You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao 8
PANALANGIN
SANDIGAN
Modyul 7 at 8:
Pagsasabuhay ng
Pagsunod at Paggalang
sa mga Magulang,
Nakatatanda at May
Awtoridad
Layunin:
 nahihinuhana dapat gawin ang pagsunod at
paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim na
pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad
na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga
pagpapahalaga ng kabataan. (EsP8PBIIId-10.3)
 naisasagawaang mga angkop na kilos ng pagsunod
at paggalang sa mga magulang, nakakatanda at may
awtoriidad ay nakaiimplwensya kapuwa kabataan na
maipamalas ang mga ito. (EsP8MK-IIe-10.4)
Maipakikita mo ang paggalang at
pagsunod sa iyong mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad kung
kinikilala mo ang kanilang halaga.
Kinikilala at pinahahalagahan mo
ang kanilang tungkuling hubugin,
subaybayan at paunlarin ang iyong
mga magagandang ugali at mga
pagpapahalaga.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
(Ayon kay David Isaacs, 2001)
 Panatilihin
ang pagkakaunawaan, bukas na
komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng
pamilya at ng lipunang kinabibilangan.
 Kilalanin
ang kakayahan ng bawat tao na
matuto, umunlad at magwasto ng kaniyang
pagkakamali.
 Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa
pamamagitan ng patuloy na pagtulong at
paglilingkod sa kanila.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
(Ayon kay David Isaacs, 2001)
 Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa
pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at
pagkilos.
 Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa
pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng
paggalang.
 Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upang
makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa
kanilang pangangailangan.
 Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang nararapat
sa kaniya at ang nararapat ay ang paggalang sa kaniyang
dignidad.
Paano maipakikita ang paggalang at
pagsunod sa mga magulang?

Pagkilalasa mga hangganan o limitasyon


Paggalang sa kanilang mga kagamitan
Pagtupad sa itinakdang oras
Pagiging maalalahanin
Pagiging mapagmalasakit at
mapagmahal
Paano maipakikita ang paggalang at
pagsunod sa mga nakatatanda?
 Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang
maayos na pakikipag-usap.
 Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa
karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
 Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa
lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.
 Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa
pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga karaniwang
gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
 Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na
makabubuti sa kanila.
Paano maipakikita ang paggalang sa mga
may awtoridad?
 Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng
Diyos sa paggalang sa mga taong may awtoridad.
 Lagi
mong ipanalangin ang mga taong may
awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
 Maging halimbawa sa kapwa.
 Alaminat unawain na hindi lahat ng pagpapasiya
at mga bagay na dapat sundin ay magiging
kaaya-aya para sa iyo.
Salamat sa pakikinig!

You might also like