You are on page 1of 32

EDUKASYON

SA
PAGPAPAKATAO
Pagsunod at Paggalang
sa mga

Magulang Nakatatanda Awtoridad


LAYUNIN
1. Nakikilala ang:
a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na
ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal

b. bunga nang hindi pagpapamalas ng pagsunod at


paggalang sa magulang.
(EsP8PIIg-10.1)
LAYUNIN
2. Nasusuri ang mga umiiral
na paglabag sa paggalang sa
magulang, nakatatanda at
may awtoridad.
(EsP8PIIg-10.2)
LAYUNIN
3. Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod
at paggalang sa mga magulang, nakatatanda
at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa
malalim na pananagutan at sa pagkilala sa
kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at
paunlarin ang mga pagpapahalaga ng
kabataan.
(EsP8PIIg-10.3)
LAYUNIN
4. Naisasagawa ang mga angkop na
kilos ng pagsunod at paggalang sa
mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad at nakaiimpluwensya sa
kapwakabataan na maipamalas ang
mga ito.
(EsP8PIIg-10.4)
Bakit Kailangang gumalang?

Sino ang igagalang?

Paano ito maipapakita?


PAGGALANG
ANG PAGKILALA SA HALAGA NG TAO
O BAGAY ANG NAKAKAPAGPATIBAY
SA KAHALAGAHAN NG PAGGALANG.
AT ITO AY NAGSISIMULA SA
PAMILYA.
Ang salitang paggalang ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang
ibigsabihin ay “paglingon o pagtinging muli,”

Na ang ibigsabihin ay naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng


pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.

Ang pagkilala sa hlaga ng tao o bagay ang nagkapagpapatibay sa


kahalagahan ng paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang
kumilala sa pagpapahalaga.
ANG PAMILYA BILANG HIWAGA
(NI GABRIEL MARCEL, TINUTUKOY NI DY,
2007)
Kung ang ugnayan ang isasaalang-alang, isang
hiwagang maituturing ang pagiging sabay na malapit
at malayo ng pamilya sa uyong pagkatao. Sinasabing
ang pamilya ay malapit sa iyo sa sumusunod na
patunay:
1. Nakasentro s aiyo ang mga ugnayan na maaring
ikinatutuwa o ikinaiinis mo.

2. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa


dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan.

3. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa


mga taong nagpalaki sa iyo.
Malaki ang nagiging impluwensiya ng iyong mga
ka-angkan at kamag-anak sa iyong pagkatao.

Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil nagmumula


ang iyong pag-iral sa magkakasunod at
makasaysayang proseso n amula sa mga relasyong
nauna sa iyong pag-iral.

Ang mga kasalukuyang suliranin tulad ng kawalan


o humihinang pagpapahalaga sa kabanalan,
kawalan ng paggalang sa buhay at kamatayan ( na
nagiging dahilan nang kayabangan, pagkukunwari,
pagkabagot o kawalan ng interes o kawalan ng
pag-asa) ay ilan lamang sa mga patunay ng di
pagkilala sa halaga ng pamilya sa paghubog ng
iyong pagkatao.
ANG PAMILYA BILANG HALAGA
Sa mga bahay na iyong napuntahan, napapansin
mo ba ang mga nakadisplay na larawan ng pamilya,
mga medalya, mga diploma, mga tropeo, at mga
patunay ng pagkilala? Nakadisplay din ba ang mga
katulad nito sa iyong tahanan? Ano ang iyong
nararamdaman kapag nakikita mo ang mga ito?
Ang pagkilala sa mga halaga ng pamilya at mga
kasapi nito ay naipapakita sa pagsusumikap na
gumawa ng mab uti at umiwas sa paggawa ng
masama. Ang karangalang tinataglay ng pamilya
ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin
ng bawat kasapi nito.
ANG PAMILYA BILANG HALAGA
Kung ikaw bahagi ng isang pamilyang
nagpapahalaga sa katarungan, pagmamahal at
pagmamalasakit sa kapwa , at sa namamalas ang
pagsasabuhay ng batas ng malayang pagbibigay o
law of free giving, kakikitaan ng kapayapaan at lalim
ng unawa ang ugnayan ng bawat kasapi.
Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan
nang nararapat sa pamamagitan nang at naayon na
uri at antas ng komunikasyon para sa mga bagong
kakilala at sa mga mahal mo sa buhay, at di
kailanman marapat ang magsalita nang masama,
magmura, o manglait ng kapuwa.
ANG PAMILYA BILANG
PRESENSIYA
Ang pamilya ang nagsisilbing proteksiyon sa mga
kasapi, duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan,
pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan,
kalakasan, kahinaan damdamin at halaga. Itinuturing
nag pamilya na isang tahanang nag-iingat at
nagsasanggalang laban sa panganib, karahasan at
masasamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at
labas ng pamilya.
Napagtitibay ang presensiya ng pamilya ng mga
nakasanayang gawi o ritwal at pagkakaroon ng
disiplina. May pananagutan ang pamilya na bumuo
at ingatan ang mga magagandang tradisyong
nakakalakihan at nakasanayan ng mga kasapi nito.
ANG HAMON SA PAMILYA
Maraming suliranin ang naidudulot nang pagkawala
o unti-unting panghina ng nakagisnang gawi o ritwal
na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay, paglipat
ng tirahan o paghahanapbuhay ng magulng sa
malayong lugar, at epekto ng teknolohiya at
industriyalisaayon.
Kung ang pansariling interes ng mga tao ang
patuloy na mangingibabaw, magdudulot ito ng
kaguluhan. Dahil dito, tungkulin ng Lipunan na
pahalagahan ang kapayapaan, disiplina at
kapakanan ng mga taong kaniyang nasasakupan,
alang-alang sa kabutihang panlahat. Sa
pamamagitan ng mga batas na ipinapatupad,
maiingatan at maipaglalaban ang dignidad at
Ang Paggalang at Pagsunod sa May Awtoridad at ang kahalagahan ng
Pagsangguni

Sino ang mga taong may awtoridad na nararapat


igalang at sundin?
Lahat ng tao ay napasasailalim sa awtoridad.

Maging pinakamataas na taong napagkalooban ng


awtoridad, tulad ng pangulo ng bansa, ay
napapasailalim din sa isang awtoridad na kailangan din
niyang sundin.
Ang Paggalang at Pagsunod sa May Awtoridad at ang kahalagahan ng
Pagsangguni

Ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may


kapangyarihang magtalaga at magpatupad ng mga panuntunan.

Ang pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang nagbibigay ng


Karapatan sa taong may awtoridad upang mapanatili ang pagkakaisa,
pagtutulungan, kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong
nasasakupan upang makamit ang kabutihang panlahat.

May may mga pagkakataon, mahalaga ang pagsangguni sa mga


taong pinagkakatiwalaan at tunay na nagmamalasakit.
Natutuhan ba ang paggalang at pagsunod?
Kailan ito dapat ituro?
Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na
taon dahil kinikilala ng bata ang awtoridad
ng kinagisnan niyang pamilya nang walang
pagtatangi o bahid ng pag-aalinlangan.
Mas Madali para sa isang bata ang sumunod sa kaniyang mga
magulang at nakatatanda dahil sa direktang pagtanggap niya mula sa
direktang pagtanggap niya mula sa mga ito ng siguridad,
pagmamahal at pag-aaruga para sa kaniyang kaayusan at kagalingan.

Habang nagkakaedad and isang bata, nabigbigyang katwiran niya


ang kaniyang ikinikilos kung kailangang sundin ang ipinag-uutos at
tuluyang magpasakop o mangailangan muna siys ng pagsangguni
kung ang ipinag-uutos ay kaniyang gagawin o hindi.
Natutuhan ng bata ang paggalang at
pagsunod sa pamamagitan:
1. Pagmamasid sa kaniyang mga magulang at iba lpang kasapi
ng pamilya kung paano sila gumagalang sa ibang tao,
nakakatanda at sa mga mga awtoridad.

2. Pakikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga


magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.

3. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at


pagmamalasakit.
Kung naging maayos ang
paghubog sa mga naunang taon ng
iyong buhay, mauunawaan mo ang
marapat na paggalang at pagsunod,
dahil sa pagkilala mo sa pamilya
bilang hiwaga, halaga at
presensiya.
ANG HAMON SA PAMILYA
Maraming suliranin ang naidudulot nang pagkawala
o unti-unting panghina ng nakagisnang gawi o ritwal
na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay, paglipat
ng tirahan o paghahanapbuhay ng magulng sa
malayong lugar, at epekto ng teknolohiya at
industriyalisaayon.
Kung ang pansariling interes ng mga tao ang
patuloy na mangingibabaw, magdudulot ito ng
kaguluhan. Dahil dito, tungkulin ng Lipunan na
pahalagahan ang kapayapaan, disiplina at
kapakanan ng mga taong kaniyang nasasakupan,
alang-alang sa kabutihang panlahat. Sa
pamamagitan ng mga batas na ipinapatupad,
maiingatan at maipaglalaban ang dignidad at
Paano maipakikita ang paggalang atb
pagsunod sa mga magulang?
(5 ways to respect parents)

1. Pagkilala sa mga hanggan o limitasyon.


2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
3. Pagtupad sa itinakdang oras
4. Pagiging Maalalahanin.
5. Pagiging mapagmalasakit
Paano maipapakikta ang paggalang at pagsunod sa
mga nakatatanda? (Respect for Elderly:
Implications for Human Service Providers ni Sling,
2024)

1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-


alang ang maayos na pakikipag-usap.

2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang


pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay.
3. Iparamdam sa kanila na sila ay
naging mabuting halimbawa.

4. Kilalanin sila bilang mahalagang


kasapi ng pamilya.

5. Tugunan ang kanilang mga


pangangailangan at kahilingan na
makakabuti sa kanila.
Paano maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
(Wolff)
1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos
sa paggalang sa mga taong may awyoridad.

2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad


na ikaw ay pamahalaan

3. Maging Halimbawa sa kapuwa.

4. Alamin at unawain na hindi ng lahat ng pagpapasiya at


mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para
sa iyo.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
(Character Building, David Isaacs, 2001)

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na


komunikasyon at pagkilala sa halaga ng pamilya
at lipunang kinabibilangan.

2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na


matuto, umunlad at magwasto ng kaniyang
pagkakamali.

3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa sa


pamamagitan ng patuloy na pagtulong at
paglilingkod sa kanila.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
(Character Building, David Isaacs, 2001)

4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa


sa pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita
at pagkilos.

5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat


tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na
paraan ng paggalang.

6. Suriing Mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng


kapuwa upang makapagbigay ng angkop na tulong
bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang na
ginagabayan ng katarungan at pagmamahal?
(Character Building, David Isaacs, 2001)

7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang


nararapat sa kaniya at ang nararapat ay ang paggalang sa
kaniyang dignidad.

8. Sa pkikipag-usap sa kapuwa, iwasan ang madaliang


panghuhusga at pagbitiw ng masasakit na salita.

9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na


paglilingkod sa kapuwa sa may kalakip na pagmamahal
at pagpapatawad.
Tungkulin ng Lipunan ang pangalagaan ang dignidad ng
matatanda sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga batas
na mangangalaga sa kanila. Nararapat na tugunan ng
bawat kasapi nang walang pagtatangi.
(St. John Paul II, 2002)
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sapagkat ito ang
nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may
kalakip na pangako: “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa
lupa.”
Efeso 6:1-3
See you next time!

THANK YOU!

You might also like