You are on page 1of 2

Ako ay Ako dahil sa aking Pamilya

Akda ni Kimberly T. Balontong

Pamilya Pera? Salapi? Luho? Wala ako niyan. Pero nag-iisa lang ang itunuturing kong kayamanan, ang aking pamilya.
Kaagapay, kasalo at kadamay sa lahat ng oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan ko, ang aking pamilya ang siyang
aking nagiging sandigan. Ako ay ako dahil sa aking pamilya.

Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng aral o nagkaroon ng positibong
impluwensya sa iyong sarili. Sa loob ng 13 taon na aking pananatili sa mundong ito, kahit kailan di ko naranasan ang
magkaroon ng buong pamilya. Dahil wala akong tatay. Pero, kahit ganoon, pinaramdam sa akin ng aking nanay at
dalawa kong kuya na hindi ako nag-iisa. At ang dalawa kong kuya ang siyang nagsilbi at nagparamdam sa akin na
meron akong tatay kahit papaano. Ang aking aral na napulot ay, maging kontento kung ano ang meron ka. At imbes
na maghanap ng kulang mo, ituon mo ang atensyon mo sa mga bagay na meron ka. Dahil hangga’t hinahanap mo
ang kulang sa’yo, lalo kang magiging malungkot.

Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ang pakikipagkapwa.
Isa-isang itala sa iyong kuwaderno ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon tungkol dito.  Mula sa aking pagkabata,
tinuruan na ako ng aking pamilya na maging magalang at mabait sa lahat ng tao. Tinuruan nila ako ng magandang
asal. At kapag ako ay may pagkakamali, pinapaliwanag sa akin ng aking ina ang lahat upang aking maintindihan kung
bakit niya ako dinidisiplina. Hindi sa paraang natatakot ako. Mula noon hanggang ngayon, tumatak na sa aking isip
ang tamang pakikitungo sakapwa mo. At ang una kong naging paaralan ay ang aking pamilya.

Mas magiging makabuluhan kung lilikha ng isang “photo journal” sa computer gamit ang moviemaker o powerpoint.
Maaari ring gumupit ng mga larawan mulasa lumang magasin at ito ang gamitin upang ipahayag ang bunga ng
ginawang pagsusuri.

Ano ang iyong naging damdamin sa pagsasagawa ng gawaing ito?  Ako, ay masaya sapagkat inilalarawan ko ang
aking mga karanasan at bumabalik-balik sa isip ko ang mga pangyayaring nagpatibay pa sa aming relasyon bilang
pamilya. Ano ang mahalagang reyalisasyon na iyong nakuha mula sa gawaing ito?  Marami akong napagtanto
habang ginagawa ito. Natutunan ko na i-share sa iba ang karanasan ko sa pamilya ko at matutong makuntento sa
kung ano ang meron ka.

Bakit mahalagang maglaan ng panahon upang suriin ang iyong ugnayan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.  Sa paglipas
ng panahon, alam nating mas bumibigat at dumadami ang ating responsible bilang isang miyembro sa pamilya.
Minsan sa sobra nating busy, hindi na nagkakaroon ng komunikasyon, na madalas pang nagdudulot sa pagkasira ng
isang pamilya. Para sa akin, kahit papaano nabibigyan naman namin ng sapat na oras ang bawat isa. Ang sabay na
pagsisimba, ay magpapatibay hindi lamang sa samahan, kundi sa pananampalataya sa Diyos.

Ano ang ibinibigay ng pamilya na tunay na nakatutulong sa isang indibidwal upang mapaunlad ang kanyang sarili
tungo sa pakikipagkapwa?  Binibigyan nila ng oras ang pagdidisiplina at higit sa lahat hindi nila ito idinadaan sa
pananakot at pananakit. Pero kung minsan, hindi rin mapigilan ang damdamin kaya minsan napapalo.  Pero
ipinapaliwanag naman nila sa akin ng maayos. Dahil dito, natuto akong rumespeto gaya nga ng turo sa akin ng aking
pamilya. Ang pagiging masiyahin ay natutuhan ko din sa kanila. Ang una kong guro ay ang aking pamilya.

You might also like