You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
DON ANDRES SORIANO NATIONAL HIGH SCHOOL
Don Andres Soriano, Toledo City

REVIEW
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Pangalan:____________________________________ Petsa:________________________________

Taon at Pangkat:______________________________ Iskor:_________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?
A. pagkakaroon ng mga anak
B. pagtatanggol ng karapatan
C. pagsunod sa mga patakaran
D. pinagsama ng kasal ang magulang

2. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano ang dapat
tularan sa pamilya Dela Cruz?
A. pagiging disiplinado
B. pagiging matatag sa sarili
C. walang anumang alitan ang bawat isa
D. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon

3. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.” Anong
aral ang mapupulot sa kasabihan?
A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan

4. Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Shina. Sila ay pinatira muna nila
Janna sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila. Anong kaugalian ang umuiiral kay Janna?
A. ang pagkamatulungin ni Janna
B. naging mapagkumbaba siya sa iba
C. pagpapakita ng malasakit sa kapuwa
D. pagiging mabait sa mga nangangailangan

5. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang
byanan upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byanan?
A. madasalin
B. matulungin
C. mapagkunwari
D. mapagkumbaba

6. Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang;


A. Maging matatag ang pamilya.
B. Maayos ang pagtrato sa bawat isa.
C. Mapanatili ang respeto sa isa’t isa.
D. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.

7. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili?


A. Makadagdag ng alalahanin
B. Naging masalimuot ang buhay.
C. Mahirap makamit ang tagumpay.
D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay.

8. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan?


A. nagbigay ng kalungkutan
B. pagpapasya para sa kaniya
C. paggiit sa iyong kagustuhan
D. pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa

9. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?


A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally
B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan
C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap
D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan

10. Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
A. pagkakaisa sa mga gawain
B. mag-isang naglilinis ng bakuran

C. pinapairal ang pagiging maramot

D. nagbibingi-bingihan sa utos ng magulan

11. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng isang miyembro ng
pamilya?
A. pag-aaksaya ng oras at panahon
B. nagliliwaliw sa mga gustong lugar
C. pagtangkilik ng mga mabubuting kilos
D. pagsasantabi ng tagumpay ng miyembro ng pamilya
12. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatatag sa pagtutulungan ng pamilya?
A. Sinasarili ni Agatha ang problema sa pamilya kaya nakaranas ito ng depresiyon.
B. Tila walang narinig si Romeo sa mga pangaral na ibinibigay ng ina kaya napariwara ang buhay nito.
C. Nakasanayan na ni Erning ang magsinungaling sa kaniyang magulang at napagtanto niyang hindi ito
mabuti.
D. Sama-samang gumagawa ng mga gawaing bahay ang pamilyang Ligaya kaya’t napabibilis ang pagtapos
ditO.

13. Sino ang gumagabay at humuhubog sa pamilya?


A. anak
B. lipunan
C. magulang
D. pamayanan
14. Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata?
A. karapatang kumain
B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa edukasyon
D. karapatang magkaroon ng magulang
15. Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa mga bata?
A. paaralan
B. mga kapitbahay
C. mga kamag-anak
D. kawani ng gobyerno

16. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pag-aaral?


A. Oras ang naging kalaban ni Chacha sa pagtapos ng mga gawaing bahay.
B. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi agad nakapagtapos si Marco ng kolehiyo.
C. Nagsusumikap ang magkapatid na Nina at Nene upang may maipambili ng pagkain araw-araw.
D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Janine na iwanan ang pamilya at tumayo sa sariling mga
paa.
17. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng banta sa pananampalataya?
A. Social Media ang naging dahilan kung bakit hindi nakapagtapos si Marco sa kolehiyo.
B. Ang kahirapan ang nagtulak sa magkapatid na Maria at Martha na maghanapbuhay.
C. Naging mabigat ang kalooban ni Arturo sa kapatid dahil sa pagsisinungaling nito.
D. Ang pagkakaiba ng paniniwala ang nagtulak kay Jose na magduda sa kaniyang pananampalataya
18. Paano malalagpasan ang banta sa pagbibigay nang maayos na edukasyon?
A. sa pag-unawa sa mga ginawang pasya
B. sa pagkakaisa at pagtutulungan ng pamilya
C. sa pagpaplano sa sariling buhay at kinabukasan
D. sa pagsasabuhay sa mga gawi, tulad ng paggalang
19. Ano ang maaaring maidudulot sa pamilyang may pagkakaiba ng paniniwala?
A. pagkalito at pagkagulo
B. pagkapoot at pagkamuhi
C. kalungkutan at kasiyahan
D. pagmamahalan at pagtutulungan
20. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasya?
A. maingat na paghuhusga
B. pag-unawa sa kalagayan
C. walang maayos na unawaan
D. padalus-dalos sa paghuhusga

Isulat ang tsek ( ) sa sagutang papel kung ang pahayag ay nagpapakita ng angkop na kilos tungo sa
pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya at ekis ( ) naman kung hindi.

1. tumutulong sa mga gawaing-bahay

2. ipinagluto ng pagkain ang kanyang lolo at lola

3. pagtanggap sa pagkakamaling nagawa

4. may pagkukusa sa mga gawain

5. nakikibahagi sa mga usaping pampamilya kung kinakailangan

6. naging tapat sa lahat ng sasabihin

7. marunong tumupad sa pinag-usapan

8. laging wala sa bahay dahil kasa-kasama ang mga barkada

9. pantay na paghatol

10.marunong makinig sa kausap

You might also like