You are on page 1of 6

9.

Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Cruz ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng
magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
A. Buo at matatag
B. May disiplina ang bawat isa
C. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
D. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos

10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na pundasyon
ng edukasyon para sa panlipunang buhay (school of social life)?
A. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.
B. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating buhay.
C. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
D. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa kapwa.

11. Bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?


A. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
B. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya .
C. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
D. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.

12. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao”. Ano ang ibubunga nito
sa isang tao kung isasabuhay niya ito?
A. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
B. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.
C. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
D. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa pakikipagkapwa.

13. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ano
ang pangunahing dahilan nito?
A. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
B. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
C. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
D. Susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.

14. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tunay na pagiging responsableng magulang?
A. Pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral.
B. Pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga
ito ay matagumpay na malampasan.
C. Pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa
kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
D. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan
ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.

15. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
B. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
C. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaralan.
D. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan.

16.. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba.
B. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
C. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan.
D. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang
mayroon siya.
17. Ano ang Diyalogo?
A. Ang diyalogo ay uri ng pakikipag-usap ng dalawa o higit pang tao.
B. Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadayalogo.
C. Pakikipagpalitan ng kuru-kuro o opinion
D. Handang makinig at marinig.

18. Ano ang monologo?


A. Ito ay may pakay na marinig lamang at hindi ang makinig.
B. Isang uri ng pagsasalita kung saan ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa sarili mismo.
C. Pagpaparatang sa kausap.
D. Nagsasalita na mag-isa.

19. Ano ang “I-Thou”?


A. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kanya.
B. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
C. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
D. Handang makinig at marinig.

20. Ano ang “I-It”?


A. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo.
B. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
C. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
D. Handang makinig at marinig.

21. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?


A. Sahod itaas, pasahe ibaba!
B. Tutulan ang Black Sand Mining sa Lingayen!
C. Suportahan po natin ang proyektong pabahay ng Gawad-Kalinga
D. Mahigpit pong ipinagbabawal ang panghuhuli at pagbebeta ng Gecko sa bayang ito.

22. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa unang bilang?
A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
B. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
C. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at
pang-ekonomiyang seguridad
D. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya

23. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
B. Bahagi ang mga ito ng papel na pampulitikal ng pamilya
C. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin
D.Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam
kung ano-ano ang karapatan at tungkulin nito

Para sa bilang 24-26: Tukuyin kung ang sumusunod ay:


A. Diyalogo B. Monologo C. A at B D. Wala sa pagpipilian

_____24. Nagkaroon ng pagpupulong ang samahang K-PSEP sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito,
ay mahusay magsalita. Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan na
imungkahi sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na “Boys and Girls Week”, ngunit hinid
siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto.

_____25. Pinagagalitan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis ng walang paalam. Walang
magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisisi sa pagsuway sa kanyang ina.

_____26. Malapit na ang ika-13 na kaarawan ni Jules. Kinausap ito ng kanyang mga magulan tungkol sa nais
nito sa kanyang kaarawan. Sinabi ni Jules sa magulang na nais niya sana ang isang party upan
maimbita ang kanyang mga kaibigan. Iminungkahi naman ng kanyang mga magulang na sila’y
kumain na lamang sa labas ang gagastusin sana sa party ay ibili na laman ng mga damit para sa mga
bata sa ampunan. Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi ng magulang. Nais ntong maging mas
makabuluhan ang kayang kaarawan.

Para sa Bilang 27-23: Tukuyin kung ang uri ng Diyalogo sa sitwasyon ay:
A. I-Thou B. I-It C. I agree D. I doubt

_____27. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kanyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng bago.
Nagtungo siya sa kanyang kumpareng si Kyle upang kumbinsihin itong bilhin ang kanyang lumang
kotse. Nakumbinsi naman niya ito dahil sila’y nagkasundo sa halaga nito.

_____28. May suliranin si Jane sa kanyang pamilya. Kailangan niya nang mapaghihingan ng kanyang sama ng
loob. Pumunta siya sa kanilang gurong tagapayo. Mahusay na tagapakinig ang kanilang gurong
tagapayo. Alam ni Jane na bibigyan siya nito ng panahon at hindi siya nito huhusgahan.

_____29. Maganda ang samahan nina John at kanyang ama. Pinakikinggan nito ang kanyang mga opinion sa
tuwing sila’y nagkakausap. Bagama’t hindi siya nito lagging pinagbibigyan sa kanyang mga gusting
gawin, alam ni John na ito’y para sa kaniyang ikabubuti.

_____30. Malapit na ang semestral break. Niyaya si Jose ng kanyang kaibigan na magbabakasyon sa isang
kilalang resort. Nag-isip si Josie nang paraan upang makumbinsi ang kanyang mga magulang na
siya’y payagan. Sa kanilang pag-uusap ay hindi rin niya ito napapayag. Masamang-masama ang loob
ni Jose sa mga ito.

_____31. Madalas nagkakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasbi ng
bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa argument ang dalawa.

_____32. Gandang ganda si Juan kay Mila. Matagal niya na itong crush. Hindi siya magkalakas ng loob na
lapitan ito at kausapin. Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang masaya si Juan. Wari ba’y
si Mila at siya lang ang nasa silid, hindi nila kapwa napapansin at naririnig ang ibang tao.

33. Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kung ang pakay ay
marinig lamang at hindi ang makinig, hindi ito nasa isang diyalogo kundi monologo. Ang
pahayag ay _____________________________________.
A. Wasto dahil ang kausap ay may kinakausap.
B. Mali dahil ang monologo sarili lang ang kausap.
C. Mali dahil ang diyalogo ay may kinakausap.
D. Mali dahil ang diyalogo ay may layuning marinig at makinig.

34. Ang karapatan para sa __________________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
A. kalusugan B. edukasyon C. buhay D. pagkain at tahanan

35. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpapasyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak – ito
ay __________________________________.
A. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos ng magmahal.
B. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
C. Susubok sa kanilang kakayahan ng ipakita ang kanialng pananagutan bilang magulang.
D. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
E. Bunga ng pagmamahalan ng mag-asawa.

36. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nang pagbabantay sa karapatan ng pamilya?
37. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa unang bilang?
A. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na pagbibilang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya.
B. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
C. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
D. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-
ekonomiyang seguridad.

38. Suriin ang sumusunod na mga larawan iayos ang mga ito ayon sa maaring maging pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari.

A. CBAD B. BCAD C. DACB D. DABC

39. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga bata ang mga magulang?
A. Dahil kasabay ng pgkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga batasa kaalaman kanilang makukuha sa paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gaawi ang tutularan ng mga bata.

40. Ang mga sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasya MALIBAN sa:
A. pagsusumikap
B. pagtataglay ng karunungan
C. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
D. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga

38. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing
ispirituwal MALIBAN sa _________________________________.
A. Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya.
B. Pagbibigay ng gatimpala sa anak para lang magsimba.
C. Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya.
D. Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalalman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya.

39. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayg
ang hindi nagpapatunay nito?
A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang magigin pakikitungo nito sa
iba.
C. Sa pamilya unang natutunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahana na gabay sa mga mata.
E. Ang pamilya ang unang nagturo ng magandang asal sa mga anak.

40. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nag sama-sama higit sa lahat ang pagsimba ng
magkakasama tuwing Linggo.Ano ang ipinakikia ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
A. Buo at matatag.
B. May disiplina ang bawat isa.
C. Nagkakaisa sa paraang ng pagsamba sa Diyos.
D. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman.

Para sa bilang 41-50: Basahin at unawain ang mga sumusunod sa sitwasyon at pahayag, piliin sa pagpipilian
sa ibaba ang mga dahilan at konsepto nito.
A. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig at iba
pang nilikha.
B. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at mga institusyong panlipunan
ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkuling ng
pamilya.
C. Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa kaysa sa debosyon sa pamilya.
D. Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pangibabawan ng batas ng
malayang pagbibigay.
E. Nagagampanan ng pamilya ang kanyang tungkulin na panatilihin at paunlarin ang kanyang
lipunang ginagalawan sa pamamagitan ng pagtupad sa kanyang papel sa lipunan at papel
pampolitikal.

_____41-42. Ang ama ang nagsisilbing haligi ng tahanan; siya ang naghahanapbuhay para sa pamilya.
Nakahanda siyang magtiis ng pagod at hirap para lamang maitaguyod ang kanyang asawa’t mga anak.
_____43-44. Hindi positibo ang pagiging labis na makapamilya. Sa halip na makiisa sa lipunan ay
pagkakawatak-watak at pagkakaniya-kaniya ang nililikha nito.
_____45-46. Dapat na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan.
_____47-48. Ang mga nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na isaisip ang kabutihan ng lahat
ng tao.
_____49-50. Si Ka Desto ang pinakamatanda sa magkakapatid na Reyes. Lahat sila ay may kaniya-kaniya nang
pamilya. Tuwing sasapit ang eleksyon ay nagkakaroon ng pagpupulong ang magkakapatid sa kani-
kanilang mga pamilya tungkol sa mga kandidatong kanilang susoportahan sa eleksyon. Mahalagang
makibahagi ang isang pamilya sa gawaing panlipunan at pampulitikal.

Prepared by:

MR. ALDRIN M. PARAISO


Subject Teacher

Reviewed by: Approved by:

MRS. ZARLENE B. MENDEZ MRS. AMELIA A. JARAPA


Academic Coordinator BED - Principal

You might also like