You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY


Palompon, Leyte
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Basic Teacher Education

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10


Unang Markahan
Paaralan: Merida Vocational School

Guro: Sheila Mae R. Noynay Baitang: 10

Petsa ng Pagtuturo: October 7,2021 Asignatura: Filipino

Oras ng Pagtuturo: 1 oras Markahan:Unang Markahan

1. Layunin
A. Batayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
Nilalaman akdang pampanitikan
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang
Pagganap critique tungkol sa alin mang akdang pampanitikang Mediterranean
C. Kakayahan sa 1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na
Pagkatuto naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. F10PN-
Ib-c-63
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda
gamit ang mga ibinigay na tanong. F10PB-Ib-c-63
3. Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda. F10PT-Ib-c-62
4. Nahihinuha ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng pinanood na
akda gamit ang mga estratehiyang binuo ng guro at magaaral.
F10PD-Ib-c-62
5. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas)
F10WG-Ib-c-58
II. Nilalaman Paksang Aralin: Modyul 2 Panitikang Pandaigdig (Parabula)
Aralin1: Parabula
Aralin2:Panitikan: Ang Tusong Katiwala
Aralin 3: GRAMATIKA: Pang-ugnay sa pagsasalaysay
III. KAGAMITAN NG
PAGKATUTO
A. BATAYAN
a. Mga pahina N/A
sa TG
b. Pahina ng LM Page 1-16
c. Pahina ng N/A
Aklat
d. Karagdagang Sipi ng teksto at malawakang pananaliksik sa internet
Batayan
e. Iba pang Cellphone, Laptop, Powerpoint Presentation, Google Meet(in call
kagamitan messages), Quizlet,Messenger, Google,Youtube at Quizizz
IV. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Bago ang Aralin 1. Panalangin
 Magsitayo ang lahat para sa ating  (Manalangin ang lahat)
panalangin  Sa ngalan ng Ama, ng
 Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Anak, ng Espiritu
Espiritu Santo. Amen. (Ipapakita Santo. Amen.
ang bidyu ng isang panalangin.)
Indicator 3

2. Pagbati
(Magsiupo ang lahat, pakibuksan ang
camera at audio at bumati sa lahat.)  Isang masigla at
“Isang magandang umaga sa inyong magandang umaga rin
lahat, mga mag-aaral ng ika-sampung sa iyo Bb. Noynay.
baitang ng Merida Vocational School.”

3. Pagtatala sa mga dumalo


 Bago tayo dadako sa ating
talakayan ngayon ay itatala ko
muna kung sino-sino ang mga
dumalo sa ating online class
ngayong umaga.  Magpapatala ang mga
 Magsend o magpadala ng inyong mag-aaral na dumalo sa
kompletong pangalan sa ating online class sa kanilang
groupchat bilang pagtanda na guro sa pamamagitan ng
kayo ay dumalo sa ating online kondisyon na hinihingi ng
class ngayong umaga.Bibigyan ko guro.
kayo ng limang minuto. Indicator 5

4.Pagpuna sa kaayusan ng koneksyon


at paghahanda ng presentasyon o  Opo ma’am.Naririnig po
diskusyon. namin.
 Maririnig nyo ba ang aking boses?
 Opo ma’am.Nakikita po
 Mabuti kong ganon.Nakita nyo ba namin ang slide sa
ang slide ng powerpoint presentation aming screen.
na nasa inyong mga screen?

6. Paglalahad ng mga panuntunan  Makikinig ang mga mag-


 Upang maging maayos ang daloy aaral at iintindihin ang
ng ating talakayan ay ilalahad ko mga panuntunang
muna sa inyo ang mga alituntunin ibinibigay ng guro sa
na dapat nating sundin para sa ating pamamagitan ng
talakayan. (Babasahin ng guro ang
pagpapakita ng slide sa
ang nakahandang alituntunin).
powerpoint presentation.
Indicator 3 and 7
 Opo,ma’am. Naiintindihan
 Naiintindihan niyo po ba ang mga
po namin.
alituntunin na dapat nating sundin
mga mag-aaral?

 Mahusay! Kung ganoon ay


magsisimula na tayo sa ating  Opo, ma’am.Handa na
talakayan ngayong araw. Handa po kami.
na ba kayo?
A. Balik-aral sa  Mabuti kung ganoon, bago tayo
nakaraang aralin magsimula sa ating bagong
at/o pagsisimula ng talakayan ngayong umaga ay
bagong aralin magkakaroon muna tayo ng
pagbabalik-aral sa mga nakaraang
aralin. Handa na ba kayo?  Opo Ma’am, handa na
Indicator 4 po.

 Magaling.Ngayon ay balikan natin


ang ating nakaraang talakayan.
 Noong nakaraang mga araw, ating
nalaman,nauunawaan at natukoy
ang ipakikilalang mitolohiya, mga
ilang halimbawa at kung paano
natin nasasalamin ang
pamumuhay, paniniwala at
pamamalakad ng mga sinaunang
tao sa iba’t ibang panig ng mundo
lalo na bansang Roma na  Opo Ma’am.Tama po.
pinagmulan nito. Tama po ba?

 Lingid dito, ating napag alaman na


ang Mitolohiya ng Taga-Roma ay
mayroong tema o paksa na
sinusunod.

 Ngayon,ay magtungo kayo sa quizlet


at sasagutan ninyo ang mga
katanungan doon. Indicator 3 and 6
 Kadalasang patungkol
ito sa politika, ritwal, at
 Ikaw (tatawag ng isang mag-aaral) moralidad na ayon sa
Kadalasang tungkol saan ang batas ng kanilang mga
ginagawang paksa ng taga-Roma? diyos at diyosa mula sa
Sinaunang taga-Roma
hanggang ang
katutubong relihiyon ay
mapalitan na ng
Kristiyanismo.

 (Sasagot ang mag-


 Tama! Ikaw (tatawag ng isang aaral batay sa kanyang
mag-aaral) Paano nakatutulong opinyon at pananaw)
ang mitolohiya sa pagpapaunlad
ng panitikang Filipino sa akdang
"Cupid at Psyche" at ang Mitong
Ifugao?

 Tama! Napakahusay naman.  (Magbigay ng sariling


 Sino pa ang gustong sumagot o kaisipan at natutunan
may iba pang ideya o kaisipan na sa nakaraang aralin)
natutunan sa akdang natalakay
(tatawag ng ibang mag-aaral)
 Magaling! Ang lahat ng inyong
mga sagot ay tama. At dahil may
naalala pa kayo sa ating
nakaraang talakayan at nakikita ko
rin na may natutunan talaga
kayo,ngayong umaga ay
magbubukas nanaman tayo ng  Opo Ma’am. Handa na
panibagong pintuan para sa ating po
panibagong aralin o talakayan
patungkol sa Parabula. Handa na
ba kayo?)
B. Paghahabi sa Bago muna tayo magsisimula, ipapakita o  Makikinig ang mga
layunin ng bagong babasahin ko muna sa inyo ang layunin mag-aaral habang
aralin. sa ating talakayan ngayon. binabasa ang layunin.

Pagkatapos ng talakayan, ang bawat isa


ay inaasahang:
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng
parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal;
2. Nasusuri ang nilalaman, at
kakanyahan ng binasang akda gamit ang
mga ibinigay na tanong;
3. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-
akda batay sa mga salita at ekspresyong
ginamit sa akda;
4. Nahihinuha ang nilalaman, elemento at
kakanyahan ng akda gamit ang mga
estratehiyang binuo ng guro at mag-aaral;
C. Pag-uugnay ng  Magpapakita ang Guro ng mga
mga halimbawa sa larawan sa mga parabulang
bagong aralin. nakapaloob sa Aralin 1 at 2.
Indicator 1, 2 and 6
 (Titingnan ng maagi ng
mga mag-aaral ang
mga larawang
ipinapakita ng Guro.)

 Ikaw (Tatawag ng mag-aaral)  (Sasagot ang mag-


Pamilyar ba sa iyo ang mga aaral batay sa kanyang
larawan na iyong nakikita? opinyon o nakita.)
 (Tatawag ulit ng mag-aaral) Para  (Sasagot ang mag-
sa iyo,ano ang mga ito? aaral)
 Ang mga nasa larawan
 Tama! Ang mga larawan na inyong ay halimbawa ng
nakikita ay mga parabula o isa sa parabula.
mga kilalang panitikang
pandaigdig.

 (Isa-isang ipaliwanag at ipapakilala


ng guro ang mga parabulang nasa
larawan.)

 Naintindihan po ba?  Opo Ma’am.


Naintindihan po.
D. Pagtatalakay ng  Bago tayo dumako sa ating
bagong konsepto at talakayan, magkaroon muna tayo
paglalahad ng ng pagtatalakay ng bagong
bagong kasanayan konsepto at paglalahad ng bagong
#1 kasanayan. Dito natin mahasa ang
inyong mga isipan kung mayroon
na ba kayong ideya at kaalaman
patungkol sa ating tatalakayin
ngayon.
 Ngayon ay pumunta muna kayo sa
In call messages ng inyong google
meet app at doon ninyo tipahin ang
inyong magiging kasagutan sa ang
aking mga nakahandang
katanungan para sa inyo.
Naintindihan ba mga mag-aaral?
 Opo Ma’am. Handa na
Indicator 3 and 6 po.
 Handa na ba kayo?

Panuto: Magbigay ng mga salita o  Sasagot ang mga mag-


pahayag na maaaring magpakilala o aaral sa in call messages
mag-ugnay sa PARABULA. ng aplikasyon at ito ay
nakabatay sa kanilang
sariling ideya, opinyon at
pananaw na may
kaugnayan sa tanong)

 Magaling! Ang inyong mga sagot ay


tama. Maraming salamat mga mag-
aaral, maaari niyo nang lisanin ang
in call messages sa app.
 Ngayong nahasa na ang inyong
isipan at kaalaman ay dadako na
tayo sa ating talakayan.Sa
pamamagitan ng powerpoint
presentation, ilalahad ko ang
nakapaloob sa Aralin 1 at 2 na
siyang nagsisilbing daan upang
magbubukas ang mga
pangyayaring magaganap sa
Modyul 2: Panitikang Pandaigdig  Makikinig ang mga
(Parabula) mag-aaral sa talakayan
 Ngayon, ihanda ang inyong sarili ng Guro.
at makinig ng mabuti.

 Sa puntong ito ay palawakin natin


ang inyong kaalaman sa
panitikang pandaigdig. Simulan
natin sa unang aralin patungkol sa
parabula. Matapos nating pag-
aralan ang Mitolohiya ng mga
taga-Roma, tayo ay gagabayan
naman ng mga mensaheng
matutuhan sa akdang
pampanitikan na umaakay sa tao
sa matuwid na landas ng buhay at  Ang parabula ay
ito ay ang Parabula.Ngunit bago maikling salaysay na
ang lahat,atin munang aalamin at nagtuturo ng
uunawain ang kahulugan at kinikilalang
kasaysayan ng Parabula. pamantayang moral na
karaniwang batayan ng
 Ikaw (tatawag ng mag-aaral) Ano mga kuwento ay nasa
ang kahulugan ng parabula? Banal na kasulatan.

 (Magbigay ng iba pang


ideya o kahulugan)

 Tama! Napakahusay naman.

 Ang Parabula ay realistiko ang


banghay at ang mga tauhan ay
tao. Ito ay may tonong
mapagmungkahi at maaaring may
sangkap ng misteryo.

 Sinasabing ito ay natagpuan sa


kauna-unahang mga taon sa
mundo at nabuhay sa mayamang
wika ng mga taga-Silangan. Ang
salitang ito ay buhat sa salitang
Griyego na “Parabole” na
nangangahulugang pagtatabihin
ang dalawang bagay upang
pagtularin. Ang Parabula ay hango
sa banal na kasulatan. Kadalasang
maikling kuwento ito na
kapupulutan ng aral sa usaping
moral, espirituwal, at relihiyoso.
Popular ang mga parabulang
matatagpuan sa Bibliya gaya ng
Kuwento ng Mabuting Samaritano,
Ang Alibughang Anak at Ang
Tusong Katiwala.

 Sa puntong ito ay ating susuriin


ang tiyak na bahagi ng
napakinggang parabula na
naglalahad ng katotohanan,  (Basahin ng maigi ng
kabutihan at kagandahang- mag-aaral)
asal.Sisimulan natin sa
parabulang pinamagatang “Ang
Parabula ng Mabuting Manlalako”.
Indicator 2, 4, and 6

 (Tatawag ng mga mag-aaral


upang basahin ang bawat talata at
pagkatapos ay ipaunawa at
ipaintindi ng guro ang bawat
pangyayari.)
 Minsan may dalawang tinderong
nagsikap na magtinda ng
pinakamasarap na puto sa bayan
ng Polo. Ang unang tindero ay
magaling sa pagluluto ng puto.
Ang ikalawang tindero naman ay
masikap pagdating sa paglalako.
Dahil sa likas na angking galing ng
unang tindero sa pagluluto ng puto
ay lubos na tinangkilik ng mga tao
ang paninda nito.

 Isang araw ay may dumating na


matandang lalaki buhat pa sa
malayong lugar. Siya ay dumayo
pa sa kanilang lugar upang tikman
ang ayon sa balibalitang
pinakamasarap na puto sa buong
bayan.

 Una nitong pinuntahan ang


tinderong kilala sa pagluluto ng
masarap na puto. Narinig ng
tindero ang bumibiling matanda
ngunit dahil may iba pang
pinagkakaabalahan ang tindero
kung kaya hindi niya ito pinansin.

 Sa paglalakad nito ay
nakasalubong niya ang ikalawang
tindero at inaalok nito na tikman
ang kanyang paninda.

 Nang maubos ang pagkain ay


mabilis na binunot ng matandang
lalaki ang kaniyang kalupi at
iniabot ang bayad ngunit hindi ito
tinanggap ng tindero.

 Nobyembre 12 kapistahan ni San


Diego Alcala. Nagpatawag ng
pagpupulong ang pinuno ng
kanilang bayan. Sinabi ng pinuno
na bibigyan niya ng parangal ang
pinakamagaling magluto at  Ang mga mag-aaral ay
magtinda ng putong Polo sa magtutulungan sa
bayan. pamamagitan ng
pakikilahok at pagbibigay
 Lubos ang tiwala ng unang tindero
sa kaniyang sarili na siya ang ng kanilang mga sagot at
mananalo sapagkat sa lahat ng hinuha sa paghimay sa
tindero, siya ang pinakamagaling
magluto ng puto. Halos nagulat parabula.
ang lahat ng inanunsiyo ng pinuno
kung sino ang nagwagi, walang iba  Opo
kundi ang ikalawang tindero. Ma’am.Naintindihan po.

 Gagabayan at tutulungan ng guro


ang mga mag-aaral sa paghihimay-
himay sa mga mahahalagang
pangyayari at kaisipan sa
napakinggang parabula. Indicator 5

 Naintindihan ba ang aking


diskusyon sa Aralin 1 pati na ang
parabula na inyong napakinggan?

 Magaling! Sa puntong ito ay ating


ipagpapatuloy ang ating talakayan
sa Aralin 2. Sa unang bahagi ng
aralin ay pinag-aralan natin ang
kahulugan at kasaysayan ng
parabula. Ngayon, tayo ay
gagabayan sa pag-aaral ng mga
elemento at katangian ng isang
parabula.
 Elemento ng Parabula
1) Tauhan – ito ang anumang tao
o karakter na gumaganap sa
istorya o kuwento.
2) Tagpuan – tumutukoy sa oras,
panahon at lugar na pinagdausan
ng kuwento at istorya. Maaari itong
maging dalawa o higit pa.
3) Banghay – ang kabuuan at
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
4) Aral – mga mahahalagang
matutunan pagkatapos mabasa
ang kuwento.
 Katangian ng Parabula
1) Ang parabula ay isang salaysay
– ang mga sangkap na bumubuo
sa isang maikling kuwento, gaya
ng tauhan, tagpuan, banghay,
tema, pananaw, at iba pa ay mga
sangkap na maaaring gamitin sa
parabula. Ang kinaiba ng parabula
sa maikling kuwento ay wala sa
mga sangkap na bumubuo rito  Opo Ma’am.Handa na
kundi sa uri ng mensaheng taglay po.
nito.
2) Ang parabula ay isang
metapora – may mga
pagkakataong nagkukulang ang
tuwirang paglalarawan sa isang
bagay upang maintindihan ito ng
tao. Sa ganitong sitwasyon angkop
ang paggamit ng mas masining na
pagpapahayag, gaya ng paggamit
ng metapora.

 Sa bahaging ito ay iyong pag-


aaralan ang parabula ng “Tusong
Katiwala” parabulang naganap sa
Syria. Handa na ba kayo?
Indicator 2, 4, and 6

 Mabuti kong ganon. Ngayon ay


magsisimula tayo sa unang
pangyayari ng akda.

 (Tatawag ng mga mag-aaral


upang basahin ang bawat talata at
pagkatapos ay ipaunawa at
ipaintindi ng guro ang bawat
pangyayari.)

 Nagsimula uli si Hesus sa


kaniyang mga alagad. “May taong
mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-
arian at ipinatawag niya ang
katiwala upang tatanggalin na ito
sa kanyang tungkulin.

 Agad nakaisip ng gagawain ang


katiwala na kahit maalis man siya
sa pangangasiwa ay may
tatanggap naman sa kanya sa
kanilang tahanan. Ang ginawa niya
ay isa-isa niyang tinawag ang mga
may utang sa kaniyang amo.

 Pinuri ng amo ang tusong katiwala


dahil sa katalinuhang ipinamalas
nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay
gumawa ng paraan kaysa mga
maka-Diyos sa paggamit ng mga
bagay ng mundong ito.
 At nagpatuloy si Hesus sa
pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa
inyo, gamitin ninyo ang
kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga  Ang mga mag-aaral ay
kapwa upang kung maubos na magtutulungan sa
iyon ay tanggapin naman kayo sa pamamagitan ng
tahanang walang hanggan. Ang pakikilahok at
mapagkakatiwalaan sa maliit na pagbibigay ng kanilang
bagay ay mapagkakatiwalaan din mga sariling ideya at
sa malaking bagay; ang kaisipan hingil sa
mandaraya sa maliit na bagay ay parabula.
mandaraya rin sa malaking
bagay.”  Opo Ma’am.
Naintindihan po.
 “Walang aliping maaaring
maglingkod ng sabay sa dalawang
panginoon sapagkat kamumuhian
niya ang isa at iibigin ang ikalawa,
paglilingkuran nang tapat ang isa
at hahamakin ang ikalawa. Hindi
kayo maaaring maglingkod ng  Opo Ma’am. Handa na
sabay sa Diyos at sa kayamanan.” po.

 Gagabayan at tutulungan ng guro


ang mga mag-aaral sa paghihimay-
himay o pagsusuri sa mga
mahahalagang pangyayari at ideya
sa napakinggang parabula. Indicator
5
 (Sasagot ang mga
mag-aaral batay sa
 Naiintindihan niyo ba ang bawat kanilang sariling ideya
at pananaw na may
pangyayari sa akda? kaugnayan sa
 Kung gayon ay ating aalamin at napakinggang
parabula.)
hahasain ang inyong mga
nalalaman sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga katanungan.
Handa na ba kayo?

 (Tatawag ng mag-aaral upang


sumagot sa bawat tanong)

Mga Mahahalagang Katanungan:


Indicator 2, 4, 5 and 6
1. Sa mga tauhan ng parabulang
mabuting manlalako, sino sa
kanila ang gumawa ng
kabutihan?
2. Dahil sa ginawang kabutihan ng  Ang mga mag-aaral ay
manlalako sa matandang magbibigay ng kanilang
lalaki,ano ang kanyang sariling ideya, opinyon
natamo? at pananaw na may
3. Paano nakatutulong ang kaugnayan sa tanong.
mensaheng nakapaloob sa
akda sa ugali ng isang tao?
4. Anong makabuluhang mensahe
ang hatid ng akda?
5. Sa parabula na pinamagatang,
Ang Tusong Katiwala, ipaliwanag
ang suliraning kinakaharap ng
katiwala.
6. Paano mo maiuugnay ang
pangyayari sa parabula sa mga
pangyayari sa kasalukuyan?
Patunayan ang sagot.
7. Batay sa mga salita at
ekspresiyong ginamit sa parabula,
paano ito nakakatulong sa estilo
ng may-akda?
8. Paano nakatutulong sa buhay ng
tao ang mga mensaheng ibig
ipahatid ng binasang parabula?
 Magaling! Ang lahat ng inyong
mga sagot ay tama.
E. Pagtatalakay ng  Ngayon ay magkakaroon tayo ng
bagong konsepto at karagdagang pagtatalakay.
paglalahad ng
bagong kasanayan GRAMATIKA: Pang-
#2 ugnay sa pagsasalaysay
Indicator 2, 5 and 6
 Bago tayo magpapatuloy sa ating  Ang mga mag-aaral ay
pagtatalakay, Para sa inyo, ano ba maglalahad ng kanilang
ang pang-ugnay sa sariling ideya at
pagsasalaysay? opinyon.

 Tama! May mga tiyak na salita o


parirala na ginagamit upang
maging magkakaugnay ang
mga pangungusap na isusulat
sa isang talata. Kailangang
gumagamit ng paglilipat-diwa o
transisyunal na salita o parirala.
Layunin Pang-ugnay sa
Pagsasalaysay
Pagdaragdag o Pagpupuno at, at saka, pati, gayundin,
bukod dito, una (ikalawa,
ikatlo…), dagdag pa rito,
susunod, sa ibabaw ng
lahat, rin/din
Pagtutulad o gaya ng, katulad ng,
Paghahambing kawangis ng, gayundin
(naman),
animo’y, anaki’y kapara,
tila
Pag-iiba Ngunit, subalit, datapwat,
sa kabilang dako, maliban
sa/kay
Paglalahad ng bunga o sa ganoon/ sa ganito,
kinalalabasan sa wakas, sa dakong
huli, kung gayon,
samakatuwid, sa
madaling sabi,
alinsunod ditto,
bilang resulta
Paglipas ng panahon Samantala, habang, sa
bandang huli, sa loob ng
madaling panahon, di
naglaon, hanggang sa
Pagwawakas Sa wakas, sa kabuuan,
sa madaling salita,  Aktibong makilahok at
bilang makikinig ang mga mag-
pagwawakas, kaya nga,
sa kalahatan, suma-total aaral sa pagtatalakay
gayun din ang pagbibigay
ng mga halimbawa bilang
 Tatalakayin ng Guro ang anim na partisipasyon sa klase.
layunin at ang kaakibat nitong pang-
ugnay sa pagsasalaysay sa
pamamagitan ng paglalahad ng
halimbawa na may kaugnayan sa
sinuring parabula at pagkatapos ay
hihingi rin ng ideya o halimbawa ang
Guro sa mga mag-aaral na may
kaugnayan rin sa parabula.

 Magaling! Base sa inyong mga


ibinigay na halimbawa ay lubos
kung napagtanto na mayroon na
kayong mga ideya at kaalaman
F. Paglinang sa patungkol sa pang-ugnay sa
kabihasnan pagsasalaysay. At dahil diyan
bigyan niyo ng isang Very Good
clap ang inyong mga sarili.
 Opo ma’am.Handa na po.

 Ngayon naman ay lilinangin at


susukatin natin ang inyong
kaalaman sa pang-ugnay sa
pagsasalaysay. Handa na ba kayo?
 Magaling!Ngayon ay magsimula na
kayong sumagot.

Panuto: Piliin sa panaklong ang angkop


na pang-ugnay sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa papel.

1.. Kumakain ako ng popcorn (habang,


kaya) nanood ng sine.
2. Mabigat ang trapiko (dahil sa, kaya)
nahuli ako sa klase.
3. Matutulog ako ng maaga (kasi, upang)
hindi ako mahuli sa klase bukas.
4. Huwag mong gawin ang mali
(sapagkat, sa wakas) walang
maibubungang maganda iyan sa’yo.
5. (Bilang pagwawakas, Samantala) sa
kaniyang talumpati ay binigyang diin niya
na bago matamo ang pagbabago sa
bansa ay umpisahan muna sa sarili.

 Pagkatapos sagutan ng mga mag-


aaral ang mga tanong ay ipasa ito
sa messenger at ipapakita ito sa
screen upang itatama ng guro at
ilalahad sa klase kung ilang
porsiyento ang nakakuha ng tamang
sagot at ang mga nagkamali.
 Mahusay! At dahil dyan ay bibigyan
ko kayo ng isang Good Job clap.


Sa puntong ito ay magkakaroon
nanaman tayo ng isang
pagsasanay upang mas
mapalawak ang kaalaman at  Sisimulan na ng bawat
pagtatalakay. pangkat ang
 (Sa ganitong ideya, ang mga mag- pagsasagawa ng
aaral ay magkakaroon ng kanilang nakatalagang
panibagong konsepto ng gawain at pagkatapos
pagkatuto sa pamamagitan ng nito ay ilahad nila ito sa
pagkakaroon ng pangkatang loob ng klase.
gawain. Dito malalaman ng guro
kong nauunawaan ng mga mag-
aaral ang araling itinuturo.)
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang
pangkat o grupo. Bawat pangkat ay
inaasahang isagawa ang nakatalagang
gawain para sa kanila. Gagawin ito sa
loob ng sampung minuto at pagkatapos
ay pipili ng isa o dalawang representante
ang bawat pangkat upang ilahad sa
klase ang kanilang ginagawa. Indicator
2, 3, 4, 6 and 8,

UNANG PANGKAT: Gamit ang story


frame, isalaysay ang mahahalagang
pangyayaring naganap sa parabula ng
mabuting manlalako. Itala rin ang
bahaging para sa iyo ay naglalahad ng
katotohanan, kabutihan, at kagandahang-
asal ng isang tao.
(Pagsisimula)

(Pagpapadaloy
ng pangyayari)
(Pagwawakas)

IKALAWANG PANGKAT: Ilahad ang


katangian ng parabulang Ang Tusong
Katiwala sa iba pang akdang
pampanitikan. Itala rin ang bahaging para  Sisimulan nang ibahagi
sa iyo ay naglalahad ng katotohanan, sa loob ng klase ang
kabutihan, at kagandahang-asal ng isang isinasagawang gawain
tao. ng bawat grupo.
Parabula

Katangian

Patunay

 Pagkaraan ng sampung minuto ay


tatawagin na ng guro ang
dalawang pangkat upang ilahad
ang kanilang isinasagawang
gawain.
G. Paglalapat ng  Pagkatapos nating natutunan at
aralin sa pangaraw- nauunawaang mabuti ang aralin na
araw na buhay ating tinalakay na may kaugnayan
sa parabula, ating ilalapat at bigyan
natin ito ng pag-uugnay batay sa
naunawaan mong mensahe mula sa
mga parabulang tinalakay. Indicator
1, 2, 5, and 6
 (Magbigay o
 (Tatawag ng mga mag-aaral) magpahayag ng sariling
Tukuyin ang mga pangyayari sa ideya, opinyon at
dalawang akdang napakinggan na pananaw ang mag-
maaaring iugay sa sariling aaral kaugnay sa
karanasan o tunay na buhay. tanong)

Pangyayari sa Pangyayari sa
Parabula Sariling
Karanasan

 Paano mo ito maiuugnay sa iyong


sarili, pamilya, pamayanan, at
lipunan sa pangaraw-araw na
buhay?
H. Paglalahat ng  Sa unang aralin,ating napag-
Aralin aralan ang tungkol sa mga
Parabula. Sinasabing ito ay
natagpuan sa kauna-unahang mga
taon sa mundo at nabuhay sa
mayamang wika ng mga taga-
Silangan. Ang salitang ito ay buhat
sa salitang Griyego na “Parabole”
na nangangahulugang
pagtatabihin ang dalawang bagay
upang pagtularin. Lingid dito,
ipinagbigay- diin rin sa araling ito
ang kahulugan ng parabula na
kung saan ito ay hango sa banal
na kasulatan. Kadalasan ay
maikling kuwento ito na
kapupulutan ng aral sa usaping
moral, espirituwal, at relihiyoso.
Popular ang mga parabulang
matatagpuan sa Bibliya gaya ng
Kuwento ng Mabuting Samaritano,  Opo Ma’am. Tama po.
Ang Alibughang Anak at Ang
Tusong Katiwala. Tama po ba?

 Sa karagdagang ideya, atin ring


nalalaman at naunawaan ang apat
na elemento ng parabula. Ito ay
binubuo ng Tauhan,Tagpuan,
Banghay at Aral. Kalakip sa
tinatalakay sa aralin 2 ay ang
dalawang katangian ng parabula,
Ang parabula ay isang salaysay at
ang parabula ay isang metapora.

 Sa pangkalahatan, ang araling ito


ay isa sa mga higit na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng
panitikang Filipino sa
pamamagitan ng paghango sa  Opo Ma’am.
Banal na kasulatan at kuwentong Naiintindihan po namin.
umaakay sa tao sa matuwid na
landas ng buhay.  Magbigay ng
 Naiintindihan niyo po ba lahat ng katanungan,
aking diskusyon? klaripikasyon, pananaw
(Para sa karagdagang katanungan, o opinyon.
maaari po ninyong buksan ang inyong
mga audio at magsalita para sa inyong
mga klaripikasyon, pananaw at
katanungan.)
I. Pagtataya ng  Para sa inyong pagtataya ay  Sasagutan ng mga mag-
Aralin gagamit tayo ng quizizz.com. aaral ang pagtataya sa
Pagkatapos ng klase natin ngayong quizizz.com bago
araw ay isesend ko sa ating matapos ang araw.
groupchat ang link at code para
magkaroon kayo ng access sa ating
pagtataya. Indicator 2, 3, 4 and 6

Panuto:Tayahin natin ang mga


kaalamang natutunan sa araling
tinalakay. Basahin nang mabuti ang
sumusunod na tanong at isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang
sagot.

1. Kuwentong madalas na hango sa


Bibliya at umaakay sa matuwid na landas
ng buhay.
A. dagli B. nobela C. pabula D.
parabula
2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng
isang akdang parabula maliban sa isa.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang
Mabuting Samaritano
B. Ang Kuwento ni Pagong at Matsing
D. Ang Tusong Katiwala
3. Ang salitang parabula ay nagmula sa
salitang Griyego na “__________” na
nangangahulugang paghahambing,
ilustrasyon, o analohiya.
A. parabole B. parabol C. parabula D.
parabbole
Panuto: Bigyang puna ang estilong
ginamit ng may-akda. Hanapin sa loob ng
kahon ang damdaming angkop sa
pahayag.
Lungkot Galit Panghihinayang
Pagtataka Pagkaawa Pag-aalinlangan

1. “May taong mayaman na may isang


katiwala. May nagsumbong sa kaniyang
nilulustay nito ang kaniyang ari-arian”.
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa
iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na
kita sa iyong tungkulin”.
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako
ng aking amo sa aking pangangasiwa.
Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos”.
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin
ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa
paggawa ng mabuti sa inyong mga
kapwa upang kung maubos na iyon ay
tatanggapin naman kayo sa tahanang
walang hanggan”.
5. “At kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng
iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo?”

Tukuyin kung ang pahayag ay tama o


mali.
6. Ang parabula ay sinulat upang mang-
aliw ng mambabasa o tagapakinig.
7. Ang parabula ay isang salaysay.
8. Ang nilalaman ng parabula ay mga
mensahe o mga kuwentong kapupulutan
ng aral na pawang galing sa Sagradong
Bibliya.
9. Walang aral na makukuha sa mga
akdang parabula.
10. Ang parabula ay isang metapora.

V. Takdang- Aralin Isagawa:


 Makikinig ang mga
Mula sa binasang parabula, sumulat ng mag-aaral sa mga atubilin
isang maikling salaysay na nagpapakita ng guro.
ng pamantayang moral ng isang tao mula
sa mga kuwento ng matatanda at  Kokopyahin o itala ng
kasalukuyan pa ring isinasabuhay at mga mag-aaral ang
isinasapuso ng mga mamamayan sa inihandang takdang-
lugar ng Merida.(Gumawa ng isang aralin sa kanilang
pananaliksik at karagdagang kuwaderno at ipapasa
pagtatanong) Indicator 2, 3, 4, and 6 ito sa google classroom
o via messenger
Susi sa Pagmamarka pagkatapos sagutan.

Pamantayan Napakahusay Kakikitaan ng Nalilinang Kabuuan


Kahusayan (7 puntos)
(8 puntos)
(10 puntos)
Nilalaman Nailalahad ng Mahusay na Ang nilalaman ng
maayos ang mga napagsunod- salaysay ay
pangyayari mula sunod ang mga kakikitaan ng
simula,gitna at pangyayari kahusayan ngunit
wakas. ngunit may hindi gaanong
kalabuan ang naisasaayos ang
ibang bahagi. paglalahad.
Pagkamakatoto Ang Ang May katotohanan
hanan pangyayaring pangyayaring ang pagkalahad
inilahad ay tunay inilahad ay ng mga
at kakitaan ng tunay pangyayari
makatotohanan at ngunit hindi
dahil ito makatotohanan gaanong malinaw
napakalinaw na ngunit may ang salaysay na
nailalarawan. kalabuan ang nabuo.
ilang bahagi.
Pagpapakahulu Napakalalim ng Kakikitaan ng Kakikitaan ng
gan pag-unawa sa malalim na pag- kababawan sa
ginawang akda unawa sa isinulat pag-unawa sa
sapagkat ang na salaysay isinulat na
nakapaloob sa ngunit may salaysay kaya
salaysay ay kalabuan sa ilang hindi rin gaanong
tunay na bahagi. malinaw na
kapupulutan ng naiparating na
aral. mensahe.
 Sasagot ang mga mag-
aaral kung naiintidihan
 Naintindihan ba mga mag-aaral? ba o mayroon pang
Mayroon ba kayong mga ibang mga katanungan.
katanungan o klaripikasyon?

 Kung wala na ay dito na po


nagtatapos ang ating talakayan
ngayong umaga .Nawa’y
maisabuhay at maisasapuso ninyo
ang ating isinagawang talakayan at
 Maraming salamat din
sana ay magamit niyo ito sa
po ma’am.
pagpapatuloy sa pangaraw-araw na
buhay. Maraming salamat at
magkita-kita nalang tayo sa susunod
nating talakayan.

VI. Mga Tala


VII. Pagninilay
CPL
a. Bilang ng
mga mag-
aaral
b. Bilang ng
aytem
c. Bilang ng
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
d. Bilang ng
mag-aaral na
magpapatulo
y sa
remediation

Inihanda ni:
Sheila Mae R. Noynay
Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:
Gng. Marilyn C. Canillo
Gurong Tagapagsanay

You might also like