You are on page 1of 2

1.

Justice - Birtud ng katarungan


2. Charity - Birtud ng pagmamahal
3. Mga Tao - nilalang na relasyonal at sosyal.
4. Tungkulin sa iyong kapwa - sila ay ingatan at maging bahagi ng kanilang pag-unlad.
5. Golden Rule - “Gawin mo sa iba ang nais mo na gawin ng iba sa iyo”.
6. Mateo 22:37;39 - “Sumagot si Jesus, ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso,
nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip (v. 37). Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang
iyong kapuwa gaya ng iyong sarili (39).”
7. Ang Kahalagahan ng Diyalogo – Sa pamamagitan nito, naipababatid mo ang iyong saloobin.
8. Ang Kahalagahan ng Pagbuo ng at Pagsali sa mga Samahan - naglalayon na makatulong at
maging bahagi ng buhay ng ibang tao.
9. Tao - may kaniya-kaniyang preperensiya, nais o gusto sa kaniyang sarili.
10. Nanay - Siya ang naging instrumento ng Diyos upang ikaw ay maisilang sa mundong ibabaw.
11. Doktor - Sila ang tumutulong upang mapagaling ang may karamdaman.
12. Guro - Sila ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral.
13. Tindera - Sila ang mga binibilhan mo ng mga kailangan sa bahay.
14. Kaibigan - Sila ay kaagapay mo sa tagumpay man o kabiguan
15. Tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle - Pakikipagkaibigang nakabatay sa
pangangailangan, Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan, Pagkakaibigan na
nakabatay sa kabutihan
16. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan - Ito ay ang pakikipag-ugnayan na
nakasalig sa kung ano ang maibibigay ng iyong kaibigan.
17. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan - Sa panahon na magkasama kayo sa
paglilibang ay nakadarama ng kasiyahan ngunit kapag tapos na ang okasyon o pagsasama ay
maaaring mawala na ang pagnanais na makasama siyang muli.
18. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan - Ito naman ang pinakamalalim sa tatlong uri ng
pakikipagkaibigan sapagkat naglalayon ito na mapabuti ang bawat isa.
19. Mga Layunin ng Pagkakaibigan - Mapatatag ang pagkakakilanlan at kaganapan ng pagkatao,
Malilinang ang pakikipagkapuwa, at Matatamo ang mapayapang lipunan
20. Mapatatag ang pagkakakilanlan at kaganapan ng pagkatao - Nakatutulong ang
pakikipagkaibigan ng tao sapagkat unti-unti niyang natutuklasan kung sino at ano siya sa iba’t
ibang aspeto.
21. The Fabric of Friendship - akda ni Joy Carol (2008)
22. . Malilinang ang pakikipagkapuwa - Higit na lumalawak ang pananaw kung paano umunawa,
magmalasakit at magsakripisyo para sa iba sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan.
23. Matatamo ang mapayapang lipunan - Sa iyong pakikitungo sa mga kapamilya, kapitbahay,
kamag-aaral, kabaranggay at iba pang tao ay magiging maayos ang inyong pamayanan.
24. Elemento na dapat taglayin ang bawat isa upang mapaunlad ang pakikipag-ugnayan –
Pagmamahal, Katapatan, Pagmamalasakit, Pag-asa, Pang-unawa, Bukas na komunikasyon, at
Pagtitiwala
25. Aristotle – Nagtatag ng tatlong uri ng pakikipagkaibigan
26. Pagmamahal - isang uri ng damdamin na nagbibigay dahilan kung bakit gusto nating mabuhay.
27. Katapatan - nangangahulugang pagiging totoo at tapat sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay
maging sa iyong sarili at sa ibang tao.
28. Pagmamalasakit - ang kusang pag tutulong sa isang tao na walang hini-hinging kapalit
29. Pag-Asa - damdaming nagpapasigla sa ating pang-araw-araw na buhay.
30. Pang-unawa - guro ng katalinuhan
31. Bukas na komunikasyon – natatamo sa pamamagitan ng pag uusap ng magkaibigan,pamilya,at
mag asawa o magkasintahan
32. Fortitude – katatagan
33. Prudence – kahinahunan
34. Emosyon - ang anomang nararamdaman ng tao dulot ng mga panloob at panlabas na salik na
nakaaapekto sa kaniyang nararanasan.
35. Pandama - sa pamamagitan ng limang pisikal na sistemang pandamdam ng tao.
36. Kalagayan ng damdamin - Ito ay tumutukoy sa umiiral na nararanasan ng tao—kung ano ang
aktuwal na kondisyon na mayroon siya.
37. Sikikong damdamin - Ang reaksiyon ng tao ay nakabatay sa kung ano ang kondisyon ng
kaniyang damdamin.
38. Ispiritwal na damdamin - Tungkol ito sa paghulma ng mga pagpapahalaga na patungo sa
katuwiran at kabanalan.

39. Mga Pangunahing Emosyon – Pagmamahal, Paghahangad, Pagkatuwa, Pag-asa, Pagiging


matatag, Pagkamuhi, Pag-iwas, Pagdadalamhati, Kawalan ng Pag-asa, Pagkatakot, at Pagkagalit
40. Karunungang emosyonal mula kay (Goleman, D. 1998) - 1) pagkilala sa sariling emosyon; 2)
pamamahala sa sariling emosyon; 3) motibasyon; 4) pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba;
at 5) pamamahala ng ugnayan.
41. Lider - Siya ang tagapanguna sa isang samahan na naglalayon na payabungin ang bawat
kakayahan ng kaniyang kasapi na tumutugon sa adhikain ng grupo.
42. Tagasunod - Sila ang mga nasasakupan o tagasunod na may layuning kamtin ang pangitain ng
grupo habang napauunlad ang kanilang mga kakayahan.
43. Katangiang makakapagpaunlad sa kakayahan maging lider – Aktibo, May pangitain o
nakikita ang hinaharap, Mapanuri, May kakayahang ayusin ang mga suliranin, May kakayahang
manghikayat, May kakayahang makinig at umunawa sa mga suhestiyon at saloobin ng mga
nasasakupan, May malakas at matibay na kalooban, May kakayahang magpasiya, May kakayahan
sa pakikipag-usap, May malinis na hangaring maglingkod.
44. Pamumunong Inspirasyonal - Ang uring ito ay tumutukoy sa pamumuno na nagbibigay ng mabuting
halimbawa sa kaniyang nasasakupan.
45. Pamumunong Transpormasyonal - Nagsisilbing tagapayo at tagapamatnubay ang pamumuno
sa ganitong uri.
46. Pamumunong Adaptibo - Ang uring ito ay nangangailangan ng isang pinuno na may mataas na
kakayahang emosyonal.
47. Job Skills - kakayahan sa trabaho
48. Organizational skills - kakayahang mag-organisa
49. Values component - mga pagpapahalaga
50. Adhikain - layunin o hangarin

You might also like