You are on page 1of 1

PAGHAHANDOG

Ang salaysay na ito ay nakatuon sa lahat ng mga taong kasama ko sa buong


paglalakbay ko sa pagkumpleto ng aking Portpolyo at Practice Teaching Internship
Una at higit sa lahat, nais kong ialay ang portfolio na ito sa ating
Makapangyarihang Diyos para sa patnubay, lakas, karunungan at kaalaman
na Kanyang ibinigay sa bawat araw na aking tinatahak palapit sa tagumpay ng
aking piniling landas.

Iniaalay ko rin ang tagumpay na ito sa aking pamilya para sa kanilang walang hanggang
pagmamahal, pangangalaga at suporta. Sila ang naging mapagkukunan ng inspirasyon at
motibasyon sa tuwing gusto kong sumuko. Para sa pagbibigay ng moral, espirituwal,
emosyonal at pinansyal na suporta sa tuwing kailangan ko ito.

Higit pa rito, iniaalay ko ang portpolyo na ito sa aking mga tagapayo at guro,
si G. Gail G. Gumilet, Practice Teaching Coordinator para sa Secondary Education.
Si Gng. Lhea T. Castro, ang aking Supervising Instructor at G. Dongpan Crusaldo Oligario na
sa pagsisimula ko pa lamang sa paglalakbay na ito ay siya nang gumabay at nagpaabot ng
kanilang suportang moral, sa aking mga Cooperating Teachers, Gng. Leah G. Guzman at
Gng. Jayvee V. Agsunod, na gumabay at matiyagang nagbigay sa lahat kanilang kaalaman at
kadalubhasaan upang maihanda ako bilang magiging guro sa kabila ng maraming hamon
at hadlang na aming naranasan.

Akin ring iniaalay ang salaysay na ito sa aking nakaraan bilang pasasalamat sa
pakikipaglaban at pagkakaroon ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng
mga paghihirap na kanyang pinagdaanan, sa aking kasalukuyang sarili bilang isang
gantimpala sa matagumpay na pagtatapos nito sa kabila ng kawalan ng sapat na mga
mapagkukunan, mga gabing walang tulog at magkasabay na mga responsibilidad bilang
pinuno ng mga organisasyon sa pamayanan.

Panghuli, sa babasa nito. Sana’y maging inspirasyon at aral ito s aiyo upang patuloy upang
magpatuloy na maglakabay sa pangarap na iyong inaasam kahit pa gaano kahirap.
Alalahanin mo na sa lahat ng paghihirap, pagluha at kabiguan na iyong mararanasan,
mayroong Diyos na gagabay at magbibigay s aiyo ng lakas upang magpatuloy. Habaan mo
ang iyong pasensiya lalong-lalo nang pagtibayin mo ang iyong pananampalataya dahil ito
ang magiging armas mo sa paglaban ng lahat ng hamon sa iyong buhay. Ngayon pa lamang,
binabati na kita sapagkat alam ko, kaya mo at kakayanin mo.

Sa buong paglalakbay na ito, nagkaroon ako ng pagkakataong umiyak, panghinaan ng loob


at maging ang pisikal kong katawan. Marami akong natutunan sa mga karanasang iyon at
sa mga taong naging malaking bahagi sa pagkakabuo ng bagong ako.

You might also like