You are on page 1of 1

Isaisip

Paksa: Ano ang Epekto ng pagpapatupad ng Online Classes sa mga mag-aaral ng ACSHS
Rasyunale: Sa panahon ng modernalismo, marami ng mga paraan ang maaaring magamit upang matuto ang mga
estudyante kahit na nasa gitna tayo ng isang malawakang pandemya. Ang pagkatuto ay maaari ng gawin sa loob ng
ating mga bahay o kahit saan ka man naroon,. Malaki na rin ang naitulong ng teknolohiya pag-aaral ng bawat isang
estudyante sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba't ibang panig ng mundo. Ayon sa pag-aaral ni Gunigundo (2020) hindi
lamang sa tradisyonal na klase nagkakaroon ng pagkatuto kundi pati na rin sa mga makabagong teknolohiya tulad ng
internet, natutulungan nito matuto ang mga estudyante kahit saan man sila naroroon. Isa sa mga naging bunga ng
mabilisang pagprogreso ng mga makabagong teknolohiya ang pagsasagawa ng online classes o kilala rin sa tawag na
distance education, e-learning, online learning, blended learning, computer-based learning, web based learning, virtual
learning, -tele-education, cyber learning, internet-based learning, distributed learning, atbp.
Kaya naman, ayon kay Dhawan (2020) sa panahon ng pandemya, mainam lunas ang pagpatupad ng online learning mode
na sinang-ayunan naman ni Li (2020) ng World Economic Forum, at ipinaliwanang na mas epektibo ang online learning
kesa sa pag-aaral sa loob ng silid paaralan. Ang pag-usbong ng mga teknolohiya kagaya ng kompyuter, laptop at iba
pang gadgets at sa pagkonekta nito sa internet, nabuksan din ang iba t ibang platapoma tulad ng Google Classroom
at Google Meet kaya naging ‟ possible ang “online learning mode.” Nagagamit ang mga ito para sa pakikipagpalitan ng
impormasyon upang mapanatili ang mga gawain at mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pag-aaral.
This study source was downloaded by 100000832605080 from CourseHero.com on 06-21-2022 22:43:23 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/91346074/PAGBASAPAGE2-4pdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like