You are on page 1of 11

Pinal na Pakitang Turo

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10


Akdang Pampanitikan: Sanaysay

Petsa: Disyembre 29, 2022


Pangkalahatang Paksa: Sanaysay
Kauganayang Paksa: Sino ba si Dilma Rousseff?
-Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa kaniyang Inagurasyon
Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Naibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay
b) Nakasusulat ng sariling akdang sanaysay batay sa napag- aralan
c) Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo,
talumpati, at iba pa

Kagamitan kartolina, karton, pentelpen, bond paper, laptop,


telebisyon/projector, cardboard, chalk
Sanggunian
Uri ng Pagtataya
PAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin
Tumayo ang lahat at tayo ay
manalangin. Basahin nga natin ang *ang mga mag-aaral ay mananalangin
panalangin natin sa araw na ito klas.

 Pagbati
Magandag umaga klas? Magandang umaga po maam

Ay mukhang matamlay ang aking mga


mag –aaral. Maaari bang tumayo ang *tatayo ang mga mag- aaral
lahat. Sige na tumayo muna tayong
lahat.

Kapag sinabi kong magandang umaga,


sabihin niyo,
“Maganda ka, maganda ako. Kaya’t “Maganda ka, maganda ako. Kaya’t maganda ang umaga!”
maganda ang umaga!”

Sige nga ulitin nga klas


“Maganda ka, maganda ako. Kaya’t maganda ang umaga!”
Ayan. Mas lakasan pa.

Magandang umaga klas

Sa umagang ito, dapat lahat tayo ay


maganda
 Pagkuha ng Lumiban

May mga nametag akong inihanda rito


para sa inyo. Maaari bang isa-sang
tumayo ng hindi nag- iingay at kunin
ang inyong mga pangalan. Pagkatapos
ay idikit ito sa kanang bahagi ng iyong
dibdib.
Isa- isang tatayo ang mga mag-aaral para kunin ang kanilang
nametag.
 Pamantayan
Bago tayo tuluyang magsimula, ay ALITUNTUNIN
mayroon akong inihandang mga S- iguraduhin na ang isip, puso at pisikal na katawan ay handa na sa
alituntunin na dapat ninyong sundin sa aralin
buong durasyon ng ating talakayan.
A- lalahanin na ang pakikinig ng mabuti ay makaktulong upang
madagdagan ang kaalaman ng bawat isa
Y- aong pagiging aktibo at masayang pakikilahok sa mga gawain ay
pairalin
A- ng disiplina, kooperasyon at respeto sa isa’t isa ay inaasahan
hanggang matapos ang aralin.

Maasahan ko ba yan sa inyo klas? Opo, guro.

 Talapuntusan

Kung gayon dadako tayo sa mga 5


Pamantayan sa pagbibigay ng mga Kumpleto, tama at sakto
puntos sa inyong mga gawain sa ang kasagutang
pagpapatuloy ng ating talakayan. naibahagi
Tama ang kasagutan
3 ngunit mayroong kulang
na kaunti

Base na rin sa inyong nakikita, ang Lumihis ang kasagutan


bawat ksagutan ninyo ay may kalakip na ngunit mayroong ideya
puntos. At dito sa aking mahiwagang 2 na naibahagi
kahon ay bubunot kayo ayon sa inyong
puntos. Bawat bituin ay may kalakip na
gantimpala.

Handa na ba ang lahat? Opo, Binibini

 Pagbabalik-aral

Pero bago tayo tuluyang dumako sa


ating susunod na aralin, sino ang
nakakaalala sa ating tinalakay kahapon? Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral

Ating tinalakay kahapon ang tungkol sa akdang pampanitikan,


Gavanna? binibini.
Mahusay! Bigyan nga natin ng isang Magbibigay ng isang bagsak ang mga mag-aaral
bagsak si Gavanna.

Gavanna, maaari ka nang pumili ng


bituin na nagkakahalaga ng limang Bubunot si Gavanna sa kahon
puntos sa ating mahiwagang kahon.

Kunin mo na lamang ang iyong Pupunta sa gilid si Gavanna upang kunin ang kaniyang gantimpala
gantimpala na nakahanda sa gilid.

Ngayon naman sino ang


makapagbibigay ng kahulugan ng Ang mga mag- aaral ay magtataas ng kamay para sumagot
Akdang Pampanitikan?

Mark? Ma’am ang akdang pampanitikan ay tumutukoy sa mga akda o


mga sulatin katulad ng mga tula, maikling kuwento, pabula,
parabola, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at marami pang iba.
Ito rin ay nagsasalaysay ng kaalaman, damdamin, kultura, at mga
ideya ng mga tao.

Tumpak! Natutuwa ako at halos lahat sa


inyo ay naaalala ang nakaraang aralin.

Maaari ka nang bumunot sa ating


mahiwagang kahon, Mark. *Bubunot ang mag-aaral at pipiliin ang gantimpalang naayon sa
numerong nakuha niya.
B. PANGGANYAK

Sa oras na ito ay mayroon akong mga


nagulong salita rito na siyang magiging
pangunahing aralin natin ngayong araw.

S Y A Y
A A S N
Maaari bang iayos moa ng mga
nagulong letra , Celine? S A N A Y S A Y
Tama ba ang kaniyang kasagutan klas? Opo, ma’am
C. PAGLALAHAD NG ARALIN

Tama! Kung ganoon, mayroon bang *Mga Posibleng kasagutan ng mga mag- aaral
nakakaalam sa inyo kung ano ang  Ang sanaysay ay isang anyo ng sulating naglalahad.
kahlugan o ano ang tungkol sa  Ang sanaysay ay isang uri ng akdang pampanitikan na nasa
sanaysay? anyong tuluyan. Hango ito sa salitang “sanay” at
“salaysay” na kung pagdudugtungn ay “salaysay ng isang
sanay” o eksperto sa isang paksa
 Layunin nitong makuha ng ano mang pagbabago, bagaman
maaaring makalibang din.
 Ang pangunahing katangian nito ay ang pagsasalita mismo
ng may-akda sa isang akda sa kaniyang malikhaing paraan
 Karaniwang ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga
kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapupulutan ng
impormasyon upang makatulong sa pagbuo ng sariling
pananaw.

Napakahuhusay naman talaga ng mga


Zirconians. Nguniy batid natin na sa
pagsusulat ng mga akdang pampanitikan
ay mayroong mga proseso, banghay o
bahagi tayong sinusundan upang
maintindihan at masundan ng mga
mambabasa ang ibig ipahiwatig ng mga
ito.

Kaya’t sa oras na ito, isa na namang


aktibidad ang inyong gagawin.

At sa oras na ito, magkakaroon kayo


ng pangkatang gawain.Tignan ang
inyong mga nametags. Makikita ninyo
sa kanang bahagi nito ay mayroong mga Magandang Buhay! Ako Si

numero. Dito sa gilid ang unang


pangkat, sa gitna naman ng pangalawa GAVANNA
at sa kaliwang gilid naman ang ikatlong
pangkat. Maaari bang pumunta ng
maayos, tahimik at may disiplina sa *Ang mga mag-aaral ay pupunta sa kanilang mga pangkat
inyong mga kapangkat.
Opo, binibini
Nasa tamang pangkat na ba lahat?

Kung gayon, pumili na kayo ng pinuno


bawat pangkat at lumapit sa akin.
Hintayin ang aking hudyat sa pagbukas
ng mga kahon.

James, pakibasa nga ang ating panuto sa


ating susunod na gawain.
Ang Tatlong Balangkas ng Sanysay:
1. Panimula
2. Gitna
3. Wakas

Binabati ko ang lahat dahil lahat ay


mayroong mga kasagutan.

Lahat ng pangkat ay tama ang


kasagutan. Ngunit dahil ang ikalawang
pangkat ang unang nakabuo ng mga
salita ay sila ang mabibigyan ng bituin
na mayroong katumbas na limang
puntos. Tatlo naman sa pangalawa at
dalawa naman sa panghuli

Ngayong alam na ninyo ang tatlong


bahagi ng sanaysay, atin naman itong
bibigyan ng kahulugan. Kasagutan ng mga mag- aaral:
1. Panimula- Sa bahaging ito madalas inilalahad ang
pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung
1. Ano ang nilalaman at saan bakit mahalaga ang paksang tinatalakay
makikita ang bahaging 2. Gitna o katawan- Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
panimula? Ang gitna? At ang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na
wakas? paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na
pangunahing kaisipan.
3. Wakas- Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng
sanysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa
paksa batay sa mga katibayan at katuwirang inisa- isa sa
katawan ng akda.
Mahuhusay kayong lahat sa pagbibigay
at pagbabahagi ng inyong mga
kasagutan. Maaari na kayong bumunot
sa ating mahiwagang kahon.
E. PAGHAWAN NG SAGABAL

Ngayon, aalamin muna natin ang mga


salita na makakatulong sa inyong mas
maintindihan ang inyong aralin.Tandaan
natin na walang maling kasagutan, klas.
Kaya kung ano man ang magiging
kasagutan ng ating mga kamag- aral ay
iwasan natin magbigay ng negatibong
komento o reaksiyon. Nakuha ba? Opo ma’am

Jefferson, maaari bang pakibasa ang Panuto: Piliin mula sa ibaba ang kahulugan ng mga nasa
ating panuto talahanayan

Maraming Salamat, Jefferson.

Mahahalagang Termino Mahahalagang Termino

1. Militanteng 1. Militanteng Organisasyong may ipinaglalaban


Sosyalistang Sosyalistang grupo na prinsipyo at paniniwala lalo na
grupo sa usaping politika
2. Diktaturyal
2. Diktaturyal Ganap na kapangyarihan na
3. Consultant hawak ng iisang tao lamang at
hawak niya ang tatlong sangay ng
4. Tagapamahala
pamahalaan.
5. Pangulo
3. Consultant Isang taong propesyonal na
Mga Pagpipilian: hinihingian ng ideya at payo lalo
na sa usaping politika, trabaho o
1. Ganap na kapangyarihan na hawak ng
iisang tao lamang at hawak niya ang hanapbuhay at iba pa.
tatlong sangay ng pamahalaan.
2. Titulong hawak ng maraming pinuno sa 4. Tagapamahala Nag- aasikaso at nangangalaga sa
organisasyon, kompanya, union,
pamantasan, at mga bansa. isang bagay o lugar na kaniyang
. 3. Organisasyong may ipinaglalaban na hinahawakan
prinsipyo at paniniwala lalo na sa usaping
politika
4. Isang taong propesyonal na hinihingian 5. Pangulo Titulong hawak ng maraming
ng ideya at payo lalo na sa usaping pinuno sa organisasyon,
politika, trabaho o hanapbuhay at iba pa. kompanya, union, pamantasan, at
5. Nag- aasikaso at nangangalaga sa isang
bagay o lugar na kaniyang hinahawakan mga bansa.

Mahusay! Palakpakan naman ninyo ang


inyong sarili. Talaga naming
napakahuhusay ng mga Zirconians sa
pagpapakahulugan.

Mark, dahil madali mong nasagutan ang Bilang kasapi sa isang militanteng grupo, lahat ng ikinikilos ni
unang numero, maaari bang gamitin mo Juan ay tinitignan ng mga tao.
ito sa pangungusap?

Magaling! Bigyan natin siya nang isang Sa Panahon lamang ni Pangulong Marcos nagkaroon ng
bagsak klas. Kunin mo na ang limang Pamahalaang Diktaturyal ang Pilipinas
puntos na bituin. James, gamitin mo nga
rin sa pangungusap ang salitang
Diktaturyal.

Mahusay! Tunay ngang naiintindihan na


ninyo ang mga salitang ating binigyan
ng kahulugan.
G. PAGLALAHAD NG ARALIN

Sino sa inyo ang nakakakilala sa


kaniya?
May nakakaalam ba sa inyo kung ano
ang pangalan niya?
Ano ang kinalaman niya sa ating aralin?

Ang babaeng nasa inyong harapan ay


ang dating Pangulo ng Brazil.
Character Profile

Pangalan: Dilma Rousseff

Kapanganakan: Disyembre 14, 1947

Kasarian: Babae

Posisyon:

Naging consultant ng nangampanyang pangulo noong


2010

Hinirang na Minister ng Enerhiya

HInirang bilang chief-of-staff noong 2005 ng nanalong


pangulo na si Luis De Silva

Ikatatlumput anim na naging pangulo ng Brazil (2011-


2016)

Tirahan: Belo, Horizonte, Brazil

Base sa propayl ni Pangulong Dilma


Rousseff, ano ang nakikinita niyong - Naging matagumpay ang panahon ng kaniyan pamumuno,
kinahinatnan ng pamumuno niya sa ma’am
Brazil? - Maraming proyekto ang kaniyang nagawa, ma’am
- Marami ang politikong nakaaway niya ma’am kasi
matalino siyang pangulo

Ano kaya ang mga naging plano at


nagawa niya sa kaniyang bansa sa gitna - Solusyunan ang kahirapan sa kaniyang bansa
ng kaniyang pamamahala? - Gamitin ang pondo ng kanilang bayan sa tamang programa

H. PAGBASA
Base sa mga naging kasagutan ninyo,
malalaman natin kung may tumugma ba
inyong mga hula. Lahat ng mga
nakahula ng tama ay makatatanggap na
naman ng gantimpala mula sa ating
mahiwagang kahon.

Bago kayo magbasa, nais ko munang


pagmasdan at basahin ninyo ang ating
pamantayan sa pagbasa upang mas
lalong maging organisado, maayos at
siguradong maiintindihan ang inyong
pagbabasa.

PAMANTAYAN SA PAGBASA
M K M
Pagkakasabay- sabay 10 8 5
Boses 5 4 3
Diin at Intonasyon 5 3 2
KABUUAN 20 15 10

Handa na ba ang bawat pangkat?

*Opo, binibini

Kung gayon, simulan na ang pagbabasa,


Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rousseff sa Kaniyang Inagurasyon
unang pangkat.

Binabati ko kayong lahat sa


kooperasyon ng bawat grupo. Subalit,
alam kong narinig niyo ang inyong
pagbasa at hindi maitatangging
mayroong pangkat ang hindi
naiintindihan ang pagbasa, mayroong
mabilis, mayroon din naming mabagal
lalo na ang mahina.

Kung kaya’t mula sa ating pamantayan,


lahat kayo ay nabigyan ng karampatang
puntos.

Unang Pangkat: 15
Ikalawang Pangkat: 17
Ikatlong Pangkat: 18

J. PAGTALAKAY/PANLINANG

Sa oras na ito ating susuriin kung


naintindihan niyo ang inyong binasang
talumpati ni Pang. Dilma sa kaniyang
inagurasyon.
Sa parehong pangkat, magkakaroon tayo
ng unahang pagsagot sa mga inihanda
kong mga katanungan.

Maaari bang pumaharap ang mga


pinuno at kunin ang mga gagamitin
niyong mga materyales. *Magpapaharap ang mga pinuno sa bawat pangkat

Bago natin simulan ang ating gawain, Panuto:


maaari mo bang basahin ang panuto, 1. Pakinggang mabuti ang mga katanungan o talata bago magbigay
Clinford ng kasagutan.
2. Hintayin ang hudyat ng guro kung itataas na ang sagutang papel
3. Siguraduhing tama, nababasa at malinaw ang inyong kasagutan
4. Iwasang mag-ingay, ang kaingayan ay bawas ng dalawang
puntos sa kabuuang puntos ng bawat pangkat.
Maraming salamat, Clinford. Sa
puntong ito ibigay lamang ang
hinihiling sa bawat pahayag

1. Magbigay ng kahit isang 1. Kakulangan sa pagkain, tirahan at lugmok ang ekonomiya


kalagayang panlipunan na ng Brazil batay sa talumpati ni Pangulong Rousseff. At
binanggit ni pangulong dagil hindi makontrol ng kanilang gobyerno ang kanilang
Rousseff. pang ekonomiyang polisiya, lalo silang naghirap

2. Magbigay ng solusyong 2. Mapapabuti niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng


binanggit ni Pangulong hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang
Rousseff sa suliraning henerasyon, hindi pahihintulutan ang mayayamang bansa
kaniyang binanggit. na pangalagaan ang sarling interes ng bansa, pangangalaga
sa kalusugan
3. Saang bahagi ng talumpati ni
Pangulong Rousseff niya
sinabing “Hindi ako titigil 3. Gitna
hanggat may Brazilians na
walang pagkain sa hapag,
may pamilyang pakalat-kalat
sa mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa, at
habang may mahihirap na
batang tuluyan nang
inabandona.”

4. Magbigay ng isa sa mga


programang binanggit ni 4. Growth Acceleraation Program, My House, My Life
Pangulong Rousseff upang Program
mapanatili ang
pamumuhunan sa mahigpit at
maingat na pagsusuri ng
Pangulo ng Republika at ng
mga Ministro.

5. Saang bahagi ng talumpati


binanggit ni Pangulong
Rousseff ang “Ngunit ang 5. Panimula
pagpapaunlad na nabanggit
ay nararapat na isagawa na
ngayon sa tulong ng lahat ng
Brazilian?
6. Ano ang pangunahing paksa
ng talumpati ni Pangulong
Dilma Rousseff? 6. Ang pangunahing paksa ng kaniyang Talumpati ay ang
kalagayang panlipunan ng Brazil at ang mga solusyong
Panuto: Kumpletuhin ang mga handa niyang isagawa
pangungusap:

7. Hindi ako titigil hangga’t


may ______ na walang
pagkain sa hapag, may 7. Brazilian
pamilyang pakalat-kalat sa
mga lansangan na
nawawalan ng pag-asa at
habang may mahihirap na
batang tuluyang inabandona
8. Tinitiyak ng aking
pamahalaan na lalabanan at
susugpuin ang labis na ___,
gayundin, ang lumikha ng 8. Kahirapan
mga pagkakataon para sa
lahat.
9. Ipagpatuloy nating mahusay
ang _____ng pera ng bayan.
10. Sa pagsugpo nang labis na
kahirapan, kailangan bigyang 9. Paggastos
priyoridad ang mahabang
panahong ________ 10. pagpapaunlad

K. PAGPAPAHALAGA
Dadako tayo sa ating susunod na
gawain, Klas. Ang gawain ito ay pang
indibidwal. Bibigyan ko kayo ng limang
minuto upang ibigay ang inyong ideya o
pananaw sa nabasa niyong talumpati ni
Pang. Rouseff. Sa papel na iyan gusto
kong Makita ang tatlong mahahalagang
bahagi ng sanaysay. Ibig sabihin
gagawa lamang kayo ng reaksiyon niyo
ukol sa laman ng talumpati, sa paraan
ng komposisyon nito. Napukaw ba ang
inyong interes sa talumpating ito?

Naintindihan baa ng inyong gagawin, Opo, ma’am


klas?

Kung gayon, simulan niyo nang


magsulat ng inyong simpleng sanaysay.
Kailangang Makita ko ang walo Ilang pangungusap po ang aming gagawin ma’am?
hanggang labing limang pangungusap.
Bubunot na lamang ako ng kahit tatlo *Pagpapasa ng mga gawain pagkatapos ng limang minuto
upang magbahagi ng kanilang
kasagutan. *Babasahin ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan

Maraming salamat Bryan, Nathaniel at


Leah sa pagbabahagi ng inyong
kasagutan.
M. PAGTATAYA
Sa dakong ito, nais kong bumuo naman Mga Paksa/Tema
kayo ng sarili niyong sanaysay gamit 1. Kahirapan 6. Sarili
ang mga paksa/tema sa harapan gamit 2. Pagbagsak ng Ekonomiya 7. Pamilya
ang isang buong papel. 3. Pag-ibig 8. Politika
4. Pasko 9. Pangarap
Bibigyan ko lamang kayo ng limang 5. Bagong Taon 10. Pag- aaral
minuto para tapusin ang inyong
sanaysay.

N. TAKDANG-ARALIN
Para sa inyong takdang-aralin, nais kong
ibigay niyo ang sarili niyong pananaw
sa katagang,

“Ang kapayapaan at kaunlaran ng


isang bansa ay nakasalalay sa
pamunuan nito”

Naintindihan ba klas ang inyong Opo binibini


takdang aralin?

Inihanda ni:
Katherine R. Banih

You might also like