You are on page 1of 2

Malabo, parang paningin ng mga mata ko katulad lamang ng mga ala-ala ko

pagdating sa buhay ko sa OLCA. Hindi man siya ganun kalinaw, na aalala ko pa yung
mga memoriya ko na masaklap at masaya sa pag-aaral ko OLCA. At ngayon ang
huling taon ko na sa eskwela kung saan ako lumaki, natuto, at naging ganap na tao na
karesperespeto maari ko ng sabihin na salamat at paalam.

Pero bago ako mag paalam nais ko balikan ang mga ala-ala na naging dahil kung
sino ako ngayon. Static sa t.v. parang ganyan ang memorya ko pagdating sa mga
nangyare nung ako ay elementarya. Paghakbang ng highschool mas luminaw ang
aking mga natatandaan. Maraming naging kaibigan, hindi alam kung tunay o peke,
gulong gulo ang aking isip ko noon hindi ko malaman kung pekeng dyamante ba o
tunay na dyamante. Isa sa pinaka importante kong natutunan ay hindi kaylangan ng
maraming kaibigan para sumaya kung lahat naman ito ay peke ay hindi matutupad.
Kaylangan lang hanapin yung mga tunay at totoong dyamante na mga tao kahit
kakaunti lamang sila dahil sila ang magiging kasayahan at sandalan mo sa hirap at
ginhawa. Nakakamit ng Isa sa hindi kapanipaniwalang rangal na maging top 5 ng
buong klase dito nag simula ang pagkakaroon ko ng tiwala sa aking sarili.

Nung naging grade 8 naging tahimik parang sa itaas ng langit, nabugbog na,
natukso, at nabaliwala ang pagkatao dito nag simula ang pagkalungkot. Wala akong
masyadong matandaan sa taon na yun kundi tinig ng mga boses na nanunukso. Sa
taong grade 9 hanggang ngayon ay ilan sa mga taong lubos na saya ang aking
naramdaman, parang isang bata na nakamit na ang matagal nang hinihiling, ang
Tunay na mga Kaibigan. Mga kalokohan ng tropa sa mga gala, ay sobrang saya kahit
makasama lamang sila masaya na. Isang kaibigan o matalik na kaibigan, bestfriend
kung tawagin sa ingles ang aking nakilala nung pag tapak sa buhay na grade 9 at
hanggang ngayon ay magkaibigan parin kami, lubos na pinapahalagahan ko taong ito
at mga taong nakilala kong totoo.

Simula ng high school mga madami akong natutunan na importante upang


maging mabuting tao at kung hindi dahil dito hindi ako magiging kung ano ako
ngayon. Wag mag hangad ng maraming kaibigan ngunit mag hanap ng totoo at
mabuting mga tao bilang maging isang kaibigan. Maging masaya sa kung anong
meron ka at huwag humangad ng hindi makakaya. Matuto sa mga maling mga ginawa
at gamitin ito bilang isang aral para makabuti at lumaki ang sarili bilang isang tao.
Pahalagahan ang mga importanteng tao sa ating paligid habang sila ay abot pa ng
ating mga kamay. Ito ang mga mahahalagang aral kong natutunan at naging dahilan sa
pag-unlad ko bilang isang mabuting tao ngayon.

Pag dating ko ng senior high school lalo akong nag sumikap sa aking pag-aaral
para sa aking kinabukasan. May isang tao akong nakilala na naging malaking rason ng
aking pagbabago lalo sa pagiging mabuting tao. Dahil sa kanya ako ay parang
nabigyan linaw gamit ang mga salamin na may grado upang matutong tingnan ang
kagandahan ng mga bagay na hindi ko namamalayan noon. Siya ay isa sa mga
importanteng tao na aking pinapahalagan at pinapasalamatan sa kadahilanan na
nakilala ko at naging lubos na kaibigan siya. Naging masaya at hindi inaasahan na
malungkot ang mga huling taon ko bilang OLCAn.

Bilang isang huling Soar high para salamat sa mga aking pahahalagahan na mga
natutunan upang lumaking mabuting isang indibidwal. Sa mga taong kong nakilala at
nagkaroon ng magandang relasyon bilang kaibigan, salamat ng sobra sa pagkakataon
na makilala at makaibigan kayo. Salamat sa mga ala-alang nagawa nating mag
kakasama.

Malabo pero dahil sa mga naranasan at naramdaman nag bigay linaw parang
liwanag, masasabi nating Salamat. Salamat sa aking mga mahahalagang Kaibigan at
sa opotunidad na binigay ninyo para tayo ay mag sama, matuto at magloko.
Masasabing Malinaw na ang aking paningin at nikikita ko na ang tamang gawin Soar
High ito na ang huli, Paalam at hanggang muli OLCA.

You might also like