You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao

LAGUMANG PAGSUSULIT #1
PANGALAN:______________________________________________________ISKOR: ______________

BAITANG/SEKSIYON:______________________________PARENT’S SIGNATURE: _________________

PANUTO: BASAHING MABUTI ANG BAWAT TANONG O SITWASYON AT PILIIN ANG TAMANG SAGOT. ISULAT ANG
TITIK LAMANG.

1. Nakatanggap ka ng text mula sa kaklaseng ipinagbigay-alam sa iyo na may pagbabago sa takdang panahon ng
pagsumite ng performance task sa asignaturang EsP 8. Agad ka namang nag-reply at nagpapasalamat rito. Anong
paraan ng pasasalamat ang ipinakita mo sa sitwasyon?
A. Pagpadala ng liham
B. Tumulong sa ibang tao
C. Berbal na pagsasabi ng “Salamat”
D. Pagsasabi ng salamat sa chat o text
2. Alin sa pagpipilian ang dapat natin pakatandaan sa salitang biyaya maging ito man ay pisikal o ispirtwal?
I. para sa lahat
II. galing sa Diyos
III. galing lamang sa tao
IV. nararapat na pasalamatan
V. hindi na kailangang pasalamatan
A. I, II, III
B. I, III, IV
C. II, IV, V
D. I, II, IV
3. “Kung marunong kang tumanggap ay marunong ka rin magbigay.” Sa aling paraan ng pasasalamat ito tumutukoy?
A. Sa pamamagitan ng liham
B. Tumulong sa ibang tao
C. Pagbigay ng simpleng regalo
D. Berbal na pagsasabi ng “salamat”
4. Kung may higit tayo na pasasalamatan ay Siya yaong araw-araw na nagbibigay ng biyaya sa lahat ng nilalang. Para
kanino ipinahiwatig ang pangungusap na ito?
A. sa Diyos
B. sa hayop
C. sa halaman
D. sa taong mapagbigay

5. Desisyon ng Diyos na pagpapalain tayo dahil sa labis Niyang pag-ibig sa atin. Bilang kanyang nilalang ano ang ating
dapat na gawin?
A. magpasalamat lagi
B. magpasalamat minsan
C. magpasalamat kung naka-alala
D. magpasalamat sa piling biyaya lamang
6. Ano sa salitang Filipino ang salitang Griyego na charis?
A. Biyaya B. Kailangan C. Kupeta D. Utang na loob
7. Ano ang dalawang uri ng biyaya?
A. Pisikal at Mental
B. Ispirtwal at Mental
C. Pisikal at Ispiritwal
D. Mental at Emosyonal
8. Alin sa sumusunod ang may tamang halimbawa ng biyayang pisikal?
A. Parangal, Dangal, Tagumpay, Kabiguan
B. Katahimikan, Dangal, Kabiguan, Kalusugan
C. Kasaganaan, Kaunlaran, Katahimikan, Kalusugan
D. Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Kasaganaan, Kaunlaran, Tagumpay
9. Kung nakatanggap ka ng bigas at inumin noong panahon ng enhanced community quarantine mula sa
nagmamalasakit mong kapitbahay. Anong uri ng biyaya ang iyong natatanggap?
A. Emosyonal B. Ispiritwal C. Mental D. Pisikal
10. Dahil sa pagpapahiram ng laptop ng iyong kapitbahay ay matagumpay mong naisagawa ang online na pagtatalumpati
na isang performance task sa asignaturang EsP 8. Anong uri ng biyaya ang ibinigay sa iyo ng Diyos sa
pagkakasangkapan ng mga taong nagmamahal sa iyo?
A. Kaunlaran B. Kasaganaan C. Parangal D. Tagumpay
11. Paano masasabing nagpasasalamat ang taong nakatanggap ng tulong sa kanyang kapwa?
A. pagpapakita ng inggit
B. pagpapalagay sa sarili bilang biktima
C. pagpapakita ng Entitlement Mentality
D. pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan
12. Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?
A. pagtulong sa mga gawain sa bahay
B. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa
C. pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
D. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo

13. Abala ang mga magulang ni Jessy sa kanilang trabaho. Palagi na lang itong pagod kapag umuuwi ng bahay. Siya na
ang gumagawa ng mga gawaing bahay para mabawasan ang mga isipin ng mga ito at maaga itong makapagpahinga
dahil alam niyang hindi madali ang maghanapbuhay. Paano naiparamdam ni Jessy ang pasasalamat nito sa kanyang
magulang?
A. pagtulog nang maaga
B. pagtulong sa mga gawaing bahay
C. pag-iwas sa mga gawaing bahay
D. pagbababad nito sa panonood ng iba’t ibang pelikula
14. Anong ugali mayroon si Jessy?
A. maalalahanin B. matapat C. masipag D. matapang
15. Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad nang mag-isa si Berta hindi sinasadyang
masagi nito ang inaalagaang pananim ng kanilang guro. Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siya
natulungan ng kanyang matalik na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang guro dahil may iba rin itong lakad. Sa isip
niya, maraming pagkakataon na natulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya na ang
nangangailangan wala ito sa kanyang tabi. Kakikitaan ba ng pagpapasalamat sa kanyang kapwa si Berta?
A. Hindi, dahil matalik silang magkaibigan.
B. Oo, dahil alam niyang may trabaho pa ito.
C. Oo dahil nauunawaan niyang importante rin ang lakad ni Berto kaya hindi siya natulungan.
D. Hindi, dahil sa kagustuhang niyang dapat na tulungan rin siya ng kanyang kaibigan nararapat lamang na nasa
tabi niya ito palagi.
16. Anong katangian ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapasalamat ni Berta sa kanyang kaibigan?
A. maunawain
B. mabait sa kanyang kaibigan
C. pagpapakita ng inggit sa kapwa
D. hindi paglimot sa kanyang nagawang tulong
17. Anong klase ng ugali ang ipinapakita ni Berta?
A. maaalalahanin B. maawain C. mapagbigay D. sakim
18. Alin sa mga sumusunod ang nagpahahayag ng salitang ingratitude?
A. isang ugaling hindi dapat pamarisan
B. isang nakahihiyang gawi ng katauhan
C. isang mabigat na kasalanan sa lipunan
D. isang masamang ugali na nagpabababa sa pagkatao
19. Paano mo malalaman kung ang isang nilalang ay nagtataglay ng ingratitude?
A. kapag nandaraya sa kapwa
B. kapag kinalimutan ang pinagsamahan
C. kapag hindi kinilala ang tulong na natanggap
D. kapag hindi nagbabayad nang tama sa pinagbilhan
20. Bakit nagkakaroon ng entitlement mentality ang isang indibidwal?
A. dahil likas ito sa bawat tao
B. dahil nakapagbibigay ng kasiyahan sa sarili
C. dahil iniisip niyang kailangan ito ng sangkatauhan
D. dahil iniisip niyang karapatan itong dapat matugunan
21. Alin sa mga sumusunod ang isang antas ng kawalan ng pasasalamat?
A. hindi pagtupad sa mga pangako
B. hindi pagtugon sa mga kahilingan
C. hindi pagbalik ng kabutihang loob sa kapwa
D. hindi pagbalik ng mga hiniram na kasangkapan
22. Tinawag si Ana ng drayber ng motorsiklong sinakyan at ibinigay ang paying na muntik na niyang makalimutan. Paano
maipakikita ni Ana ang pasasalamat sa drayber?
A. sa pamamagitan ng paglibre sa ibang pasahero
B. sa pamamagitan ng pagdoble ng kanyang pamasahe
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng liham pasasalamat
D. sa pamamagitan ng pagbigkas ng salita ng pasasalamat
23. Hindi ipinaalam ni Ricky na siya ang iskolar ng isang pulitiko. Tama ba ang ginawa ni Ricky?
A. Mali, dahil naging mapagmataas siya.
B. Tama, dahil hindi naman ito kailangang ipagsigawan.
C. Tama, upang hindi mahaluan ng pulitika ang kanyang katauhan.
D. Mali, dahil kailangan niyang kilalanin ang tulong na ibinigay ng kapwa.
24. Tuwang-tuwa si Roger sa natanggap na inaasam na sapatos mula sa kanyang tiya sa ibang bansa. Paano agad
maipamamalas ni Roger ang pasasalamat sa kanyang tiya?
A. sa pamamagitan ng pagyakap nito kapag nakauwi na sa bansa
B. sa pamamagitan ng pagpapasabi ng pasasalamat sa kanyang mga magulang
C. sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham pasasalamat para sa kanyang tiya
D. sa pamamagitan ng pag-tag sa kanyang tiya ng pasasalamat sa social media sa panahon ng pagkatanggap
nito
25. Bakit kailangang magpasasalamat sa biyayang kaloob ng kapwa?
A. sapagkat isa itong pagtanaw ng utang na loob
B. sapagkat nakatutulong ito sa popularidad ng tao
C. upang hindi ganahang tumulong ang iba sa kapwa
D. upang makapagbigay kasiyahan sa taong nagbigay ng tulong

You might also like