kadalasang ipinag-uutos ng mga magulang, nakatatanda at may awtoridad at kung ano ang mga bunga kung ito ay susundin at kung hindi. Pangkat 1 - Magulang Pangkat 2 – Nakatatanda Pangkat 3 –May Awtoridad 1. Sa iyong mga naitala, alin sa mga utos ang bukal sa iyong loob na ginawa? Bakit? 2. Ano ang pakiramdam sa tuwing nakasusunod ka sa mga utos ng iyong magulang, nakatatanda at may awtoridad? Ipaliwanag. 3. Mahalaga ba ang pagsunod sa kanilang mga utos kung nasa katwiran? Ipaliwanag ang iyong sagot. 4. Sa iyong palagay, ano pa ang ibang mga pamamaraan upang maipakita ang paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad? Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal? Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa pamamagitan ng sumusunod na mungkahi ayon kay David Isaacs (Character Building, 2001) 1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan. 2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto ng kaniyang pagkakamali. 3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila. 4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos. 5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang. 6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan. Hangga’t maaari makipagtulungan sa mga institusyong maaaring makatulong sa kanila. 7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya at ang nararapat ay ang paggalang sa kaniyang dignidad. 8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig at pag-iwas sa anumang uri ng diskriminasyon. 9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad. Tungkulin ng lipunan ang pangalagaan ang dignidad ng matatanda sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga batas na mangangalaga sa kanila. Nararapat na tugunan ng lipunan ang pangangailangan ng bawat kasapi nang walang pagtatangi. (Pope John Paul II, 2002) Panuto: Lagyan ng simbolong masayang mukha 😊 ang patlang kung ang pahayag ay tama at malungkot na mukha ☹ naman kung ang pahayag ay mali. _____1. Naipapakita ang paggalang sa mga nakatatanda kapag sila ay aarugain at pagsisilbihan na isinasalang-alang ang maayos na pakikipag-usap. _____2. Naipapakita ang paggalang sa nakakatanda kapag pinapakinggan ang kanilang payo, bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay. _____3. Naipapakita ang paggalang sa nakatatanda kapag iparamdam na sila ay pabigat sa pamilya. _____4. Naipapakita ang paggalang sa nakatatanda kapag kikilanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga espesyal na pagdiriwang. _____5. Naipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad kapag ipinapanalangin mo sila sa Diyos para magampanan nila nang maayos ang kanilang tungkulin para sa bayan at sa kanilang pamilya. Ito ang Aking Pangako! Sumulat ng pangako o pledge na tanda ng iyong paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Tukuyin sa iyong pangako ang mahahalagang kilos na iyong gagawin upang maipakita ang paggalang. Isulat ang mga hinihingi sa sagutang papel. Ang pagbibigay iskor sa nagawang pangako ay nagagabay sa sumusunod na pamantayan.