You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
MIMAROPA Region
Schools Division of Palawan
Rizal District II
TABURI NATIONAL HIGH SCHOOL
Taburi, Rizal, Palawan
School ID No. 309149

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa EsP 8

Pangalan:_________________________________ LRN: ___________________________

Baitang/Seksyon: ____________________ Petsa: ____________ Iskor: ____________

I - Maramihang Pagpipilian

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sa patlang bago ang bilang.

____1. Ang salitang pasasalamat o gratitude sa Ingles ay nagmula sa sumusunod na mga salitang Latin, maliban
sa .
A. gratia B. gratis C. grato D. gratus

____2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Sto. Tomas de
Aquino?
A. Pagpapasalamat
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
C. Pamamalita sa kabutihang ginawa ng kapwa
D. Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa na bukal sa loob

____3. Ang utang-na-loob ay maaaring magamit sa maling paraan o pang-aabuso. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI kabilang sa maling paraan o pangaabusong ito?
A. Pag-asa na kakalat ang ginawang kabutihan
B. Paghihintay ng kapalit sa tulong na ibinigay
C. Pagtanggap ng regalo mula sa taong tinulungan
D. Kandidatong umaasa sa boto mula sa taong natulungan

____4. Ang pagiging mapagpasalamat ay tumutulong sa paghubog ng aspetong _ at ng tao.


A. emosyonal at ispiritwal B. moral at ispiritwal C. pisikal at emosyonal D. pisikal at moral

____5. Ang pagkilala sa ginawang kabutihan ng kapwa upang ikaw ay magtagumpay ay pagpapakita ng ugaling
A. mabait B. Mabuti C. magalang D. mapagpakumbaba

____6. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat, maliban sa .
A. Pagkakaroon ng ritwal ng pasasalamat.
B. Pagpapakalat sa nagawang kabutihan ng kapwa
C. Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan
D. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit

____7. Ang taong mapagpasalamat ay nananatiling positibo ang pananaw dahil .


A. lagi siyang nananalangin B. nagtitiwala siya sa Diyos.
C. bahagi na ito ng kanyang pagkatao. D. naniniwala siya na may naghihintay na magandang bukas.

____8. Isa sa mga paraan ng mga Pilipino sa pagbibigay ng pasasalamat ay ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang
gaya ng mga sumusunod, maliban sa .
A. Ati-Atihan B. Dinagyang C. Kanduli D. Pasko

____9. Ang kawalan ng pasasalamat ay .


A. sintomas ng katamaran B. nakakapagpababa sa pagkatao
C. pagiging mayabang D. masamang ugali

Inihanda ni Ma’am Mitch


Guro sa EsP 8
____10.Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa paraan ng pagbabalik o pagpapakita ng pasasalamat sa
taong nagpakita sa iyo ng kabutihang-loob?
A. Pagtulong sa ibang tao B. Pagsambit ng pasasalamat
C. Pagbibigay ng munting regalo D. Pamamalita sa kabutihang nagawa ng kapwa

____11. Alin sa mga sumusunod ang hindi tanda ng taong mapagpasalamat?


A. Marunong makuntento sa mga biyaya ng Diyos sa kanya.
B. Marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan.
C. Marunong magpasalamat sa mga taong tumutulong at sumusuporta sa kanya.
D. Namimili lamang ng pakikitunguhan at gagawan ng kabutihan.

____12. Ano ang entitlement mentality?


A. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo na dapat na bigyan ng dagliang pansin.
B. Ito ay kabutihan ng pag-iisip.
C. Ito ay kalinisan ng puso.
D. Ito pag-aabuso sa kapwa.

____13. Alin ang hindi tamang paraan ng pagpapasalamat?


A. Magbigay ng liham-pasasalamat sa taong nagbigay ng tulong sa iyo.
B. Suklian ng kabutihan ang ginawang mabuti sa iyo ng kapwa.
C. Gawan lamang ng mabuti ang taong tumulong sa iyo noong ikaw ay nasa kagipitan.
D. Matutong magpasalamat sa Diyos sa kanyang kadakilaan.

____14. Ang mga sumusunod ay mabuting maidudulot ng taong mapagpasalamat maliban sa


A. Dumarami ang kaibigan at kapwa.
B. Nakakagaan ng kalooban dahil pinahalagahan ang mabuting gawa.
C. Nagiging mayabang dahil marami ang humahanga.
D. Nakapagdudulot ng kasiyahan.

____15. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat?


A. Hindi pinahahalagahan ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa kanya.
B. Binabalewala lamang ang mga bagay na mayroon siya.
C. Sinasayang ang mga biyaya na ipinagkaloob sa kanya.
D. Ibinabahagi ang mga Biyaya na tinatanggap mula sa Diyos.

____16. . Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng .


A. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
B. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakahahalubilo
C. Pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
D. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.

____17. Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?


A. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
B. Pagkilala sa mga hanggganan o limitasyon.
C. Maging halimbawa sa kapwa.
D. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap

____18. Ang pamilya ay malayo sa iyo dahil:


A. Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaaring ikinatutuwa o ikinaiinis mo
B. Ang iyong pag-iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan
C. Nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at makasaysayang proseso na mula sa mga relasyong nauna sa
Iyong pag-iral
D. Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mga taong nagpalaki sa iyo

____19. Dahil sa ikaw ay nakaramdam ng pagkagutom, bumili ka ng tinapay sa tindahan na malapit sa inyong
tahanan nang mapansin ka ng inyong barangay tanod at sinabing, “Nasaan ang iyong face mask? Bakit ka nasa
labas ikaw ay wala pa sa edad na may pahintulot na makalabas?” Ano ang dapat gawin sa sitwasyong ito?
A. Tumakbo pauwi at huwag pansinin ang tanod.
B. Humingi ng paumanhin sa tanod dahil ikaw ay nakaramdam ng gutom at bumili ng pagkain pagkatapos ay
Sabihing hindi na mauulit pang muli ang paglabag.
C. Mangatwiran sa tanod at sisihin ito na walang binibigay na ayuda ang barangay.
D. Isumbong sa magulang ang ginawa ng tanod at magreklamo.

Inihanda ni Ma’am Mitch


Guro sa EsP 8
____20. Mula sa mga katuruang ito, tayo ay maraming aral na napupulot na nagsasabing igalang ang lahat ng
tao, magulang, nakatatanda pati ang taong may awtoridad. Maliban sa:
A. Diary B. Bibliya C. Koran D. Mga Tinipong Wikain ni K’ung Fu Tze

____21. Mataas ang pagtingin ni Ron sa kanilang lider na si Byron. Lahat ng sabihin ni Byron ay sinusunod ni Ron
nang walang pagtutol. Ngunit sa isang pagkakataon ay napansin ni Ron na pinaboran ni Byron ang isang
proyekto kahit na ito ay lalabag sa ilang panuntunan ng batas na pinaiiral ngayong may CoVid-19 at maaaring
makaapekto sa marami. Kaya’t minarapat ni Ron na huwag munang ituloy at pag-aralang muli at busisiin kasama
si Byron. Ang kilos na ito ni Ron ay nagpapakita ng:
A. Katarungan B. Pagpapasakop C. Pagsunod D. Kasipagan

____22. Saan nagsisimula ang kakayahang kumikilala sa pagpapahalaga?


A. Simbahan B. Paaralan C. Komunidad D. Pamilya

____23. Dahil sa pinangangalagaan mo ang kahalagahan ng edukasyon na umiiral sa inyong angkan kung saan
halos lahat sa inyo ay nakapagtapos ng pagaaral at may mga titulo na, minabuti mong mag-aral nang
mabuti at magtapos ng pag-aaral. Ipinamamalas mo lamang na:
A. Ang pamilya bilang hiwaga B. Ang pamilya bilang halaga
C. Ang pamilya bilang presensiya D. Ang pamilya bilang sagrado

____24. Ang pagsunod sa pagsusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay at physical distancing ay
Buong puso mong sinusunod kahit na walang nakakikita o nagpapaalala upang makasunod sa mga protocols at
maging ligtas ang sarili at pamilya sa banta ng Co-Vid-19. Pinatutunayan lamang nito na ang paggalang at
pagsunod at may .
A. Pagsunod at pagpapasakop B. Pagbibigay-pugay sa pamahalaan
C. Katarungan at Pagmamahal D. Kasipagan

____25. Ayon kay David Isaacs, maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa
pamamagitan ng:
A. Pagsasabi ng “po at opo”
B. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang
kinabibilangan.
C. Pagsang-ayon sa lahat ng batas na ipinatutupad nang walang tanong at pangamba.
D. Pagsunod at pagtalima nang nakapikit-mata at umayon anuman ang mangyari

____26. Si Flor na nagpaalam sa kaniyang nanay na siya ay may gagawin na proyekto kasama ang ka-grupo sa
EsP at nangako na uuwi bago ang alas-singko ng hapon. Ito ay nagpapakita ng?
A. Pagiging maalalahanin B. Pagtupad sa itinakdang oras
C. Paggalang sa kanilang mga kagamitan D. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

____27. Ang kambal na sina Jennie at Jannie ay madalas na nagkakatampuhan sa paghihiraman ng kanilang
kagamitan dahil si Jennie ay hindi nagiging maingat sa pagbabalik na mga gamit ni Jannie. Ano ang hindi
naipakita na gawain ng paggalang ng magkapatid?
A. Pagiging maalalahanin B. Pagtupad sa itinakdang oras
C. Paggalang sa kanilang mga kagamitan D. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

____28. Madalas ay sinosorpresa ni Simeon ang kaniyang ama at ina sa tuwing sasapit ang kanilang anibersaryo.
Labis itong ikinatutuwa ng kaniyang magulang mula sa simpleng paraan na inihahanda niya. Ito ay nagpapakita
ng?
A. Pagiging maalalahanin B. Pagtupad sa itinakdang oras
C. Paggalang sa kanilang mga kagamitan D. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

____29. Sa tuwing makikipag-usap sa nakatatanda si Sofia ay hindi niya nalilimutan na gumamit ng magagalang
Na salita dahil ito ang turo at bilin ng kaniyang lolo at lola. Ito ay nagpapakita ng?
A. Pagiging maalalahanin
B. Pagtupad sa itinakdang oras
C. Paggalang sa kanilang mga kagamitan
D. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

____30. Mas madalas ay sa tahanan naghuhunog ang kagandahang-asal ng anak, kaya nararapat na sa murang
Edad ay nababantayan ang mga kilos at gawi ng isang bata. Ang lahat ay may katotohanan maliban sa?
A. Ang magulang ang gumagabay sa anak na may kalakip na pagmamahal tungo sa pakikipagkapwa

Inihanda ni Ma’am Mitch


Guro sa EsP 8
B. Ang magulang ang aagapay sa anak na makilala ang halaga ng paggalang at pagsunod
C. Ang magulang may malaking hamon na kailangan harapin sa pagpapalaki ng anak
D. Ang magulang ang dapat na laging sisisihin sa anak na naligaw ng kaniyang landas

II – Tama o Mali
Panuto: Tukuyin ang pangungusap kung tama o mali. Isulat ang T kung tama at M naman kung mali isulat ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. Ang ating ginagawa ay may kaakibat na responsibilidad kaya nararapat na may limitasyon o pag-
iingat upang makaiwas sa gawaing hindi mabuti.
________ 2. Ang nakakasamang magulang, nakatatanda o may awtoridad, ay nagsisilbing gabay ng isang bata
upang kumilos ng may pananagutan na may paggalang at pagsunod.
________ 3. Sa bawat minuto ay kailangan nababantayan ang anak, lalong higit ang isang kabataan upang
gumagawa ng tama dahil baka ito ay magkamali.
________4. Ang pamilya na may matibay na ugnayan at pundasyon ay nagpapahalaga sa paggalang at
pagsunod.
________5. Ang may awtoridad ang nagpapanatili ng kapayapaan, pagtutulungan ng pagkakaisa sa komunidad
na ginagalawan.
________6. Lubos na kalugod-lugod ang isang kabataan na nagsasabuhay at kumikilala sa kaniyang magulang,
nakatatanda at may awtoridad na nagpapasakop sa kanilang utos o bilin.
________7. Sa labas ng tahanan mas madalas nakikita at nagmumula ang mga gawain na may paggalang at
pagsunod.
________8. Ang isang kabataan na nakikinig at sumusunod sa payo ng magulang o nakatatanda ay mas madalas
napapabuti sa landas na kaniyang nilalakaran.
________9. Ang pagwawasto sa maling gawain ng anak ay hindi makatutulong sa pagpapaunlad ng buhay sa
hinaharap.
________10. Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa ay isang magandang gawain na may kaugnayan sa
paggalang at pagsunod.

Inihanda ni Ma’am Mitch


Guro sa EsP 8

You might also like