You are on page 1of 7

Paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa mga

nakakatanda?
-Ang pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda ay isang magagandang
bahagi ng kultura ng mga pilipino.Sa simula pa lamang ang mga bata ay
tinuturuang gumamit ng ‘‘PO’’ at ‘‘OPO’’ sa kanilang pakikipag-usap at
pagmamano sa nakakatanda.

1.Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na


pakikipag-usap.

2.Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang


dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.

3.Iparamdam sa kanila na sila ay naging halimbawa lalo na sa pagiging


matiisin at matiyaga sa maraming bagay.

4.Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng


pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga
espesyal na pagdiriwang.

5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na


makabubuti sa kanila.May mga pagkakataong sila ay nagiging makulit at
mapilit sa kanilang nais kainin,inumin o gawin.

6. Kakayahan at damdamin.Hindi lahat ng nais nila ay makabubuti sa


kanilang kalusugan at kalagayan.Isaalang-alang lagi ang kabutihang
maidudulot ng mga bagay na kanilang hinihiling.

Paano maipapakita ang paggalang sa mga taong may


awtoridad?
-Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga
taong may awtoridad (ayon kay WOLFF,n.d.)

1.Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng DIYOS sa paggalang


sa mga taong may awtoridad.May mga taong pinili ang DIYOS upang
pagkalooban ng tungkulin at pagkatiwalaan ang kaniyang awtoridad.

2.Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay


pamahalaan.Ang pagkakaroon ng awtoridad ay isang maselang tungkulin
dahil nakasalalay ang pakanan ng mga nasasakupan sa mga pagpapasiya
na kaakibat ng mga ipinatutupad na batas o patakaran.
3.Maging halimbawa sa kapuwa.Kung nais mong makaimpluwensiya ng
kapuwa upang sila ay maging magalang at masunurin,mas maraming
pakinabang ang maidudulot nang pagsasabuhay ng birtud ng paggalang at
pagsunod.

4.Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat


sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.Hindi sa lahat ng pagkakataon
ay nagkakalapat ang mga pananaw,at paniniwala.

Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng


katarungan at pagmamahal?
-Maipapakita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga
magulang,nakakatanda,at may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang
halaga.Dahil dito,kinikilala at pinahahalagahan mo ang kanilang
tungkuling hubugin,subaybayan,at paunlarin ang iyong mga magagandang
ugali at mga pagpapahalaga.Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa
pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal,pananagutan,at pagkilala
sa kanila bilang biayaya ng maylalang(creator).

Tungkulin ng
Tungkulin ng lipunan
lipunan ang
ang
pangalagaan ang
pangalagaan ang dignidad
dignidad ng
ng
matatanda sa
matatanda sa pamamagitan
pamamagitan ng ng
pagkakaroon ng mga batas
pagkakaroon ng mga batas na na
mangangalaga sa
mangangalaga sa kanila.
kanila.
Nararapat na tugunan
Nararapat na tugunan ng ng
lipunan ang
lipunan ang pangangailangan
pangangailangan ng ng
bawat kasapi
bawat kasapi nang
nang walang
walang pagtatangi.
pagtatangi.
(St. Jhon Paul 11,2002)

:Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal sa pamamagitan ng sumusunod na mungkahi ayon kay
David Isaacs (character building,2002)

1.Panatilihin ang pagkakaunawaan,bukas na komunikasyon,at pakilala sa


halaga ng pamilya at lipunang kinabibilangan.

2.Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao matuto,magunlad,at magwasto ng


kaniyang pagkakamali.

3.Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa,sa pamamagitan ng pagtuloy


na pagtulong at paglilingkod sa kanila.

4.Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng


maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
5.Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan
ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.

6.Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upang


makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang
pangangailangan.

7.Bilang bahagi ng katarungan,ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya


at ang nararapat ay ang paggalang sa kanilang dignidad.

8.Sa pakikipag-usap sa kapuwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at


pagbibitiw ng masasakit na salita.Mahalaga ang aktibong pakikinig at pag-
iwas sa anumang uri ng diskriminasyon.

9.Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapuwa na


may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.

-Bilang kabataan,inaasahan na magiging mabuting halimbawa ka sa lahat


ng aspekto ng iyong pamumuhay. Kung ikaw ay kinakikitaan ng iyong
kapuwa ng pagiging magalang at masunurin,hindi mahirap sa iyo ang
makaranas ng paggalang mula sa iyong kapuwa.Sa pag-iingat mo sa
iyong karangalan sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti at
pag-iwas sa paggawa ng masama,ang paggalang ng iba ay iyo ring
mararanasan at ipagkakaloob ito sa iyo nang may kusa at may lakip na
pagmamahal.

You might also like