You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
CALUBIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukayon sa Pagpapakatao 8


Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang buong papel.

1. Ito ay isang pagpapakita ng pagkilala sa mga biyayang natatanggap na ginagawa mula sa kaibuturan ng ating mga
puso._____?
A. Pagsusuhol B. Pasasalamat C. Paglilibre D. Pagtatanggol
2. Ano sa salitang Filipino ang salitang Griyego na charis?
A. Biyaya B. Kailangan C. Kupeta D. Utang na loob
3. Ano ang dalawang uri ng biyaya?
A. Pisikal at Mental C. Pisikal at Ispiritwal
B. Ispirtwal at Mental D. Mental at Emosyonal
4. Alin sa sumusunod ang katumbas sa Filipino ng salitang Griyegong “gratus”?
A. Grasya B. Paalam C. Pagtitiis D. Pasasalamat
5. Alin sa sumusunod ang may tamang halimbawa ng biyayang pisikal?
A. Parangal, Dangal, Tagumpay, Kabiguan
B. Katahimikan, Dangal, Kabiguan, Kalusugan
C. Kasaganaan, Kaunlaran, Katahimikan, Kalusugan
D. Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Kasaganaan, Kaunlaran, Tagumpay
6. “Kung marunong kang tumanggap ay marunong ka rin magbigay.” Sa aling paraan ng pasasalamat ito tumutukoy?
A. Sa pamamagitan ng liham C. Pagbigay ng simpleng regalo
B. Tumulong sa ibang tao D. Berbal na pagsasabi ng “salamat”
7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita kung paano masasabing nagpapasasalamat ang taong nakatanggap ng
tulong sa kanyang kapwa?
A. pagpapakita ng inggit
B. pagpapalagay sa sarili bilang biktima
C. pagpapakita ng Entitlement Mentality
D. pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan
8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?
A. pagtulong sa mga gawaing bahay
B. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa
C. pagpapasalamat ng hindi bukal sa puso
D. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
9. Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapasalamat. Alin dito ag hindi kabilang?
A. Pagbibigay ng liham pasasalamat
B. Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
C. Magpasalamat sa bawat araw
D. Pagkikibit balikat sa mga kabutihang ginawa
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat sa kapwa?
A. Pagpuri sa gawa, ugali, kakayahan o talentong mayroon sila na lubos mong hinahangaan.
B. Pagpapakita ng “Entitlement Mentality” o ang paniniwala na anumang inaasam ng isang tao
ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin.
C. Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
D. Pagpuri sa gawa, ugali, kakayahan o talentong mayroon sila na lubos mong hinahangaan.
11. Ang pagsasabi ng “salamat” o pagpapakita ng pasasalamat ay malaki ang maitutulong sa pagpapabuti ng_____.
Ano ito?
A. pagpapabuti ng relasyon sa kapwa C. pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa
B. pagpapabuti ng katayuan sa buhy D. pagpapabuti kalagayan ng panahon
12. Ano ang tawag sa paniniwala ng isang tao na ang lahat ng kanyang kagustuhan ay kanyang
karapatan na kailangan agad matugunan?
A. Crab Mentality B. Persuasive Mentality C. Entitlement Mentality D. Expressive Mentality
13. Alin sa mga sumusunod ang isang antas ng kawalan ng pasasalamat?
A. hindi pagtupad sa mga pangako C. hindi pagbalik ng kabutihang loob sa kapwa
B. hindi pagtugon sa mga kahilingan D. hindi pagbalik ng mga hiniram na kasangkapan
14. Ano ang kahalagahan ng pagiging mapagpasalamat?
A. Ito ay ugaling dapat paunlarin.

Brg y. Ca b a lquinto , Ca lubia n,Le yte


Em a il Add: 303358@de pe d.g o v.ph
Te le p ho ne Num b e r: 09996882506
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
CALUBIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

B. Ito ay kakayahang dapat panatilihin.


C. Ito ay nagpapakita ng kakayahang magbalik ng utang na loob.
D. Ito ay nagpapakita ng kagandang asal at nag-aangat sa pagkatao.
15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salitang gratis?
A. pagpapasalamat sa piling mga biyaya
B. pagpapasalamat ng malugod sa kapwa
C. pagpapasalamat ng may pagtatangi sa kapwa
D. pagpapasalamat ng libre at walang inaasahang kapalit
16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salitang gratia?
A. Ang pagpapasalamat ay malugod sa kaibuturan.
B. Ang pagpapasalamat ay nagdudulot ng kasiyahan.
C. Ang pagpapasalamat ay kailangan upang muling tulungan.
D. Ang pagpapasalamat ay pagtatangi sa taong pinapasalamatan.
17. Ang sumusunod ay mahahalagang dahilan sa pagiging mapagpasalamat, maliban sa isa:
A. dahil sa konsensiya at kailangan lang
B. sapagkat ito ay nakapagbibigay kasiyahan
C. ito ay nagpapakita ng kagandahang asal at nag-aangat sa pagkatao
D. upang makatanggap muli ng biyaya
18. Ang mga sumusunod ay epekto ng kaligayahang dulot ng pasasalamat, maliban sa isa.
A. napapa normal ang pulso ng katawan C. nakakalikha ng maraming antibodies sa katawan
B. napapatibay ang moral ng pagkatao D. nagiging makakalimutin at magulo ang isipan
19. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pasasalamat?
A. pagpapasalamat ng may kagalakan sa sarili C. pagpapasalamat ng hindi taos puso
B.pagpapasalamat ng pagkukunwari dahil may kapalit D. wala sa nabanggit
20. Ang mga sumunod ay mga angkop na pagpapasalamat na pagpapakita ang pagmamahal sa isang komunidad,
maliban sa isa:
A. pagsama sa isang community service
B. pagtugon sa mga programa ng mga lokal na opisyal alinsunod sa kaunlaran sa kumunidad
C. pagrereklamo sa mga ordinansang pinapatupad sa barangay
D. pagsuporta sa mga alituntunin para sa kumunidad
21. Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito, “Ignorance of the law excuses no one”?
A. mangmang ang taong walang alam sa batas
B. makukulong ang taong walang alam sa batas

C. payapa ang barangay kapag nasusunod ang mga ordinansa


D. hindi dahilan ang kawalan ng kaalaman batas upang makaiwas sa
pananagutan ukol rito
22. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang na may katarungan at pagmamahal sa
magulang?
A. Kinakausap ni Peter ng pabalang ang kanyang magulang.
B. Hindi humihingi ng kapatawaran sa Ina si Jean tuwing nagkakamali.
C. Tumutulong si Nena sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan.
D. Sa tuwing nag-uusap ang magulang ni Jassy, nakikisabat ito kahit hindi kinakausap.
23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan sa pagsunod at paggalang sa may awtoridad?
A. walang kamalayan sa batas na ipinaiiral
B. pagsunod sa mga patakaran sa pamayanan
C. hindi pagbibigay-alam sa mga kapitbahay tungkol sa bagong batas
D. hindi pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad
24. Ano ang tawag sa pagsunod nang walang sapat na pagninilay at pag-iisip?
A. Blind Obedience B. Blind Operation C. Blind Cooperation D. Blind Construction
25. Naubusan na ng load si Alice at wala na siyang perang pang-load ngunit kailangan pa niyang magsaliksik para
masagutan ang gawain sa Asignaturang EsP 8. Laking tuwa niya at nagpasalamat siya nang alukin siya ng
kaibigan na gamitin muna niya ang cellphone nito. Anong paraan ng pagpapasalamat ang ginawa ni Alice sa
nasabing sitwasyon?
A. Pagpadala ng liham C. Pagbigay ng simpleng regalo
B. Tumulong sa ibang tao D. Berbal na pagsasabi ng “Salamat”
26. Si Brex ay nakatanggap ng text mula sa kanyang Tita Agnes na padadalhan siya ng pera para may magagamit
na panggastos sa kanyang online class kaya agad siyang nag-reply at nagpapasalamat ng buong puso sa tulong ng
kanyang tita. Anong paraan ng pagpapasalamat ang ginawa ni Brex sa nasabing sitwasyon?

Brg y. Ca b a lquinto , Ca lubia n,Le yte


Em a il Add: 303358@de pe d.g o v.ph
Te le p ho ne Num b e r: 09996882506
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
CALUBIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

A. Pagpadala ng liham C. Berbal na pagsasabi ng “Salamat”


B. Tumulong sa ibang tao D. Pagsasabi ng salamat sa chat o text
27. Desisyon ng Diyos na pagpapalain tayo sa kabila ng ating mga kasalanan. Bilang kanyang nilalang ano ang
ating dapat na gawin?
A. magpasalamat lagi C. magpasalamat kung naka-alala
B. magpasalamat minsan D. magpasalamat sa piling biyaya lamang
28. Mabait at mapag -arugang ina si Pastel sa kanyang mga anak. Lumaki ang mga itong mapagkalinga sa mga
taong nakapaligid sa kanila. Isang araw, napagbintangan itong nagnakaw sa kanyang pinagtatrabahuan kahit
hindi naman ito totoo. Isinaloob na lamang ito ng ginang dahil ayaw niyang makagambala sa kanyang mga anak.
Lingid sa kanyang kaalaman, nalaman ng mga anak ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban ng ina. Habang
umiiyak ito sa kanilang silid pinuntahan siya ng kanyang mga anak inaliw siya at dinamayan ng mga ito at
sinabing naniniwala silang hindi nito magagawa ang mga ibinibintang na kasalanan dito. Anong paraan ang
ginawa ng mga anak upang mapasalamatan ang kanilang ina?
A. Binigyan ng papuri ng mga anak ang kanilang ina.
B. Inaway ng mga ito ang kanilang ina sa ginawang kasalanan nito.
C. Pagpapabaya ng mga ito sa problemang kinakaharap ng kanilang ina.
D. Pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan.
29. Angkop ba ang kilos na ipinakita ng mga anak sa kanilang ina kung pagbabatayan ang pananaw o perspektibo
ng katarungan?
A. Hindi, dahil panlalamang ito sa kapwa.
B. Hindi, dahil masama ang pinaggagawa nito.
C. Oo, dahil wala naman itong ginawang kasalanan at napagbintangan lamang ito.
D. Oo dahil ito ang nagpalaki sa kanila dapat ay kinukunsinte na lamang nila ang mga ginagawa nito.
30. Lumaki sa mahirap na pamilya si Diego. Sa murang edad, nangarap siya na sa kanyang paglaki ay tutulungan
niya ang kanyang pamilya upang maiahon ito sa hirap ng buhay na pinagdaraanan nila. Isang pangyayari ang
nagtulak kay Diego na makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa Maynila nang minsang magkasakit ang
kanyang ama. Pinalad siyang makapasok bilang isang construction worker. Dahil sa matibay na paniniwala nito
sa Poong Maykapal, hindi siya sumuko sa mga pagsubok na kanyang nararanasan. Nagsikap ito sa kanyang
trabaho hanggang sa kalaunan ay umangat ang posisyon nito. Kinuha itong kanang kamay ng kanilang boss.
Napagamot niya ang kanyang ama at umasenso ang kanilang buhay. Upang makapagpasalamat sa Panginoon sa
lahat ng biyayang natanggap niya tinulungan din niya ang mga taong kanyang nakasasalamuha na
nangangailangan ng tulong. Paano naipakikita ni Diego ang kanyang pasasalamat sa Panginoon?
A. paglilingkod sa kapwa C. pagiging tapat sa kanyang trabaho
B. pagkaawa sa kanyang ama D. pagkatutong tumulong sa kanyang sarili
31. Tama ba ang paraan ng pagpasasalamat ni Diego sa Panginoon?
A. Oo, dahil nakapagbahagi siya ng tulong sa kanyang kapwa.
B. Oo, dahil matalino siyang tao.
C. Hindi, dahil hindi niya natulungan ang mga kasamahan niya sa trabaho.
D. Hindi, dahil naimpluwensiyahan lamang siya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.
32. Anong katangian ang ipinakita ni Diego para pagpalain siya ng Panginoon sa kabila ng napakaraming
pagsubok na kanyang nararanasan?
A. masipag B. matalino C. matatag D. matulungin
33. Tuwang-tuwa si Roger sa natanggap na inaasam na sapatos mula sa kanyang tiya sa ibang bansa. Paano agad
maipamamalas ni Roger ang pasasalamat sa kanyang tiya?
A. sa pamamagitan ng pagyakap nito kapag nakauwi na sa bansa
B. sa pamamagitan ng pagpapasabi ng pasasalamat sa kanyang mga magulang
C. sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham pasasalamat para sa kanyang tiya
D. sa pamamagitan ng pag-tag sa kanyang tiya ng pasasalamat sa social media sa panahon ng
pagkatanggap nito
34. Binigyan si Rosa ng bulaklak ng kanyang kaibigan sa kaarawan nito. Paano niya matutugunan agad ng
pasasalamat ang kanyang kaibigan?
A. sa pamamagitan ng pagngiti at pagyakap sa kaibigan
B. sa pamamagitan ng pag-text sa kaibigan kung maaalala niya na ito
C. sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham pasasalamat sa susunod na buwan
D.sa pamamagitan ng pagbibigay ng mamahaling regalo sa mismong kaarawan din nito
35. Tinawag si Ana ng drayber ng motorsiklong sinakyan at ibinigay ang payong na muntik na niyang
makalimutan. Paano maipakikita ni Ana ang pasasalamat sa drayber?
A. sa pamamagitan ng paglibre sa ibang pasahero
B. sa pamamagitan ng pagdoble ng kanyang pamasahe
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng liham pasasalamat
D. sa pamamagitan ng pagbigkas ng salita ng pasasalamat

Brg y. Ca b a lquinto , Ca lubia n,Le yte


Em a il Add: 303358@de pe d.g o v.ph
Te le p ho ne Num b e r: 09996882506
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
CALUBIAN NATIONAL HIGH SCHOOL

36. Si Maxine ay lumiban sa klase at sumama sa barkada na maligo sa swimming pool. Nang tinanong siya ng
magulang kung bakit siya ginabi ay sinabi nitong nag-aaral sila ng kanyang mga kamag-aral. Paano hindi
naisabuhay ng Maxine ang paggalang sa magulang?
A. hindi niya sinama ang mga magulang sa pagligo
B. nagsasabi siya ng totoo na nag-aaral lamang siya kasama ang mga kaklase
C. nagsinungaling siya sa kung ano talaga ang kanilang ginawa
D. ninakaw niya ang pera ng ina para sa gala
37. Alin sa pagpipilian ang dapat natin pakatandaan sa salitang biyaya maging ito man ay pisikal o ispirtwal?
I. para sa lahat
II. galing sa Diyos
III. galing lamang sa tao
IV. nararapat na pasalamatan
V. hindi na kailangang pasalamatan
A. I, II, III
B. I, III, IV
C. II, IV, V
D. I, II, IV
38. Bakit mahalaga ang pagpapasalamat?
A. sapagkat karapatan nilang mapasalamatan
B. sapagkat ito ay tanda ng ating natamong biyaya
C. sapagkat walang ibang gagawa nito sa iyong kapwa
D. sapagkat ito ay tanda ng pagkilala sa biyayang natanggap
39. Bakit kailangang magpasasalamat sa biyayang kaloob ng kapwa?
A. sapagkat isa itong pagtanaw ng utang na loob
B. sapagkat nakatutulong ito sa popularidad ng tao
C. upang hindi ganahang tumulong ang iba sa kapwa
D. upang makapagbigay kasiyahan sa taong nagbigay ng tulong
40. Bakit mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
A. dahil ito ay magandang asal na magdudulot ng kabutihan sa sarili at kapwa
B. dahil ito ay utos ng may awtoridad
C. upang makatapos ng pag-aaral
D. upang magkaroon ng kapayapaan sa komunidad

“Nguni’t kung nagkukulang ng karungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na


nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibigay sa kaniya.” Santiago 1:5

Inihanda nina:

JOHN B. LUAY CHRISTINE P. NORIGA ROSALINA M. MOLIN


Teacher III Teacher III Teacher III

Sinuri ni:
MELCHIE D. PONCE
MT-I/AP Department Head

Inaprubahan ni:

ISIDORE VICENTE V. VILLARINO, D. M.


Principal IV

Brg y. Ca b a lquinto , Ca lubia n,Le yte


Em a il Add: 303358@de pe d.g o v.ph
Te le p ho ne Num b e r: 09996882506

You might also like