
Neokolonyalismo. Ito ay naka depende
na din sa pagtangkilik ng tao at
pagpapahalaga ng bawat isa sa sariling
atin. At ang ating damdaming
makabayan para sa ating bansa o
pagmamahal upang hindi mabalewala
ang sariling atin.
C. Paglinang ng Magkakaroon ulit tayo ng isa pang
Karunungan/Pangkatang gawain. At ito ay tatawagin nating
Gawain “Ang Tenga Mo” o ATM.

Ipapangkat ko kayo batay sa hanay ng


inyong mga upuan. Ayusin sa limang
linya, mula sa unahan papunta sa likod.
Bawat linya na nasa likod ay may
makulay na envelope. Nakapaloob dito
ang katanungan na dapat masagot, at
ang naisip na sagot ng nasa likod ay
ipapasa nya ng pabulong sa kanyang
kaklase na nasa harapan nya hanggang
makarating sa unahan. At ang nasa
unahan ang siyang kukuha ng marker
sa akin at magsusulat sa oslo paper ng
kaniyang narinig na kasagutan.
Pagkatapos maisulat sa oslo paper ay
itataas na ito upang makita at mabasa
ng lahat ang inyong sagot.
Mayroon lamang kayong 20 segundo
para dito. Nauunawaan ba klas?

(matapos ayusin ang upuan at ipamigay


ang mga envelope)
Handa na ba ang lahat? Opo, ma’am!

Simula na!

Mga Gabay na Tanong sa Gawain

 Pamamaraan ng Opo, handa na!


Neokolonyalismo na kung
saan nababago ang pananaw,
kaisipan, kaugalian, at
paniniwala ng tinutulungang
bansa sa bagay na likas na
angkin nito.
 Instrumento ng
Neokolonyalismo na
nagbibigay ng tulong sa mga
hindi maunlad na bansa ngunit
ang mga ito ay may kapalit.
 Isang pamamaraan ng - Pangkultura
Neokolonyalismo na
kunwaring tulong sa
pagpapaunlad ng kalagayang
pangkabuhayan ng isang
bansa.
 Ito ay hindi tuwirang - Foreign Aid
pananakop ng isang bansang
maunlad.
 Pamamaraan ng
Neokolonyalismo na kung
saan nagpapautang sa
mahihirap na bansa ngunit
may kaakibat na kondisyon. - Pang-ekonomiya

Mahusay ang lahat!


- Neokolonyalismo
- Foreign Dept
Pagkatapos ng aralin
D. Paglalahat Bilang paglalahat, ano ang
Neokolonyalismo?
Ang neokolonyalismo ay isang
bagong uri ng pananakop. Mula sa
salitang “neo” na ang ibig sabihin ay
bago at “kolonyalismo” ay
pananakop. Ipinahihiwatig nito ang
paraan ng pananakop kung saan
hindi gumagamit ng puwersa o
dahas upang kontrolin ang mga
mahihirap na bansa.

Tama! Ito ay hindi tuwirang


pananakop.

Anu-ano naman ang naging epekto ng


Neokolonyalismo sa ating bansa? Batay po sa pinag aralan natin, may
naidulot po itong mabuti at ‘di
mabuti.
Ang ikinabuti po ng
neokolonyalismo sa ating bansa ay
nakaranas tayo ng ibang kultura at
produkto na maaari nating magamit
para sa ikauunlad ng ating bansa.
Ang hindi mabuti naman na naging
epekto ng neokolonyalismo sa ating
bansa ay nagkaroon din ng
kagustuhan na sakupin at pamunuan
ang ating bansa.

Mahusay! Tunay ngang kayo ay


nakinig sa ating aralin.
Wala na po ma’am!
May katanungan pa ba patungkol sa
ating leksyon?

E. Ebalwasyon
Ngayon naman klas, upang mataya ang inyong kaalaman sa ating pinag-aralan ngayong araw, tayo ay
magkakaroon ng maikling pagsusulit.
Panuto: Kumuha ng kalahating papel at isulat ang titik ng tamang sagot.

1.Ito’y isang uri ng hindi tuwirang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isa pang bansa?
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Neokolonyalismo
D. Paggagalugad

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng konsepto ng Neokolonyalismo?


A. Ito ay pagpapalaya sa mga bansang walang yaman
B. Ito ay tuwirang pananakop sa isang mahirap na bansa
C. Ito ay isang programa upang maging tanyag ang isang bansa
D. Ito ay isang impluwensiya o hindi tuwirang pagsakop gamit ang ekonomiya at kultura

3. Ang lahat ng sumusunod ay uri ng neokolonyalismo. Alin ang hindi?


A. Lihim na pagkilos
B. Over Dependence
C. Pang-ekonomiya
D. Pangkultural

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Dayuhang Tulong o Foreign Aid?


A. Pagiging tanyag na bansa ang layunin nito
B. Tulong ng mga dayuhan na walang kapalit
C. Mayamang bansa ang nakakatulong sa mahirap na bansa
D. Tulong ng mga dayuhan na may kapalit

5. Sa konseptong Dayuhang Pautang o Foreign Debt, kung hindi susundin ang mga kondisyon, anong
posibleng mangyari sa isang bansang mangungutang?
A. Pauutangin parin ang bansa
B. Mababaon sa utang ang bansa
C. Hindi na pauutangin ang bansa
D. Makakaahon sa utang ang bansa

6. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang aspeto ng sistemang neokolonyalismo?


A. Ganda ng Bansa
B. Industriyal at Pinansyal
C. Lawak ng Teritoryo
D. Militarismo

7. Ang lahat ng sumusunod ay halimbawa ng kultural na neokolonyalismo. Alin ang hindi?


A. Ang pagsuot ng mga kasuotang banyaga
B. Ang pagtangkilik sa mga awiting banyaga
C. Ang pagpasok ng mga dayuhang pelikula
D. Ang paghingi ng tulong medikal sa mga mayayamang bansa

8. Ang Neokolonyalismo ay patuloy na ugnayan ng dating mga kolonya ng mga bansang kanluranin. Alin
sa mga ito ang tunay na dahilan upang maisagawa nila ito?
A. Panghihimasok sa politika ng pamahalaan
B. Paglagak ng Foreign Invesment sa bansa
C. Pagtatayo ng pamilihan ng kanilang Surplus Goods
D. Lahat ng nabanggit

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa naging epekto ng Neokolonyalismo?


A. Continued Slavement
B. Loss of Pride
C. Over Dependence
D. Foreign Debt

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita Continued Slavement?


A. Patuloy na pagtratrabaho ng mga Pilipino sa mga kumpanyang pinagmamayarian ng mga
dayuhan.
B. Patuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga Imported na produkto
C. Pagkawala ng pag kakakilanlan ng ating mga lokal na produkto
D. Patuloy na pagasa sa mga inaangkat na produkto mula sa ibang bansa
Tamang sagot : 1. C 2. D 3. B 4. D 5. C 6. B 7. D 8. D 9. D 10. A
F. Takdang-Aralin
Paggawa ng Poster
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng iyong sariling pananaw sa kung paano mahinto o
matigil ang neokolonyalismo na nararanasan ng mga mahihirap na bansa sa kasalukuyan. Gawing gabay
ang sumusunod na rubric sa pagtataya ng iyong awtput. Gawin ito sa bond paper.

Pamantayan sa Pagmamarka : Paggawa ng Poster

Pamantayan Indikador Puntos Natamong


Puntos
Nilalaman  Naipapakita at naipaliwanag ng maayos ang
ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng 5
poster
Kaangkupan ng  Maliwanag at angkop ang mensahe sa
5
konsepto paglalarawan ng konsepto
Pagkamapanlikha  Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster
5
(Originality)
Kabuuang presentasyon  Malinis at maayos ang kabuuang
5
presentasyon
Pagkamalikhain  Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay
(Creativity) upang maihayag ang nilalaman, konsepto, at 5
mensahe
Kabuuan

Pamantayan sa Pagmamarka : Storytelling

Batayan ng Grado Puntos Natamong


puntos
Nilalaman- mahusay at makatotohanan 5
Napakalalim ng pang-unawa sa ginawang kwento 5
Angkop at nauunawaan ang isinagawang kwento 5
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon ng datos 5
Kabuuan

Pamantayan sa Pagmamarka : Online selling

Batayan ng Grado Puntos Natamong


puntos
Tumpak ang mga datos at impormasyong ginamit 5
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling paksa tungkol sa ekonomiya sa
5
paraang neokolonyalismo
Maayos ang sistema at malinaw ang paglalahad ng mga bahagi 5
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon ng datos 5
Kabuuan

Pamantayan sa Pagmamarka : Jingle

Batayan ng Grado Puntos Natamong


puntos
Mahusay ang himig at ritmong ginamit 5
Naangkop sa tema ang ginawang jingle 5
Nauunawaan ang nilalaman ng mensahe 5
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon ng datos 5
Kabuuan

Pamantayan sa Pagmamarka : News Casting 24 Oras

Batayan ng Grado Puntos Natamong


puntos
May angkop na paglakas ng boses at naayon sa diwa ng damdamin ng balita 5
Sapat ang ginamit na detalye upang mapatunayan ang balita 5
Maayos ang pagkasunud-sunod at nauunawaan ang menahe ng balita 5
Malikhain at maayos ang kabuuang presentasyon ng datos 5
Kabuuan

You might also like