You are on page 1of 5

pUNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP 8

Timalang National High School


Timalang,Ipil,Zamboanga Sibugay

Pangalan :___________________________________________Iskor:______
Baitang / Seksyon :___________________________________Petsa:_____

Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na sagot sa hinihingi ng bawat aytem.

1..Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang
nagpapakita ng patunay?
A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.
B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang kasintahan.
C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang kaniyang pag-
aaral.
D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian ang lahat na
sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.

2. Paano naipakikita ang pakikiramay?


A. pamamasayal sa lugar na kinagigiliwan niya
B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan
C. pag-alok ng mga bagay na nakapasasaya sa kaniya
D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa

3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan?


A. pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay
B. pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay
C. pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay
D. pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan

4. Bakit natural na institusyon ang pamilya?


A. dahil nabuo ito sa pagmamahalan
B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal
C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa
D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya

5. Paano mapauunlad ang sarili?


A. pag-aaral nang mabuti
B. pagmamahalan at pagtutulungan
C. pagtutulungan sa anumang gawain
D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay

6.. Nagmamadali si Ellen na umalis ng bahay dahil ipinatawag siya ng boss tungkol
sa negosyo at nakita niyang umiiyak ang sanggol na kapatid at tila nagugutom.
Sa halip na ipagtimpala ng gatas ay nagmamadali siyang umalis ng bahay.
Angkop ba ang kilos na ipinakita ni Ellen?
A. Oo, sapagkat ipinatawag siya ng boss.
B. Hindi, dahil iniwan niya ang kapatid na gutom.
C. Oo, dahil mas importante ang trabaho kaysa pamilya
D. Hindi, sapagkat dapat inuuna ang kapakanan ng pamilya bago ang
trabaho dahil makapaghihintay naman ito.

7. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting


nagawa ng isang miyembro ng pamilya?
A. pag-aaksaya ng oras at panahon
B. magliliwaliw sa mga gustong lugar
C. pagtangkilik ng mga mabubuting kilos
D. pagsantabi ng tagumpay ng miyembro ng pamilya

8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na


pagmamahalan at pagtutulungan?
A. Ang pamilyang Catipun ay pinapairal ang pagiging maramot sa kapuwa.
B. Ang pamilyang San Diego ay tinatawanan ang mga problemang kinakaharap.
C. Ang pamilyang Monteclaro ay nagbabangayan sa tuwing may mabigat na gawain.
D. Ang pamilyang Cruz ay binibigyan ng gamot at inaalagaan ang miyembro ng pamilya sa tuwing may
nagkakasakit.

9. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatatag sa pagtutulungan ng pamilya?


A. Sinasarili ni Agatha ang problema sa pamilya kaya nakaranas ito ng depresyon.
B. Tila walang narinig si Romeo sa mga pangaral na ibinibigay ng ina kaya napariwara ang buhay nito.
C. Nakasanayan na ni Erning ang pagsinungaling sa kaniyang magulang at napagtanto niyang hindi ito
mabuti.
D. Sama-samang gumagawa ng mga gawaing bahay ang pamilyang Ligaya kayat napabibilis ang
pagtapos dito

10. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpapatatag ng


pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
A. Si Bernardo ay pamilyadong tao. Bumili siya ng pagkain para sa kaniyang sarili lamang kaya lubos
itong ikinagalit ng kaniyang asawa.
B. Si Pablo ay naglaan ng sapat na oras at panahon upang maipasyal ang pamilya sa plaza nang mapag-
usapan ang mga problemang nararanasan.
C. Ang pamilyang Remorosa ay sama-samang kumakain sa hapag-kainan. Pagkatapos kumain ng lahat ay
hinuhugasang mag-isa ni Jeasel ang
pinagkainan.
D. Ang pamilyang Pecundo ay walang pakialam sa isa’t isa. Parati na lamang nag-aaway ang mag-asawa.
Ang mga anak naman nito ay nalulong na sa online games.

11. Alin sa sumusunod ang kakikitaan ng paggabay sa pagpapasya?


A. sama-samang pagdarasal B. pagturo sa anak ng tama at mali
C. pagbabasa ng mga kuwento gabi-gabi D. pagturo sa paggamit ng banal na aklat

12. Ano ang bunga ng maling pagpili sa pagpapasya?


A. karahasan B. karanasan C. pagmamahal D. pagsisisi

13. Ano ang hinuhubog sa mga kabataan sa pagpili ng damit na maisusuot at


pagkuha ng kurso ayon sa kanilang nais?
A. pag-aayuno B. pagkilos C. pagpapasya D. pagsasakripisyo

14. Sino ang nagiging guro ng mga kabataan sa bahay kung saan ay tinuturuan at
tinutulungan sila sa mga takdang-aralin?
A. tiyuhin/tiyahin B. malapit na kaibigan C. malapit na kamag-anak D.nakatatandang kapatid

15. Ano ang tawag sa paraan ng pananampalataya ng mga kristiyano?


A. kapistahan B. kasal C. paghahanda D. pagsisimba

16. Sino ang gumagabay at humuhubog sa pamilya?


A. anak B. Lipunan C. magulang D. pamayanan

17. Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata?


A. karapatang kumain B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa edukasyon D. karapatang magkaroon ng magulang

18. Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa


mga bata?
A. paaralan B. mga kapitbahay C. mga kamag-anak D. kawani ng gobyerno

19. Sino ang naggabay sa mga anak sa bawat pagpapasya?


A. kaibigan B. kapatid C. magulang D. pamilya

20.Ano ang umusbong sa Pilipinas matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?


A. kapuluan B. kayamanan C. pagmamahal D. relihiyon

21. Alin sa sumusunod ang banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak?


A. pagkakaiba ng paniniwala B. labis na pagmamahal ng magulang
C. hindi angkop ang oras ng pagdedesisyon D. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba

22.Alin sa sumusunod ang banta sa pananampalataya ng pamilya?


A. pagsubok sa buhayB. pagkakaiba ng kultura
C. pagkilos ng hindi pinag-iisipan D. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba

23.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pag-aaral?


A. Oras ang naging kalaban ni Chacha sa pagtapos ng mga gawaing bahay.
B. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagtapos si Marco ng kolehiyo.
C. Nagsusumikap ang magkapatid na Nina at Nene upang may maipambili ng pagkain araw-araw.
D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Janine na iwanan ang pamilya at tumayo sa sariling
mga paa.

24.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa


pananampalataya?
A. Social Media ang naging dahilan kung bakit hindi nakapagtapos si Marco sa kolehiyo.
B. Ang kahirapan ang nagtulak sa magkapatid na Maria at Martha na maghanapbuhay.
C. Naging mabigat ang kalooban ni Arturo sa kapatid dahil sa pagsisinungaling nito.
D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Jose na magduda sa kaniyang pananampalataya.

25.Paano malalagpasan ang banta sa pagbibigay nang maayos na edukasyon? Sa


pamamagitan ng:
A. pag-unawa sa mga ginawang pasya B. pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya
C. pagpaplano sa sariling buhay at kinabukasan D. pagsasabuhay sa mga gawi, tulad ng
paggalang
26. Ano ang maaaring maidudulot sa pamilyang may pagkakaiba ng paniniwala?
A. pagkalito at pagkagulo B. pagkapoot at pagkamuhi
C. kalungkutan at kasiyahan D. pagmamahalan at pagtutulungan

27. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasya?


A. maingat na paghuhusga B. pag-unawa sa kalagayan
C. walang maayos na unawaan D. padalus-dalos sa paghuhusga

28. Alin naman sa sumusunod na uri ng komunikasyong pampamilya ang hindi


dapat pinapairal ng bawat pamilya sa lipunan lalong-lalo na sa kasalukuyang
panahon?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective

29. Sa isang pamilyang naharap sa iba’t ibang mga pagsubok sa buhay na patuloy
na humahamon sa kanilang katatagan, ano ang nararapat na komunikasyong
paiiralin sa tahanan?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective

30. “Sabihin mo sa akin ang iyong nararamdaman at naiisip bagamat kailangan mo


pa ring sundin ang mga payo namin sa iyo ng ama mo sapagkat ito ang
nakabubuti sa sitwasyon mo ngayon. Sana’y naiintindihan mo ang desisyon
namin sapagkat para lang din naman ito sa sariling kapakanan mo”. Anong uri
ng komunikasyon ang ipinapakita sa halimbawang ito?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective

31. Anong uri ng komunikasyong pampamilya na parehong hindi pinapahalagahan


ang pag-uusap at pagkakasundo?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective

32. Bakit mahalagang magkaroon ng bukas at tapat na komunikasyon sa bawat


miyembro ng isang pamilya?
A. para maturuan ang mga bata kung paano makipag-ugnayan sa iba
B. para hindi humantong sa pagkakahiwalay ng magulang at pagkawatak-watak ng miyembro ng pamilya
C. para magkaroon ng ideya ang bawat miyembro tungkol sa iniisip at nararamdaman ng ibang miyembro
ng pamilya
D. para makabuo ng tahanan na kumikilala sa malayang pagpapahayag ng pagkakaiba, pagmamahal at
pagpapahalaga sa isa’t isa

33. Anong uri ng pakikipag-ugnayan sa pamilya na kung saan ay dumadaan sa


proseso ng hindi pagkakaunawaan, pagbabangayan ng magkasalungat na ideya
at pagtatalo ngunit sa huli ay nagkakaunawaan at nagtutulungan upang malutas
ang problemang pinagtatalunan?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective

34. Anong komunikasyon naman ang pinapairal ng mga magulang na karaniwang


nagsasabi na, “Basta’t sundin mo lang ang mga sinasabi ko nang sa ganoon ay
wala tayong pagtatalunan dahil kami ang mas nakaaalam. Papunta pa lang kayo
kami ay pabalik na.”?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective
35.Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita ng angkop na kilos tungo sa
pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya?
A. pagkaiinggit sa natamo ng iba B. paglilihim ng problema sa mga magulang
C. pagbibigay ng pantay na pagtingin o hatol D. pagpapakita ng pagsang-ayon sa lahat ng oras

36.Ano ang nararapat gawin kung napagalitan ka ng iyong ina dahil umalis ka nang
walang paalam?
A. lalambingin ito at aaluin B. hihingi ng dispensa o paumanhin
C. hahayaan na lamang na magagalit ito D. iiyak nang malakas upang mapatawad

37.Ano ang nararapat gawin kung nakita mong hindi sinasadyang nabasag ng iyong
kapatid ang mamahaling vase na collection ng iyong ina?
A. Tatakutin at isusumbong B. Sisigawan at pagagalitan
C. isusumbong agad sa magulang ng mapagalitan D. pakalmahin at payuhang magtapat sa
magulang

38.Ano ang nararapat gawin kung napansin palaging pinapaburan ng iyong mga
magulang ang iyong bunsong kapatid?
A. pagselosan mo ang bunsong kapatidB. aawayin ito nang madalas hanggang sa mapansin
C. kakausapin ang magulang at ipagtapat ang napuna
D. Kakausapin ang magulang at sabihing ikaw ang mas magaling

39.Ano ang nararapat gawin kung nagalit ang iyong ama dahil pinakialaman mo ang
kanyang gamit na hindi nagpapaalam?
A. magalit din sa kanya B. yayakapin ang ama at iiyak
C. magkunwaring walang alam D. makinig sa pangaral at humingi ng paumanhin

40a.Paano mapauunlad ang komunikasyon sa pamilya?


A. Ipilit ang nais mangyari.
B. Pakinggan ang panig ng bawat isa.
C. Isaalang-alang ang pansariling desisyon.
D. Sabay-sabay na magsasalita ang pamilya.

You might also like