You are on page 1of 1

April 21, 2023

Alphy Bucasan
CFC Dorm
Purok 4, Almaguer North
Bambang, Philippines

Mahal kong mga magulang:

Una sa lahat, nais kong ipahayag ang aking taos pusong pasasalamat sa lahat
ng ginawa at ginagawa ninyo para sa akin at sa aking kapatid. Salamat dahil
laging kayong nandiyan para sa amin, sa pag-aalaga, at pagbibigay ng aming
mga pangangailangan. Kayo ang numero unong palaging sumusuporta sa
akin, at lubos kong pinapahalagahan ito.

Kayo ang palagi kong kasangga at gabay sa lahat ng aking mga pagsubok at
problema. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga panahong nanghihina
ako at walang magawa, pero nandiyan kayo sa tabi ko, handang tumulong.
Nagpapasalamat din ako sa malaking parte niyo sa pagtupad ng aking mga
panagarap sa buhay. Ramdam ko ang pagmamahal at suporta niyo sa lahat
ng bagay na ginawa at ginagawa ko.

Sa buong puso ko, nais kong pasalamatan kayo sa pagiging pinakamahusay


na mga magulang na maaaring hilingin ng sinuman. Nawa ay patuloy na
pagpalain kayo ng Diyos at ang ating pamilya, at manatiling matatag at
nagkakaisa na naglilingkod sa Diyos.

Nagmamahal,
Alphy Bucasan

You might also like