You are on page 1of 6

1

Republic of the Philippines


Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS SUR
LUNGOG INTEGRATED SCHOOL
Ikatlong Markahang Pagsusulit
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem sa pagsusulit na ito. Pagkatapos, piliin at
itiman ang bilog na angkop sa iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang griyego na charis kapag isinalin sa Filipino?
A. biyaya B. paggalang C. pasasalamat D. pagtulong
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI biyayang pisikal?
A. kasaganaan B. kaunlaran C. parangal D. presensiya ng Diyos
3. Anong uri ng biyaya ang pinakamahalaga na maaring matanggap ng tao?
A. emosyonal B. ispiritwal C. pisikal D. sosyal
4. Si Mark ay ipinanganak na may sakit sa puso at nangangailangan na sumailalim sa isang heart
transplant operation ngunit umabot na siya sa edad na labing-apat ay hindi pa siya nabigyan ng
pagkakataon na maisagawa ito. Nang minsan siya ay inatake at naitakbo sa ospital, himalang
nagkaroon ng pusong maaring mailapat sa kanya. Anong uri ng biyaya ang natanggap ni Mark?
A. emosyonal B. ispiritwal C. pisikal D. sosyal
5. Nakatanggap ng parangal si Andrea ng siya ay sumali sa isang singing contest. Anong uri ng biyaya
ang kanyang natanggap?
A. emosyonal B. ispiritwal C. pisikal D. sosyal
6. Paano mo pasasalamatan ang mga magulang mo sa paraang makabuluhan na magdudulot ng
kasiyahan sa kanilang puso?
A. liham C. tumulong sa ibang tao
B. pagbibigay ng simpleng regalo D. pagyakap o pagngiti
7. Ano ang entitlement mentality?
A. Ang pagkilala sa mga kabutihang loob o biyayang natanggap sa pamamagitan ng pasasalamat.
B. Ito ay paniniwala na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng
dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagsasabi ng “salamat” o pagpapakita ng pasasalamat ay malaki ang maitutulong sa
pagpapabuti ng relasyon sa kapwa.
D. Ito ay isang pagpapakita ng apresasiyon sa isang indibiduwal na nakatanggap ng biyaya,
nasasalat man ito o hindi.
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?
A. Pagpapakita ng inggit.
B. Hindi nasisiyahan sa kung ano mang mayroon siya.
C. Hindi pagkagalit kahit magkaiba kayo ng pinaniniwalaan.
D. Hindi naglalaan ng oras o minuto man lamang upang maging masaya sa lahat ng nakamit sa
buhay, malaki o maliit man na bagay.
9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pasasalamat?
A. Sinimangutan ni Jordan ang kanyang nanay dahil kulang ang allowance na binigay nito.
B. Umalis ng kanilang bahay si Carlo ng hindi nagpapaalam sa magulang.
C. Padabog na sumunod sa utos si Cassie na maghugas ng pinagkainan.
D. Tinulangan ni Marites ang kanyang kuya sa pagluluto.
10. Alin sa mga sumusunod ang tanda ng isang taong puno ng biyaya.
A. Mapagpakumbaba B. Mapagpasalamat C. Maalalahanin D. Mapagbigay
2

11. Ano ang nararapat na gawin ng isang taong may pasasalamat sa tuwing siya ay nagigising sa
bagong umaga?
A. bumati ng magandang umaga C. magdasal at magpasalamat sa Diyos
B. tignan sa kusina anong almusal D. bumangon at mag-ayos ng pinagtulugan
12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang taong may pasasalamat?
A. Masaya si Jose sa kanyang buhay kahit ito ay simple lang dahil para sa kanya malaking biyaya
na ang magkaroon ng kumpletong pamilya at malusog na pangangatawan.
B. Kabibili palang ang cellphone ni Jack ngunit gusto niyang magpabili ulit ng bago dahil may
pambili naman sila at para rin makasunod siya sa uso
C. Si Carol ay laging nagsisimba tuwing linggo at marami siyang napupuna sa mga kasabay niya
na kanyang lihim na pinagtatawanan.
D. Iniisip ni Agnes na napakakaunti ang mga ibinibigay na relief goods ng gobyerno sa mga
nasalanta ng bagyo.
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat dulot ng entitlement
mentality?
A. Pagkalimot o hindi pagkilala sa tulong na natanggap
B. Hindi pagbalik ng kabutihang loob sa kapwa
C. Paglilihim sa kabutihang naibigay ng kapwa
D. Pagtulong sa ibang tao
14. Ano ang tawag sa paniniwala ng isang tao na lahat ng kanyang kagustuhan ay kanyang karapatan
na kailangan agad matugunan?
A. Kawalan ng pasasalamat C. Utang na loob
B. Entitlement mentality D. Pasasalamat
15. Ito ay pagkilala at pagtugon sa kabutihang loob na ipinamalas ng kapwa sa panahon ng
pangangailangan. Ano ito?
A. Kawalan ng pasasalamat C. Utang na loob
B. Entitlement mentality D. Pasasalamat
16. Mula pagkabata ay marami ng biyayang natanggap si Rudy, buo at masaya ang kanyang pamilya,
hindi sila kapos sa pangangailangang pinansyal, at masasabi ring siya ay nabiyayaan ng talino at
malusog na pangangatawan. Ang mga sumusunod ay mga paraan kung paano maipapakita ni Rudy
ang kanyang pasasalamat sa lahat ng biyayang kanyang natatamasa maliban sa_________.
A. Ibahagi sa ibang tao kung ano ang mayroon siya tulad ng pagtulong pinansiyal, pagtuturo ng
kanyang kaalaman, pagtulong pisikal gaya ng pagbubuhat.
B. Paggawa ng kabutihan sa kapwa ng walang hinihinging kapalit.
C. Tumulong lang kapag may nasalanta ng kalamidad.
D. Laging taimtim na magpasalamat sa Diyos.
17. Paano mo mapapasalamatan ang isang taong hindi mo kilala pero iniligtas nito ang iyong buhay at
hindi mo na siya nakita pang muli upang pasalamatan?
A. Pagbibigay ng simpleng regalo
B. Magpadala ng liham o ‘text’
C. Tumulong sa ibang tao
D. Pagyakap o pagngiti
18. Paano mo pasasalamatan sa pinakamabuting paraan ang iyong mga magulang sa lahat ng
sakripisyo na kanilang inilaan upang ikaw ay mapalaki ng maayos at mabigyan ng magandang
kinabukasan?
A. Makipag-usap ng maayos lalong lalo na kapag may kailangan gaya ng pera.
B. Mag-aral ng mabuti at balang-araw ay sila naman ang bigyan ng pag-aaruga lalo na kapag
matanda na sila.
C. Huwag magreklamo kung ano lang ang kaya nilang ibigay bagkus ay tanggapin ang mga ito
kahit na masama ang kalooban.
D. Mag-post sa facebook ng mga larawan na nagpapakita na kayo ay malapit sa isa’t isa pagkatapos
ay magbigay ng mahabang mensahe ng pasasalamat.
3

19. Alin sa mga sumusunod ang agarang pagsasabi ng ‘Salamat’ sa taong tumulong o nagpakita ng
kabutihan.
A. Pagpapadala ng liham C. Paggawa ng kabutihan sa kapwa
B. Pagbibigay ng simpleng regalo D. Pagpapahayag ng berbal na pasasalamat
20. Ang taong mapagpasalamat ay kinikilala nito na ___________.
A. ang kanyang tagumpay ay dulot ng karunungan na biyaya sa kanya ng Diyos.
B. masamang ugali ang kawalan ng pasasalamat
C. ito ay pagtanaw ng utang na loob sa Diyos.
D. ang Diyos ay mapagpala.
21. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagbibigay o pagbabahagi ng biyayang natanggap sa
pamamagitang ng pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanata ng bagyo?
A. Pagpapadala ng liham C. Paggawa ng kabutihan sa kapwa
B. Pagbibigay ng simpleng regalo D. Pagpapahayag ng berbal na pasasalamat
22. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng mabuting _________.
A. pakikipagkapwa B.pagkatao C. pag-iisip D. kasanayan
23. Sa tuwing may okasyon, laging binibigyan ni Anita ang kanyang mga magulang ng regalo dahil
hindi niya makalimutan ang lahat nang naging sakripisyo nila sa kanya. Anong paraan ng pasasalamat
ang ipinakita ni Anita?
A. Pagpapadala ng liham C.Paggawa ng kabutihan sa kapwa
B. Pagbibigay ng simpleng regalo D. Pagpapahayag ng berbal na pasasalamat
24. Ipinagtanggol ni Sena si Andoy dahil ito ay binu-bully ng ibang mga bata dahil sa kanyang pagiging
pipi. Matapos nito ay nginitian ni Andoy si Sena at nagpaalam nu umuwi. Anong paraan ng
pasasalamat ang naipakita sa sitwasyong ito?
A. Pagyakap o pagngiti C.Paggawa ng kabutihan sa kapwa
B. Pagbibigay ng simpleng regalo D. Pagpapahayag ng berbal na pasasalamat
25. Lubos ang pasasalamat ni Lydia sa kanyang kabarangay na tumulong sa kanyang pamilya noong
sila ay masunugan. Nawala halos lahat ng kanilang ari-arian at hindi niya alam kung paano
pasasalamatan ang mga tumulong sa kanila maliban sa pagsasabi ng ‘salamat’ at pagtulong kapag may
ginagawa ang mga ito. Bakit nararapat lang ang ipinakita ni Lydia?
A. Sapagkat ang pasasalamat ay hindi lang naipapakita sa materyal na bagay kundi sa pagsasabi
nito at sa paggawa o pagtulong sa kapwa.
B. Dahil kung marami ang tutulong sa iyo, marami ka ring pinagkakautangan ng loob.
C. Sapagkat hindi kayang magpasalamat nang mga taong kapos o mahirap.
D. Dahil dapat siyang masabi ang pasasalamat.
26. Niyaya si Ellen ng kanyang kaibigang si Martha na pumunta sa isang birthday party. Nang siya ay
nagpaalam sa kanyang lola, hindi siya nito pinayagan dahil malapit na ang curfew. Kung kaya tumakas
ito at sumama sa kaibigan hanggang nahuli ito ng mga tanod at dinala sa barangay para
pagpaliwanagin. Ang ipinamalas ni Ellen ay _____.
A. kawalan ng respeto sa nakatatanda at batas
B. kawalan ng kanyang respeto sa kaibigan
C. kawalan ng halaga sa kapakanan ng iba
D. kawalan ng pagpapahalaga sa sarili
27. Paano maipamamalas ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
A. pagsunod sa batas ng may awtoridad
B. iniisip ang kapakanan ng mga kaibigan
C. pagsunod sa utos ng lola at ipakita ang respeto dito
D. pagsunod sa gusto ng mga nakatatandang kaibigang nagyaya sa party
28. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito, “Ignorance of the law excuses no one”?
A. mangmang ang taong walang alam sa batas
B. makukulong ang taong walang alam sa batas
C. payapa ang barangay kapag nasusunod ang mga ordinansa
D. hindi dahilan ang kawalan ng kaalaman batas upang makaiwas sa pananagutan rito
4

29. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang na may katarungan at
pagmamahal sa magulang?
A. Kinakausap ni Peter ng pabalang ang kanyang magulang.
B. Hindi humihingi ng kapatawaran sa ina si Jean tuwing nagkakamali.
C. Tumutulong si Nena sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan.
D. Sa tuwing nag-uusap ang magulang ni Jassy, nakikisabat ito kahit hindi kinakausap.
30. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
A. paghingi ng payo sa mga magulang sa pagpapasya
B. umaalis nang hindi nagpapaalam sa magulang
C. hindi pagsunod sa mga nais ng kaibigan
D. pakikipag-usap ng pabalang
31. Habang naglalakad sa kalye si Luisa, ito ay may nakitang sorbetero na nagtatapon ng kanyang mga
basura sa daan. Kung ikaw si Luisa, ano ang ipamamalas mo?
A. daanan at hayaan na lamang ang sorbetero
B. dalhin ang lalaki sa estasyon ng pulis upang mabigyan ng kaso
C. paaalisin ang lalaki sa kanyang pwesto at isumbong sa may awtoridad
D. magalang na pagsabihan ang lalaki tungkol sa kanyang paglabag sa batas
32. Bakit mahalaga ang paggalang sa magulang at nakatatanda? Dahil _____.
A. matanda na sila
B. inaalagaan nila tayo
C. ito ay nagpapaligaya sa ibang tao
D. ito ay pagpapakita ng kabutihang asal at pagpapahalaga
33. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa nakatatanda?
A. pagsangguni sa mga nakatatanda kapag gagawa ng pagpapasiya
B. pagmamano at paggamit ng magagalang na salita sa lahat ng pagkakataon
C. pagbibigay ng opinyon kahit hindi kasangkot sa usapin ng mga nakatatanda
D. pagiging sensitibo sa mga salitang gagamitin kapag kinakausap ang nakatatanda
34. Alin sa sumusunod ang tanda ng kawalan sa paggalang sa awtoridad?
A. pagpuna sa mga maling ginagawa ng awtoridad sa pamamagitan ng pagsulat ng liham
B. pagbibigay ng suhestiyon para sa mga proyektong pampamayanan
C. hindi pagsunod sa batas trapiko dahil wala namang nakakakita
D. hindi paglabas ng bahay upang makaiwas sa sakit
35. Ano ang palatandaan na nalabag mo ang paggalang? Kapag _____.
A. hindi nabigyang halaga ang isang tao
B. hindi nakibahagi sa mga gawaing pambarangay
C. hindi pakikipag-usap sa mga taong nakahahalubilo
D. hindi kinikilala ang mga taong naging bahagi ng buhay
36. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na “Ang paggalang sa kapwa ay paggalang sa Dakilang
Lumikha?”
A. Igalang ang mga dakila.
B. Kailangan pairalin ang paggalang sa sanlibutan.
C. Marapat na igalang ang kapwa sapagkat sila ay dakila.
D. Maipakikita ang paggalang sa Diyos kapag ginagalang ang mga taong kanyang nilikha.
37. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng kawalan ng paggalang sa magulang?
A. pag-alis sa bahay nang hindi pinagbibigay-alam sa kanila
B. paggawa ng gawaing bahay kahit hindi nila sinasabi
C. pagkakaroon ng mababang marka sa pagsusulit
D. pagsangguni sa kanila bago gumawa ng pasiya.
38. Anong kilos ng mga Pilipino ang maituturing na tanda ng paggalang sa magulang at nakatatanda
dahil ito ay nangangahulugan ng mataas na pagpapahalaga sa magulang?
A. paggamit ng po at opo C. paggalang
B. pagmamano D. paglalambing
5

39. Nakita mo ang lola mo na naglalaba ng mga damit mo. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan siyang mag-igib ng tubig.
B. Hahayaan siya dahil ito naman ang kanyang ginusto.
C. Pagbawalan siyang pakialaman ang iyong mga gamit.
D. Kausapin siya ng mahinahon na itutuloy mo ang paglalabaa at magpahinga na lang ito.
40. Alin sa mga sumusunod and HINDI angkop na kilos sa pagsunod at paggalang ng magulang?
A. Isaalang-alang ang kanilang opinyon, damdamin o pananaw.
B. Maging mapagpakumbaba at iwasan ang pagiging mapagmataas.
C. Kausapin sila ng pasigaw kapag hindi sang-ayon sa kanilang sinasabi.
D. Mataas na pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang pagiging magulang.
41. Bakit nararapat na sumunod at galangin ng isang tao ang batas?
A. Upang mapanatili ang kaayusan, mapangalagaan ang kapayapaan, disiplina at kapakanan ng
bawat tao.
B. Upang maging matibay ang ugnayan sa magulang, nakatatanda ay may awtoridad.
C. Upang magkaroon ng magandang Samahan ang mga mamamayan.
D. Dahil sila ang naatasang mangalaga sa mga pamayanan.
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa magulang o nakatatanda?
A. Bago umalis sa kanilang bahay ay laging nagpapaalam si Nena sa kanyang nanay kung saan siya
pupunta.
B. Nais ng tatay ni Mando na siya ay kumuha ng kursong inhenyero, ngunit hindi ito ang kanyang
gusto kung kaya kinausap niya ito ng maayos at masinsinan.
C. Hindi laging naibibigay ng mga magulang ni Aya ang kanyang mga gusto, ngunit siya ay
lubusang pa ring nagpapasalamat sa kanyang mga magulang dahil hindi siya pinapabayaan.
D. Nagkaroon ng problema ang pamilya ni Xavier kung kaya hindi siya nabigyan ng magarbong
pagdiriwang ng kanyang kaarawan, kung kaya nagalit siya sa kanyang mga magulang.
43. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa awtoridad?
A. Paglilinis sa kapaligiran at maayos na pagtatapon ng basura.
B. Pagsunod sa tuntunin na ipinatupad ng pamahalaan.
C. Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang.
D. Pagiging magalang sa pakikipag-usap.
44. Ang mga sumusunod ay dahilan sa pagpapakita ng pagsunod at paggalang maliban sa ____.
A. Pagmamahal
B. Pansariling kapakanan
C. Malalim na pananagutan
D. Pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin ang pagpapahalaga
45. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mo dapat iginagalang?
A. Kaaway C. Magulang at nakatatanda
B. May awtoridad D. Wala sa nabanggit
46. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang mali?
A. Walang magulang na may gustong mapahamak ang kanilang mga anak.
B. Lahat ng kagustuhan ng mga magulang kahit na mali ay dapat sundin ng mga anak.
C. Malaki ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa paghubog at pagpapaunlad ng
pagpapahalaga ng isang tao.
D. Bilang isang mamamayan, nararapat lang na igalang at sundin ang panuntunan ng isang
pamayanan upang maging bahagi ng kaunlaran ng lugar.
47. Paano mo maipapakita na isa kang mabuting ehemplo sa kapwa mo kabataan?
A. Laging gawin ang makapagpapasaya sa iyo.
B. Pagsunod sa batas na ipinapapatupad ng lipunan.
C. Paggawa ng mga bagay na ikabubuti mo at ng iyong mga mahal sa buhay.
D. Pagiging masunurin, mapagmahal, at magalang sa mga magulang, nakatatanda, at may
awtoridad.
6

48. Ang paggalang at pagsunod ay kinakailangan din ng _______.


A. Mapanuring pag-iisip at may pagsa-alang-alang sa kung ano ang mabuti at makatarungan.
B. Determinasyon na sundin ang mga payo ng mga magulang at batas ng lipunan.
C. Kagandahang asal at pananampalataya ng isang taong may paggalang.
D. Tulong at pagmamahal ng mga taong nakapaligid.
49. Ano ang ibig sabihin ng “Lahat ng makikita o maobserbahan mo sa iyong paligid ay maaring
makaimpluwensiya sa iyong mga batayan at pagpapahalaga?”
A. Ginagaya ng isang tao kung ano ang ginagawa o pinaniniwalaan ng mas nakararami.
B. Ang mga tao ay madaling maimpluwensiyahan kung kaya marami ang naloloko at nabibiktima
ng scam.
C. Ang kaalaman ng isang tao ay nakabatay sa kung ano ang impormasyong nakuha niya sa
kanyang kapaligiran.
D. Magiging magalang at masunurin ang isang tao kung lumaki siya na nasasaksihan at
naipamulat ng mga taong nakapaligid sa kanya ang mga ito.
50. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng pagsunod sa mga magulang maliban sa isa. Alin ang
HINDI kabilang?
A. Magiging matiwasay ang pamumuhay.
B. Mawawalan ng kalayaan na gawin ang nais.
C. Hindi mapapariwara ng landas ng isang tao.
D. Magkakaroon siya ng magandang kinabukasan.

Inihanda ni:

JENINA C. ESPIRITU
Teacher I

Iniwasto at pinagtibay ni:

MARIA THERESA D. INES, Ph.D.


Principal II

You might also like