You are on page 1of 1

tangente, hannah belle f.

grade 10 blessed elias

Paano nga ba mapapanatili ang kapayaan

sa aming pamilya?

Mapapanatili ang kapayapaan sa aming pamilya kung may respeto, pag-

uunawa at pagiintindi. Inuunawa muna ang sitwasyon, kalagayan, kondisyon,

at nararamdaman bago ang pag-uusap, at upang maitama ang pakikitungo

sa kasapi ng pamilya. Nakikinig at inuunawa rin ang ibinabahaging

damdamin at kaisipan. Magkaiba man ang mga pinaniniwalaan, ito parin ay

tinatanggap at rinerespeto. Ang pagbibigay din ng payo at pangaral ay

tiyak na makatutulong at makabubuti sa pinaglalaanan.

Mahalaga rin ang pagiging mapagkumbaba at mapagpatawad. Kahit ano man

ang naratin natin sa buhay, ay mananatili parin tayong tao, at hinding-hindi

maiiwasan ang pagkakamali. Minsan ay kumokonti narin ang pagkakataong

nilalaan sa pag-uusap ng magpami-pamilya. Ang mga ito ay kadalasang dahilan

ng pagtatalo, hidwaan, at pag-aaway ng dahil sa hindi pagkakaintindihan at

kahambugan. Nararapat ang pagkaroon ng mapagkumbabang ugali at

mapagpatawad na puso sa paglutas ng suliraning ito.

Sa paglutas ng mga problema, nabibigyang-liwanag din ang mabuting pag-

uugaling taglay, tulad ng pagtutulungan o bayanihan. Sa pagtutulungan,

nagkakaroon ng pag-asa, nagagawa ang mga gawain ng mabilis, nasosolusyunan

ang mga suliranin, at sama-samang ang kasapi ng pamilya sa kaligayahan

mahirap man o mayaman, sa hirap at ginhawa.

Tiyak na marami pang paraan upang mapanatili ang kapayapaan sa

pamilya. Ang nararapat lamang na tandaan ay ang pamilya ay

minamahal, inaalagaan, sinusuportahan, ginabayan, at prinoprotektahan.

You might also like