You are on page 1of 2

LYCEUM OF ALCALA, INC.

Alcala, Cagayan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – GRADE 8


Third Monthly Test

Pangalan: Petsa:
Grado/Pangkat: Iskor:

I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at bilugan ang titik
ng iyong sagot.

1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


a. Si Marie ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan
ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rafa, nagrereklamo parin siya sa kanyang
buhay.
c. Nag-aral ng mabuti si Jay upang makamit niya ang kanyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Maverick sa mga taong tumutulong sa kaniya nang hindi bukal
sa kanyang kalooban.

2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?


a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa at naghihintay ng kapalit
b. Magpasalamat sa mga magulang kapag binibigyan lamang ng baon
c. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit hindi naman nakikita sa gawa

3. Ano ang entitlement mentality?


a. Ito ay paggawad ng titulo o parangal sa isang tao
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan
ng dagliang pansin.
c. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan.
d. Ito ay ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan

4. Ayon kay St. Thomas Aquinas, ang mga sumusunod ay mga taong dapat nating pasalamatan maliban
sa:
a. ang Diyos
b. ang ating mga magulang
c. ang ating bayan
d. ang ating mga kaibigan

5. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang taong mapagpasalamat maliban sa isa, ano ito?
a. Ang mapagpasalamat ay lagging nagigising ng maaga.
b. Ang mapagpasalamat ay kuntento sa mga biyayang kaniyang natatanggap.
c. Ang mapagpasalamat ay nagpapalakas ng loob ng kapwa.
d. Ang mapagpasalamat ay isang masayahing tao.

6. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng ___________.


a. pagmamano sa mga nakatatanda
b. pagsasabi ng po at opo
c. pagpapakumbaba
d. lahat ng nabanggit

7. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
b. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
c. Ipaglaban lagi ang iyong katuwiran.
d. Sumama at makilahok sa mga kilos protesta.
8. Ang ating mga magulang ang isa sa mga karapat-dapat nating igalang. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng paggalang sa mga magulang?
a. Pagsunod sa kanilang mga utos
b. Umalis sa bahay kapag may pinapagawang trabaho
c. Tumulong sa gawaing bahay kapag inuutusan lamang
d. Pagsagot ng pabalang kapag pinagsasabihan

9. Ang pagmamano, pagsabi ng “po” at “opo” at pagpapakumbaba ay gawain ng taong __________.


a. mapagmahal
b. magalang
c. mapagpasalamat
d. masunurin

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa ating mga guro?
a. Makipag-usap sa katabi habang nagsasalita ang guro.
b. Hindi pagpansin sa guro dahil wala naman sila sa loob ng silid aralan.
c. Makinig nang mabuti sa guro kapag siya ay nagtuturo at magsasalita lamang kapag binigyan ng
pagkakataong magsalita.
d. Mangopya ng sagot sa katabi kapag nakatalikod ang guro.

II. Panuto: Isulat ang titik “A” kung ang unang pangungusap lamang ang tama, “B” kung ang pangalawang
pangungusap lamang ang tama, “C” kung ang dalawang pangungusap ay tama at “D” kung ang dalawang pangungusap
ay mali. (2 pts. each)

1. A. Araw-araw akong magpapasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya


sa akin.
B. Nirerespeto ko ang aking mga magulang kaya sinusunod ko ang kanilang mga utos.

2. A. Dapat lang na gantihan ko ang nang-aaway sakin dahil nirerespeto ko ang aking sarili.
B. Pinagalitan ako ng aking guro kaya dapat lang na magalit din ako sa kanya ng palihim.

3. A. Magiging kuntento ako sa buhay na mayroon ako ngayon dahil ito’y pagpapala mula sa Diyos.
B. Ipagpapaliban ko ang pagsisimba dahil hindi natutupad ang aking mga hinihiling.

4. A. Hindi ko na kailangang magpasalamat sa aking mga magulang dahil tungkulin nilang alagaan
ako at paaralin sa maayos na paaralan.
B. Susuportahan ko ang aking kaibigan at magiging masaya ako sa tuwing siya’y nagtatagumpay.

5. A. Nirerespeto ko ang aking kapwa kaya hindi ako basta basta manghuhusga.
B. Malaki ang aking utang na loob sa mga nagpapaaral sa akin kaya mag-aaral ako ng mabuti.

III. Panuto: Basahin ang tanong at gumawa ng sanaysay na hindi bababa sa lima ang pangungusap bilang sagot.
(5 pts. each)

1. Bilang isang Lyceano, paano mo maipapakita sa mga taong iyong nakakasalamuha na ikaw ay
magalang? Ipaliwanag.

2. Bakit mahalaga na maisabuhay mo ang birtud na pasasalamat?

3. Magbigay ng isang katangian ng taong mapagpasalamat at ipaliwanag.

Prepared by: Noted by:

SHARINA B. ERRO TERESITA D. PERLAS, PhD


Guro Punong-Guro

You might also like