You are on page 1of 14

Pinal na Pakitang Turo

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10


Akdang Pampanitikan: Sanaysay

Petsa: Disyembre 29, 2022


Pangkalahatang Paksa: Sanaysay
Kauganayang Paksa: Sino ba si Dilma Rousseff?
-Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa kaniyang Inagurasyon
Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay
b) Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magsain at iba pa sa
nakasulat sa akda
c) Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo,
talumpati, at iba pa

Kagamitan kartolina, karton, pentelpen, bond paper, laptop,


telebisyon/projector
Sanggunian
Uri ng Pagtataya
PAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin
Tumayo ang lahat at tayo ay
manalangin. Basahin nga natin ang *ang mga mag-aaral ay mananalangin
panalangin natin sa araw na ito klas.

 Pagbati
Magandag umaga klas?
Magandang umaga po maam

Ay mukhang matamlay ang aking mga


mag –aaral. Maaari bang tumayo ang
lahat. Sige na tumayo muna tayong
lahat.

*tatayo ang mga mag- aaral


Kapag sinabi kong magandang umaga,
sabihin niyo,
“Maganda ka, maganda ako. Kaya’t
maganda ang umaga!”

Sige nga ulitin nga klas *tutularan ng mga mag-aaral

Ayan. Mas lakasan pa. “Maganda ka, maganda ako. Kaya’t maganda ang umaga!”

Magandang umaga klas

“Maganda ka, maganda ako. Kaya’t maganda ang umaga!”


Sa umagang ito, dapat lahat tayo ay
maganda
 Pagkuha ng Lumiban
May mga nametag akong inihanda rito
para sa inyo. Maaari bang isa-sang
tumayo ng hindi nag- iingay at kunin
ang inyong mga pangalan. Pagkatapos
ay idikit ito sa kanang bahagi ng iyong
dibdib.
Isa- isang tatayo ang mga mag-aaral para kunin ang kanilang
nametag.
 Pamantayan
Bago tayo tuluyang magsimula, ay ALITUNTUNIN
mayroon akong inihandang mga S- iguraduhin na ang isip, puso at pisikal na katawan ay handa na sa
alituntunin na dapat ninyong sundin sa aralin
buong durasyon ng ating talakayan.
A- lalahanin na ang pakikinig ng mabuti ay makaktulong upang
*Ididikit ang mga alituntunin sa harapan madagdagan ang kaalaman ng bawat isa
para makita ng mga mag-aaral. Y- aong pagiging aktibo at masayang pakikilahok sa mga gawain ay
pairalin
A- ng disiplina, kooperasyon at respeto sa isa’t isa ay inaasahan
hanggang matapos ang aralin.

Maasahan ko ba yan sa inyo klas?


Opo, guro.

 Talapuntusan

Kung gayon dadako tayo sa mga 5


Pamantayan sa pagbibigay ng mga Kumpleto, tama at sakto
puntos sa inyong mga gawain sa ang kasagutang
pagpapatuloy ng ating talakayan. naibahagi
Tama ang kasagutan
3 ngunit mayroong kulang
na kaunti

Base na rin sa inyong nakikita, ang Lumihis ang kasagutan


bawat ksagutan ninyo ay may kalakip na ngunit mayroong ideya
puntos. At dito sa aking mahiwagang 2 na naibahagi
kahon ay bubunot kayo ayon sa inyong
puntos. Bawat bituin ay may kalakip na
gantimpala.

Handa na ba ang lahat? Opo, Binibini


 Pagbabalik-aral

Pero bago tayo tuluyang dumako sa


ating susunod na aralin, sino ang
nakakaalala sa ating tinalakay kahapon?

Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral


Gavanna?
Ating tinalakay kahapon ang tungkol sa akdang pampanitikan,
binibini.
Mahusay! Bigyan nga natin ng isang
bagsak si Gavanna.
Magbibigay ng isang bagsak ang mga mag-aaral
Gavanna, maaari ka nang pumili ng
bituin na nagkakahalaga ng limang
puntos sa ating mahiwagang kahon.
Bubunot si Gavanna sa kahon
Kunin mo na lamang ang iyong
gantimpala na nakahanda sa gilid.
Pupunta sa gilid si Gavanna upang kunin ang kaniyang gantimpala
Ngayon naman sino ang
makapagbibigay ng kahulugan ng
Akdang Pampanitikan?
Ang mga mag- aaral ay magtataas ng kamay para sumagot
Mark?
Ma’am ang akdang pampanitikan ay tumutukoy sa mga akda o
mga sulatin katulad ng mga tula, maikling kuwento, pabula,
parabola, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at marami pang iba.
Ito rin ay nagsasalaysay ng kaalaman, damdamin, kultura, at mga
ideya ng mga tao.
Tumpak! Natutuwa ako at halos lahat sa
inyo ay naaalala ang nakaraang aralin.

Maaari ka nang bumunot sa ating


mahiwagang kahon, Mark.
*Bubunot ang mag-aaral at pipiliin ang gantimpalang naayon sa
numerong nakuha niya.
B. PANGGANYAK

Gawain 1. Isipin MO!


Sa oras na ito ay mayroon akong mga
nagulong salita rito na siyang magiging
pangunahing aralin natin ngayong araw.

S Y A Y
A A S N
Sino ang pupunta rito sa harap upang
iayos ang mga letra.

Celine?

*Tatayo ang mag- aaral upang iayos ang mga letra

S A N A Y S A Y
Tama ba ang kaniyang kasagutan klas?
Opo, ma’am
C. PAGLALAHAD NG ARALIN

Tama! Kung ganoon, mayroon bang


nakakaalam sa inyo kung ano ang
kahlugan o ano ang tungkol sa
sanaysay? *Mga Posibleng kasagutan ng mga mag- aaral
 Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad.
 Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasa
anyong tuluyan. Hango ito sa salitang “sanay” at
“salaysay” na kung pagdudugtungn ay “salaysay ng isang
sanay” o eksperto sa isang paksa
 Layunin nitong makuha ng ano mang pagbabago,bagaman
maaaring makalibang din.
 Ang pangunahing katangian nito ay ang pagsasalita mismo
ng may-akda sa isang akda sa kaniyang malikhaing paraan
 Karaniwang ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga
kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapupulutan ng
impormasyon upang makatulong sa pagbuo ng sariling
pananaw.
Napakahuhusay naman talaga ng mga
Zirconians. Nguniy batid natin na sa
pagsusulat ng mga akdang pampanitikan
ay mayroong mga proseso, banghay o
bahagi tayong sinusundan upang
maintindihan at masundan ng mga
mambabasa ang ibig ipahiwatig ng mga
ito.

Kaya’t sa oras na ito, isa na namang


aktibidad ang inyong gagawin.

Gawain 2. Hanapin mo’t buuin!

At sa oras na ito, magkakaroon kayo


ng pangkatang gawain.Tignan ang
inyong mga nametags. Makikita ninyo
sa kanang bahagi nito ay mayroong mga
numero. Dito sa gilid ang unang
pangkat, sa gitna naman ng pangalawa
at sa kaliwang gilid naman ang ikatlong
pangkat.

Maaari bang pumunta ng maayos,


tahimik at may disiplina sa inyong mga
kapangkat.
*Ang mga mag-aaral ay pupunta sa kanilang mga pangkat

Nasa tamang pangkat na ba lahat? Opo, binibini

Kung gayon, pumili na kayo ng pinuno


bawat pangkat at lumapit sa akin.
Hintayin ang aking hudyat sa pagbukas
ng mga kahon.

*Ibibigay ng guro ang mga kagamitan


sa mga pinuno

James, pakibasa nga ang ating panuto sa


ating susunod na gawain.

Binabati ko ang lahat dahil lahat ay


mayroong mga kasagutan.

Lahat ng pangkat ay tama ang


kasagutan. Ngunit dahil ang ikalawang
pangkat ang unang nakabuo ng mga
salita ay sila ang mabibigyan ng bituin
na mayroong katumbas na limang
puntos. Tatlo naman sa pangalawa at
dalawa naman sa panghuli

Ngayong alam na ninyo ang tatlong


bahagi ng sanaysay, atin naman itong
bibigyan ng kahulugan.

1. Ano ang nilalaman at saan Kasagutan ng mga mag- aaral:


makikita ang bahaging 1. Panimula- Sa bahaging ito madalas inilalahad ang
panimula? Ang gitna? At ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung
wakas? bakit mahalaga ang paksang tinatalakay
2. Gitna o katawan- Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na
paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na
pangunahing kaisipan.
3. Wakas- Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng
Mahuhusay kayong lahat sa pagbibigay sanysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa
at pagbabahagi ng inyong mga paksa batay sa mga katibayan at katuwirang inisa- isa sa
kasagutan. Maaari na kayong bumunot katawan ng akda.
sa ating mahiwagang kahon.
E. PAGHAWAN NG SAGABAL

Ngayon, aalamin muna natin ang mga


salita na makakatulong sa inyong mas
maintindihan ang inyong aralin

Tandaan natin na walang maling


kasagutan, klas. Kaya kung ano man
ang magiging kasagutan ng ating mga Opo ma’am
kamag- aral ay iwasan natin magbigay
ng negatibong komento o reaksiyon.
Nakuha ba?

Jefferson, maaari bang pakibasa ang Panuto: Piliin mula sa ibaba ang kahulugan ng mga nasa
ating panuto talahanayan

Maraming Salamat, Jefferson.

Mahahalagang Termino
Mahahalagang Termino
1. Militanteng
Sosyalistang 1. Militanteng Organisasyong may ipinaglalaban
grupo Sosyalistang grupo na prinsipyo at paniniwala lalo na
2. Diktaturyal sa usaping politika
3. Consultant
2. Diktaturyal Ganap na kapangyarihan na
4. Tagapamahala hawak ng iisang tao lamang at
hawak niya ang tatlong sangay ng
5. Pangulo pamahalaan.

Mga Pagpipilian: 3. Consultant Isang taong propesyonal na


1. Ganap na kapangyarihan na hawak ng hinihingian ng ideya at payo lalo
iisang tao lamang at hawak niya ang na sa usaping politika, trabaho o
tatlong sangay ng pamahalaan. hanapbuhay at iba pa.
2. Titulong hawak ng maraming pinuno sa
organisasyon, kompanya, union,
pamantasan, at mga bansa. 4. Tagapamahala Nag- aasikaso at nangangalaga sa
. 3. Organisasyong may ipinaglalaban na isang bagay o lugar na kaniyang
prinsipyo at paniniwala lalo na sa usaping
politika hinahawakan
4. Isang taong propesyonal na hinihingian
ng ideya at payo lalo na sa usaping 5. Pangulo Titulong hawak ng maraming
politika, trabaho o hanapbuhay at iba pa.
5. Nag- aasikaso at nangangalaga sa isang pinuno sa organisasyon,
bagay o lugar na kaniyang hinahawakan kompanya, union, pamantasan, at
mga bansa.
Mahusay! Palakpakan naman ninyo ang
inyong sarili. Talaga naming
napakahuhusay ng mga Zirconians sa
pagpapakahulugan.

G. PAGLALAHAD NG ARALIN

*Maglalabas ng litrato

Sino sa inyo ang nakakakilala sa


kaniya?
May nakakaalam ba sa inyo kung ano
ang pangalan niya?
Ano ang kinalaman niya sa ating aralin?

Ang babaeng nasa inyong harapan ay


ang dating Pangulo ng Brazil.
Character Profile

Pangalan: Dilma Rousseff

Kapanganakan: Disyembre 14, 1947

Kasarian: Babae

Posisyon:

Naging consultant ng nangampanyang pangulo noong


2010

Hinirang na Minister ng Enerhiya

HInirang bilang chief-of-staff noong 2005 ng nanalong


pangulo na si Luis De Silva

Ikatatlumput anim na naging pangulo ng Brazil (2011-


2016)
Base sa propayl ni Pangulong Dilma - Naging matagumpay ang panahon ng kaniyan pamumuno,
Rousseff, ano ang nakikinita niyong ma’am
kinahinatnan ng pamumuno niya sa - Maraming proyekto ang kaniyang nagawa, ma’am
Brazil? - Marami ang politikong nakaaway niya ma’am kasi
matalino siyang pangulo

Ano kaya ang mga naging plano at - Solusyunan ang kahirapan sa kaniyang bansa
nagawa niya sa kaniyang bansa sa gitna - Gamitin ang pondo ng kanilang bayan sa tamang programa
ng kaniyang pamamahala?

H. PAGBASA

Base sa mga naging kasagutan ninyo,


malalaman natin kung may tumugma ba
inyong mga hula. Lahat ng mga
nakahula ng tama ay makatatanggap na
naman ng gantimpala mula sa ating
mahiwagang kahon.

Bago kayo magbasa, nais ko munang


pagmasdan at basahin ninyo ang ating
pamantayan sa pagbasa upang mas
lalong maging organisado, maayos at
siguradong maiintindihan ang inyong
pagbabasa.

PAMANTAYAN SA PAGBASA
M K M
Pagkakasabay- sabay 10 8 5
Boses 5 4 3
Diin at Intonasyon 5 3 2
KABUUAN 20 15 10

Handa na ba ang bawat pangkat?

*Opo, binibini
Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon
Kung gayon, simulan na ang pagbabasa,
unang pangkat.
Binabati ko kayong lahat sa
kooperasyon ng bawat grupo. Subalit,
alam kong narinig niyo ang inyong
pagbasa at hindi maitatangging
mayroong pangkat ang hindi
naiintindihan ang pagbasa, mayroong
mabilis, mayroon din naming mabagal
lalo na ang mahina.

Kung kaya’t mula sa ating pamantayan,


lahat kayo ay nabigyan ng karampatang
puntos.

Unang Pangkat: 15
Ikalawang Pangkat: 17
Ikatlong Pangkat: 18
J. PAGTALAKAY/PANLINANG

Sa oras na ito ating susuriin kung


naintindihan niyo ang inyong binasang
talumpati ni Pang. Dilma sa kaniyang
inagurasyon.

Sa parehong pangkat, magkakaroon tayo


ng unahang pagsagot sa mga inihanda
kong mga katanungan.

Maaari bang pumaharap ang mga


pinuno at kunin ang mga gagamitin
niyong mga materyales. *Magpapaharap ang mga pinuno sa bawat pangkat

Bago natin simulan ang ating gawain, Panuto:


maaari mo bang basahin ang panuto, 1. Pakinggang mabuti ang mga katanungan o talata bago magbigay
Clinford ng kasagutan.
2. Hintayin ang hudyat ng guro kung itataas na ang sagutang papel
3. Siguraduhing tama, nababasa at malinaw ang inyong kasagutan
4. Iwasang mag-ingay, ang kaingayan ay bawas ng dalawang
puntos sa kabuuang puntos ng bawat pangkat.
Maraming salamat, Clinford. Sa
puntong ito ibigay lamang ang
hinihiling sa bawat pahayag

1. Magbigay ng kahit isang 1. Kakulangan sa pagkain, tirahan at lugmok ang ekonomiya


kalagayang panlipunan na ng Brazil batay sa talumpati ni Pangulong Rousseff. At
binanggit ni pangulong dagil hindi makontrol ng kanilang gobyerno ang kanilang
Rousseff. pang ekonomiyang polisiya, lalo silang naghirap

2. Magbigay ng solusyong 2. Mapapabuti niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng


binanggit ni Pangulong hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang
Rousseff sa suliraning henerasyon, hindi pahihintulutan ang mayayamang bansa
kaniyang binanggit. na pangalagaan ang sarling interes ng bansa, pangangalaga
sa kalusugan
3. Saang bahagi ng talumpati ni
Pangulong Rousseff niya
sinabing “Hindi ako titigil 3. Gitna
hanggat may Brazilians na
walang pagkain sa hapag,
may pamilyang pakalat-kalat
sa mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa, at
habang may mahihirap na
batang tuluyan nang
inabandona.”

4. Magbigay ng isa sa mga


programang binanggit ni 4. Growth Acceleraation Program, My House, My Life
Pangulong Rousseff upang Program
mapanatili ang
pamumuhunan sa mahigpit at
maingat na pagsusuri ng
Pangulo ng Republika at ng
mga Ministro.

5. Saang bahagi ng talumpati


binanggit ni Pangulong 5. Panimula
Rousseff ang “Ngunit ang
pagpapaunlad na nabanggit
ay nararapat na isagawa na
ngayon sa tulong ng lahat ng
Brazilian?
6. Ano ang pangunahing paksa 6. Ang pangunahing paksa ng kaniyang Talumpati ay ang
ng talumpati ni Pangulong kalagayang panlipunan ng Brazil at ang mga solusyong
Dilma Rousseff? handa niyang isagawa

Panuto: Kumpletuhin ang mga


pangungusap:

7. Hindi ako titigil hangga’t 7. Brazilian


may ______ na walang
pagkain sa hapag, may
pamilyang pakalat-kalat sa
mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa at
habang may mahihirap na
batang tuluyang inabandona
8. Tinitiyak ng aking
pamahalaan na lalabanan at 8. Kahirapan
susugpuin ang labis na ___,
gayundin, ang lumikha ng
mga pagkakataon para sa
lahat.
9. Ipagpatuloy nating mahusay
ang _____ng pera ng bayan. 9. Paggastos
10. Sa pagsugpo nang labis na
kahirapan, kailangan bigyang 10. pagpapaunlad
priyoridad ang mahabang
panahong ________

K. PAGPAPAHALAGA
Dadako tayo sa ating susunod na
gawain, Klas. Ang gawain ito ay pang
indibidwal.
Nakuha ba klas?

Bibigyan ko kayo ng limang minuto


upang ibigay ang inyong ideya o
pananaw sa nabasa niyong talumpati ni
Pang. Rouseff. Sa papel na iyan gusto
kong Makita ang tatlong mahahalagang Opo, binibini
bahagi ng sanaysay. Ibig sabihin
gagawa lamang kayo ng reaksiyon niyo
ukol sa laman ng talumpati, sa paraan
ng komposisyon nito. Napukaw ba ang
inyong interes sa talumpating ito?

Kung gayon, simulan niyo nang


magsulat ng inyong simpleng sanaysay.

Ilang pangungusap po ang aming gagawin ma’am?


Kailangang Makita ko ang walo
hanggang labing limang pangungusap.
*Pagpapasa ng mga gawain pagkatapos ng limang minuto
Bubunot na lamang ako ng kahit tatlo
upang magbahagi ng kanilang
kasagutan.
Opo, ma’am

Maraming salamat Bryan, Nathaniel at


Leah sa pagbabahagi ng inyong
kasagutan. *Babasahin ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan
M. PAGTATAYA
Sa dakong ito, nais kong bumuo naman
kayo ng sarili niyong sanaysay gamit
ang mga paksa/tema sa harapan gamit
ang isang buong papel. Mga Paksa/Tema
1. Kahirapan 6. Sarili
Bibigyan ko lamang kayo ng limang 2. Pagbagsak ng Ekonomiya 7. Pamilya
minuto para tapusin ang inyong 3. Pag-ibig 8. Politika
sanaysay. 4. Pasko 9. Pangarap
5. Bagong Taon 10. Pag- aaral

N. TAKDANG-ARALIN
Para sa inyong takdang-aralin, nais kong
ibigay niyo ang sarili niyong pananaw
sa katagang,

“Ang kapayapaan at kaunlaran ng


isang bansa ay nakasalalay sa
pamunuan nito”

Naintindihan ba klas ang inyong


takdang aralin?
*Opo binibini
May katanungan pa ba sa ating aralin
ngayong araw?

Wala na po, binibini


Kung wala nang katanungan, iayos na
ang mga upuan, pulutin ang inyong mga
kalat at maaari nang umuwi.

Siguraduhing malinis ang inyong silid


aralan bago umalis. Paalam!
*susundin ng mga mag-aaral ang utos ng guro at ibibigay ang mga
papel sa kaniya.

Paalam po binibini.

Inihanda ni:
Katherine R. Banih

You might also like