You are on page 1of 3

Curriculum and Learning Management Division

ARALING PANLIPUNAN
Edukasyon 3
sa Pagpapakatao
EDUKASYON
Ikalawang Markahan SA
– UnaPAGPAPAKATAO
at Ikalawang Linggo8
IKA-APAT NA MARKAHAN

GAWAING PASULAT NA PAGTATAYA

MODYUL 13 – ANG SEKSUWALIDAD NG TAO


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Most Essential Learning Competencies

● Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa seksuwalidad EsP8IPIVa-13.1

● Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad EsP8IPIVa-13.2

● Nahihinuha na: Ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga para sa paghahanda sa susunod
na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal.
EsP8IPIVb-13.3

● Naisasagawa ang mga tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang nagdadalaga at
nagbibinata at sa pagtupad niyo ng kanyang bokasyon na magmahal. EsP8IPIVb-13.4

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa kuwaderno.

13.1
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
1. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na, “Seksuwalidad ay ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa kanyang sarili na
nakapokus sa kanyang bayolohikal na pagkilala, pagsasakilos ng mga nais gawin , pagkakaroon ng kagustuhan o
pagnanasa sa kapwa at pagkilala sa gampanin ng isang tao sa lipunan.”
A. Ito ay daan upang maging ganap na tao.
B. Maaari mong piliin ang iyong seksuwalidad.
C. Walang tiyak na seksuwalidad ang isang tao.
D. Ang seksuwalidad ay sumasalamin sa iyong pagkatao at pagpapakatao.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
2. Alin sa sumusunod ang tumutugma sa mensahe ng pahayag na, “Isang hamon sa bawat indibidwal ang pagbuo ng
seksuwalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki?
A. Hindi magkatugma ang seksuwalidad at pagkatao.
B. Lalaki ay dapat lalaki lamang, at gayundin ang babae.
C. Mahalagang behikulo sap ag-unawa ng pagpapakatao ang seksuwalidad.
D. Hindi itinuturing na ganap na tao kung hindi buo ang kanyang seksuwalidad at pagkatao.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
3. Simula nang ikaw ay isinilang kaugnay na ng iyong pagkatao ang pagkamit sa kaganapan ng pagkilala sa iyong
seksuwalidad. Ano ang tinutukoy sa pahayag?
A. Kabutihan
B. Kaganapan
C. Kakayahan
D. Kasarian
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
4. Ano sa mga sumusunod ang may malaking bahagi sa ating pagpapakatao?
A. Pagkababae
B. Pagkatao
C. Pagkalalaki
D. Seksuwalidad
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
5. Alin sa sumusunod na pagpapakahulugan ang tumutukoy sa pahayag na ang seksuwalidad ay hindi lamang tumutukoy sa
aspekto ng indibidwal?
A. Mahuhubog ng wasto ang kanyang pagkatao.
B. Makikilala ang seksuwalidad ng isang tao ayon sa pisikal na aspekto nito.
C. Ang seksuwalidad ay makikilala sa pamamagitan ng kasarian at bahagi ng tao.
D. Mayroong Kalayaan at karapatang pumili ang isang indibidwal kun ano ang ninanais niyang maging.

13.2
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
6. Ano ang nararapat gawin ni Aling Selya kung naabutan niyang nanonood ng malaswang bidyo sa internet ang menor de
edad?
A. Hayaan siyang manood ng palabas na iyon.
B. Sisigawan ang anak at papatayin ang Kompyuter..
C. Papatayin ang pinapanuod na palabas at kakausapin ito ng masinsinan.
D. Pagagalitan ang anak at sasabihing hindi na siya pagagamitin ng interenet.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
7. Alin sa sumusunod ang maaaring bunga ng labis na panonood ng mga palabas na may maseselang tema?
A. Naitataguyod nito ang pagmamahalan sa bawat isa.
B. Napagaganda ang takbo ng buhay at relasyon ng buong miyembro ng pamilya.
C. Nauuwi sa abnormal na aktibidad panseksuwal na maaaring humantong sa panghahalay.
D. Humahantong sa pagkakulong ng mga anak sa alak at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
8. Si Aya ay may kakaibang pangangatawan kaya nilalait at pinagtatawanan ng mga kalalakihan sa kanilang lugar. Anong uri
ng isyung panseksuwalidad ang inilalarawan sa sitwasyon?
A. Aborsyon
B. Body shaming
C. Gender Stereotyping
D. Role confusion
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
9. Magtatapos na sana ng High School si Nimfa. Ngunit nalaman ng kanyang mga magulang na siya ay buntis. Sa iyong
palagay, ano ang mas mainam na gawin ng kanyang mga magulang?
A. Pag-usapan ng mahinahon ang problema.
B. Ilihim ang nangyari upang maka-iwas sa kahihiyahan.
C. Itakwil ang anak dahil nadungisan nito ang kanilang pangalan.
D. Pagalitan ang anak dahil sinira nito ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon ng magandang buhay.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
10. Ano ang maaring gawin upang maiwasan ang panonood ng mga bata ng malalaswang palabas?
A. Ugaliing samahan ang mga anak sa lahat ng oras ng panonood ng palabas.
B. Hikayatin ang mga anak na maging aktibo sa ibnag bagay o gawain na makabuluhan.
C. Pag-iwas sa paglilihim sa mga magulang ng kanilang mga anak.
D. Hayaang pakialaman ng mga magulang ang personal gadgets ng kanilang mga anak upang mas mabantayan ang
kanilang tinitingnan sa internet.

13.3
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
11. Kalian masasabing ganap na ang seksuwalidad ng isang indibidwal?
A. Kapag naranasan na nitong masaktan dahil sa pag-ibig.
B. Kapag nararanasan na niya ang tunay na kaligayahan dulot ng pag-ibig.
C. Kapag may ganap na kamalayan sa mga responsibilidad at wagas na pag-ibig.
D. Kapag nasa hustong edad na ito at ganap na ang pisikal na kabuuan at may kakayahan nang magdalan-tao.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
12. Sinasabing ang celibacy ay isa ring paraan sa pagtupad ng bokasyon ng tao na magmahal. Alin sa sumusunod ang
naglalarawan nito?
A. Malaya at maligaya kahit walang asawa.
B. Pag-aasawa at pagkakaroon ng matatag na pamilya.
C. Pag-aasawa at pagkakaroon ng masaganang pamilya.
D. Walang asawa ngunit patuloy na nagsisilbi sa kapwa.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
13. Bakit tinatawag na puppy love ang pagmamahalan ng mga kabataan?
A. Dahil hindi pa ito tunay na pag-ibig.
B. Dahil bata pa at tila laro lamang ito sa kanila.
C. Dahil hilaw pa ang kamalayan sa tunay na pag-ibig.
D. Dahil nasa proseso pa sila ng pagbibinata at pagdadalaga

13.4
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
14. Bakit kailangang mapaghandaan ang pagtupad sa bokasyon na magmahal?
A. Dahil mas mauunawaan nila ito habang sila ay bata pa.
B. Upang maiwasan ng mga kabataan ang kalituhan sa pagtupad ng bokasyon na magmahal.
C. Sapagkat ang pagdadalaga at pagbibinata ay ang tamang panahon sa paghahanda para sa bokasyon na magmahal.
D. Upang malinang ang kakayahan at maisakatuparan nang maayos ng mga nagdadalaga at nagbibinata ang bokasyon
sa pagmamahal.
COGNITIVE PROCESS DIMENSION:
15. Paano napaghahandaaan ng mga nagbibinata at nagdadalaga ang boikasyon na magmahal?
A. Sa pamamagitan ng pagsisilbi sa pamilya at pakikipagkaibigan sa kapwa.
B. Sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin na magmahal ng kapwa.
C. Sa pamamagitan ng pagkilos nang tama at pagsunod sa mabuting itinuro ng magulang o nakatatanda.
D. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malayang kaisipan at pananaw na may kaugnay sa pagmamahal at
pakikipagrelasyon.

Inihanda ni: Sinuri at tiniyak ang kalidad:

Aiza Mae M. Lansangan Jeaneath F. Ciasico


T-I MT - I
Noted:

Rodelyn M. Dequilla
HT-IV-EsP Dept

You might also like