You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – B MIMAROPA
Division of Occidental Mindoro
CAMINAWIT NATIONAL HIGH SCHOOL
Caminawit, San Jose, Occidental Mindoro
School I.D. 308909

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
a. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lang dahil alam niyang pahalagahan ang mga
mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
b. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kanyang
pinanggalingan.
c. Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kanyang mga pangarap.
d. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kanya kahit hindi bukal sa kanyang
kalooban.
2.Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
b.Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito.
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
3. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
a. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
b. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
mas malusog na presyon ng dugo at pulse rate.
c. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
d. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.
4. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng
dagliang pansin.
c. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
d. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang
pangangailangan.
5. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
a. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
b. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.
c. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
d. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao.
6. Ang mga sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
b. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila ng may pantustos ang
mga magulang.
c. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
d. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal
sa kanya.
7. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
a. kalooban c. damdamin
b. isip d. konsensya
8. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo.
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya.
9. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
a. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo.
b. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang.
c. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong.
d. Ang kawalan ng utang- na- loob sa taong tumutulong.
10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
a. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya.
b. Pagpapasalamat ng hindi bukal sa puso
c. Hindi pagkilala o pagbibigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
d. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad.
11. Ayon sa kanya ang utang na loob ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya o pabuya mula sa
sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutan.
a. Fr. Albert Alejo c. Aesop
b. Santo Tomas Aquino d. Misyonaryo
12. Ito ay nagmula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay nakalulugod.
a. Gratus c. Gratis
b. Gratia d. Grata
13. Ito ay nagmula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay pagtatangi.
a. Gratis c. Grata
b. Gratia d. Gratus
14. Ito ay nagmula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay libre o walang bayad.
a. Gratia c. Gratis
b. Gratus d. Grata
15. Ito ay gawi ng isang taong handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kanya ng
kabutihang- loob.
a. Pagpapasalamat c. Kabutihan
b. Utang-na-loob d. Kayamanan

II. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.


Paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang?
16.
17.
18.
19.
Paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?
20.
21.
22.
Paano maipapakita ang paggalang at pagsunod sa mga taong may awtoridad?
23.
24.
25.

III. Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad sa bawat pangungusap.


26. Ang kabutihan o kagandahang loob ay magkasingkahulugan.
27. Ang kabutihan ay nangangahulugan ng kaaya-aya,kaayusan at kabutihan.
28. Ang ganda ay tumutukoy sa inner self o real self.
29. Ang inner self ay tinatawag na kakanyahan ng tao.
30. Si Aristoteles ay isang Griyegong pilosopo na ang pilosopiya ay magkaroon ng pangmatagalang
impluwensya sa pag-unlad ng “Western Philosophy”.
31. Ang etika Nikomakiya ay etikang isinulat ni Plato.
32. Ang huling layunin ng tao ay ang kaligayahan.
33. Ang kabutihan ng indibidwal ay tunay na nag-uugat sa kanyang pagkatao.
34. Ang isang tao ay may kakayahang malampasan ang anumang pagsubok dahil may talino at lakas na
nagmula sa kanyang kalooban.
35. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos na manlilikha.

IV. Ipaliwanag:
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?
2. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan sa ating buhay?

Goodluck!!!
Maam Joy

You might also like