You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

GRADE 8
Mga Pagpapahalaga at Birtud sa Pakikipagkapwa
Modyul 10: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad

I. Kasanayan sa pagkatuto
Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal
II. Nilalaman
Module 10: Pagsunod at Paggalang sa mga magulang, nakakatanda, at may
awtoridad
III. Learning resources
https://www.slideshare.net/michtimado/esp-8-modyul-10 , Jamboard, padlet, canva,
quizziz
IV. Pamamaraan

A. Engage
Gamit ang mentimeter, Pag-aaralan ng mga mag-aaral ang larawan at sila
ay magbibigay ng kanilang sariling ideya tungkol sa larawan.

LINK: https://www.menti.com/utnqt52e2c
code: 6934 9266

Pamprosesong tanong:
1. Sapat na ba ang pagsasabi ng po at opo para masabing iginagalang
mo ang iyong magulang, nakakatanda at may awtoridad?
B. Explore

Gamit ang Jamboard, ang mga mag-aaral Ay mahahati sa tatlong grupo at

bawat grupo ay makapagbibigay ng mga halimba ng paraan kung paano nila

naipapakita ang paggalang at pagsunod sa magulang, nakakatanda at may

awtoridad.

LINK:https://jamboard.google.com/d/
1A5trB7iZ7ZqRKcahKVC0D_p9Y5zmN8HXED47vaFrEhE/edit?
usp=sharing

C. Explain
Mga paraan para maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga
magulang
Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay maipapakita sa pamamagitan
ng
sumusunod na Gawain:

Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon


Paggalang sa kanilang mga kagamitan
Pagtupad sa itinakdang oras
Pagiging maalalahanin
Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang


sa
mga nakakatanda (ayon sa aklat ng Respect for the Elderly: Implications
from Human
Service Providers ni Sling, 2004):

Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos


napakikipag-usap.
Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa
karunugang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
Iparamdam sa kanila na sila ay nagging mabuting halimbawa lalo
na sapagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.
Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa
pamamagitan ng pasasama sa kanila sa mga karaniwang Gawain
ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na
makabubuti sa kanila.

Ang paggalang at pagsunod sa may awtoridad

Lahat ng tao ay napapasailalim sa awtoridad. Maging ang pinakamataas


na taong napagkalooban ng awtoridad, tulad ng pangulo ng bansa ay
napasasailalim din sa isang awtoridad na kailangan din niyang sundin. Ang
sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang
magtatalaga at magpatupad ng panununtunan. Ang pagkakaroon ng
ganitong tungkulin ang nagbibigay ng Karapatan sa taong may awtoridad
upang mapanatili ang pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan, disiplina at
kapakanan ng mga taong nasasakupan upang makamit ang kabutihang
panlahat.

Mga paraan upang maipakita ang pagalang sa mga taong may


awtoridad: (ayon kay Wolff, n.d)

Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa


paggalang sa mga taong may awtoridad.
Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay
pamahalaan ng mahusay at naayun sa batas.
Maging halimbawa sa kapwa.
Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na
dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.

PAANO MAISASABUHAY ANG PAGGALANG NA GINAGABAYAN NG


KATARUNGAN AT PAGMAMAHAL?

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at pagkilala


sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto
sa kaniyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa pamamagitan ng patuloy
na pagtulong at paglilingkod sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa pamamagitan ng
maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan
ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upang
makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang
pangangailangan.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kanya
at ang nararapat ay ang paggalang sa kanyang dignidad.
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang paghuhusga at
pagbibitiw ng masasakit na salita.
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na
may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.

LINK:
https://www.canva.com/design/DAE-PZaYids/VdZ07_5z01VoMZLG2qvBU
w/edit?utm_content=DAE-
PZaYids&utm_campaign=designshare&utm_medium=link2&utm_source=s
harebutton

D. Extend (Indibidwal na Gawain)


Gamit ang Quizziz, Sasagutan ng mga estudyante ang mga
katanungan.

LINK: https://quizizz.com/join?gc=248223

E. Evaluate
Takdang aralin:
Gamit ang Canva, gumawa ng Infographic na nagpapakita ng paraan
para maipakita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang,
nakakatanda at may awtoridad. Pagkatapos ipasa ito sa Goggle
Classroom.

V. Pagninilay
VI. Puna
Inihanda ni:
Rechelle M. Daniel

You might also like