You are on page 1of 1

Pasasalamat sa Matagumpay na Pagpasa sa Asignaturang PFPL

Nais kong simulan ang aking pasasalamat sa dakilang lumikha ng lahat ng bagay,
sa pagbibigay sa akin ng hininga at pagkakataon na makamit ang tagumpay na ito. Lubos
kong pinasasalamatan ang Diyos sa Kanyang patuloy na paggabay at pagkalinga sa akin
sa buong taong ito. Sa Kanyang biyaya, aking natutunan at napanatili ang
pangangalaingan sa larangang ito. Malugod ko ring pinapaabot ang aking pasasalamat
kay Mama An-an at Papa Lhoyex, na sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdadaanan,
patuloy nila akong sinusuportahan at pinag-aaralan. Kayo ang aking inspirasyon sa lahat
ng bagay.

Nais ko ring pasalamatan si Gemboy sa walang sawang pagtulong sa akin sa


pagprint ng aking mga proyekto sa PFPL. Salamat sa iyong sakripisyo at pagtitiwala sa
akin. Hindi ko rin makakalimutan ang pasasalamat kay Klarris, na nagbahagi ng kanyang
kaalaman sa pagdesenyo ng portfolio. Dahil sa iyong tulong, aking natamo ang isang
maayos at propesyonal na portfolio. Sa Crush kong cute mula sa Grade 10 - Wisdom,
maraming salamat sa pagiging inspirasyon na laging nagbibigay ng saya at lakas ng loob
sa akin. Ang iyong presensya ay isang biyaya na laging nagbibigay kulay sa aking araw.
Sa mga kaibigan kong sina Jeush, Upet, Ashly, Shamela, at Shai, maraming salamat sa
inyong walang sawang suporta at pagmamahal. Kayo ang aking mga tagapagtanggol at
karamay sa lahat ng pagkakataon.

Pasasalamat din sa iyo, Bb. Allona, sa iyong walang kapagurang pagbabasa at


pagbibigay ng feedback sa aking mga sulating akademiko. Salamat sa iyong mga payo at
gabay. At huli, ngunit hindi kukulangin sa importansya, nais kong pasalamatan si Bb.
Shace sa mga payong kanyang ibinabahagi na laging nagbibigay ng bagong pananaw at
pag-asa sa aking puso. Sa bawat isa sa inyo, ako'y lubos na nagpapasalamat sa inyong
mga kontribusyon at suporta na nagtulak sa akin patungo sa tagumpay na ito. Magsilbi
sana itong inspirasyon at paalala sa akin na patuloy na magsumikap at magpursigi sa
bawat hamon ng buhay. Maraming salamat sa inyong lahat.

You might also like