You are on page 1of 1

Pagyamanin

Ako ay Ako Dahil sa Aking Pamilya. Sa ating pagtalakay, nalalaman natin na mahalaga
ang pamilya sa pagbuo ng ating pagkatao. Ang kanilang pag-aaruga ay matibay na patunay
ng kanilang pagmamahal.Tinuturuan tayong maging mapagmahal sa kapwa, mapagbigay at
mapagpatawad. Tinuturuan din tayong maging malapit sa Diyos, magtitiwala at laging
magpapasalamat sa kanyang kabutihan, hihingi ng tawad at laging magdarasal. Sa pamilya
natin natutunan ang pagtutulungan, pagdadamayan, at ang mga iba pang birtud na kailangan
bilang isang mabuting tao. Bakit ba tayo tinuturuan ng mga mabubuting asal at mga birtud na
ito? Para saan ba ito?
Ito ay mahalaga bilang sandata na magagamit natin sa paglabas ng ating tahanan. Ito
ang magsisilbing gabay kung paano natin harapin ang iba’t ibang hamon sa buhay. Sa
lahat ng puntong ito, masasabi natin na tayo ay naging tayo dahil sa ating pamilya. At ito rin
ang magpapakita kung paano tayo makikipagkapwa.

Tayahin ang inyong pag –uunawa Sagutin ang mga katanungan.

Gawain 3:

1. Anong mga karasansan sa pamilya na nagpapasaya sa bawat miyiembro nito?

2. Anong karanasan sa pamilya ang sumusubok sa katatagan ng bawat isa?

You might also like