You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
STA. CRUZ PINGKIAN HIGH SCHOOL

Paaralan STA. CRUZ PINGKIAN Baitang/Antas 11 - AZURITE


HIGH SCHOOL
GRADE 1 TO 12 Guro JULIET B. BALAO Asignatura Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto
DAILY LESSON LOG Tungo sa Pananaliksik
Petsa/ Ika-4 ng Mayo, 2023 Markahan Ikalawang Semestre-
Oras 11:00 -12:00 A.M Pinal

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa
Pagganap
C. Mga Kasanayang Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pampagkatuto MELC:
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB – IVab – 100)

a. Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa pagpili ng mainam na paksang dapat saliksikin;
b. Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto kaugnay ng pagpili sa epektibong paksa
sa pananaliksik;
c. Naipapahayag ang mga tiyak na hakbang sa pagbuo ng epektibong paksa sa
pamamagitan ng pangkatang gawain; at
d. Aktibong nakalalahok sa mga gawain at talakayan.

II. Nilalaman PANANALIKSIK


III. Kagamitang Panturo Powerpoint Presentation, Laptop,
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay
ng guro
2. Mga pahina sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, pp. 106-108
kagamitang Pang-
mag-aaral
3. Mga pahina sa
teksbuk
B. Karagdagang
kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
IV. PAMARAAN Gawaing-guro Gawaing Mag-aaral
A. Balik-aral sa 1. Pagbati
nakaraang aralin Isang mapagpalang umaga, 11-
at/o pagsisimula Azurite! Mapagpalang umaga din po mga guro.
ng bagong aralin.
2. Panalangin
Manatiling nakatayo para sa isang Panginoon maraming salamat po muli sa
panalangin na pangungunahan ni buhay, lakas at biyayang ipinagkaloob mo sa
Rhygold. amin sa araw na ito. Gabayan at tulungan mo
po kami sa lahat ng aming gagawin.
Gayundin, pagkalooban mo po kami ng iyong
karunungan at pag-unawa nang sa gayon ay
maintindihan po namin ng maigi anuman ang
aming pag-aaralan ngayon. Panginoon,
patawarin mo po kami sa lahat ng mga
pagkukulang at pagkakasala. Ito po ang
aming samo’t dalangin. Sa ngalan ni Jesus,
Amen.
Maraming Salamat.
Bago kayo umupo, pakiayos muna ang
hanay ng inyong mga upuan gayundin
na pulutin ang mga kalat sa inyong (Kikilos ang mga mag-aaral)
tapat.

3.Pasalista
May lumiban ba ngayon sa klase klas
monitor? Wala po madam.

Mainam kung gayon. Panatilihin nawa


ang ganyang bilang para lahat ay
papasa at walang maiiwan.

Kahapon klas ay pinangkat ko kayo sa


apat at batay sa kulay ng iyong name
tag inaasahan ko na bawat isa sa inyo
ay nasa kaniya-kaniyang grupo na.

4. Mga Panuntunan
Bago ang lahat, para maayos ang
daloy ng ating talakayan narito ang
mga dapat tandaan sa loob ng klase.

Sabay na basahin klas! Mga Bagay na Dapat Tandaan:


Ka- Katahimikan ay panatilihin kung may
nagsasalita;
Wa- wastong asal ay pairalin
Ng- nang kusa;
Ga- gawing matagumpay ang pagkatuto, at
Wa- walang labas nang labas kung hindi
naman kinakailangan.
Magaling!
Nagkakaintindihan ba tayo klas? Opo madam.
5. Balik-aral
Sa puntong ito, natatandaan pa ba
kung ano ang tinalakay natin noong
nakaraan klas? (magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Sige nga Tyrone. Tinalakay po natin ang tungkol sa


pananaliksik ma’am. Nagbigay din po kami ng
aming sariling pananaw kaugnay sa salitang
“PANANALIKSIK”.
Mahusay!
Idagdag diyan, napag-aralan din natin
ang mga layunin at katangian ng
pananaliksik tama ba klas? Opo ma’am.

Para matiyak kong may naiwan pa sa


inyong mga isipan, paunahan sa
pagsagot ng mga katanungan mula sa
slide. May kaukulang puntos ang bawat
isa sa tamang sagot na ibibigay.
Maliwanag po ma’am.
Maliwanag ba sa inyo klas?

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI


katangian ng pananaliksik?
A. lohikal na proseso
B. bunga ng prediksiyon
C. may subhetibong imbestigasyon
D. produksiyon ng kasanayan at
kaalaman Inaasahang sagot:
1. C
2. Alin ang HINDI kabilang sa 2. C.
pagsasagawa ng isang pag-aaral o 3. D
pananaliksik? 4. C
A. Makatuklas ng bagong kaalaman 5. B
B. Makapagdudulot ito ng
imbestigasyon
C. Magkakaroon ng iba’t ibang
karamdaman
D. Mapatunayan ang mga sagot sa
suliranin

3. Ayon sa kanila ang pananaliksik ay


isang proseso ng pangangalap ng
datos o impormasyon?
A. Clarke (2005)
B. Aquino (1974)
C. Simbulan (2008)
D. Manuel at Medel (1976)

4. Sino ang nagsabi na ang


pananaliksik ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian?
A. Mouly (1964)
B. Simbulan (2008)
C. John Best (1996)
D. Nuncio et. al (2013)

5. Sa pagsulat ng isang pananaliksik,


bakit mahalaga ang paghingi ng
permiso sa mga kasangkot sa iyong
pananaliksik?
A. Para maipakita ang paggalang
B. Upang hindi lumabag sa privacy
rights
C. Dahil ito na ang kalakaran sa
Mercado?
D. Sapagkat ito ang dapat unahing
gawin.
Wala na po ma’am.
Magaling!
May mga katanungan pa ba kaugnay
sa ating nakaaraang paksa klas?

Mabuti kung gayun.


Dahil diyan, naniniwala ako na handa
na kayo sa ating panibagong aralin.
B. Paghahabi sa Ipagpatuloy natin.
layunin ng aralin Sa umagang ito ay hangad nating
makamit ang mga sumusunod na
layunin.

Sabay-sabay na basahin klas! MELC:


Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik
sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at
etika sa pananaliksik (F11PB – IVab – 100)

Mga tiyak na Layunin:


a. Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa pagpili
ng mainam na paksang dapat saliksikin;
b. Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto
kaugnay ng pagpili sa epektibong paksa sa
pananaliksik;
c. Naipapahayag ang mga tiyak na hakbang
sa pagbuo ng epektibong paksa sa
pamamagitan ng pangkatang gawain; at
d. Aktibong nakalalahok sa mga gawain at
Maliwanag ba klas? talakayan.

Mabuti naman. Inaasahan ko ang Opo ma’am!


kooperasyon ng bawat isa.
Maaasahan ko ba klas?
Maasahan mo po ma’am.
C. Pag-uugnay ng 6. Pagganyak
mga halimbawa Manatili sa inyong pangkat sapagkat
sa bagong aralin sa puntong ito bawat pangkat ay
kinakailangang magtulungan para sa
panimulang gawain.

GAWAIN 1: PARAMIHAN
Mekaniks:
1. Sa loob ng dalawang minuto,
magsulat ng mga maaaring paksa sa
pagbuo ng pananaliksik.

2. Paramihan ng pagsusulat.
Pagkatapos ay sabay-sabay na idikit sa
pisara ang naitala.

3. Bibilangin ang naitala at kung sinong


pangkat ang may maraming naisulat ay
mabibigyan ng premyo pagkatapos ng
talakayan. Inaasahang sagot:
 Computer games
Nagkakaintindihan ba klas?  Pamilya
 Kulturang Pilipino
 Pag-uugali ng mga mag-aaral
 Wikang Filipino
 Paghihiwalay ng magulang
 Kahinaan ng mga mag-aaral
 Pagiging tamad ng mga mag-aaral
 Bullying

Pangkat 3 ma’am!
Anong pangkat ang nanguna klas?
Pagbati. Ipaalala niyo sa akin mamaya
ang iyong premyo.

Ngayon, ano sa tingin ninyo ang ating Ma’am!


aralin ngayon? May ideya na ba kayo
klas? Tungkol po sa pagpili ng paksa para sa
Sige nga Lynzey. pananaliksik po ma’am.

Tumpak!
Ang mga naitala ninyo kanina ay mga
halimbawa ng maaaring paksa sa
pagbuo ng isang saliksik.

Lagi ninyong tandaan na ang paksa


ang pangunahing ideya na nagbibigay
daan sa takbo ng isinasagawang
pananaliksik. Kaya napakahalaga ang Opo ma’am!
pagpili ng tiyak na paksa.
Naintindihan po ma’am.
Naintindihan ba klas?
D. Pagtalakay sa Ngayon talakayin natin ang mga gabay
bagong konsepto sa pagpili ng tiyak na paksa ng isang
at paglalahad ng pananaliksik. Ngunit ito ay isasagawa
bagong kasama ang iyong ka-grupo. Sa
kasanayan 1 pamamagitan ng pag-alam at
pagbabahagi mamaya.
Narito ang mekaniks.

Basahin ng sabay-sabay klas! GAWAIN 2: ALAMIN AT IBAHAGI MO AKO


MEKANIKS:
1. Iayos ang mga letra na ibibigay sa bawat
pangkat. Kung ano ang nabuong salita ay
idikit ito sa naibigay na manila paper.

2. Habang ang ibang miyembro ay dinidikit


ang nabuong salita ang iba naman ay
gumagawa ng pagpapaliwanag tungkol sa
kanilang paksa.

3. Lahat ng awtput ay ididikit sa pisara.

4. Bibigyan ng sampung minuto sa


paghahanda at dalawang minuto naman sa
Mahusay! pagbabahagi.
Maliwanag ba klas ang gagawin ng
bawat pangkat?
Maliwanag po ma’am.

E. Pagtalakay sa Tapos na ang itinakdang panahon


bagong konsepto klas, sabay-sabay na idikit sa pisara
at paglalahad ng ang iyong mga awtput at simulan natin (Ididikit sa pisara ang mga awtput)
bagong ang iyong pagbabahagi.
kasanayan 2
Ok, simulan ang pag-uulat mula sa
unang pangkat. Sabihin ang paksa
bago isunod ang pagpapaliwanag klas. Inaasahang Sagot:
Pangkat 1: Kahalagahan at kabuluhan ng
paksa
Pagpapaliwanag:
- Sa pagpili po ng paksa para sa
pananaliksik kinakailangan po
munang alamin ang kahalagahan nito
ganun din para magkaroon ng
malinaw na layunin tungkol sa
paksang pipiliin. Sa ganitong paraan,
walang masasayang na oras at
magiging kapaki-pakinabang ang
Tumpak!
naturang pananaliksik.
Limang bagsak para sa grupo.
Tandaan din klas na sa pagpli ng paksa
dapat may kabuluhan para alam agad
kong ano ang nais mong matuklasan
sa iyong isasagawang pananaliksik.
Nagkakaintindihan ba klas? Opo madam.

Isunod naman natin ngayon ang


pangalawang gabay mula sa ikalawang Pangkat 2: Interes sa Paksa
pangkat. Pagpapaliwanag:
- Mainam kung ang paksang pipiliin po
ay iyong interes. Mapapadali ang
pagsasagawa ng pananaliksik dahil
ito ang paksang nais mo pang
matutuhan at matuklasan. Hindi rin
po mahihirapan mag-isip ng mga
hakbang dahil unang-una pa lang ay
Magaling! alam mo na ito at meron na sa iyong
Limang bagsak din para sa grupo. puso.
Tandaan din na kapag may interes ka
sa paksang napili mo magkakaroon ka
pa ng motibasyon para ipagtuloy ang
pananaliksik na iyon.

Handa na ba ang pangatlong pangkat?


Makinig pa rin klas at tunghayan Handang-handa po ma’am.
naman natin sila.
Pangkat 3: May sapat na impormasyon
Pagpapaliwanag:
- Sa pagsasagawa ng pananaliksik po
magkahalintulad sa pangangalap din
ng impormasyon. Kinakailangan na
sa pagpili ng paksa may mga
impormasyon ka nang alam at
kilangang alamin din kung saan
makakukuha ng sapat at tiyak na
Magaling klas!
impormasyon sa iyong pipiliing
Limang bagsak para sa pangatlong
paksa.
pangkat.
Bilang karagdagan, bagaman may mga
paksang nagawan na ng maraming
pag-aaral ang mga ito ay bukas pa rin
para sa panibagong pananaliksik.
Naunawaan ba klas?
o baka may karagdagan sa iyong mga
kaklase?

Kung gayon, atin nang tunghayan ang Wala po ma’am.


huling grupo.
Pangkat 4: Haba ng nakalaang panahon para
isagawa ang panananaliksik
Pagpapaliwanag:
- Sa pagpili ng paksa, kailangang
bigyang pansin ang panahon na
ilalaan para dito. Halimbawa kung
kailangang magsarbey,
makipagpanayam sa eksperto o
magtungo sa malayong lugar,
nangangailangan ito ng mahabang
panahon. Subalit kung ang mga
Tama! impormasyon ay matatagpuan
Malinaw na pagpapaliwanag! naman sa aklat mas mabilis matapos
(papalakpak ang mga mag-aaral) ang pananaliksik.

Karagdagan din sa pagpili ng paksa


kakailanganan din na isaalang-alang
ang mga gastusin sa pagsasagawa ng
pananaliksik. Sa mga materyal na
bagay, gayundin ang transportasyon sa
mga lugar na kailangang puntahan at
iba pa.

May natutunan ba klas sa ating aralin


ngayon?

Marami po ma’am
F. Paglinang sa Mula sa mga pagpapaliwanag ng bawat
Kabihasaan grupo gayundin ang pagbibigay ng
opinyon ng bawat isa sa inyo bigyang
puntos ang bawat pangkat batay sa
kulay ng bituin.

Green
5
(Isasagawa ng mga mag-aaral)
Yellow
4

Violet
3

G. Paglalapat ng Ipagpatuloy natin klas. Tingnan ang


aralin sa pang- ilalim ng iyong mga upuan. Kunin ang
araw-araw na nakadikit at sabay-sabay na itaas. (Kikilos ang mga mag-aaral
buhay
Ngayon kung sino ang nakahawak ng
may sulat ay tumayo at kung wala
Opo ma’am.
naman ay umupo. Maliwanag ba klas?

Para sa mga nakatayo, basahin ang


tanong at ibahagi sa klase ang iyong
sagot.

Mga tanong: Inaasahang sagot:


1. Ano sa tingin mo ang dahilan kung - magkakaibang kulay dahil kung iuugnay
bakit magkakaibang kulay ng bituin ang natin sa pagpipili ng mga paksang nais
binigay kong pagpipilian sa pagbibigay gawan ng pag-aaral ang mga gabay na
ng iskor ng bawat pangkat? natalakay natin kanina ay magkakaiba din
subalit iisa ang tinutukoy – ang pagpili ng
tiyak na paksa .
Magaling!
2. Bilang tugon sa values of the month
(kawanggawa/charity) paano mo ito
maiuugnay sa pagsasagawa ng isang -maiuugnay ko po ito sa pamamagitan ng
matagumpay na pananaliksik? kusang pakikibahagi sa lahat ng mga
hakbang na gagawin, gagawin ko po ito sa
pamamagitan ng boluntaryo at hindi pinipilit
Matalinong pagsagot! para sa ikatatagumpay ng aming
Tumpak na tumpak ang iyong mga pananaliksik.
sagot. Dahil diyan, naniniwala ako na
naintindihan ninyo ang ating aralin
ngayon.
H. Paglalahat ng Ngayon para matiyak kong may
Aralin natutunan kayo sa araw na ito, narito
sa harapan ang GRAFFITI WALL.

Pumili ng isang kinatawan bawat grupo


at itala ang mga natalakay natin
ngayon.
Inaasahang sagot:

GRAFFITI WALL GRAFFITI WALL

Kahalagahan at kabuluhan ng paksa

Interes sa Paksa

May sapat na impormasyon

Haba ng nakalaang
panahon

Pagsa-alang-alang sa mga gastusin


I. Pagtataya ng Panuto: Basahin ng maigi ang mga
Aralin tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot sa bawat aytem.

1. Bago pumili ng paksa sa


pananaliksik kinakailangan munang
may sapat na________?
A. Interes
B. Gastusin
C. Kahalagahan Inaasahang sagot:
D. Impormasyon 1. D
2. A
2. Ang mga sumusunod ay dapat na 3. A
isaalang-alang bago pumili ng tiyak na 4. D
paksa sa pananaliksik maliban sa isa. 5. A
A. Kasama
B. Interes sa paksa
C. Kinakailangang gastusin
D. Haba ng nakalaang panahon
3. Nagiging kasiya-siya ang iyong
pananaliksik dahil ito ang paksang nais
mo pang matutuhan at matuklasan.
Anong gabay ito sa pagpili ng paksa ng
pananliksik?
A. Interes sa paksa
B. Sapat na Impormasyon
C. Kinakailangang gastusin
D. Haba ng nakalaang panahon

4. Tumutukoy ito sa haba ng oras o


araw/buwan na kakailanganin para sa
pananaliksik.
A. Interes sa paksa
B. Sapat na Impormasyon
C. Kinakailangang gastusin
D. Haba ng nakalaang panahon
5. Ito ang pangunahing ideya na
nagbibigay takbo sa isinasagawang
pananaliksik.
A. Paksa
B. Journal
C. Kaligiran
D. Introduksiyon

J. Karagdagang Panuto: Bumuo ng tatlo hanggang lima


Gawain para sa na maaaring paksa sa isang
takdang-aralin at pananaliksik. Isulat ito sa isang-kapat
remediation na papel.

V. Mga Tala

VI. Pagninilay

A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba
ang remedial?
Bilang ng mga
mag-aaral na
nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiya ng
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos.
F. Aling suliranin
ang aking
naranasan na
solusyon sa
tulong punong
guro at
superbisor.
G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nabuo na
nais kong
ibahagi sa sa
mga kapwa ko
guro

Inihanda ni: Pinuna ni:

JULIET B. BALAO MILLER B. LIBORIO


Student Intern Guro II

Binigyang-tuon ni: Pinagtibay:

GARLYMAYNE C. PITLONGAY DOLORES C. DODON, PhD


Ulong Guro III Punongguro III

You might also like