You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
MAVALOR INTEGRATED SCHOOL
ROSARIO, BATANGAS

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin (Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay


sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari
ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang
Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at
mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa
bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang bawat
kasanayan at nilalaman.)
A. Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatbo, mapanuring
Pangnilalaman pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitkan
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
Pagganap panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia
(social media awareness campaign)
C. Mga kasanayan sa Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa:
Pagkatuto. Isulat - Paksa/tema
ang code ng bawat -Layon
kasanayan -Gamit ng mga salita -mga tauhan
II. Nilalaman Pagsulat ng isang suring-pelikula
A. Sanggunian Internet
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=PnHfupHHVpc
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Ppt, telebisyon, Laptop
Panturo
III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-
aaral
A. Balik-Aral sa Panimulang-Gawain
nakaraang  Panalangin
aralin at Bago tayo magsimula ay dadako muna tayo sa
pagsisimula ng isang panalangin.
bagong aralin.
(Tatawag ang guro ng mag-aaral)
(Inaasahan ang
pagganap ng mag-
 Pagbati aaral)
Isang magandang araw sa inyong lahat Grade 8!

Ang mag-aaral ay
 Pagsasaayos ng silid babati ng isang
Bago kayo umupo ay pulutin muna ang lahat ng Magandang araw
kalat na makikita at isaayos ang hanay ng mga
upuan.

 Pagtatala ng liban
Sa puntong ito ay nais ko munang malaman kung
sino ang wala sa aking klase para sa araw na ito.

(Inaasahan ang
pagtugon ng
kalihim ng klase).
Balik-aral
Bago tayo magpatuloy sa ating bagong talakayan atin
munang balikan ang ating huling tinakay

Ano ang tinalakay natin noong nakaraang araw?

Ang huling paksa


na tinalakay noong
nakaraang araw po
ay ang
dokumentaryong
pampelikula
Mahusay! Patunay lamang na may natutunan kayo sa
ating huling talakayan.
B. Paghahabi sa
layunin ng
aralin at
pagganyak

Bago tayo mag-umpisa sa ating talakayan ay


magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad.
Hahatiin ko ang inyong klase sa dalawang grupo at
bawat pangkat magpapa-unahan makahula ng mga
pelikula.

Panuto: Huhulaan ang mga pelikula gamit ang mga


scrambled letters

Malinaw? Opo sir!

(Pagsasagawa ng aktibidad)
Inaasahan ang
pagganap ng mag-
aaral

Mahusay! Tama ang inyong mga nabuong mga salita.


C. Pag-uugnay ng Batay sa inyong isinagawang gawain. Ano ang mga
mga binuo ninyong mga salita?
halimbawa sa Ang mga nabuo po
bagong aralin naming salita ay
mga pelikula dito
sa ating bansa
Mahusay! Ang mga iyan ay mga pelikula dito sa ating
bansa.

D. Pagtalakay ng Ngayon nais kong hingin ang inyong atensyon at


bagong makinig sa ating talakayan
konsepto at
paglalahad

May ipanonood ako sa inyong video clip at ang nais ko


lamang ay manood ng mabuti upang makasagot sa
aking mga katanungan pagtapos manood. Malinaw?

(Pagpapanood ng video clip) Opo sir!

Gabay na mga tanong:


1. Tungkol saan ang pelikulang napanood?
2. Anong mga isyu ang makikita sa pelikula na sa
tingin mo ay nangyayari sa tunay na buhay?
3. Anong mahahalagang aral ang iyong napulot na
maaari mong magamit sa iyong araw-araw na
pamumuhay?

DAL’WANG, ISANG KONSEPTO

Hulaan ang mga salita.

S_R_NG P_LEK_LA
Suring Pelikula po

SURING-PELIKULA
Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang
ebalwasyon at
paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula.
Pinakalayunin nito ay ang magbigay alam sa mga
manonood sa ideya ng pelikula. Tinutukoy nito ang
mabubuting bagay at kahinaan na dapat isaalang-
alang sa pagpapaganda ng pelikula.

E_E_EN_O NG _E_IKU_A
ELEMENTONG
PELIKULA
MGA ELEMENTO NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSUSURI NG
PELIKULA
1. Kuwento- Istorya o mga pangyayari sa pelikula.
2. Tema - Ang paksa ng pelikula. Nagsisilbing diwa, at
kaisipan ng
pelikula.
3. Pamagat- Nagdadala ng pinakamensahe at nagiging
pang-akit ng
pelikula.
4. Tauhan - Mga karakter na gumaganap at
nagbibigay-buhay sa
kuwento ng pelikula.
5. Diyalogo- Ito ang mga binibigkas ng mga tauhan sa
kuwento.
6. Sinematograpiya- Pagkuha ng wastong anggulo
upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan
ng wastong
timpla ng ilaw at lente ng kamera.

E. Pagtalakay ng Naintindihan ninyo ba ang ating mga tinalakay?


bagong Opo!
konsepto at Ilahad ang mga elemento na dapat isaalang-alang sa
pagsusuri ng pelikula.
paglalahad ng
bagong
kasanayan #2 (Sagot ng mag-
aaral)
Bago tayo magtungo sa ating pangkatang gawain atin
munang talakayin kung ano nga ba ang social
awareness campaign.

Social Awareness Campaign ay ang pagpapahayag


at pagbibigay ng mahalagang impormasyon, kaalaman
o babala para sa lahat. Ito ay ang mga current issues
na kailangang malaman ng mas nakakaraming grupo
at indibidwal. Sa kasalukuyan ginagamit ang mga
social media gaya ng facebook, twitter, Instagram at
iba pa. para mas mapabilis na maipaalam ito sa
publiko. Halimbawa nito ay ang nangyaring problema
sa DENGGVAXXIA vaccine na kailan lang ay ibinigay
sa mga mag-aaral sa mga public elementary schools.
Mahalaga na maipaalam sa lahat kung ano ang mga
sintomas sa mga estudyante at ano ang dapat gawin.
Maraming grupo at indibidwal ang naglungsad ng
Social Awareness Campaign tungkol dito lalo na sa
pagpapatigil sa pagbibigay ng nasabing vaccine.
F. Paglinang sa Ngayon ay dadako na tayo sa ating pangkatang
Kabihasahan Gawain kung saan ay may ipapanood ako sa inyong
(Tungo sa short video clip at pagkatapos nito ay sasabihin ko
Formative ang mga gagawin ng bawat grupo, malinaw ba?
Assessment)
PANGKAT(KATUWIRAN) 1 Opo sir!
Ipaglaban Mo!

Pangatuwiranan kung bakit iyon ang pamagat at ano


ang kaugnayan nito sa tema ng napanood na pelikula.

PANGKAT (TOTOO) SINETOTOO 2

1. Paano nabigyan buhay ng mga tauhan ang


kuwento sa likod ng napanood na pelikula? Ang mga mag-aaral
2. Naging makatotohanan ba ang paglalawaran ay magsisimula sa
sa isyung panlipunan? kanilang gawain.

PANGKAT (AKTING) ACT-SCENE ANALYSIS

Pipili at Isadula ang isang bahagi ng na napanood na


pelikula
Narito ang pamantayan sa pagmamarka

Pamantayan sa pagmamarka
Presentasyon – 5 puntos
Nilalaman – 10 puntos
Partipasyon – 5 puntos
Kabuuan – 20 puntos

Bibigyan ko lamang kayo ng Sampung minute(10)


para gawain ang mga gawain ng bawat grupo. Maaari
nang mag-umpisa

Tapos na ang 10 minuto, bumalik na sa mga kanya


kanyang upuan. Paghahanda ng
bawat pangkat

Mahusay! Naisagawa ninyo ng tama ang kanya


kanyang gawain ng grupo. Bigyan ang inyong mga
sarili ng limang bagsak!
G. Paglalapat sa
aralin sa pang- Sa papaanong paraan mo mapahahalagahan ang mga
araw-araw na Pelikulang Pilipino?
buhay

(Malayang sagot ng
mag-aaral)

Mahusay! Napakahalaga ng pelikulang pilipino dahil


unang-una ay naiaangat natin ang ekonomiya sa
pamamagitan ng paglalabas ng mga bagong pelikula
at higit sa lahat ipinapakita dito ang mga kaugalian,
kultura at iba pa na siyang nagpapakilala sa ating
bansa sa iba pang bansa.

H. Paglalahat sa Ano-ano nga muli ang ating tinalakay?


aralin Pagsusuri po ng
Ano nga muli ang mga elemento nito? pelikula

(Sagot ng mag-
aaral)
I. Pagtataya ng Tayo ngayon ay dadako na sa pagtataya ng aralin
Aralin

Panuto: Tukuyin ang salitang hinahanap sa bawat


pahayag. Isulat ito sa notebook

Tauhan Sinematograpiya Kuwento Pamagat


Diyalogo Suring-pelikula Tema

_______1. Nagdadala ng pinakamensahe at nagiging


pang-akit ng pelikula.
_______2. Mga karakter na gumaganap at nagbibigay-
buhay sa kuwento ng pelikula.
_______3. Ito ang mga binibigkas ng mga tauhan sa
kuwento.
_______4. Ang paksa ng pelikula. Nagsisilbing diwa, at
kaisipan ng pelikula.
_______5. Pagkuha ng wastong anggulo upang
maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. Pamagat
2. Tauhan
3. Diyalogo
4. Tema
5. Sinematograpiya

J. Karagdagang Para sa inyong takdang-aralin.


gawain para sa
takdang-aralin Humanap sa social media ng dalawang halimbawa ng
at remediation social awareness campaign.

Inihanda ni:

Josue B. Dela Cruz


Gurong Nagsasanay

Binigyang-pansin ni:

ACEL C. PAMIS
Gurong Tagapagsanay

You might also like