You are on page 1of 20

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Ang Dignidad ng Tao
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan- Modyul 7: Ang Dignidad ng Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KagawaranngEdukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Awtor : Prince Astley V. Marcos


Ko-Awtor - Editor : Rosalina C. Luperas
Ko-Awtor - Tagasuri : John L. Caballero Jr.
Ko-Awtor - Tagaguhit : Lester John B. Austria
Ko-Awtor - Tagalapat : Nixon A. Ramirez
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Wilmalyn S. Ramirez

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, ESP : Jacquelyn C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Firstname MI. Lastname

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Ang Dignidad ng Tao
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng


Ikapitong Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 7 para sa araling Ang
Dignidad ng Tao.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Ikapitong Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Dignidad ng Tao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at


sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang ang mga mag-aaral ay


matutuhan ang mga konkretong pamamaraan ng paggalang at pagmamalasakit sa
mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan.

1. Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang


kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba
pa. (EsP7PT-IIg-8.1)

2. Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na


may pagpapahalaga sa dignidad ng tao. (EsP7PT-IIg-8.2)

1
Subukin

PANUTO: Unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na


sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot sa isang malinis na papel.

1. Sa iyong palagay bakit ginawa ng Diyos na hindi magkakapantay ang lahat ng


tao sa mundo?
a. upang matuto tayong magpaubaya at maging mapagkumbaba.
b. upang maunawaan ng tao ang halaga ng talento at kakayahan na ibinigay
ng Diyos.
c. upang maturuan tayong magsikap at makilala natin ang pagkakaiba-iba
ng tao sa lipunan.
d. upang malaman ng tao na kailangan niya ang tulong ng ibang tao.

2. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?


a. sa lipunan at sa pagtingin ng Diyos
b. sa kanyang pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan
d. Sa huling yugto ng kanilang buhay sa mundo

3. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad


maliban sa:
a. Igalang ang sarili at ang kapwa taao
b. Alalahanin ang kapakanan ng kapwa.
c. Maging pantay ang pagtingin sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Makisama nang maayos sa kapwa.

4. Paano malalaman ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


a. Bigyang pagpapahalaga ang buhay ng iyong kapwa.
b. Ibigay ang tiwala sa iyong kapwa.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa
d. Maglaan ng oras upang ipadama ang pagmamahal at pagpapahalaga sa
kapwa

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng


kanyang kapwa?
a. Isang mayamang pulitiko na nagbigay ng malaking halaga bilang puhunan
ng isang matandang tindera sa bangketa.
b. Isang bata na nakahandang mamalimos upang ibigay sa pulubi ang
napaglimusan.
c. Isang politikong ginagamit ang pondo ng pamahalaan sa pagtulong.
d. Isang taong marunong umunawa sa damdamin ng kapwa.

2
6. Responsibilidad ng lipunan na maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa
lipunan ito nagsisimula. Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil nakasaad sa saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-


pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa dignidad
ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan

7. Sa papaanong paraan nawawala ang dignidad ng isang tao?


a. Kapag siya ay gumawa ng mali
b. Sa nilabag niya ang karapatang pantao
c. Sa oras minaliit niya ang pagkatao ng kanyang kapwa
d. Wala sa nabanggit

8. Paraan upang maitaas ang antas ng dignidad ng tao?


a. Kumilos nang maayos
b. Panatilihin ang paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa upang laging
makuha ang paggalang ng kapwa.
c. Palaging iangkop ang sarili sa lipunang ginagalawan.
d. Isabuhay ang pagpapahalaga sa pagkatao ng iyong kapwa.

9. Ano ang mahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?


a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang sarili.
b. Pagiging mapagmalaki sa ibang tao.
c. Magagawa niya ang lahat ng kanyang gusto ng walang pag-aalinlangan.
d. Ang lahat ng tao ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad na hindi
nakasasakit o nakagagawa ng masama sa kapwa.

10. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad
bilang tao?
a. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at salapi araw-araw.
b. tumulong sa paghahanap sa kanyang pamilya upang may mag-alaga sa
kanya.
c. humanap ng isang tao na maaaring kumupkop sa kanya.
d. kausapin siya araw-araw upang maitaas ang respeto sa kanyang sarili.

11. Ang golden rule ay nagmula kay


a. Confucius
b. Tiu
c. Lao
d. Chu

12. Ano ang ibig ipahayag ng golden rule?


a. ang ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gawin sa kapwa mo.

3
b. kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo rin ng tinapay.
c. gawan mo lagi ng masama ang iyong kapwa.
d. wala sa nabanggit

13. “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”


Ano ang ipinahahayag nito
a. ito ay pagpapakita ng pagkilala ng dignidad ng tao.
b. magmahalan lahat ng tao.
c. huwag siraan ang kapwa.
d. lahat ng nabanggit

14. Ang salitang Dignidad ay nag mula sa salitang Latin na


a. dignitas
b. digna
c. satin
d. dionus

15. Ang dignidad ay nagpapakita ng pag-unlad ng isang tao.


a. tama
b. mali
c. siguro
d. wala sa nabanggit.

4
Aralin

1 Ang Dignidad ng Tao

Balikan

Panuto: Sumulat ng salita na maaaring maiugnay sa salitang naka kahon.

KALAYAAN

5
Tuklasin

Magsulat ng limang bagay o katangian ng tao na sa iyong palagay ay


nakadaragdag ng halaga ng isang tao.

Halimbawa:

1. pagkakaroon ng kayamanan

6
Suriin

Katulad ng mga naunang talakayan, ginawa ng Diyos ang tao ayon sa


Kaniyang wangis. Kahit ano pa man tayo ay mahalaga tayo sa paningin ng Diyos,
ngunit paano nga ba natin maipakikita na tayo ay nagpapahalaga sa ibinigay na
buhay sa atin ng Diyos. Halina’t alamin natin at talakayin.

Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pag-


galang at pagpapahalaga mula sa ibang tao, maging ano pa man ang kanyang kulay,
itsura, lahi o katayuan sa buhay. Ang salitang dignidad ay nagmula sa salitang
Latin na dignitas, mula sa salitang dignus, na nangangahulugang “karapat-dapat”.
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating ituring ang bawat isa ng may paggalang.
Ayon sa golden rule ni Confucius, “huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
ng iba sa iyo”. Kinikilala nito ang paggalang ng bawat isa. Ngunit marahil tinatanong
mo ang iyong sarili kung bakit may mayaman, may maganda, may kulang sa talento?
Hindi ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang pangangailangan upang pagsumikapan
na magkaroon ng sariling pag-unlad sa buhay. Kasama ito sa plano ng Diyos, upang
kailanganin natin ang ating kapwa. Inaasahan ng Diyos na ang mga taong
nakatanggap ng mga natatanging talento sa pagkakaroon ng buhay ay kanilang
ibabahagi sa kapwa. Sa ganitong paraan makikita ang pagiging mabuti at
mapagbigay.

Dahil sa dignidad, nagkakaroon tayo ng karapatang umunlad ng walang


tinatapakan o nasasaktan na ibang tao. Nangingibabaw ang pakikipagkapwa-tao at
paggalang sa iba.

7
Pagyamanin

Panuto: Bilang isang kabataan na nagpapahalaga sa iyong dignidad at gumagalang


sa dignidad ng kapwa, magbigay ng tig-dalawang pangungusap kung paano
makatutulong na mapataas ang pagkilala sa digdinad ng mga taong nawawalan ng
pag-asa na ipinakikita ng mga larawan sa ibaba.

Halimbawa: Palalakasin ko ang kaniyang loob

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

1. ____________________________________________

2.____________________________________________

8
Isaisip

Mabuti na ang bawat tao ay magkaroon ng pagsusuri sa kanyang sarili upang


mapagtanto niya kung papaano niya mapauunlad ang kanyang pagkatao.
Mahalagang mapanatili ng tao ang kanyang dignidad bilang paggalang sa pagiging
nilikha ng Diyos ayon sa wangis Niya. Ang taong may dignidad ay magiging
kagalang-galang sa paningin ng ibang tao lalo’t higit sa kanyang sarili. Ikaw bilang
isang kabataan, paano mo mapananatili ang iyong dignidad? Ano ang mga bagay o
gawain na makapag-aalis sa iyo nito? Gumawa ng isang paninindigan ukol dito.
Ilagay ang iyong sagot sa malinis na papel gamit ang pormat na ito.

Bilang isang kabataan, upang mapanatili at


mapaunlad ko ang aking dignidad at maigalang
ang dignidad ng aking kapwa ako ay…….

Isagawa

Pangatuwiranan. Nararapat ba na ilagak sa Home for the Aged ang isang


magulang na matanda na dahil walang kaanak na maaaring mag-asikaso at mag-
alaga sa kanya habang ang kaniyang mga anak ay abala sa trabaho. Nawawala ba
ang dignidad ng isang tao kapag siya ay matanda na at wala nang kakayahang
alagaan ang kaniyang sarili? Magsulat ng talata na binubuo ng sampung
pangungusap.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9
Tayahin

Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ito ay mali.

1. Ang dignidad ay nagmula sa salitang Latin na dignitas.


2. Ang golden rule ay “huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba
sa iyo.”
3. Gumawa ng mabuti sa iyong kapwa.
4. Ang lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na umunlad sa paraang
hindi siya nakakagawa ng masama sa kanyang kapwa.
5. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi kung sa anong kayamanan mayroon ang
isang tao.
6. Humanap ng institusyon upang may tumulong sa iyong kapwa.
7. Piliin ang mga taong tutulungan.
8. Tapakan ang mga taong mahirap.
9. Makisalamuha lamang sa mga taong alam mong matutulungan ka.
10. Laging isipin na naka-aangat na sa iyo ang isang tao.
11. Matuto tayong maging mapagkumbaba at mapagpaubaya.
12. Malaman natin na may mga pagkakaiba-iba ang isang tao.
13. Igalang ang buhay ng ibang tao.
14. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa.
15. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang islogan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa


dignidad ng tao. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: “ Kung dignidad ay pinahahalagahan mo, anoman ang katayuan mo sa


mundo, lalakad kang nakataas ang iyong noo”.

10
11
Sanggunian
Tayahin:
1. T Isagawa:
Karagdagang 2. T
Gawain: 3. T Depende sa
4. T
sagot ng mag
Depende sa sagot 5. T
6. M – aaral
ng mag-aaral
7. M
8. M
9. M
10. M
11. T
12. T
13. T
14. T
15. T
Subukin:
1. d
2. c
3. d
4. c
5. a
6. c
7. b
8. d
Tuklasin: 9. d
Balikan:
10. a
Pagyamanin: Depende sa -Depende 11. a
sagot ng sa sagot ng 12. a
Depende sa mag –aaral mag aaral 13. a
sagot ng 14. a
mag –aaral 15. a
Susi sa Pagwawasto
DepEd (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Kagamitan ng Mag –aaral (Tagalog).
First Edition

DepEd (2020). Most Essential Learning Competencies in EsP 7.

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like