You are on page 1of 9

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 11
Unang Markahan – Ikalimang Linggo
Paggalang sa Pagkakaiba-iba ng Bawat Indibidwal (Ikalawang Bahagi)

I. Panimula
Sapat na ba ang pagsasabi ng “po” at “opo” upang maipakita mo ang
paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad? Ano ang iyong
gagawin kung labag sa iyong kalooban ang kanilang ipinag-uutos? Anu-ano
ang iyong isasaalang-alang upang maipakita ang pagsunod at paggalang
sa kapwa?

Natutuhan mo sa unang bahagi na ang paggalang ay naipapakita sa


pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Sa araling ito
ay mas palalawigin natin ang mga halimbawa o paraan upang maisagawa
ang pagrespeto sa kapwa sa salita, kilos at pananaw.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naipakikita ang paggalang sa kapwa ayon sa:
1. salita
2. kilos
3. obhektibong pananaw
Koda: HGSPS- Ig-8

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matatalakay ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa kapwa
ayon sa salita, kilos at obhektibong pananaw;
2. masusuri ang kahalagahan ng paggalang sa lahat ng aspeto; at
3. maipapamalas ang mga halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa
kapwa sa salita, kilos at obhektibong pananaw.
IV. Pagtalakay

"Naniniwala ako na ang paggalang ay mas mahalaga at mas malaki, kaysa


sa katanyagan." - Julius Erving

Marahil ay pamilyar ka kay Nelson Mandela, isang tanyag na tao na


nakaranas ng mga pagsubok sa buhay ngunit naging matagumpay na
Presidente sa South Africa. Ngunit hindi lang siya basta sikat na indibidwal. Siya
ay mas nakilala sa pagpapakita ng magandang katangian tulad ng
paggalang sa buhay ng bawat indibidwal. Paano nga ba natin maisasagawa
ang paggalang sa kapwa ayon sa salita, kilos at obhektibong pananaw?

Narito ang mga paraan o halimbawa sa kung paano natin ito


maisasabuhay.
Sa Pagsasalita

Maipapakita ang paggalang sa pagsasalita sa pamamagitan ng


nararapat at naaayon na uri at antas ng komunikasyon sa kapwa. May
marapat na antas ng pakikipag-usap para sa mga bagong kakilala at sa mga
mahal mo sa buhay. Hindi kanais-nais ang pagsasalita ng masama, magmura
o manglait ng kapwa. Maraming pagkakataon na nagiging sanhi ng
pakikipagtalo o pakikipag-away sa iba ay nag-uugat sa mga salitang
binibitawan na nakakasakit ng damdamin ng kapwa, kabilang ang ating
mahal sa buhay. Kung gayon, ang paggalang ay maipapakita din sa kung
paano tayo makipag-usap sa ibang tao, at sa mga salitang ating binibigkas
ay makikita kung tayo ay kagalang-galang o hindi. Kaya marapat na piliin
natin ang bawat salitang sasabihin dahil ito ay may epekto sa nakikinig o
nakakarinig sa paligid.
Nagsisimula ang paggalang sa tahanan. Kaya nga napakahalaga din
ang gampanin ng pamilya sa pagtuturo ng pagrespeto sa kapwa at
pagsunod. Sabi nga sa Kawikaan 22:6 “Turuan mo ang bata sa daan na dapat
niyang lakaran, at kapag tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” Ang
pakikinig sa nakatatanda, pagsasabi ng po at opo, pagpipili ng magagalang
na salita sa pakikipag-usap ay pawang mga payo na nag-uumpisa sa
pamilya.
Tandaan na ang isang taong mahusay at maayos ang pananalita ay
higit na madaling makakuha ng respeto ng ibang tao. Sabi nga ni Hussein
Nisha, “Tratuhin ang mga tao sa paraang nais mong tratuhin. Makipag-usap

2
sa mga tao sa paraang nais mong makausap. Ang paggalang ay natamo,
hindi ibinigay. "

Sa Pagkilos
Sa pamilya karaniwang nagsisimula ang gawaing kakikitaan ng kilos ng
paggalang sa pamamagitan ng pagtuturo sa atin ng pagmamano, paghalik
sa kamay ng mga magulang o nakatatanda, ang pagkain nang sabay-
sabay, pagkakaroon ng diyalogo, pagtulong sa mga gawaing-bahay, at
pakikibahagi sa mga pagdiriwang sa iba’t ibang okasyon. Sa tahanan
nagmumula ang pagpapahalaga sa tamang asal na marapat na maipakita
sa kapwa.

Kung gusto mong irespeto ka ng kapwa, maging mabuting halimbawa


sa kanila. Mas madaling mauunawaan ng iyong kapwa ang kahalagahan ng
paggalang at pagsunod kung nakikita nila ang iyong pagsusumikap na
igalang at sundin ang iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad,
at nakikita rin nila ang mabuting naidudulot nito sa kanilang pagkatao at sa
lipunang kanilang kinabibilangan.

Ipakita ang paggalang kahit sa mga taong hindi mo nakakasundo;


hindi bilang salamin ng kanilang pagkatao, kundi isang salamin ng sa iyo. Kung
kaya marapat na tanungin muna ang sarili kung ang gagawin ba ay
makakabuti sa kapwa at kakikitaan ng pagpapahalaga sa kanila? Ang
paghihiganti ba ay mas mainam upang mawala ang bigat na
nararamdaman? Kung hindi, mas mabuting hindi na lang ito gawin. Maging
ang mga isyu ng pananakit at pang-aagrabyado ng kapwa ay malayong
gawin mo, kung sinusunod ang Gintong Aral o “Golden Rule” at mga utos ng
magulang mo, tulad ng 'huwag kang makipag-away', 'huwag kang
mananakit ng kapwa' at 'makitungo ka nang maayos sa iyong kapwa'.
Mahalagang tandaan ng bawat isa ang isinasaad ng Gintong Aral: Anuman
ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili.

Sa awtoridad naman ay maipapakita ang paggalang sa pamagitan ng


pagsunod sa batas, at sa mga alituntunin na kanilang ipinatutupad. Sa
panahon ngayon na nakakaranas tayo ng pandemya ay marapat na sundin
ang tagubilin ng pamahalaan na pagsusuot ng face mask, face shield,
pagdadala o paggamit ng alcohol o santizer, at paghuhugas ng kamay
bilang proteksyon sa pagkalat ng nakahahawang virus. Ito ay isang paraan
ng pagpapakita ng paggalang hindi lang sa may awtoridad kundi maging sa
kapwa na kailangang pahalagahan ang buhay ng bawat isa. Lagi mo ding
ipanalangin ang mga taong nasa may awtoridad na ikaw ay mapamahalaan
nang wasto. Sa pamamagitan ng panalangin, hilingin na pagkalooban ang
mga taong nasa awtoridad na magkaroon ng sapat na karunungang
gagabay sa makatwirang pagpapasiya, lakas ng loob at malusog na
pangangatawan upang makapagpatuloy sa paggawa at paglilingkod sa
kapwa.

3
Obhektibong pananaw

Ayon kay Herbert H. Lehman, “Dapat kong respetuhin ang mga opinyon
ng iba kahit na hindi ako sumasang-ayon sa kanila." Ang paggalang kung
gayon ay walang kinalaman sa kung sino ang tama at kung sino ang mali. Ito
ay may kinalaman sa pagpayag ng puwang para sa opinyon ng ibang tao.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagkakapareho ang mga pananaw at
paniniwala. Subalit, maipakikita pa rin ang paggalang kahit na
magkasalungat ang mga pananaw at paniniwala sa pamamgitan ng
maayos na dayalogo upang maisaalang-alang ang kabutihang panlahat.

Sa kasalukuyan, halos lahat ng tao ay may kanya-kanyang social


networking sites tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, Tiktok at iba pa, na
kung saan makikita ang kanilang iba’t ibang opinyon na maaaring di mo
sinasang-ayunan. Subalit ugaliin na tignan ang mga bagay sa obhektibong
pananaw. Pag sinabing obhektibong pananw, tinitignan mo ang isang bagay
ng walang kinikilingan o kinakampihan at nakatuon ang pagsisiyasat sa
katotohanan (facts) at hindi sa emosyon. Ang mga pahayag ay sadyang
makatotohanan. Isipin muna at pagnilayan ang pangyayari bago ka
magbigay ng pananaw. Saan kaya nanggagaling ang kanilang mga
sinasabi? Baka naman sila ay may kwentong mas malalim ang
pinaghuhugutan ng kanilang pananaw, o kaya ay may karanasang hindi mo
alam. Samakatwid, hinay hinay din sa panghuhusga sa kapwa ng base
lamang sa nakikita mo sa pisikal o limitadong pananaw. Isaisip na mahalaga
ang anumang opinyon, sapagkat ito ay tanda ng isang makatuwiran na
pagkatao. Ang pagkilala at paggalang sa karapatan ng bawat tao na
makapagpahayag ng pananaw, at karapatang makaalam ng
mahahalagang impormasyon sa ikabubuti ng lahat at sa karapatang maging
pribado (right to privacy)ay marapat na maibigay bilang tanda ng
pagpapahalaga sa kanila. Ang pagrespeto sa isang tao ay nagpapahiwatig
ng kalidad ng iyong pagkatao. Laging isaalang-alang ang damdamin ng
kapwa sa pamamagitan nang maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos
gamit ang obhektibong pananaw.

Bilang kabataan, inaasahan na magiging mabuting halimbawa ka sa


lahat ng aspeto ng iyong pamumuhay. Kung ikaw ay kinakikitaan ng iyong
kapwa ng pagiging magalang at masunurin, hindi mahirap para sa iyo ang
makaranas ng paggalang mula sa iyong kapwa. Sa pag-iingat mo sa iyong
karangalan sa pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti at pag-iwas
sa paggawa ng masama, ang paggalang ng iba ay iyo ring mararanasan at
ipagkakaloob ito sa iyo nang may kusa at may lakip na pagmamahal. Ang
paggalang ay isa sa pinakadakilang pagpapahayag ng pag-ibig.

4
IV. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Lagyan ng √ (tsek) ang mga pangungusap na nagpapakita ng
paggalang sa kapwa sa salita, kilos at obhektibong pananaw at X (ekis)
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Sigawan ang magulang kung mali ang kanilang sinasabi sayo.
__________2. Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa
iyong sarili.
__________3. Napakahalaga ng gampanin ng pamilya sa pagtuturo ng
paggalang sa kapwa at pagsunod.

__________4. Sabihin ang totoo sa kaklase na hindi maganda ang kanyang


tinig habang kumakanta kahit na mapahiya siya.
__________5. Marapat na piliin natin ang bawat salitang sasabihin dahil ito ay
may epekto sa nakikinig o nakaririnig sa paligid.

A. 2. Panuto: Tukuyin kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng paggalang


sa salita, kilos at obhektibong pananaw. Piliin ang angkop na letra na
sumasang-ayon sa iyong sagot.
A. salita
B. kilos
C. obhektibong pananaw
__________1. Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sayo.
__________2. Nirerespeto mo ang opinyon ng kapwa kahit na sumasalungat sa
iyong pananaw.
__________3. Ang pagsasabi ng po at opo at pagbibigkas ng magagalang na
salita sa nakatatanda ay simbolo ng pagpapahalaga sa kanila.

__________4. Tinitignan mo ang isang bagay nang walang kinikilingan at


nakatuon ang iyong pagpapahayag ng pananaw sa katotohanan at hindi sa
emosyon.
__________5. Igalang at sundin ang tagubilin ng may awtoridad na magkaroon
ng physical distancing kapag nasa labas ng bahay ngayong panahon ng
pandemya.
Gawain 2 : Gawaing Pagganap
B. 1. Panuto: Mag-isip ng mga paraan kung paano mo maipapakita ang
paggalang sa kapwa sa salita, kilos at obhektibong pananaw. I-post sa
facebook status ang mga ito na maaaring lakipan ng larawan at huwag
kakalimutang i-tag ang iyong guro.

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
ISKOR
Pamantayan

Nakagawa nang naaayon sa panuto at akma sa aralin. 10


Nakagawa nang naaayon sa panuto ngunit hindi maayos ang
7
presentasyon.
Nakagawa ngunit walang kaugnayan sa aralin. 5
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2 Panuto: Gumawa ng tula o sanaysay na nagsasaad ng kahalagahan ng


paggalang sa kapwa sa salita, kilos, at obhektibong pananaw.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


ISKOR
Pamantayan

Nakagawa nang wasto at kompletong ideya na akma sa aralin. 10

Nakagawa ng kompletong sagot ngunit may maling ideya. 7

Nakagawa ngunit hindi kompleto at walang kinalaman sa aralin. 5


*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

6
VI. Pagsusulit
Panuto: Suriing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Ipaliwanag ang sagot sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ng paggalang sa salita, kilos, at
obhektibong pananaw.
Magkaiba kayo ng political views ng matalik mong kaibigan. Lantaran
ang inyong pagsasabi ng inyong saloobin patungkol sa mga isyu at nakikita
sa mga nangyayari sa paligid sa inyong klase at sa social networking sites.
Paano mo maipapakita ang pagggalang sa kanya sa salita, kilos at pananaw
sa ganitong sitwasyon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN Puntos

Pamantayan
Nakapagbigay ng kompletong ideya na may kalakip na 10
halimbawa o pagpapaliwanag
Nakapagbigay ng ideya ngunit hindi masyadong naipaliwanag 7
ang sagot
Nakapagbigay ng sagot ngunit hindi kompleto at walang 5
kinalaman sa aralin
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VII. Pangwakas
Panuto: Ibigay ang sariling saloobin patungkol sa tanong na ito:
Ano sa tingin mo ang maaaring mangyari kung walang paggalang sa
salita, kilos at pananaw ang tao sa mundo? Magbigay ng mga halimbawa o
pagpapatunay sa iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
VIII. Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

Edukasyon sa Pagpapakatao, Kagamitan ng Mag-aaral (2013). Paggalang at


Pagsunod, batay sa K-12 Curriculum. Kagawaran ng Edukasyon,
Philippines.

X. Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 Pagsusulit

5. B
4. C
3. A
2. C
ibaba ng gawain.
1. B
A. 2 sagot. Tsek ang rubrik na nasa
Maaaring magkakaiba ang

5. √ B. 2

4. X
3. √ ibaba ng gawain.
2. √ sagot. Tsek ang rubrik na nasa
1. X Maaaring magkakaiba ang ibaba ng gawain.
sagot. Tsek ang rubrik na nasa
A.1 B.1 Maaaring magkakaiba ang

8
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Manunulat: Ana Gracia G. Catalan, PhD

Patnugot: Ana Gracia G. Catalan, PhD


Tagapagsuri ng Nilalaman: Mylene Aguayo

Patnugot ng Wika: Noel A. Quirante


Grupo ng Tagapaglinang: Dionisio D. Madriaga, PhD
Aurora S. Francia

Hazel Vi D. Corpuz

You might also like