You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
TROPICAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN FRANCISCO, GENERAL TRIAS CITY, CAVITE

Diagnostic Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Pangalan:_____________________________ Pangkat:___________________ Guro:_______________

PANUTO: Piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel.

_____1. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.”
Ano ang nais iparating ng kasabihan?
a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya
b. Kapareho ng tao ang Diyos.
c. Kamukha ng tao ang Diyos
d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
_____2.Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob.
a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan
c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
_____3. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin
_____4. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili. c. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
b. may kakayahan ang taong mangatwiran. d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.
_____5. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag
(calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo. c. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapwa.
b. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip. d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
_____6. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
c. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan.
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas
yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
_____7. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
a. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang
kaniyang kalayaan.
b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at
masama sa kaniyang isip.
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
d. Lahat ng nabanggit
_____8. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at mabuti
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
TROPICAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN FRANCISCO, GENERAL TRIAS CITY, CAVITE

_____9. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang
malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay
na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura
d. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
_____10. Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan tayong
mamili kung ano ang dapat gawin.
a. Problema b. Krisis c. Pagsubok d. kahinaan
_____11. Alin sa mga sumusunod ang sinusuri ng konsensiya?
A. Puso C. Ang mga maling nagawa ng tao.
B. Pamumuhay ng isang tao D. Kung ang kilos ay tama o mali
____12. Bakit mahalagang makilala ng tao ang katotohanan sa kahalagahan ng paghubog sa konsensiya?
A. Upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan.
B. Upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan
C. Upang alam ang gagawin sa mga susunod na araw
D. Upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
____13. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na makatutulong upang ang konsensiya ng tao ay kumiling
sa mabuti?
A. Iwasan ang mga pagkakamaling nagawa D. Humingi ng tulong sa tamang tao kapag
B. Talikuran ang mga pagkakamali kinakailangan
C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan na
hamon ng buhay
_____14. Ang pag-aaral ay maituturing na mahabang paglalakbay sa buhay. Aling salik ng pagpapasya
ang makakatulong sa atin para maiwasan ang lubhang pagsisisi sa bandang huli?
a. Impormasyon sa mga pagsubok na maaring kakaharapin b. Sitwasyon ng paaralan
c. Mga payo o gabay ng ating mga magulang d. Pagkakataong makapag-aral sa lungsod
_____15. Naitala ni Pedro ang mga nasaliksik niyang dapat dalhin sa pag-akyat ng bundok. Alin kaya ang
sumunod na hakbang na isinagawa niya?
a. Pagpili ng pasya b. Paghahanda ng mga alternatibong dadalhin
c. Pagninilay-nilay kung siya ba ay aakyat d. Pagpili ng mahahalang kailangan sa pag-akyat
_____16. Ang pagtatala ni Pedro ng kanyang mga nasaliksik ay ginamit niyang ________ sa pagsusuri
para makabuo ng malinaw na tunguhin at matagumpay na paglalakbay.
a. Payo b. Gabay c. Ilaw d. Wala sa nabanggit
_____17. Bago pumasok si Pilar sa paaralan bilang grade 10, matiyaga niyang sinusuri ang
pagkakasunud-sunod ng kanyang mga asignatura. Ito rin ang ginamit niyang batayan sa paggawa ng
kanyang takdang aralin para wala siyang makaligtaan. Aling salik ang lalong nakatulong sa kanyang
pagpapasya?
a. Impormasyon mula sa talaan ng kanyang araw-araw na asignatura.
b. Mga payo ng kanyang mga magulang at guro.
c. Ang sitwasyon na kanyang hinaharap.
d. Ang pagkakataon o oras na maari niyang gamitin sa bawat asignatura.
_____18. Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
a. Kusang-loob c. Pagmamahal b. Makasarili d. Responsibilidad
_____19. Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
a. Kalayaang pumili c. Karapatang bumili at magtinda
b. Pagkamit ng hustisya d. Responsibilad at pagsilbi
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
TROPICAL VILLAGE NATIONAL HIGH SCHOOL
SAN FRANCISCO, GENERAL TRIAS CITY, CAVITE

_____20. Ito ay salitang Latin na ‘dignitas’, katumbas ng French na dignité.


A. buhay B. dignidad C. dangal D. B at C
_____21. Ito ay nakabatay sa pagtingin ng ibang tao sa iyo.
A. dangal B. reputasyon C. dignidad D. pagkatao
_____22. Ang mga katotohanang ikaw ay natatangi o pambihira ay nakaugat sa ______
I. pagiging unrepeatable III. narating sa buhay
II. pagiging irreplaceable IV. pagkakaroon ng dignidad
A. I, II, III B. I, II, III, IV C. I, II , IV D. II, III, IV
_____23. Ang sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad
ng tao, MALIBAN sa _____
A. pagiging magalang sa pananalita C. pagtulong sa nangangailangan
B. paggalang sa pananaw ng iba D. pagpapasya at pagkilos nang mabilis
______24.Maaring sabihin na nawawala ang dignidad ng tao kung siya ay nakagagawa
ng kasalanan. Ang pahayag na ito ay _____
A. Tama B. depende C. mali D. di-tiyak
______25. 1. Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan.
A. kilos-loob B. pagmamahal C. konsensiya D. responsibilidad

____20. Ito ay salitang Latin na ‘dignitas’, katumbas ng French na dignité.


A. buhay B. dignidad C. dangal D. B at C
____21. Ito ay nakabatay sa pagtingin ng ibang tao sa iyo.
A. dangal B. reputasyon C. dignidad D. pagkatao
____22. Ang mga katotohanang ikaw ay natatangi o pambihira ay nakaugat sa ______
I. pagiging unrepeatable III. narating sa buhay
II. pagiging irreplaceable IV. pagkakaroon ng dignidad
A. I, II, III B. I, II, III, IV C. I, II , IV D. II, III, IV
____23. Ang sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad
ng tao, MALIBAN sa _____
A. pagiging magalang sa pananalita C. pagtulong sa nangangailangan
B. paggalang sa pananaw ng iba D. pagpapasya at pagkilos nang mabilis
_____24. Maaaring sabihin na nawawala ang dignidad ng tao kung siya ay nakagagawa
ng kasalanan. Ang pahayag na ito ay _____
B. Tama B. depende C. mali D. di-tiyak
_____25. 1. Ito ang itinuturing na kakambal ng kalayaan.
A. kilos-loob B. pagmamahal C. konsensiya D. responsibilidad

You might also like