You are on page 1of 4

Buhay Mag-aaral

Ni: Khellyn Maein C. Boni

Sa silid-aralan, saya't pag-asa,


Buhay ng mag-aaral, puno ng sigla.
Sa bawat aralin, guro'y gabay,
Papuri't pasasalamat, sa bawat araw.

Recess na, tawanan at biro,


Kainan at palaro, sa ilalim ng araw.
Mga kaibigan, laging nagkakasama,
Buhay ng mag-aaral, walang katulad na saya.

Pag-uwi'y gawaing bahay naman,


Sulat at basa, abakada'y laging handa.
Sa tahanan, pag-ibig at suporta,
Buhay mag-aaral, palaging may tibay.

Ang bawat araw, isang pagkakataon,


Upang mag-aral at magtagumpay sa misyon.
Buhay ng mag-aaral, puno ng pangarap,
Sa sipag at tiyaga, magtatagumpay.

Guro
Ni: Juliana Grace L. Pestio

Guro naming mahal, sa'yo'y pasasalamat,


Sa bawat araw, kami'y iyong binibigyan ng lakas.
Sa ilaw ng kaalaman, kami'y iyong pinatutunayan,
Sa iyong mga aral, aming natutuhan.

Sa bawat pangaral, damang-dama namin ang iyong puso,


Sa bawat katanungan, sa 'yo'y may kasagutan.
Sa iyong paggabay, kami'y laging nagpapasalamat,
Guro naming mahal, ikaw ang aming ilaw at tanglaw.

Sa bawat hakbang, sa landas ng karunungan,


Iyong gabay, aming tagumpay at kaligayahan.
Sa mga aral na minsa'y mahirap intindihin,
Sa 'yo'y laging handang magturo, walang pag-alinlangan.

Guro naming hirang, aming guro't gabay,


Sa aming paglalakbay, ikaw ang aming tala.
Sa bawat araw, sa bawat pagkakataon,
Sa iyo'y aming ipinagmamalaki at pasasalamat aming iniaalay.

"Para Sa'yo, Aking Inay"


Ni: Michaela L. Payla

Sa aking munting mundo, mayroong isang taong laging nariyan.


Siya ang ilaw ng aming tahanan,
Ang gabay sa aming mga pangarap,
Siya ang pinakamamahal kong Inay.

Inay, sa tuwing babanggitin ang iyong pangalan,


Nadarama ko ang init ng iyong pagmamahal.
Ikaw ang aking unang guro,
ang unang nagturo ng pag-ibig at kabutihang-loob.

Sa bawat hirap na ating pinagdaanan,


lagi kang matatag at handang humarap sa anumang hamon.
Kahit na napapagod ka na sa trabaho at sa pag-aagalaga,
hindi mo kami iniwan at patuloy mong ipinaparamdam ang iyong pagmamahal.

Isa kang huwaran ng katatagan at pagmamahal sa pamilya.


Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ang lahat ng iyon,
pero salamat sa iyong walang sawang pagmamahal at sakripisyo
kailanman ay hindi matutumbasan nang sinuman.

Sa mga araw na ito, habang lumalaki ako


at nagmumulat sa mga bagong kaalaman at karanasan,
isa lang ang laging naisip ko—ang maging katulad mo.
Ang maging tapat, mapagmahal, at may pusong handang maglingkod sa iba.

Inay, sa bawat pagpapala na natatanggap ko,


alam kong parte ka ng tagumpay na ito.
Sa bawat hakbang na aking tinatahak,
ikaw ang gabay at inspirasyon ko.

Para sa'yo, aking Inay, salamat sa lahat.


Hindi sapat ang mga salita upang ipahayag ang aking pasasalamat
Sa puso't isipan ko, lagi kang naroroon—
ang pinakamahalagang tala sa aking kalangitan.
Teknolohiya
Ni: Paul James Pinon

Ngayong tayo’y nabubuhay sa makabagong mundo

Iba’t ibang kagamitan ang naiimbento

Dahil sa teknolohiya na ngayo’y uso

Nakatutulong upang mapadali ang ating trabaho.

Ngunit, para sa kabataang tulad ko

Talaga nga bang nakatutulong ito?

O kaya nama’y nakapagpapagulo

Sa pangarap na pag-asenso.

Pero ilan sa kanila’y ‘di sumasang-ayon

Na ang teknolohiya’y malaking tulong ngayon

Dahil ang mga bagong henerasyon

Ay tuluyan ng makakalimot sa mga paniniwalang nakagisnan noon.

KAHIRAPAN
Ni: Janine Boni

Problemang dinaranas ng ating bansa

Na nais masolusyonan at mawala

Hindi para sa ating sariling ninanasa

Bagkus ay para sa ating bayang minumutya.

Halos lahat ng mga Pilipino’y nakararanas nito

Dahil sa kasalatan ng trabaho

Pati na rin ang mababang sweldo

At mga bilihing nagsisitaasan ang presyo.


Maraming hakbang ang magagawa natin

Upang kahirapa’y puksain

Lalo na ang kabataang tulad natin

Na nais makamit ang ating mga hangarin.

Kaya habang maaga pa, tayo na’t magkaisa

Upang ito’y ating maresolba

Nang di na madagdagan pa

Ang mga taong nagdurusa.

You might also like