You are on page 1of 4

PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA, AT MAY

AWTORIDAD
 Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay
“paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan
ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.

Hiwaga ng Pamilya (ni Gabriel Marcel, tinukoy ni Dy, 2007)


Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nagkapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang.
Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga.

Ang pamilya ay malapit sa iyo dahil sa:


 Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo.
 Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan.
 Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo.

- Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at
makasaysayang proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong pag-iral.
- Ang mga kasalukuyang suliranin tulad ng kawalan o humihinang pagpapahalaga sa kabanalan,
kawalan ng paggalang sa buhay at kamatayan (na nagiging dahilan nang kayabangan,
pagkukunwari, pagkabagot o kawalan ng interes o kawalan ng pag-asa) ay ilan lamang sa mga
patunay ng di pagkilala sa halaga ng pamilya sa paghubog ng iyong pagkatao.

Ang Pamilya Bilang Halaga

- Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi nito ay naipakikita sa pagsusumikap na


gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama. Ang karangalang tinataglay ng
pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin ng bawat kasapi nito.

- Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na uri at antas ng
komunikasyon. May marapat na antas ng komunikasyon para sa mga bagong kakilala at sa
mga mahal mo sa buhay, at di kailanman marapat ang magsalita nang masama, magmura o
manglait ng kapwa.

Ang Pamilya Bilang Presensiya

- Bilang presensiya, ang pamilya ang nagsisilbing proteksyon sa mga kasapi, duyan ng
pagmamalasakit at pagmamahalan, pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan, kalakasan,
kahinaan, damdamin at halaga. Itinuturing ang pamilya na isang tahanang nag-iingat at
nagsasanggalang laban sa panganib, karahasan at masasamang banta ng mga tao o bagay sa
paligid at labas ng pamilya.

Ang Hamon sa Pamilya


- Maraming suliranin ang naidudulot nang pagkawala o unti-unting paghina ng nakagisnang
gawi o ritwal na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay, paglipat ng tirahan o
paghahanapbuhay ng magulang sa malayong lugar, at epekto ng teknolohiya at
industriyalisasyon.
- Nakalulungkot isipin na may mga pamilyang hindi naiingatan ang mga kasapi laban sa
karahasan mula sa mga tao o bagay sa labas at maging sa loob ng pamilya. Unti-unti na ring
dumarami ang insidente ng karahasan at pang-aabuso sa mismong kasapi ng pamilya.
- Kung ang pansariling interes ng mga tao ang patuloy na mangingibabaw, magdudulot ito ng
kaguluhan. Dahil dito, tungkulin ng lipunan na mapangalagaan ang kapayapaan, disiplina at
kapakanan ng mga taong kaniyang nasasakupan, alang-alang sa kabutihang panlahat. Sa
pamamagitan ng mga batas na ipinatutupad, maiingatan at maipaglalaban ang dignidad at
karapatan ng mga tao at mapagbubuklod sila tungo sa pagkamit ng layuning maging ganap.

Ang Paggalang at Pagsunod sa May Awtoridad at ang Kahalagahan ng Pagsangguni

1. Sino ang mga taong may awtoridad na nararapat igalang at sundin?


- Ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magtalaga at
magpatupad ng mga panuntunan. Ang pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang nagbibigay ng
karapatan sa taong may awtoridad upang mapanatili ang pagkakaisa, pagtutulungan,
kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong nasasakupan upang makamit ang
kabutihang panlahat.

2. Ano ang iyong gagawin kung ang iniuutos sa iyo ng iyong magulang, nakatatanda at may
awtoridad ay maghahatid sa iyo sa kapahamakan at nalalaman mong labag sa kabutihang-asal?
Susundin mo ba?
- Sa mga ganitong pagkakataon, mahalaga ang pagsangguni sa mga taong pinagkakatiwalaan at
tunay na nagmamalasakit.

3. Natututuhan ba ang paggalang at pagsunod? Kailan ito dapat ituro?


- Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na taon dahil kinikilala ng bata ang awtoridad ng
kinagisnan niyang pamilya nang walang pagtatangi o bahid ng pag-aalinlangan. Mas madali
para sa isang bata ang sumunod sa kaniyang mga magulang at nakatatanda dahil sa direktang
pagtanggap niya mula sa mga ito ng seguridad, pagmamahal at pag-aaruga para sa kaniyang
kaayusan at kagalingan.

Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng:

1. Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng pamilya


2. Pagkikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa
paggalang at pagsunod.
3. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at pagmamalasakit.
Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?

Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay maipakikita sa pamamagitan ng sumusunod na


gawain:

1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon. Kapag ang magulang ay nagtakda ng


hangganan, dapat itong igalang sa pamamagitan ng di pag-abuso sa itinakda.
2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
3. Pagtupad sa itinakdang oras
4. Pagiging maalalahanin.
5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?


Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda (ayon sa aklat ng Respect for
the Elderly: Implications for Human Service Providers ni Sling, 2004):

1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.


2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay.
3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin
at matiyaga sa maraming bagay.
4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa
kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa kanila.

Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?


Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad
(ayon kay Wolff, n.d.)

1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong


may awtoridad.
2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
3. Maging halimbawa sa kapwa.
4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay
magiging kaaya-aya para sa iyo.

Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?


Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa pamamagitan ng
sumusunod na mungkahi ayon kay David Isaacs (Character Building, 2001)

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya


at ng lipunang kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto ng kaniyang
pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at
paglilingkod sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na
pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng
angkop na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay ng angkop na
tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya at ang nararapat ay
ang paggalang sa kaniyang dignidad.
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng
masasakit na salita.
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na
pagmamahal at pagpapatawad.

Bilang kabataan sa pag-iingat mo sa iyong karangalan sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti


at pag-iwas sa paggawa ng masama, ang paggalang ng iba ay iyo ring mararanasan at ipagkakaloob ito sa
iyo nang may kusa at may lakip na pagmamahal.

You might also like