You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
SY: 2022-2023

I-A.PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik sa papel.

1. Sino sa mga sumusunod ang higit na pasasalamatan dahil sa labis nilang pagmamahal at pag-aaruga sa
atin?
A. Kapwa C. Magulang
B. Kapit-bahay D. Kamag-aral
2. Ano ang pagtatangi o kabutihan sa salitang Latin?
A. Gratia C. Gratus
B. Gratis D. Gratitude
3. Ano ang pinaka-unang gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa kabutihang ginawa ng iba?
A. Magpasalamat C. Ililibre ng pagkain
B. Bigyan ng pera D. Magbigay ng regalo
4. Ano ang tawag sa pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin?
A. Gratis C. Ingratitude
B. Gratitude D. Entitlement Mentality
5. Anong kaugalian ang pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa iyo ng
kabutihan?
A. Halaga C. Pasasalamat
B. Kabutihan D. Kawalan ng pasasalamat
6. Ano ang masamang ugali na ito na nakapagpapababa sa ating pagkatao?
A. Utang na loob C. Pagpapasalamat
B. Pagpapahalaga D. Kawalan ng Pasasalamat
7. Ano ang nag-uudyok sa atin upang isabuhay ang birtud ng pasasalamat?
A. Kaisipan C. Kalooban
B. Konsensiya D. Pagpapasiya
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi paraan ng pagpapakita g pasasalamat.
A. Magpasalamat sa bawat araw
B. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
C. Magbigay ng simple o munting regalo
D. Pagbalewala sa kabutihang ginawa ng kapwa
9. Ang sumusunod ay mga gawain sa loob ng tahanan, alin sa mga ito ang dapat nating iwasan?
A. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
B. Paguwi ng gabi dahil napagalitan ng magulang.
C. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
D. Pagyakap sa iyong ina dahil sa paghahanda ng mga gamit mo.
10. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas de Aquino?
A. Pagpapasalamat
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
C. Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.
D. Paggawa ng kabutihan bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo ng iba.
11. Sa paanong paraan maipapahayag ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
B. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa dahil naghihintay ng kapalit.
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
D. Paggawa ng kabutihan sa kapwa dahil nais mong mapansin ng marami.
Page | 1
12. Ito ang pagkilala, pagpapahalaga at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng
matinding pangangailangan.
A. Pagpapahalaga C. Pagmamalasakit
B. Pagpapasalamat D. Pagtanaw ng Utang na Loob
13. Ito ay dakilang birtud at isang paraan tungo sa magandang pakikitungo sa kapwa.
A. Kasipagan C. Pasasalamat
B. Tiyaga D. Kawalan ng pasasalamat
14. Si Rommel ay tinuruan ni Rico sa pag-iintindi ng mga aralin sa asignaturang Matematika sapagkat hindi ito
masyadong nakakasabay.Anong uri ng pasasalamat ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Pasasalamat C. Pagpapahalaga
B. Papuri sa Kabayanihan D. Pagtulong sa Kapwa
15. Bilang pagtanaw sa kabutihan ng isang taxi driver na nagbalik ng naiwang bag ng Manager sa
kanyang sasakyan, inabutan siya nito ng malaking pera. Anong uri ng pasasalamat ang ipinapakita sa
sitwasyon?
A. Pasasalamat C. Pagpapahalaga
B. Pagtanaw ng utang na loob D. Pagtulong sa Kapwa
16. Ipinagmamalaki ng ating pamahalaan ang sakripisyo ng mga doktor at nars sa panahon
ng krisis na dala ng pandemya. Anong uri ng pasasalamat ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Papuri sa kabayanihan C. Pagpapahalaga
B. Pagtanaw ng utang na loob D. Pagtulong sa Kapwa
17. Hindi nakalimutan ni Gina ang mabuting samahan na kanyang naranasan noong siya
ay nagbakasyon sa lugar ng kanyang pinsan sa Quezon, Kaya sinabi niya sa mga ito na sila naman ang
magbakasyon sa kanila sa susunod. Anong uri ng pasasalamat ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Pasasalamat C. Pagpapahalaga
B. Pagtanaw ng utang na loob D. Pagtulong sa Kapwa
18. Binigyan ng liham ni Rose ang kanyang pinsan sa kabutihang ipinakita nito?
A. Pasasalamat C. Pagpapahalaga
B. Pagtanaw ng utang na loob D. Pagtulong sa Kapwa
19. Alin sa mga sumusunod na gawain ang walang maidudulot na pakinabang sa isang tao?
A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa
pananaw sa buhay
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagkahumaling sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
20. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
A. May mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan.
C. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria
sa katawan.
21. Paano maisasabuhay ang pasasalamat sa biyayang handog ng Diyos sa iyo?
A. Pahalahagan, ingatan at ibahagi sa iba.
B. Gawin ang lahat ng magagawa upang mapuri ng iba.
C. Gamitin ang mga pagpapala sa pansariling kapakinabangan.
D. Paggawa ng mga bagay na di makatwiran upang makamit lamang ang nais.
22. Sa bawat araw ng iyong paggising, mahalagang alisin sa isipan ang mga negatibong kaisipan.Harapin ang
bawat araw sa pag-iisip ng mga biyayang natatanggap. Anong paraan ng pagpapakita ng pagpapasalamat ito?
A. Magpasalamat sa bawat araw
B. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
C. Magbigay ng munti o simpleng regalo
D. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan
23. Wala kang kakayahan na suklian ang regalong binigay ng iyong kaibigan.Ano ang pwede mong gawin
upang maipadama ang iyong pasasalamat sa kanya?
A. Magbigay ng liham pasasalamat.
B. Mangungulit sa nanay na bigyan ka ng pera.
C. Gamitin muna ang perang pinatago sa iyo ng klase ninyo.
Page | 2
D. Mangutang ng pera upang makabili ng regalo para sa kaibigan.
24. Alin ang tanda ng isang taong tunay na may pasasalamat sa handog na buhay sa kanya?
A. Si Mary Ann ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil pinahahalagahan niya
ang mga biyayang natatanggap mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Greg, marunong pa rin siyang tumingin
sa kaniyang pinanggalingan.
C. Nag-aaral nang mabuti si Lenny upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
D. Laging nagpapasalamat si Danny sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal
sa kaniyang kalooban.
25. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
26. Ano ang entitlement mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat
bigyan ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan
ang kanilang pangangailangan.
27. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng entitlement mentality?
A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
B. Ang pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
D. Ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong
28. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paggawa ng kabutihan sa pamilya?
A. Tumutulong ako sa mga gawaing bahay.
B. Hindi ako nagpapatalo sa aking mga kapatid.
C. Sumasama at nakikibahagi ako sa mga selebrasyon sa pamilya.
D. Sumusunod ako sa mga ipinag-uutos ng aking mga magulang at nakatatanda.
29. Alin sa mga pangangailangan ng ibang tao ang maaari mong matugunan sa ngayon bilang isang
kabataang nag-aaral pa lamang?
A. Pag-aaruga sa lahat ng mga taong may karamdaman.
B. Pagbibigay ng pabahay sa mga pamilyang walang matirhan.
C. Pagsama sa mga kabataang gumagamit ng dahas upang ipaglaban ang mga karapatan.
D. Pagsali sa mga organisasyon o samahan na may adhikaing tulungan ang mga taong higit na
nangangailangan.
30. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakita ng kabutihan sa paaralan?
A. Wala akong pakialam sa aking mga kamag-aral.
B. Mahilig akong bumati sa mga guro at opisyal ng paaralan.
C. Hindi ako tumutulong sa mga taong may pangangailangan sa paaralan.
D. Ayokong makibahagi sa mga selebrasyon at gawain sa paaralan,
31. Paano mo maipapakita ang paggawa ng mabuti sa iyong pamayanan?
A. Hindi ko kinikilala ang aming mga kapitbahay.
B. Hindi ako sanay magbigay ng simpleng tulong sa mga taong namamalimos.
C. Wala akong hilig na sumama sa mga gawain at selebrasyon sa pamayanan.
D. Ipinapakita ko ang pagmalasakit sa mga taong nangangailangan kahit na sa simpleng paraan lamang.
32. Alin sa mga sumusunod na gawain ang higit na nagpapakita ng angkop na paggalang?
A. Pagbibigay ng halaga sa isang tao.
B. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
C. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
D. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.

33. Ano ang isinasaad sa Golden Rule o Gintong aral?


Page | 3
A. Kapag may tiyaga may nilaga.
B. Daig ng maagap ang masipag.
C. Ang pagsisikap ay may katumbas na tagumpay.
D. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.

34. Ito ang isa sa maraming paraan ng pagpapakita ng ating paggalang sa magulang at sa
nakatatanda, maging sa mga may awtoridad.
A. Pagtakbo C. Pagmamano
B. Pagsuway D. Pagtapik
35. Hinahangaan ni Michelle si Bong sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Bong ang
naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin nito,ay kaniyang sinusunod at ginagawa
nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang
kilos ni Michelle ay nagpapakita ng…
A. Katarungan C. Pagpapasakop
B. Kasipagan D. Paggalang
36. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pwedeng maitutulong ng pagsasabuhay ng birtud ng
pagsunod?
A. Disiplina sa sarili
B. Pagkamit ng kabutihang panlahat
C. Pagiging mapaniil at makasarili
D. Mapapanatili ang kapayapaan ng isang relasyon o lugar
37. Alin sa mga sumusunod ang magiging bunga ng kawalan ng pagsunod at paggalang?
A. Pag-ibig sa kapwa
B. Pagkakaisa at pagkakapatiran
C. Pagiging ligtas at pagkakaroon ng kalayaan
D. Kapahamakan, at kawalan ng katarungan at pagmamahal sa kapwa.
38. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod, maliban sa:
A. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin.
B. Pagpapawalang bahala ng payo ng mga magulang at nakatatanda
C. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang
at pagsunod.
D. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
39. Ano ang iyong mararamdaman kung may mga bagay kang nagawa at nakita mong ipinagmamalaki ka ng
iyong pamilya sa iba?
A. Katanyagan C. May halaga
B. Pag-unawa D. May limitasyon
40. Maipapakita mo ang paggalang at pagsunod sa sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad
kung kinikilala mo ang binigay na hangganan. Anong paraan ang tinutukoy dito?
A. Mapagmalasakit C. Pagiging maalalahanin
B. Pagkilala sa limitasyon D. Paggalang sa kagamitan nila
41. Gumagawa ng card si Annie tuwing sasapit ang anibersaryo ng kanyang mga magulang at namimitas
siya ng mga bulaklak sa kanilang hardin para ibigay sa kanila. Sa anong paraan ng paggalang ito tumutukoy?
A. Pagiging maalalahanin C Pagtupad sa itinakdang oras
B. Pagiging mapagpakumbaba D.Pagkilala sa mga limitasyon
42. Tuwing makakasalubong ni Joanh ang kanyang mga guro o mga opisyal ng paaralan sa pampublikong
lugar, ano ang mararapat niyang gawin?
A. Titigan sila C.Iwasan at huwag pansinin
B. Ngitian lang sila D, Batiin sila nang may paggalan
43. Si Christine ay umuuwi sa bahay sa oras na itinakda ng kanyang mga magulang at sinasabi niya kung
saan siya pumupunta. Ano ang ipinapakita niyang pagsunod o paggalang?
A. Pagiging mapagmalasakit C, Pagtupad sa itinakdang oras
B. Pagkilala sa mga limitasyon D.Paggalang sa kanilang mga kagamitan

44. Kapag ang magulang ay nagtakda ng oras, dapat itong igalang sa pamamagitan ng hindi pag-abuso sa
itinakda. Anong paraan ng paggalang sa magulang ang ipinapakita?

Page | 4
A. Pagiging maalalahanin C.Pagkilala sa hangganan o limitasyon
B. Pagtupad sa itinakdang oras D.Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal

45. Ipakita sa nakatatanda na sila ay naging inspirasyon at huwaran lalo na sa paggawa ng mabubuting
bagay sa kapwa. Anong paraan ng paggalang at pagsunod sa nakatatanda ang ipinakita?
A. Sila ay arugain at pagsilbihan. C. Iparamdam ang iyong pagmamahal
B. Paghingi ng kanilang mga payo. D.Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya
46. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paraan ng pagtuturo sa isang bata ng tamang pagsunod at
paggalang?
A. Pagwawasto ng mga magulang C.Maging isang mabuting halimbawa sa mga anak
B. Paghingi ng payo sa mga nakakatanda D.Hindi pagsasabuhay ng itinuturong aral ng
magulang.
47. Paano mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Ipahayag ang iyong pananaw kahit na ito ay hindi makatotohanan.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan kahit na ikaw ay nasa maling katwiran.
C. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa kahit ito’y di makatwiran.
D. Pakikinig sa kanila at pag-unawa na hindi lahat ng pasiya mo ay magiging kaaya-aya

48. Nahuli ka ng iyong guro na nagkokodigo sa inyong pagsusulit. Kinausap ka niya na dalhin ang iyong mga
magulang upang mapag-usapan ang pangyayaring iyon. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag sabihin sa magulang ang nangyari.
B. Sasabihin sa magulang ang totoo at isama sila sa skwelahan.
C. Magdala ng ibang tao na magpapakilalang sila mga magulang mo.
D. Magsinungaling sa guro na nasa malayong lugar ang iyong magulang.

49. Napansin mo sa loob ng silid-aralan na malungkot ang iyong matalik kaibigan, ano ang maaari mong
gawin upang maibsan ang kanyang nararamdaman?
A. Hayaan lamang ito
B. Lapitan at alamin kung ano dahilan
C. Maghanap ng ibang makakwentuhan
D. Kukulitin siya na samahan ka sa canteen
50. Alin sa mga sumusunod ang marapat na pakikitungo sa kapwa?
A. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
B. Nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.
C. Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.
D. Pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.
51. Nagkaroon ng isang gawaing pampaaralan ang inyong samahan. Bilang isang miyembro, paano mo
maipapakita ang iyong pagsang-ayon sa inyong proyekto?
A. Makigulo kapag may hindi nagkakaunawaan.
B. Pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat.
C. Paghahanap ng iba pang samahan na makakaintindi sa’yo.
D. Pagsabi sa mga mag-aaral na huwag tangkilikin ang gawaing pampaaralan.
52. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapwa?
A. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa
C. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan
D. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

53. Paano mo maipapakita ang pagsang-ayon sa mga gawaing panlipunan?


A. Paglabag sa tuntunin ng moralidad.
B. Pamumuhay sa labis na karangyaan.
C. Magiliw na pagtanggap lalo na sa mga mayayamang panauhin.
D. Makilahok at boluntaryong maglilingkod sa pamayanan o tumulong sa mga kapus-palad.
54. Alin sa mga sumusunod na gawain ang dapat iwasan upang maipamalas ang pagmamahal sa kapwa?
A. Paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
B. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan
C. Pagtanggap sa kaniya anuman ang estado niya sa buhay
D. Pagbibigay ng kaniyang mga nais sa buhay sa lahat ng pagkakataon

Page | 5
55. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang
bata, ang bata ay:
A. Walang kakayahang makasunod sa mga utos ng mga magulang.
B. Nagkakaroon ng pagkilala sa pagsunod sa kaniyang mga gusto sa buhay.
C. Nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
D. Sumusunod sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang mabuti man o masama.
56. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng
kakayahang magpasakop?”
A. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
B. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga
ipinag-uutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod.

57. Sinabi ni Cheryl sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi
rito na malayo ang tirahan niito dahil alam niyang hindi siya papayagan. Tama ba ang ginawa ni Joy?
A. Tama, dahil hindi naman alam ng kanyang ina ang totoo. C. Mali, dahil walang ibang maisip na
paraan si Joy.
B. Tama, upang makapunta siya sa bahay ng kaibigan. D.Mali, sapagkat siya ay hindi nagsasabi
ng totoo.

58. Bilin ng nanay ni Julie na hanggang ika-apat ng hapon lamang siya maaaring maglaro sa labas. Ngunit
nalimutan niya ang bilin ng ina. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Itutuloy pa rin ang paglalaro.
B. Hindi na siya kailanman maglalaro sa labas.
C. Sabihin sa ina na wala siyang dalang relo kaya di napansin ang oras.
D. Humingi ng paumanhin sa nanay dahil nakalimutan niya ang bilin nito.

59. Naglalaro si Eden sa kanyang cellphone nang marinig niya ang tawag ng kanyang ina.
Ano ang gagawin ni Eden?
A. Magtago upang hindi mautusan
B. Ihinto ang paglalaro at puntahan ang ina
C. Magkunwaring hindi narinig ang tawag ng ina
D. Pumunta sa kwarto at magkunwaring natutulog

Matiyaga si Anne sa pagbabalik-aral ng kanilang leksiyon dahil nalalapit na ang kanilang pagsusulit. Nung
araw ng pagsusulit nakita niya ang matalik niyang kaibigan na nagkokodigo.
Kung ikaw ang nasa katayuan ni Anne, sa paanong paraan mo matutulungan si Mika upang matigil ang mali
niyang gawain?
A. Isumbong si Mika sa kaniyang mga magulang
B. Isusumbong agad sa guro si Mika upang mapagalitan ito
C. Sabihan ang iyong katabi na sabihin sa guro ang ginawa ni Mika
D. Kausapin siya ng masinsinan at pakinggan ang paliwanag kung bakit nakuha niyang gawin iyon

Prepared by: Approved by:

MARY ANN N. NAVAJA HENRY M. LICO

Grade 8 Teacher Principal I

Checked by:
ABEGAIL DAROY

FILIPINO Proofreader

Page | 6
Page | 7

You might also like