You are on page 1of 4

Ika’tlong Markahang Pasusulit (Honesty/Obedience) – Edukasyon sa Pagpapakatao

Pangalan:____________________________________________________________ Score:
Pangkat :_________________________________ Petsa:____________________ ______/______
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng iyong sagot
1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula
sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan.
c. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban.
2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
3. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at
pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
4. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.
5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
d. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
6. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
a. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
b. pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
c. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.
d. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kaniya.
7. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
a. kalooban b. isip c. damdamin d. konsensya
8. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
9. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
b.Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
d. Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong
10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
a. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
b. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
c. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad
11. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
a Dahil ang paggalang ay isang mabuting gawi
b Dahil ang paggalang ay daan para magiging tanyag ang isang tao
c Dahil ito ay nakakatulong para lalong dadami ang iyong kaibigan
d Dahil ito ay makakatulong upang maabot ang iyong sariling nais
12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa pagsunod at paggalang?
a Ang paggalang ay pagkilala sa halaga ng isang tao
b Ito ay paglabag sa mga utos ng nakatatanda
c Pagsuway sa utos ng mga magulang
d Pag-alis ng bahay na walang paalam
Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng maikling kwento tungkol sa Dalawang Anak (hango sa Bibliya Mateo 21:28-30; 280 Ngunit ano
sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa una at sinabi: Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at gumawa ka
roon. Sumagot siya: Ayaw ko. Ngunit nagsisi siya at pumunta rin pagkatapos. Lumapit siya sa pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot
siya: Pupunta ako. Ngunit hindi siya pumunta.
Ika’tlong Markahang Pasusulit (Honesty/Obedience) – Edukasyon sa Pagpapakatao
13. Ano ang nakapagpabago sa isip ng unang anak na humindi nong una at pagkatapos ay sumunod at pumunta rin sa ubasan?
a. Naisip niya na baka hindi siya bigyan ng baon ng kanyang ama kung susuway siya sa utos.
b. Napagtanto niya na siya ay mali at dapat niyang sundin ang kanyang ama.
c. Takot siyang hindi bilhan ng bagong sapatos ng kaniyang ama.
d. Dahil nais niyang magpabili ng bagong cellphone kaya siya pumunta
14. Ano ang posibleng dahilan ng hindi pagpunta ng ikalawang anak sa ubasan, kahit na sinabi niyang pupunta siya?
a. Umiiral ang kawalan ng pagsunod at paggalang sa magulang
b. Sinusubukan niya ang kanyang ama kung ano ang kayang gawin nito kung hindi siya susunod sa kanyang tagubilin.
c. Dahil tinamad siya
d. Dahil sinunod niya ang kaniyang gusto
15. Sino sa dalawang anak ang nagpapakita ng tamang paggalang at pagsunod sa magulang?
a. Ang una na sinabing hindi pero pumunta sa ubasan
b. Ang ikalawang anak na sinabing pumunta ngunit hindi siya pumunta
c. Ang ikalawang anak
d. wala sa kanilang dalawa
16. Ano ang maaaring epekto o dulot ng di pagsunod ng anak sa kaniyang ama?
a. Sasama ang loob ng ama b. Maaring ikakagalit ito ng magulang
c. Magdudulot ng di pagkakaunawaan sa kapwa anak at magulang d. Lahat ng nabanggit
17. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nagkapagpapatibay sa kahalagahan ng;
a. Pagsuway b. Pagdamot c. Pagsuko d. Paggalang
18. Bakit nagsisimula sa pamilya ang pagkilala at pagtuturo ng mga birtud ng paggalang at pagsunod?
a. Dahil ang mga magulang ang unang naging guro ng mga bata.
b. Dahil ang mga magulang ang gumagabay at nagtuturo sa mga anak.
c. Dahil ang pamilya ang pundasyon ng lahat
d. A, B & C
19. Sa paanong paraan mahuhubog at mapauunlad ng mga magulang, nakatatanda at may awtoridad ang mga pagpapahalaga ng paggalang at
pagsunod?
a. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa
b. Sa pamamagitan ng pag-utos sa anak na gumagawa ng masama
c. Sa pamamagitan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot
d. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng hindi magandang halimbawa
20. Ano ang marapat mong gawin kung ang ipinag-uutos sa iyo ng iyong magulang, nakatatanda ay may may awtoridad ay nagdudulot sa iyo ng
alinlangan?
a. Sundin ang kanilang utos kahit na alam mong hindi ito tama
b. Pagsalitaan sila ng masama dahil alam mong mali sila
c. Maaring sumangguni sa iba pang awtoridad upang mabigyan ng tamang payo
d. Ipost sa social media upang makahingi ng payo
21. Paano mo maipapakita ang marapat na paggalang at pagsunod mo sa iyong mga magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
a. Sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang hindi mabubuting payo
b. Sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kanila bilang tao
c. Pagsuway sa kanilang mga utos
d. Pagsigaw sa kanila dahil ayaw mo ang kanilang sinabi
22. Alin sa mga sumusunod ang paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagsunod?
a. Pagdasal na sana bigyan pa sila ng lakas ng loob upang ikaw ay mapamahalaan
b. Pagtanaw ng utang na loob na may pag-aalinlangan
c. Pagsigaw sa kanila dahil hindi ka pinagbigyan sa gusto mo
d. Pagsumbat sa kanilang mga pagkukulang bilang tao.
23. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang,
nakatatanda at may awtoridad?
a. Ipagwalang-bahala ang mga natutunan
b. Maging magandang halimbawa sa mga kabataan
c. Magpasalamat sa kabutihang dulot ng kapwa
d. B at C
24. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang maliban sa;
a. Sa aking pakikipag-usap sa kanila, iniiwasan ko ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng masasakit na salita.
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
c. Pagsasabi o pagbibigay ng simpleng pasasalamat na bukal sa kalooban.
d. Pagbibitiw ng masasamang salita sa aking kausap.
25. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang. At ito ay nararapat nagsimula sa
a. Pamahalaan b. Paaralan c. Kaibigan d. Pamilya
26. Ang paglingon o pagtinging muli ay nangangahulugang;
a. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
b. Pagtingin sa sarili na mas lamang kaysa iba.
Ika’tlong Markahang Pasusulit (Honesty/Obedience) – Edukasyon sa Pagpapakatao
c. Pagtingin sa estado ng buhay ng tao bago magpakita ng paggalang
d. Paggamit ng gamit ng iba na hindi nagpapaalam
27. Bakit mahalaga ang paggalang ng magulang?
a. Mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang dahil ito ay nakasaad sa banal na kasulatan at aklat.
b. Mahalaga ang paggalang at pagsunod sa mga magulang dahil ito ay tanda ng pagkilala sa kanilang halaga bilang tao
c. Mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang dahil ito ay nakatulong para maging popular ang isang tao.
d. A & B
28. Ang paggalang at pagsunod ay natututunan ng mga bata sa pamamagitan ng mga sumusunod maliban sa;
a. Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng pamilya kung paano sila gumagalang sa ibang tao.
b. Pagkikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod.
c. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at pagmamalasakit.
d. Pagpalo sa mga anak sa tuwing sila ay may nagawang mali.
29. Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang?
a. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.
b. Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
c. Pagtupad sa itinakdang oras.
d. A, B, & C
30. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng “pagiging mapagmalasakit at mapagmahal.”
a. Pagkalimot sa mga mahahalagang okasyon sa buhay nila, tulad ng kaarawan, anibersaryo, at iba pa.
b. Paggamit ng kanilang gamit na hindi nagpapaalam
c. Pagtupad sa itinakdang oras.
d. Maipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng paggamit at pagbigkas ng mga magagalang na pananalita at pakikinig sa kanilang
mga sinasabi o ipinapayo.
31.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa desisyon ng magulang sa isang positibong paraan?
a. Tumakas si Abby at dumaan sa bintana upang magawa ang kanilang proyekto.
b. Pumunta si Abby sa bahay ng kaklase at hindi nagpapaalam sa magulang kaya napagalitan ito.
c. Sinasagot-sagot ni Abby ang magulang sa hindi pagpayag nito na pumunta sa bahay ng kaklase para sa gagawing proyekto.
d. Nais pumunta ni Abby sa bahay ng kaklase upang gumawa ng proyekto, ngunit hindi pumayag ang ina dahil may gulo sa daan. Sa
halip na magmaktol, bukas ang loob na sinunod nito ang ina
32. Bakit mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
a. dahil ito ay magandang asal na magdudulot ng kabutihan sa sarili at kapwa
b. dahil ito ay utos ng may awtoridad
c. upang makatapos ng pag-aaral
d. upang magkaroon ng kapayapaan sa komunidad
33. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad na isa sa pamamaraan ng pagsunod at paggalang
sa may awtoridad?
a. Si Albert ay nangunguna sa klase ngunit nagpapasimuno ng gulo sa paaralan.
b. Si Jobert ay siga sa kanilang lugar kaya siya ay kinatatakutan ng kabataan.
c. Si Elizabeth ay palaging sumusunod sa batas kaya tinutularan siya ng kapwa kabataan.
d. Si Marie ay nagboluntaryong tumulong sa pag-iimbestiga sa mga mag-aaral na nagtatapon ng plastik sa kanal ng paaralan upang
makaptanggap ng pabuya mula sa punong-guro.
34. Nagmamadaling umalis si Jacky papuntang paaralan at kumuha siya ng pera sa pitaka ng ina nang walang paalam. Nang matuklasan ng ina na
kulang ang pera agad niyang kinausap ang anak at inamin nito ang nagawang kasalanan at humingi ng kapatawaran. Paano ipinakita ni Jacky ang
paggalang?
a. pagpapasalamat dahil sa perang nakuha
b. pag-amin sa nagawang kasalanan at pagsisisi dito
c. pagkakaroon ng paninindigan na siya ay nasa tama
d. pagtanggap ng kamalian ngunit hindi ibig sabihing siya’y magbabago
35. Alin sa mga paraan ang nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa nakatatanda?
a. pagpapakita ng paggalang dahil sa ito’y napipilitan lamang
b. paggamit ng “po” at “opo” at pagsunod sa mga utos ng magulang nang taos-puso
c. huwag silang tulungan dahil sila ay matanda na at mas may kakayahan
d. Sa pamagitan ng pakikipag-usap nang may kayabangan
36. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa? Dahil;
a. Nakapagpapasaya ka sa kapwa c. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa kapwa
b. May gumawa rin nito sa kanya d. Tungkulin ng bawat tao na gumawa ng mabuti sa kapwa
37. Laging binibigyan ni Karen ang matalik niyang kaibigan ng sagot kung may pagsusulit samantalang si Liza naman ay hinikayat ang mga kaklase na
magaral ng pangkatan bilang paghahanda sa kanilang pagsusulit. Sino kina Karen at Liza ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
a. Si Karen na nagbibigay ng sagot sa kanyang kaibigan
b. Pagtutulungan nina Karen at kaibigan sa pagsagot sa pasulit
c. Paghikayat ni Liza sa mga kaklase para kanya-kanyang mag-aral
d. Pangunguna ni Liza sa kanyang mga kaklase sa pangkatang pag-aaral
38. Ang tamang pakikitungo ng mga mag-aaral sa mga guro, kamag-aral o janitor sa paaralan ay tanda ng:
a. Pagtulong b. Kabutihan c. Pagpapasikat d. Pagpapakilala
39. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa sa loob ng paaralan?
a. Pagpapahiram ng bolpen sa kaklase
b. Paglilinis sa silid-aralan kapag nariyan ang guro
Ika’tlong Markahang Pasusulit (Honesty/Obedience) – Edukasyon sa Pagpapakatao
c. Manahimik upang hindi makapag-ingay sa klase
d. Binibigyan ng meryenda ang kaklase na nagpapakopya ng sagot sa pasulit
40. Bilang kabataan, paano maipakikita ang kabutihan sa kapwa kabataan?
a. Pakikipagkaibigan sa mga kabataan
b. Nakikisalamuha sa kapwa kabataan kung may pagtitipon
c. Pamunuan ang mga kabataan dahil mayaman siya sa kanilang lugar
d. Nakikiisa sa mga gawain at proyekto ng kabataan sa kanyang barangay
41. Pinipiling mapag-isa ni Mario kahit sa loob ng silid-aralan. Minsan, kinausap siya ng kanilang pangulo at hinikayat na makilahok sa klase kaya nang
sumunod na mga araw, kapansin-pansin na nakikiisa na si Mario sa mga gawain sa paaralan. Paano ipinakita ng Pangulo ng klase ang kabutihang
loob kay Mario?
a. Hinahayaan siya sa pagiging tahimik
b. Pagbabago ng ugali ni Mario sa mga kaklase
c. Nakikisama na si Mario sa kanyang mga kaklase
d. Paghikayat ng nito kay Mario na makilahok sa klase
42. Maituturing na likas sa tao ang pagiging mabuti o may kagandahang loob dahil;
a. Tao siya kaya dapat magpakabuti
b. Namana niya ito sa mga magulang
c. Kusa siyang tumutulong sa kanyang kapwa
d. Matalino siyang gumawa ng kung ano sa kapwa
43. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang loob sa kapwa?
a. Pagbibigay ng limos sa batang kalye
b. Pagpapaaral ng mahihirap na estudyante
c. Gumagastos ng malaki sa ginagawang handaan
d. Handang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng iba
44. Nagtuturo si G. Castro ng asignaturang MAPEH kung saan hinasa niya ang mga mag-aaral sa pagkanta at hinikayat niya itong sumali sa mga
patimpalak sa pagawit hanggang sa maging sikat na mang-aawit ang mga mag-aaral. Paano ipinamalas ni G. Castro ang kabutihang loob sa kanyang
mga mag-aaral?
a. Pagtuturo ni G. Castro ng asignaturang MAPEH
b. Pagtuturo na may bayad sa kanyang kakayahan
c. Binigyang-tuon ni G. Castro ang ibang talento ng mag-aaral
d. Paghasa at paghikayat sa mag-aaral na paunlarin ang talento
45.Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng tunay na pagtulong?
a. Paglilinis sa paaralan kung may Brigada Eskwela
b. Pagbibigay ng pagkain at damit sa mga nasunugan
c. Pagtulong sa kapitbahay dahil walang ibang mahingan ng tulong
d. Laging pagdadala ng gamit ng guro para mabigyan ng mataas na marka
46.Gumigising nang maaga si Ryan bago pumasok upang tulungan ang kanyang nanay na abala sa mga gawaing bahay at sa kanilang tindahan.
Paano ipinakita ni Ryan ang pagiging mabuting anak sa kanyang nanay?
a. Maagang papasok si Ryan sa paaralan.
b. Gumising nang maaga si Ryan para magtrabaho.
c. Nagtitinda si Ryan at hindi na pumasok sa paaralan.
d. Tumulong sa kanyang nanay sa gawaing bahay at sa tindahan.
47.Kalilipat lang ni Cristy kaya wala siyang kaibigan sa klase. Mabuti na lang at may nagpakilala sa kanya at nagbigay impormasyon tungkol sa
kanilang paaralan. Paano naipakita ng kaklase ang kabutihang ginawa kay Cristy?
a. Pakikipagkaibigan ni Cristy ang bagong kaklase.
b. Paglapit ng mag-aaral kay Cristy para may makausap
c. Paglipat ni Cristy ng paaralan para magkaroon ng bagong kaibigan.
d. Pagpapakilala ng mag-aaral kay Cristy at pagtuturo sa kanya ng tungkol sa kanilang paaralan.
48.Bata pa si Lito ngunit kakikitaan na siya ng kabaitan. Minsan nagkasundo sila ng kanyang kalaro na mag-unahan sa pagtakbo. Sa kanilang
pagtakbo ay biglang nadapa ang kanyang kalaro kaya binalikan niya ito at tinulungang makatayo. Paano naipakita ni Lito ang kabutihan sa kalaro?
a. Sa paglalaro, gumawa siya ng kasunduan.
b. Para maipakita ang lakas niya sa pagtakbo
c. Pakikipaglaro sa kaibigan para hindi ito mabagot
d. Pagpapahalaga sa kapakananan ng kalaro kaysa manalo
49.Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kagandahang loob?
a. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan
b. Pagbibigay sa pangangailangan ng kanilang kasambahay
c. Tinitiyak na laging may pera para masuportahan ang pamilya
d. Gumasta ng malaki sa kanyang birthday para marami ang makakain
50.Magkasabay na umuwi galing sa paaralan sina Gng. Reyes at ilan niyang magaaral. Agad na kinuha ng isang mag-aaral ang mga gamit ng guro
upang tulungan ito sa pagdadala; samantala ang iba ay masayang nakikipag-usap kay Gng. Reyes. Piliin sa sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang
ginawa sa kapwa?
a. Pakikipag-usap ng guro sa mga mag-aaral
b. Pagpapadala ni Gng. Reyes ng kanyang mga gamit sa mag-aaral
c. Pagtulong ng mag-aaral kay Gng. Reyes sa pagdadala ng gamit nito
d. Pagiging masayahin ng mga mag-aaral dahil guro ang kanilang kasama

You might also like