You are on page 1of 15

Pagsunod at Paggalang sa mga

Magulang, Nakatatanda at may


Awtoridad:
Kahalagahan ng Pagsangguni at
Pananagutan
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Natututuhan ng bata ang paggalang
at pagsunod sa pamamagitan ng:
1. Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng
pamilya kung paano sila gumagalang sa ibang tao, sa
nakatatanda, sa mga may awtoridad, sa pamahalaan, mga
opisyal nito at sa mga batas na kaniyangipinatutupad; maging
ang paggalang sa Diyos at sa kinikilalang pananampalataya ng
pamilya.
2. Pakikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga
magulang tungkol sa paggalang at pagsunod. Ang pagtuturo
at paggabay ay isa sa mga pangunahing tungkulin ng mga
magulang upang mapalaki nila ang kanilang mga anak na
nagagabayan ng kagandahang-asal.
3. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at
pagmamalasakit. Hindi maiiwasan ang mga di sinasadyang
pagkakamali kaya’t mahalaga ang pagwawasto ng mga
magulang at nakatatanda upang ang tunay na diwa ng
pagiging magalang at masunurin ay makasanayan at
maisabuhay.
Paano mo maisasabuhay ang
paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal?
Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal sa pamamagitan ng sumusunod
na mungkahi ayon kay David Isaacs (Character Building,
2001)
1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon,
at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang
kinabibilangan.
2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad
at magwasto ng kaniyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa
pamamagitan ng patuloy na pagtulong at paglilingkod sa
kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa
pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at
pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa
pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng
paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa
upang makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon
sa kanilang pangangailangan.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang
nararapat sa kaniya at ang nararapat ay ang paggalang sa
kaniyang dignidad
Bilang kabataan, inaasahan na magiging
mabuting halimbawa ka sa lahat ng aspekto
ng iyong pamumuhay. Kung ikaw ay
kinakikitaan ng iyong kapuwa ng pagiging
magalang at masunurin, hindi mahirap para
sa iyo ang makaranas ng paggalang mula sa
iyong kapuwa.
Mga Pamamaraan ng pagpapakita
ng Paggalang at Pagsunod sa mga
Magulang, Nakatatanda, at may
Awtoridad
Ang paggalang at pagsunod sa
magulang
1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon
2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan
3. Pagtupad sa itinakdang oras
4. Pagiging maalalahanin
5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal
Paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa mga nakatatanda
1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang
maayos na pakikipag-usap. Hingin ang kanilang payo at
pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang
mayamang karanasan sa buhay.
2. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa
lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.
3. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa
pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa mga karaniwang
gawain ng pamilya at mga espesyal na pagdiriwang.
4.Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan
na makabubuti sa kanila.
Paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa mga may Awtoridad
1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa
paggalang sa mga taong may awtoridad.
2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na
ikaw ay pamahalaan.
3. Maging halimbawa sa kapwa.
4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga
bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.

You might also like