You are on page 1of 16

Paano maipapakita ang

paggalang at pagsunod sa
mga nakatatanda?
Ang pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda ay isang
magandang bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Sa
simula pa lamang, ang mga bata ay tinuturuang
gumamit ng “Po” at “Opo” sa kanilang pakikipag-usap
at pagmamano sa nakatatanda.
1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang
maayos na pakikipag-usap. Sa kanilang edad, marami na sa
kanila ang lubhang maramdamin, kung kaya’t maging sa mga
gagamiting salita at kilos.
2. Hingin ang kanilan kanilang payo at pananaw bilang pagkikilala sa
karunungang dulot ng kanilang mayamang mang karanasan sa
buhay.
3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo
na pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.

Ito ay ayon sa aklat ng Respect for the


Elderly: Impllications for Human Service
Providers ni Sling, 2004.
5. Kilalanin sila bilang mahalagang
kasapi ng pamilya sa pamamagitan na
pagsama sa kanilasa mga
karaniwang gawain ng pamilya at mga
espesyal na pagdiriwang.

4.Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at


kahilingan na makabubuti sa kanila. May mga
pagkakataong sila ay nagiging makulit at mapilt sa
kanilang nais kainin, inumin, o gawin. Maging sensitibo
sa kanilang mga kagustuhan, kakayahan at damdamin.
Hindi lahat ng nais nila ay makabubuti sa kanilang
kalusugan at kalagayan. Isaalang-alang lagi ang
kabutihang maidudulot ng mga bagay na kanilang
hinihiling.
Paano maipapakita ang
paggalang sa mga taong may
awtoridad?
1. Basahin at aralin ang utos ng Diyos na rumespeto sa mga may
awtoridad. May mga tao na pinili ng Diyos na bigyan ng
responsibilidad at awtoridad. Ang kanilang kaalaman at
kakayahan ay malaking tulong para matupad ang kanilang
tungkulin at makamit ang kabutihan para sa lahat.
2. Ipanalangin natin na ang mga taong may kapangyarihan ay
bigyan ng karunungan, tapang, at malusog na katawan upang
makapamahala ng makatarungan at makapaglingkod nang
maayos sa komunidad.
03

Maging halimbawa sa kapuwa. Kung nais mong makaimpluwensiya


ng kapuwa upang sila ay maging magalang at masunurin, mas
maraming pakinabang ang maidudulot nang pagsasabuhay ng
birtud ng paggalang at pagsunod. Mas madaling mauunawaan ng
iyong kapuwa ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod kung
nakikita nila ang iyong pagsusumikap na igalang at sundin ang
iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad, at nakikita
rin nila ang mabuting naidudulot nito sa kanilang pagkatao at sa
04

Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga


bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagkakalapat ang mga
pananaw at paniniwala. Subalit, maipakikita pa rin ang
paggalang kahit na magkasalungat ang mga pananaw at
paniniwala. Kailangan lamang ng maayos na diyalogo upang
maisaalang-alang ang kabutihang panlahat.
Paano mo maisasabuhay ang paggalang
na ginagabayan ng katarungan at
pagmamahal?
Maipakikita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga
magulang, nakatatanda, at may awtoridad kung kinikilala mo
ang kanilang halaga. Dahil dito, kinikilala at pinahahalagahan
mo ang kanilang tungkuling hubugin, subaybayan, at
paunlarin ang iyong mga magagandang ugali at mga
pagpapahalaga. Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa
pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal, pananagutan,
at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Maylalang.
Tungkulin ng lipunan ang pangalagaan ang
dignidad ng matatanda sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng mga batas na
mangangalaga sa kanila. Nararapat na
tugunan ng lipunan ang pangangailangan
ng bawat kasapi nang walang pagtatangi.
(St. John Paul II, 2002)
Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal sa pamamagitan ng sumusunod na
mungkahi ayon kay David Isaacs (Character Building, 2001)
1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon,
at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang
kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad,
at magwasto ng kaniyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa pamamagitan
ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa pamamagitan
maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagit
ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upa
makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanila
8. Sa pakikipag-usap sa kapuwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at
pagbibitiw ng masasakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig at
pag-iwas sa anumang uri ng diskriminasyon. 9. Laging isaisip ang
kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapuwa na may kalakip na
pagmamahal at pagpapatawad.
Bilang kabataan, inaasahan na magiging mabuting halimbawa ka
sa lahat ng aspekto ng iyong pamumuhay. Kung ikaw ay
kinakikitaan ng iyong kapuwa ng pagiging magalang at masunurin
hindi mahirap para sa iyo ang makaranas ng paggalang mula sa
iyong kapuwa. Sa pag-iingat mo sa iyong karangalan sa
pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti at pag-iwas sa
paggawa ng masama, ang paggalang ng iba ay iyo ring
mararanasan at ipagkakaloob ito sa iyo nang may kusa at may
lakip na pagmamahal.

You might also like