You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Quarter Ikaapat


tungo sa Pananaliksik

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon
sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa
at daigdigNakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng
masinop na pananaliksik

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na


napapanahon ang paksa

C. Kasanayan sa Pagkatuto Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng


pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo at etika ng Pananaliksik
(F11PU-IVef-91)

D. Layunin (KSA) A. Naiisa-isa at natutukoy ang mga tamang hakbang o


paraan sa pagsusulat ng Pananaliksik
B. Nalalaman ang kahulugan dalawang hakbang sa
pagsusulat ng pananaliksiksik at naliliwanagan sa mga
impormasyong may kaugnayan sa mga ito
C. Nakasusulat ng mga halimbawa ng unang dalawang
hakbang
D. Nakalalahok ng masigla at masigasig ang mga mag-
aaral sa talakayan

II. NILALAMAN: Paraan at Tamang Prosess ng Pagsulat ng isang Pananaliksik

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik, Modyul 3: Proseso sa Pagsulat ng
Pananaliksik, pp.2-7

B. Iba pang Kagamitang Panturo PPT, colored paper, bond paper

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWIN

 Panalangin
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Pakipangunahan ang ating *Ang mga mag-aaral ay mananalangin


panalangin, Princess

 Pagbati

Isang magandang umaga, Ikalabing Magandang umaga po, guro


isang Baitang ng STEM?

 Pagtala ng Lumiban

Para sa ating attendance, May mga Opo, ma’am


inihanda akong mga nametags
ninyo sa harapan. Bawat hanay, sa
aking hudyat ay kukunin ang
kanilang pangalan. Kung sino man
ang siyang matitirang pangalan ay
KEITH PRINCES
siyang lumiban sa araw na ito.

 Alituntunin

Muli, aking pinapaalala ang ating 5M’s


mga alituntunin
1st –Maging Marespeto at magalang
Pakibasa nga Charry
2nd- Makinig at Makilahok sa talakayan

3rd- Magtanong kung mayroong hindi


naintindihan

4th- Magsalita kung kailangan, isara ang


bunganga kung hindi naman

5th- Magtaas ng kamay kung gustong


magbahagi ng kasagutan

 Talapuntusan

Bilang dagdag na puntos na


makukuha ninyo pagkatapos ng
ating aralin, mayroon akong talaan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

rito na pagsusulatan ninyo ng mga


puntos na makukuha ninyo kung
kayo ay nakasagot ng tama sa aking
mga katanungan sa gitna ng ating
talakayan.

Ang inyong puntos na makukuha ay


batay sa pamantayang ito. Kung
tatsulok ang matatanggap ninyo
tatlong puntos ang makukuha
ninyo, kapag parisukat apat na
puntos at kapag limsiha naman
limang puntos. Ang mga hugis na
iyan ay mayroong pamantayan.
Pakibasa, Jambie

Narito pa rin ang sertipiko ng


pagkilala para sa mayroong
pinakamaraming panalo na grupo sa
buong durasyon ng talakayan.

 Pagbabalik- Aral

Sino ang nakaka alala sa ating tinalakay Ma’am


Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

noong nakaraan?

Jembo? Ang ating tinalakay noong nakaraan ay ang huling


dalawang konsepto na kaugnay ng Pananaliksik

Tama! At ano ang dalawang Ito ay datos Imperikal at Disenyo ng Pananaliksik


konseptong ito? ma’am

Mahusay! Magbigay nga ng maikling Datos Imperikal- Ang datos Imperikal ay mga
pagpapakahulugan sa dalawang ito impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa
o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon,
pakikipanayam, at/o eksperimentasyon). Ito ay
dumadaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayan na
totoo o hindi, makabuluhan o hindi. Ito ay mayroong
tatlong uri; Tekstuwal, Tabular at Grapikal

Disenyo ng Pananaliksik- Ayon sa Business Dictionary


(2011), ito ay ang detalyadong balangkas kung paano
isasagawa ang imbestigasyon. Kadalasang nilalaman
nito kung saan sa paanong mangangalap ng datos ang
mananaliksik

B. PANGGANYAK

Noong nakaraan, pinag-aralan natin Yes, ma’am


kung paano magiging epektibo at
mabisa ang isang pananaliksik, tama ba
ako?
Batay sa ating nakaraang talakayan, ma’am, magiging
Kung may nakakaalala pa, ano ang mabisa ang ating pananaliksik kung malalaman natin
ang apat na mahahalagang bahagi ng pananaliksik
magiging malaking salik upang maging
epektibo at mabisa an gating
pananaliksik Layunin, Metodo, Gamit at Etika
Tama! Isa-isahin nga ang apat na ito
Layunin- Isinasaad dito ang mga dahilan ng
Napakahusay! Naaalala pa ba ninyo ang pananaliksik o kung ano ang nais matamo pagkatapos
kahulugan ng apat na ito? maisagawa ang isang pananaliksik sa napiling paksa

Gamit- Sa pamamagitan nito, pinapatunayan ang bisa at


katotohanan ng isang datos

Metodo- Dito inilalahad ang uri ng kasangkapan o


instrumentong gagamitin upang maisagawa ang
pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at
pamamaraan ang instrumento
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Etika- Tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan,


matapat, at mapagpahalaga sa kapwa ng isang tao. Kung
ilalapat ito sa pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha
na ang pagiging etikal sa larangang ito ay pagsunod sa
mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan, at
kabutihan.

Magaling! Binabati ko lahat ng


nakakaalala sa ating unang pinag-
aralan. Ipinaalala ko sa inyo iyan dahil
konektado iyan sa pag-aaralan natin
ngayong araw.

C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN

Bilang kayo na ay nagsimula ng inyong


pananaliksik sa ibang asignatura, alam
kong alam ninyo ang sagot sa aking
katanungan;

Ano ang pinaka-unang ginawa ninyo sa Pagbuo ng Pamagat ma’am


pagbuo ng inyong pananaliksik?

Bago ninyo nabuo ang inyong pamagat,


Nagsaliksik ng napapanahong isyu o problema na
ano muna ang inyong ginawa?
kinakaharap ng ating paaralan, barangay at bansa,
ma’am

Magaling! Sa pagsasaliksik ninyo, Pagpili ng Paksa, ma’am


anong hakbang sa tingin ninyo ang
tawag dito?

Tama! Sa pagbuo at pagsulat ng


Pananaliksik, ito ay isa sa
pinakamahalagang hakbang o proseso
sa pagiging epektibo at mabisa ng isang
saliksik.

Hindi sapat na malaman lang natin ang


apat na mahahalagang bahagu,
mahalaga rin na alam natin kung paano
ang tamang paraan at proseso ng
pagsasagawa nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

Atin itong isa-isahin at basahin

D. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN

HAKBANG SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK

1. Layunin ng Pananaliksik
2. Gamit ng Pananaliksik sa Akademikong Gawain
3. Etika ng Pananaliksik
4. Metodo o Pamamaraan
5. Dalawang Uri ng Pagtatala ng mga Impormasyon
o Datos
5. Talaan ng Sangunian/Bibliograpiya
6. Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
Iyana ng pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang na dapat nating sundin upang
maging maayos, organisado, epektibo at
mabisa ang gagawin ninyong
pananaliksik.

Ngunit sa araw na ito, atin munang


uunahin ang paunang hakbang at
Layunin ng Pananaliksik

Unahin natin ang Pagpili ninyo ng


Paksa. Ito ay pinakamahalagang
hakbang na kailangang pag-isipan ng
mabuti.

Mayroong tayong iba’t ibang Maaaring 1. Internet at Social Media


Mapagkukunan ng Paksa kung kayo ay - Napakamaraming taglay na impormasyon ang internet
magsasaliksik. Pakibasa at kung magiging mapanuri ka baka nandiyan lang at
naghihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari
mong gamitin para sa iyong pananaliksik
2. Telebisyon
- sa panonood mo ng balita, mga programang
pangtanghali, teleserye, talk shows at iba pa
3. Diyaryo at Magasin
- Mula sa mga ito’y pag-uukulan ng pansin ang mga
nangungunang balita, maging ang mga opinion,
editorial, at mga artikulo. Suriin at baka narito lang ang
paksang aakit sa iyong atensiyon.
4. Mga Pangyayari sa Iyong Paligid
-Kung magiging mapanuri ka ay maaaring may mga
pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligid na
mapagtutuunan ng pansin at maaaring maging paksa mo
sa pananaliksik
5. Sarili
-Ang paksang nagmula sa bagay na interesado ang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang


matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat
nalalagay niya hindi lamang ang kaniyang isipan kundi
ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa
lang ay gusto niya o interesado siya.
E. PAGTATALAKAY NG BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #2

Matapos kayong makapili ng paksang 1. Layunin ng Pananaliksik


inyong bibigyan ng saliksik, atin
ngayong pag-aaralan ang unang A. Mabigyan ng kasiyahan ang kuryosidad ng tao.
hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik. B. Mabigyan ng kasagutan ang tiyak na katanungan
Pakibasa
C. Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersiya

F. PAGPAPAYAMAN NG ARALIN

Upang malaman ko kung talagang


naintindihan ninyo, maglabas ng
kalahating pahalang na papel.

Pakibasa ang panuto, Jambie Panuto: Pumili ng isang paksa na napapanahon ngayon
gawan ng sariling pamagat at magbigay ng tatlong
layunin nito kung sakaling ito ay inyong sasaliksikin

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY

Bakit mahalagang ang pipiliin ninyong


paksang sasaliksikan ay napapanahon?

H. PAGLALAHAT NG ARALIN

Isa-isahin nga natin muli ang mga iba’t


ibang mapagkukunan ng paksa sa IBA’T IBANG MAPAGKUKUNAN NG PAKSA SA
pananaliksik PANANALIKSIK

1. Internet at Social Media


- Napakamaraming taglay na impormasyon ang internet
at kung magiging mapanuri ka baka nandiyan lang at
naghihintay ang isang kakaiba at bagong paksang maaari
mong gamitin para sa iyong pananaliksik
2. Telebisyon
- sa panonood mo ng balita, mga programang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

pangtanghali, teleserye, talk shows at iba pa


3. Diyaryo at Magasin
- Mula sa mga ito’y pag-uukulan ng pansin ang mga
nangungunang balita, maging ang mga opinion,
editorial, at mga artikulo. Suriin at baka narito lang ang
paksang aakit sa iyong atensiyon.
4. Mga Pangyayari sa Iyong Paligid
-Kung magiging mapanuri ka ay maaaring may mga
pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligid na
mapagtutuunan ng pansin at maaaring maging paksa mo
sa pananaliksik
5. Sarili
-Ang paksang nagmula sa bagay na interesado ang
mananaliksik ay karaniwang humahantong sa isang
matagumpay na sulating pananaliksik sapagkat
nalalagay niya hindi lamang ang kaniyang isipan kundi
ang buong puso at damdamin para sa gawaing sa una pa
lang ay gusto niya o interesado siya.

UNANG HAKBANG SA PAGSULAT NG


PANANALIKSIK

1. Layunin ng Pananaliksik

A. Mabigyan ng kasiyahan ang kuryosidad ng tao.

B. Mabigyan ng kasagutan ang tiyak na katanungan

C. Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersiya

I. PAGTATAYA NG ARALIN

Pakibasa ang panuto para sa inyong


pagtataya Panuto: Tukuyin ang paksa at lapatan ito ng mga tiyak
na layunin batay sa pamagat

A. Mga Dahilan ng Stress at Epekto sa Pang-


Akademikong Gawain ng mga Mag-aaral sa STEM G11
at 12 sa Runrunp National High School

Paksa:

Nilalayon ng Pananaliksik na ito na:


1.
2.
3.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

B. Persepyon ng mga Mag-aaral at Guro sa Runruno


National High School sa Distribusyon ng Condom ng
DOH at ang Implikasyon nito sa Kabataan

Paksa:

Nilalayon ng Pananaliksik na ito na:


1.
2.
3.
J. TAKDANG ARALIN

Maaaring bumunot ng papel bawat Pangkat 1: Gamit ng Pananaliksik sa Akademikong


pangkat para sa gagawin ninyong pag-
uulat Gawain at Etika ng Pananaliksik

Pangkat 2: Metodo o Pamamaraan

Pangkat 3: Dalawang Uri ng Pagtatala ng mga

Impormasyon o Datos

Pangkat 4: Talaan ng Sangunian/Bibliograpiya at Mga

Hanguan ng Impormasyon o Datos

Gawin ninyong malikhain ang inyong


pag-uulat. Maaari kayong gumamit ng
Powerpoint o kahit anong tradisyonal
na kagamitan upang mas maging
epektibo ang inyong pananaliksik.

Narito ang magiging pamantayan ko sa


inyong pag-uulat ( nasa likod)

Inihanda ni: Iniwasto ni:

KATHERINE R. BANIH JAYVEE V. AGSUNOD


Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Pinatunayan nina:

ARVEE GLENN P. ABELLERA MICKAEL A. RAYMUNDO


Senior High School Subject Group Head Punong Guro
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

PAG-UULAT NG GRADE 11 STEM SA PROSESO NG PAGSULAT NG


PANANALIKSIK

Pangalan ng Pangkat:
Paksa:

MGA PAMANTAYAN SA PASALITANG PAG-UULAT Puntos Iskor


Pagtalakay sa Paksa 30
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
Schools Division of Nueva Vizcaya
Runruno National High School
Quezon, Nueva Vizcaya

 Ang pagtalakay ay nagtataglay ng pagiging lohikal, malinaw at


organisado
 Ang mga nakikinig ay nakasusunod sa paksa
Estilo ng Pagtalakay 20
 Ang ginamit na estilo ay kakaiba at natatangi ngunit
naiintidihan ng mga tagapakinig
 Ang estilo ay pinaghandaan (kumpiyansa at memoryado ang
iniuulat)
Ginamit na Biswal 20
 Ang ginamit na biswal ay akma at nagagamit ng maaayos sa
pagtalakay
 Ang biswal na ginamit ay kaaya-aya sa paningin
 Nababsa ang mga letra, napalutang ang gudtong ipunto at
organisado ang pagkakalagay ng biswal
 Ang biswal na ginamit ay simple at malinis tignan
Kaangkupan ng Ideyang Ginamit 15
 Sapat, wasto, konkreto at makabuluhan ang mga
impormasyong naibahagi
 Wasto ang mga salitang ginamit at angkop upang
maipaliwanag ng maaayos
Wastong Paggamit ng Gramatika 15
 Tama ang ayos ng mga salita
-Tamang baybay
-Tamang bigkas ng mga salita
-Kakayahang maisalin ang mga ideya sa simpleng paraan o
salitang madaling maintindihan
 Wastong pagbibigay ng kahulugan ng mga salita
 Kumpleto at Madaling maintindihan ang mga pangungusap
Kabuuan 100

Pangalan ng mga miyembro:

You might also like