You are on page 1of 25

Magandang Hapon

po!
Awtoridad sa PAMILYA

GROUP 3
Ano ang Awtoridad?
–ito ay tumutukoy sa kapangyarihan na taglay
ng isang indibidwal o grupo.

Gayunpaman, ang awtoridad ay karaniwang di-


nagugustuhan ng nakararami, mauunawaan
naman natin sila sapagkat malimit abusuhin ang
awtoridad—sa pamilya, sa trabaho at sa
pamahalaan.
Ano ang Pamilya?

-ito ang pangunahing pundasyon/institusyon


sa lipunan.
Ano ang Awtoridad sa Pamilya?

–ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng


magulang na magdesisyon para sa
kabutihan ng kanyang anak.
Ano ang Layunin ng
Awtoridad sa Pamilya?

–layunin ng awtoridad sa pamilya na


masigurong ligtas,malusog at responsable
ang anak.
Responsabilidad/tungkulin ng
Magulang sa Pamilya
Ang tungkulin ay kinabibilangan ng
pagbibigay ng pangangailangan ng anak—
sa pisikal, emosyonal, at intelektuwal na
aspeto.
Responsabilidad ng magulang na
turuan ang anak ng mga tamang gawi
at pagpapahalaga upang maging
mabuting mamamayan.
Responsabilidad din ng magulang ang
magbigay ng sapat na pagkakataon sa
anak upang maipakita ang kanyang
kakayahan at talento.
Dapat ding ipakita ng mga magulang ang
wastong pagpapahalaga sa pera upang
magkaroon ng sapat na pangangailangan
ang Pamilya.
Karapatan ng Anak sa
Pamilya
Ang anak ay may karapatan sa kaligtasan,
edukasyon, pagmamahal at kalinga.
Karapatan din ng anak na igalang at
pahalagahan ang magulang.
Karapatan din ng anak na mabigyan ng
sapat na pagkakataon upang maipakita
ang kanyang mga kakayahan at talento.
Karapatan ng anak na maigalang ng
magulang ang kanyang mga sasabihin
upang maging malaya sa kanyang
pagsasalita at mas maipahayag ang
kanyang opinyon.
Mga Paraan upang mapanatiling
matatatag at maayos ang pamilya:

1. Paggalang

-ito ay pagkilala sa halaga o


dignidad ng isang tao.
Bakit mahalaga ang
Paggalang?
Ang paggalang ay
gaya ng isang
semento na
nagpapatibay sa
inyong pagsasama
bilang pamilya.
Mga Paraan upang mapanatiling
matatatag at maayos ang pamilya:

2. Disiplina

-tumutukoy sa pangangatwiran o
pagtutuwid.
Bakit mahalaga ang
Disiplina?
Ang disiplina ay
pumapatnubay, gaya
ng isang timon na
umuugit sa bangka.
Mga Paraan upang mapanatiling
matatatag at maayos ang pamilya:

3. Bukas na Komunikasyon

-tumutukoy sa pakikipag-usap
upang mas magkaunawaan.
Bakit mahalaga ang
Bukas na Komunikasyon?

Ang bukas na
komunikasyon ay
nagsisilbing tulay tungo
sa pagkakaunawaan.
Mga Paraan upang mapanatiling
matatatag at maayos ang pamilya:

Ang pagpapakita ng pantay-pantay na


halaga sa bawat myembro ay malaking
tulong upang mas maging
matatag,maayos at masaya ang buong
pamilya.
PAGTATAPOS

Ang awtoridad sa pamilya ay isang mahalagang responsibilidad


na hindi dapat balewalain. Ang magulang na may awtoridad sa
pamilya ay dapat magpakita ng respeto at pagmamahal sa anak
upang masigurong ang mga desisyon ay makakabuti sa
kanyang kinabukasan. Kinakailangan din ang pagtitiwala at
open communication upang mapanatili ang kaayusan at
disiplina sa pamilya.
Don't forget

...

Ang awtoridad sa pamilya ay mahalaga upang mapanatili


ang kaayusan at katahimikan sa pamilya. Dapat ito gamitin
sa tamang paraan at may kaakibat na responsibilidad. Sa
pagpapakita ng respeto, disiplina, malinaw na
komunikasyon, pagpapahalaga sa bawat miyembro ng
pamilya, at pagpapakita ng pagmamahal, magkakaroon ng
masaya at matatag na pamilya.
GROUP 3

Magandang Hapon po
muli sa ating lahat.

You might also like