You are on page 1of 4

9. Sino ang pinuno na ang nagpakita ng pakikipaglabang di ginagamitan ng dahas?

A. Adolf Hitler B. Attila the Hun C. Jesse Robredo D. Mahatma Gandhi

10. Si Noel ang bagong pinuno ng samahan ng mga kabataan sa kanyang lugar. Kasama sa kanyang programa ang pagtuturo sa
kapwa kabataan ng paglilinis ng kapaligiran sa halip na nakatambay lamang. Anong
uri ng pamumuno ang kanyang gagawin?
A. Transpormasyonal B. Adaptibo C. Inspirasyunal D. Transaksyunal

11. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


A. Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kanyang pangarap.
B. Nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kanya kahit hindi bukal sa kanyang kalooban.
C. Si Maria ay hindi kuntento sa buhay na simple kaya nagsisikap sya na mapabuti ang pamumuhay.
D. Sa kabila ng mga pagpapalang natanggap ni Rey, marunong pa rin syang lumingon sa kanyang
pinanggalingan.

12. Ano ang tamang pagpapakita ng pagpapasalamat?


A. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit kulang sa gawa.
B. Paggawa ng kabutihang loob sa kapawa at paghihintay ng kapalit.
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
D. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.

13. Ano ang entitlement mentality?


A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
C. Ito ay ang pag-abuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.
D. Ito ay isang paniniwala na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat ay agad bigyan ng pansin.

14. Alin sa sumusunod ang hindi dulot ng pasasalamat?


A. Pagiging maingat sa materyal na bagay na binigay sa iyo.
B. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil mabait ka sa kanila.
C. Pagkakaroon ng kagalakan dahil kinilala mo ang kabutihang loob ng iyong kapwa.
D. Magaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil may positibong pananaw sa buhay.

15. Alin sa sumusunod ang hindi isang halimbawa ng pasasalamat sa loob ng tahanan?
A. Pagtulong sa simpleng gawain sa bahay.
B. Pagsasabi ng salamat dahil sa pagkaing inihanda ng magulang.
C. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagmamahal sa kanya.
D. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho sa kabila ng kakayahan ng magulang na magpa-aral.

16. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
B. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa abot ng makakaya.
C. Pagiging mabait sa tuwing may natatanggap na pabor.
D. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo.

17. Ano ang mabuting naidudulot ng pagiging mapagpasalamat sa ating kalusugan?


A. May kakayahang mag pokus ng isipan sa makabuluhang bagay kaya naiiwasan ang depresyon.
B. May maayos na sistema ng katawan sa pamamagitan ng malusog na presyon ng dugo at pulse rate.
C. Nakadaragdag ng likas na antibodies na sumusugpo sa masasamang bacteria sa katawan.
D. Lahat ng nabanggit.

18. Si Rita ay kuntento sa mga bagay na mayroon siya kung kaya’t naiiwasan niyang ikumpara ang buhay niya sa ibang tao.
Anong benepisyo ng pagiging mapagpasalamat ang ipinakita ni Rita?
A. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
B. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan.
C. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
D. Nagpapatibay ng moral na pagkatao.

19. Sa kabila ng nararanasang pagsubok si James, nananatili pa rin ang positibo niyang pananaw sa buhay. Anong benepisyo ng
pagiging mapagpasasalamat ang ipinakita ni James?
A. Nagpapatibay ng moral na pagkatao.
B. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
C. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
D. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan.

20. Alin ang maling pagkaunawa sa utang na loob o gratitude?


A. Pagtulong hindi lamang sa taong direktang tumulong sa iyo noon kundi maging sa ibang tao rin.
B. Pagbibigay ng tulong sa pinagkautangan ng loob sa kabila ng makasariling layunin ng taong ito.
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa sa iyo ng kapwa noong ikaw ay nangangailangan.
D. Pagkakaroon ng pusong mapagpasalamat sa bawat kabutihang natatanggap araw-araw.

CALAYAN EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.


Maharlika Highway, Lucena City, Philippines • Tel. No. +63 (042) 710-2514 loc 110
www.cefi.edu.ph
B. Para sa bilang 21-25. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin
ang angkop na sagot mula sa kahon sa ibaba.

A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao.


B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili at iwasan ang mapahiya, masisi, o maparusahan.
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao.
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa.

21. Ipinagkakalat ni Flor na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit siya rito dahil maraming tao ang
nais makipagkaibigan sa kaklase niya.

22. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa paglabag sa isang panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan,
humanap siya ng ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.

23. Kilala si Angelo sa labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kanyang guro na hindi nakikinig sa klase at
sa halip ay kinakausap at ginagambala ang kanyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya
dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

24. Pumunta kayo sa kaarawan ng iyong kaklase. Hindi nakapagpaalam sa magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na
hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pagkukuwentuhan, hindi ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na
pagagalitan siya ng kanyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling at sabihin na ginabi kayo dahil sa
paggawa sa isang proyekto.

25. Naglalaro sina Mika at Lia ng Barbie Doll. Ang manika ay bagong bili ng nanay ni Mika. Sa paglalaro nila ay di-sinasadyang
nasira ni Mika ang buhok ng manika. Sa takot na mapagalitan ay sinabi ni Mika na si Lia talaga ng nakasira ng laruan niya sa kanyang
ina.

C. Para sa bilang 26-30. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago ng katotohanan ang ipinapakita sa mga sumusunod na
sitwasyon. Piliin ang angkop na sagot mula sa kahon sa ibaba.

A. Pag-iwas (Evasion)
B. Pananahimik (Silence)
C. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation)
D. Pagbibigay ng salitang na may dalawang kahulugan (Equivocation)

26. Kahit na nasasaktan sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kanyang ama ay hindi pa rin
nagsasalita si Alvin.

27. Sinabi ni Joy sa kanyang ina na pupunta siya sa bahay ng kanyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng
mga ito dahil alam niyang hindi siya papayagan nito.

28. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya nito kung may gusto siya kay Charmaine. Sa halip ay sinagot niya ito
na magdadala kay Rene na mag-isip nang malalim sa dalawang posibleng ibig sabihin ng sagot niya.

29. Iniiba ni Leo ang usapan tuwing tatanungin niya sa tunay niyang damdamin para sa kanyang mga magulang na matagal na nawala
at hindi niya nakasama. Mas ipinararamdam na lamang niya na nasasaktan siyang pag-usapan ang bagay na ito.

30. Nagtatanong ang babaeng kapitbahay ni Cristy tungkol sa tila pagtatalo sa loob ng kanilang bahay ng nakaraang gabi. Sa halip na
sumagot sa tanong ng kaniyang kapitbahay ay sinagot na lamang niya nang pabiro ang tanong nito.

TEST II. TAMA O MALI


Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag. Isagot ang A-kung titik A lamang ang tama, B-kung titik B lamang
ang tama, C-kung parehong tama ang titik A at B, at D-kung parehong mali ang titik A at B.(2 puntos bawat isa)

31-32. A. Ang pagiging lider ay walang halaga kung walang mga tagasunod.
B. Sa isang pangkat ay kailangan ang isang lider upang magbigay ng direksyon.

33-34. A. Ang pamumunong inspirasyunal ay nakatuon sa pagkakaroon ng pagbabago.


B. Ang pamumunong transpormasyonal ay may pinamumunuan ng isang servant-leader.

35-36. A. Kapag ang isang lider ay may iba’t ibang istilo ng pamununo ay masasabing marunong siyang
makibagay sa sitwasyon.
B. Ang isang adaptibong lider ay karaniwang nahihirapan na makibagay sa iba’t ibang sitwasyon.

37-38. A. Maaring maging lider ang isang tao bagama’t limitado ang kaalaman niya sa pamumuno.
B. Ang isang lider ay kailangang patuloy na kinikilala at pinapaunlad ang kaniyang sarili.
CALAYAN EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.
Maharlika Highway, Lucena City, Philippines • Tel. No. +63 (042) 710-2514 loc 110
www.cefi.edu.ph
39-40. A. Nakasalalay ang kaganapan ng isang layunin sa pamamagitan ng kagalingan lamang ng lider.
B. Ang pakikinig sa makabuluhang suhestiyon ng mga tagasunod ay makakatulong sa pangkat.

41-42. A. Ang pagtanaw ng utang na loob ay isang halimbawa ng pagpapasalamat.


B. Ang maling paraan ng pagtanaw ng utang na loob ay nagbubunga nang masamang bagay.

43-44. A. Si Santo Tomas Aquinas ay nagbigay ng tatlong antas ng pasasalamat.


B. Isa sa tatlong antas ng pasasalamat ang pagkalimot sa ginawang kabutihan ng kapwa.

45-46. A. Ang taong laging nagrereklamo sa mga simpleng bagay ay walang pusong mapagpasalamat.
B. Ang bawat araw natin ay punung-puno ng mga mumunting bagay na dapat nating ipagpasalamat.

47-48. A. Ang kawalan ng pagpapasalamat o ingratitude ay walang epekto sa ating pagkatao.


B. Ayos lang na hindi na magpasalamat ang mga anak sa pagpapaaral ng kanilang magulang dahil
tungkulin naman talaga nila ito.

49-50. A. Ang taong mapagpasalamat ay nakakaiwas sa pagiging maiinggitin sa iba.


B. Ang taong mapagpasalamat ay marunong makuntento sa pagkakaroon ng mga simpleng gamit.

51-52. A. Ang pagsisinungaling ay nagiging tama kung maganda naman ang iyong layunin sa pagsasabi nito.
B. Ang pagsisinungaling ay hindi tama anuman ang layunin na nakapaloob sa pagsasabi nito.

53-54. A. Ang pagkokopyahan sa mga pagsusulit ay paraan ng pagtulong sa iyong kamag-aaral.


B. Ang pagkokopyahan sa silid-aralan ay pagkunsinte sa katamaran ng iyong kaklase.

55-56. A. Ang pagiging matapat sa salita at gawa ang pundasyon upang pagtiwalaan ka ng ibang tao.
B. Ang tiwala ng tao ay matagal makuha subali’t madaling masira dahil sa pagsisinungaling o panloloko.

57-58. A. Kung ang layunin ng taong nagtatanong ay para lamang maki-usyuso sa nangyari, dapat mo pa ring
sabihin ang buong katotohanan.
B. Ang pagsasabi ng totoo ay dapat sa angkop na sitwasyon, tao, at lugar.

59-60. A. Ang pagkuha ng bagay na hindi naman sa iyo ay halimbawa ng kawalan ng katapatan sa gawa.
B. Ang korapsyon ay nagpapakita ng kawalan ng katapatan sa gawa dahil sa kasakiman sa pera.

TEST III: PAGSULAT

Panuto: Magbigay ng paliwanag sa bawat katanungan.(10 puntos bawat isa)

61-70. Bakit mahalaga na magkaroon ka ng pusong mapagpasalamat? Anu-ano ang mga bagay na maaari mong gawin upang
magkaroon nito?

71-80. Masasabi mo ba na ikaw ay tapat sa iyong mga salita at gawa? Bakit? Ano ang iyong gagawin upang malinang ang birtud
(virtue ) na ito?

KRAYTIRYA 5 4 3
Ang paliwanag ay Ang paliwanag ay Ang paliwanag ay nagpakita
Katumpakan ng nagpakita ng nagpakita ng hindi ng kakulangan ng wastong
Paliwanag napakalinaw na gaanong malinaw na pagkaunawa sa konsepto.
(x2) pagkaunawa sa pagkaunawa sa konsepto.
konsepto.

Prepared by: Approved by:

MS. RENABETH T. ABETRIA MR. REYNALDO A. DIONIDO JR.


Subject Teacher Officer-in-Charge

Noted by:

CALAYAN EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.


Maharlika Highway, Lucena City, Philippines • Tel. No. +63 (042) 710-2514 loc 110
www.cefi.edu.ph
DR. MARIA SUSAN TERESITA S. CALAYAN
Vice President for Academic Affairs

CALAYAN EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.


Maharlika Highway, Lucena City, Philippines • Tel. No. +63 (042) 710-2514 loc 110
www.cefi.edu.ph

You might also like