You are on page 1of 6

Kakikatura

Sistema ng Hustisya sa Pilipinas

Ang hustisya o katarungan ay isang masalimot na diskurso sa Pilipinas. Mahirap nga itong
unawain dahil maraming pagtingin dito. Madaming anyo ng hustisya ang gustong makamit ng
bawat Pilipino. Isa sa mga anyo ng hustisya ay ang hustisya sa mga kriminal. Ito ang bagay na
ninanais makamit ng bawat inosenteng tao na may hinaharap na kaso. Maraming Pilipino ang
pinarurusahan sa kasalanan na hindi nila ginawa. Ngunit nagkakaisa naman ang lahat na dapat
makamit ang katarungan dahil ito ang nagpapatibay sa paninindigan at paniniwala ng bawat
kasapi ng lipunang kanilang ginagalawan. Kung hindi nakakamit ang katarungan at palagian itong
tinatalikuran ng pamahalaan, nagiging sanhi ito ng pagbagsak ng isang pamahalaan at
pagkalusaw ng isang bansa.

Nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang mabagal. Marami ang


kinamamatayan na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa
pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap
sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa
pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Hindi rin
patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o
maimpluwensya. Ano na lamang ang mga pwede pang mangyare sa mga mamamayan ng
Pilipinas kung hindi masosolusyonan ang problema sa hustisya. Makaluma at mabagal ang
sistema ng hudikatura sa bansa. Hindi rin kaila sa atin na maraming mga hukom ang nababayaran
at pera-pera lang ang usapan. Para sa mga mayayaman at makapangyarihan ay napakadaling
bilhin at tapatan ng pera ang isang hukom na may hawak ng kaso. Kung ang pera mo sa bangko
ay daang milyong, walang kuwenta sa ‘yo ang mamuhunan ng P50 milyon para sa kalayaan mo.
Ito ang kalakaran ng katarungan sa bansa.

Mahalaga ang kaganapan ngayon sa ating bansa upang maitama ang mga pagkakamali ng
nakaraan para sa hinaharap ay masagot natin ng tuwiran ang tanong ng mga susunod na
henerasyon kung bakit iba ang trato sa mahirap at mayamang kriminal gayong ang itinuturo sa
bahay at paaralan ay pantay dapat ang hustisya para sa lahat at walang kinikilingan. Dapat ay
manindigan ang lahat ng Pilipino para sa pagbabago at iwaksi na natin ang kultura ng walang
pakialam at pagtanggap sa bulok na sistema ng ating bansa. Itigil na ang pagpapaloko at
pagpapagamit sa mga pulitikong wala naman talagang ibang gustong pagsilbihan kung hindi ang
pangsariling interes. Ito na ang tamang panahon para ang bawat Pilipino ay manindigan sa
pagpapairal ng makatwiran at totoong pantay na hustisya sa ating bayan ng sa gayon ay
magdalawang-isip na ang mga nagtatangka pang sumunod sa yapak ni CGMA at gumawa ng
kamalian sa taumbayan.

Ranylieza M. Santing

Shera V. Dalapo
Lakbay Sanaysay

Ang pag-abot ng iyong mga pangarap ang pinakamalaking adbentura ng buhay. (Winfrey, 2014)

Sa bawat oras na nagigising, ako ay nagpapasalamat sa bagong buhay at pag-asa na ibinigay ng


Diyos. At sa bawat oras din na ako ay pumapasok sa paaralan ay bumabalik ang mga hindi
makakalimutang alaala noong ako ay elementarya pa lamang na para bang ito ay kahapon
lamang. Ito ay napakasaya dahilan ng mga away, tawanan, at mga pangyayari na humubog saakin
para ako ay maging ganito. Noong ako ay nasa unang baitang pa lamang, naaalala ko pa na
palaging naghihintay sa akin ang aking ina hanggang sa matapos ang aming klase. May
pangyayari na pinagalitan ako ng aking ina dahil sinabihan siya ng aming guro na hindi ako
nakikinig at napaka-ingay ko sa klase. Noong ako ay nasa pangatlong baitang naranasan ko na
wala akong naging kaibigan o kahit karamay man lang. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na
nila akong maging kaibigan. Nalalaman ko nalang na pinag-uusapan nila ako kapag nakatalikod at
napagkakasunduan na hindi ako pahiramin ng laruan. Hindi ko rin makakalimutan noong ako ay
nasa ikaanim na baitang na dahil una akong nakaranas ng retreat na nangyari sa Davao City. Sa
mga gabi na kami ay namalagi doon, kami ay nagkaroon ng mga kaganapan na naging dahilan ng
pagkakaroon namin ng panahon para magdasal at ibigay ang buon atensyon sa Panginoon. Mas
naging malapit ang aming kalooban sa isa't isa at mas lumalim ang aming samahan. At dahil
doon, naging emosyonal kami sa Graduation day dahil nakakalungkot isipin na kung kailan
naging malapit ang aming loob sa isa't isa ay oras na rin pala para magkaroon ng kanya-kanyang
buhay. Malaki din ang aking pasasalamat sa aking magulang dahil sila ay masaya para saakin.

Noong tumungtong ako ng ikapitong baitang, naalala ko pa noon kung paano ako nahirapan
kung paano makibagay sa bagong sistema. Palagi ko kasing iniisip na may bagong kaklase at
bagong paglalakbay na naman ang aking tatahakin. Hindi ko rin makakalimutan ang taon na ito
dahil naging isang ganap na dalaga ako. Noong nasa ikawalong baitang naman ako, natutunan na
namin kung paano makibagay sa isa't isa at ito rin ang simula ng pagkakaroon ng masasayang
alaala bilang magkaklase. Ang selebrasyon ng aming patron na si San Juan ay isa sa pinakahindi
makakalimutang pangyayari. Sa pagtungtong ng ikasampung baitang, naging emosyonal ang
marami dahul ito na ang huling taon na kami ay magkakasama. Pero inisip ko na lamang na ito
talaga ang tadhana namin at kailangan namin isipin na kami ay tumatanda kasabay ng paglipas
ng oras. Alam kasi namin na ang ilan sa mga kaklase namin ay sa ibang paaralan mag-aaral at ang
ilan rin naman ay mananatili. Gumawa din ng bakas ang taon na ito saakin dahil sumali ako sa
isang beauty contest. Ako ay nakapagisip na puwede kaya ko rin palang sumali sa ganitong klase
ng kompetisyon. Nagdadalawang isip ako noong una dahil ang naiisip ko palagi ay mga
negatibong pangyayari pero kalaunan nakapagisip ako na kailangan kong harapin ang mga
kinakatakutan at ito na ang simula ng pagtuklas ng iba pang bagay na maaaring maging lakas ko.
Nakuha ko ang unang parangal at kahit hindi ako ang nanalo naging masaya naman ang aking
mga magulang sa naabot ko. Buwan ang lumipas at kami ay naghahanda para sa pagdating ng
selebrasyon ng English Month. Kami ay nagpursige lalong lalo na sa Jazz Chant Contest dahil
gusto namin na mapanatili ang aming titulo. At dahil sa mga dasal at pagpupursige ng lahat, ang
aming dasal ay pinakinggan ng Panginoon at lahat ng pagod at hirap ay nabayaran. Lahat kami ay
nagpapasalamat at isa lang ang natutunan ko kundi ang pagkakaroon ng kooperasyon ng bawat
isa.

Habang ako ay patanda nang patanda, marami akong natututunan sa buhay. Natutunan ko na
kung iniisip mo at nakikita mo kung saan ang iyong paruruunan ay makakaabot ka at makakamit
mo iyon. Natutunan ko rin na huwag magpapadala agad sa mga kilos ng tao na akala mo ay totoo
sayo pero hindi pala. Sa pagtahak ko sa bagong daan ng aking buhay, ako ay hindi gaanong
nahirapan. Hindi kasi lingid sa aking kaalaman na marami ang ginagawa kung isang senior high
school na estudyante. Natutunan ko kung paano maging mag-isa. Mag-isa dahil kung ikompara
noong junior highschool ay isang grupo kami na palaging magkasama at ngayon, naghiwa-
hiwalay na dahil iba-iba ang aming daan na tinatahak. Pero hindi ako gaanong nalungkot dahil
alam ko na ganito talaga ang buhay. At ngayong Grade 12 na ako, mas nabibigyan ko ng halaga
ang pagkakaroon ng oras kasama ang pamilya. Nabibigyan ko ng panahon ang aking sarili na
kailangan kong magkaroon ng sapat na pahinga. At mas lalong naging malapit ang loob ko
saaking mga kaklase. Masasabi ko na maswerte ako dahil kami ay nagtutulungan sa mga gawain
at hindi namin hinahayaan na may isang kaklase ang naiiwan. Ang mga taong nakilala ko at ang
mga pangyayari ay ang mga rason kung bakit ganito ako ngayon. Marami pa akong taong
makikilala at daan na tatahakin ngunit dadalhin ko ang pangaral na pahalagahan ang mga taong
nandiyan sa tabi mo at handa kang tulungan sa mga bagay na maaaring huhubog sa iyong
pagkatao.

Ranylieza M. Santing

Shera V. Dalapo

Kolum

Premarital Sex
Ang pagtatalik na premarita ay isang gawaing seksuwal na isinasagawa ng mga taong hindi kasal.
Pangkasaysayang itinuturing ito na bawal sa maraming mga kultura at itinuturing na isang
kasalanan sa maraming mga relihiyon, subalit naging mas karaniwang katanggap-tanggap sa loob
ng huling ilang mga dekada.

Ilan sa aking mga kaklase sinabi na nasa tao nga lang yan basta malinis ang iyong intensyon at
kalooban at lubusang ganap na ang iyong pag-iisip na handa sa mga pangyayaring puwede
dumating. Ngunit karamihan sa aking mga kaklase ay hindi sang-ayon sa pagtatalik na premarital
dahil kinalakihan na masama ang pakikipagtalik bago ikasal sa kadahilanang ang katawan ay
isang templo na para lamang sa taong mahal mo, na katambal mong mangako sa harap ng Diyos.
Ang katawan ay dapat respetuhin ng buong galang at ang pagkakaroon ng isang dalisay na
templo ay ang pinakamagandang regalong maibibigay mo sa iyong kabiyak. Ang pagtatalik ay
kaloob ng Diyos. Ito ay para magdulot ng kaligayahan sa konteksto ng pag-aasawa at
pagpapalago ng pamilya. Kung ginagawa ito sa labas ng kasal, ito ay kasalanan at talagang
pagsuway sa utos ng Diyos. Kapag patuloy na ginagawa, madalas maaari rin itong magdulot ng
panghabambuhay na epekto sa pisikal (pregnancy), sa emosyon (guilt, distrust, broken hearts),
at sa relasyon (broken relationships, single parenting).

Marami kasi ang maibibigay na epekto nito na maaaring makasama at makasira ng buhay.
Maaari itong maging dahilan ng pagkakasakit ng isang tao, babae man o lalaki, lalo na kung
isinagawa ito ng walang anumang proteksyon. Isa sa mga sakit na nakukuha sa maaagang
pakikipagtalik ay ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome at STD or Sexually
transmitted disease. Para sa mga babae, ang premarital sex ay karaniwang sanhi din ng maaga at
di-inaasahang pagbubuntis. Bukod sa kawalang paghahanda, maaari din nitong mailagay sa
peligro ang buhay ng batang ina. At maaaring hindi magampanan ng babae ang kanyang
responsibilidad bilang isang ina dahil sa kawalan ng kaalaman at pagiging ina sa murang edad.
Maaari din nating maiugat ang paglobo ng populasyon sa premarital sex. Dahil ito ay wala pang
basbas ng simbahan o kahit ng batas, walang kaukulang seminar ukol sa pagpaplano ng pamilya
ang mga taong gumagawa nito.

Kung ang lahat ng ito ay kulang pa para makumbinse ka, tandaan mo ang nakasulat sa Biblia. Ang
ating katawan ay templo ng Diyos. Tayo ay may tungkulin na panatilihin itong banal at dalisay.
Huwag pumayag sa pre-marital sex at piliin ang parangalan ang Diyos.

Ranylieza M. Santing

Shera V. Dalapo

Editoryal

Extrajudicial Killing

Ang extrajudicial killing ay isang pamamaraan ng pagpatay sa isang tao o sa isang grupo ng tao
na hindi dinaan sa proseso o paglilitis ng korte. Kasama na rin dito pati ang pagpatay ng mga
hindi taga-gobyerno. Basta’t pumatay ka ng isang tao na hindi nilitis sa korte o hindi ipinag-utos
ng korte ay tinatawag itong extrajudicial killing. (Sandra, 2016)

Naniniwala ang pangulo na sa loob ng anim na buwan mula ng siya'y umupo ay mababawasan
ang mga krimen na dulot ng mga taong ito kung kaya't kasabay nga ng pagupo ng bagong
pangulo marami ring isyu ang umalingawngaw. Isa na rito ang extra judicial killing o pagpatay ng
mga kriminal ng walang paghahatol. Ayon sa Philippine Constitution Article III, Section 1 "No
person shall be deprived of life, liberty or property without due process of law, nor shall any
person be denied the equal protection of the laws."Makikita natin na mali talaga ang extra
judicial killing at mali rin na inilagay nila ang batas sa kanilang mga kamay. Oo, may
kapangyarihan sila na ipakulong ang sinuman subalit kailangan pa rin ng due process.

Ayon din sa Deuteronomio 30:19 "Aking tinawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa
inyo sa araw na ito,na kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa, kaya't piliin mo ang buhay,
upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi." Bilang isang relihiyosong bansa gayon na
lamang ang pagpapahalaga natin sa buhay. Karamihan sa atin ay naniniwala na Diyos lamang ang
may karapatang bumawi ng ating buhay sapagkat ito ay hiram lang natin kanya. At naniniwala
kami na hindi tama ang extra judicial killing, lahat naman ng tao ay may karapatang mabago
kahit nasa tao parin ang desisyon mali pa rn ang pagkitil sapagkat tinanggalan agad natin sila ng
karapatan upang makapamili at alam naman natin na lahat ng kasalanan ay may kabayaran,
maaari naman nilang pagbayaran ang kanilang kasalanan sa kulungan. At isa pang punto ay
paano ang mga taong napagbintangan lamang, paano ang mga pamilyang tinanggalan ng haligi o
ilaw ng tahanan, paano ang mga batang sa murang edad pa lamang ay tinanggalan na nang
karapatang magkaroon ng isang kumpletong pamilya.

May mabuti ding epekto ang Extrajudicial na nangyayari sa Bansa, Sapagkat ito ang nagbibigay
ng takot sa mga Taong gumagawa ng kasamaan at gayon din magkakaroon ng katahimikan sa
pagsugpo sa gumagawa ng kasamaan. Ang Extra Judicial Killing ay nakaktulong sa pagsugpo ng
mga malalaking krimen sa bansa tulad na lamang ng paggamit ng illegal na Droga. Makakatulong
ito upang mabawasan at matakot rin ang mga taong na gumawa ng kaparehong krimen. Sabi
nga nila, masama ang pagpatay, ngunit makatwiran din naman ang paraan na ito kung ito ay
nakakabuti at panig sa kaligtasan at katahimikan ng mamamayan.

Ang pinakadelikadong panlilinlang tungkol sa Extrajudicial Killing ay ang kaisipang wala itong
pinsala sa ating mga walang bisyo, sa ating mga kapwa tao, at sa lahat ng ating ipinaglalaban
bilang bayan. Ang pagtanggap sa extrajudicial killings o kahit man lang ang pananahimik sa gitna
nito ay umaagnas sa mga prinsipyo at diwa na diba'y gusto natin ipamana sa mga susunod sa
atin. Diba’t ang turo saatin ay mali ang pumatay, na hukuman ang dapat magpasya ng
pagkakasala at lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Mapagbintangan ka man ay may
karapatan kang malitis sa tuwid at maayos na pagtataguyod ng katarungan. Bukod riyan, itinuro
saatin na maraming Pilipino ang nagbigay buhay upang paniguruhan na ang Pilipinas ay "Nation
of laws, not of men." Batas ang ating sandigan, hindi ang kanya-kanyang pasya ng tao. Dahil nga
batid na ng kasaysayan ang karupukan ng tao, may mga suspek - sabihin na nating mga salarin -
na pinaslang na walang paglilitis. May mga inosenteng napatay, at tayu-tayo ang pilit at pabulong
na nagsasakatuwiran na hindi ito maiiwasan? Kung hahayaan nating magpatuloy ang mga
kalungkutang ganito, tayo ay magmamanhid sa pag-aagnas ng ating Saligang Batas at sa
paglabnaw ng ating pagiging mamamayan at bayan. Kaya ipaglaban natin kung ano ang tama at
nararapat para sa ikauunlad ng bansa at para sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Ranylieza M. Santing

Shera V. Dalapo

You might also like