You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-B MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
SABLAYAN COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Sablayan,Occidental Mindoro

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Quarter 1

Name:_________________________ Score: ______________


Grade and Section: __________ Status: ___________

MULTIPLE CHOICE ITEMS


Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong, isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa patlang .

Most Least Mastered Competency


• Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao EsP10MP-if-4.1
• Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous
groups EsP10MP-if-4.2

1. Paano mapapahalagahan ang dignidad ng kapwa, lalo na ang kapamilya, kaklase o kapitbahay? Ang mga
sumusunod ay paraan, maliban sa:

A. Huwag gastusin ang ang pera sa mga walang kabuluhang bagay.


B. Magbigay sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Huwag maging makasarili.
C. Laliman ang pag-unawa sa kapwa. Intindihin ang kanyang sitwasyon at matutong magpatawad.
D. Huwag maliliitin ang kapwa. Lahat ng tao ay may sariling kakayahan at talento na bigay ng Diyos sa kanya.

2. Kailan maaring mawala ang dignidad ng isang tao?

A. Kapag siya ay naging mahirap sa buhay.


B. Kapag hindi nakapag-aral ang isang tao.
C. Sa sandaling yumaman ang isang tao.
D. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.

3. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?

A. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidual.


B. Panatilihin ang kabutihan para sa sarili lamang.
C. Isabuhay ang pagpapahalaga sa sarili hindi sa kung anong ari-arian mayroon ka kundi sa karangalan mo bilang
tao.
D. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.

4. Bakit mahalaga ang pagkilala at pagbigay halaga sa DIGNIDAD ng isang tao?

A. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.


B. Magiging malaya ang tao na gawin ang lahat na gusto nya masama man o mabuti.
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan
D. Ang lahat ay nagkakaroon ng pantay na karapatan na umunlad sa paraang hindi nakasasakit o nakakasama sa
kapwa at magkaroon ng patas na pagtrato sa anumang aspeto ng buhay.
5. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?

A. Kupkupin siya at pakainin araw-araw.


B. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
C. Humanap ng isang institusyon na maaring kumalinga s kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
D. Lapitan sya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.

6. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad, maliban sa:

A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.


B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
C. Umiwas sa taong hindi mo gusto dahil palaging syang may problema.
D. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.

Prepared by: Reviewed and quality assured by: Noted by:

TRIZELA N. FANOGA JEANEATH F. CIASICO RODELYN M. DEQUILLA


TIII – EsP Dept. Master Teacher I Head Teacher IV

You might also like